Nagising ako na mabigat na ang loob. Ilang linggo ko ng tinitiis si Raf dahil sa gulo ng isip ko. Miss na miss ko na ang pagbati niya sa akin tuwing umaga, 'yung mga halik niyang malambing at pagbuhat papuntang hapagkainan. Kaso kahit pa gano'n, kailangang mas piliin kong tiisin na muna siya kaysa magkasakitan kaming dalawa. Ang gulo ng isip ko. May mga bumabalik na alaala ngunit puro kay Stephen lang. Ayokong masaktan ko si Raf, na paggising ko isang araw si Stephen pala ang totoong mahal ko at hindi siya. Ayokong masaktan ko siya. Tama na siguro na nakagawa ako ng isang agarang desisyon na um-oo ako para pakasalan siya ulit salit na hindi ko pa naaalala si Stephen. Masakit at mahirap pero kung minsan ay umiisip na ko ng paraan kung paano 'to aayusin. Itong gusot-gusot kong buhay. Ngay