AN: Ang story na ito ay nabuo mula sa pagkabata ko at sa kababata ko, ang ilan dito ay totoong nangyari sa buhay ko hanggang sa maging gangster siya. ???
==========================================
Mazel
Habang nakikinig kami ng kantang ngayon ko lang narinig pero ang sarap niyang pakinggan. Ngayon ko lang 'yon narinig.
"Ano ang title ng song na 'yan?" basag ko sa katahimikan namin.
"If tomorrow never comes." simply na sagot niya lang.
"Bakit pang matanda na 'yang mga kanta na 'yan ah?" Wika ko pero ngumiti lang siya.
Lumipas ang ilang oras nagpaalam na ako 'kay Dancun na labis na kinalungkot ko dahil maghihiwalay na kami ulit malapit na kasi magdilim.
"Sige, uuwi na ako kasi darating na ang papa ko ngayon. Bukas na lang ulit ha?" Paalam ko sa kanya.
"Ganun ba? Sige, ako rin uuwi na pero sandali lang may ibibigay pala ako sayo."
Natigilan naman ako nang makita ko na may dinukot siya mula sa bulsa nang pantalon niya.
"Ano naman ang ibibigay mo?" tanong ko sa kanya.
"Halika dito lumapit ka sa akin tapos talikod ka." seryoso na sabi niya.
Nagtataka na sumunod ako sa sinabi niya, hinawi niya ang buhok ko papunta sa harapan ko.
"Nagsha-shampoo ka ba? Bakit ang dry ng buhok mo?"
Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya. Talaga to! Lahat napapansin araw-araw kaya ako naliligo.
"Syempre naman noh! Pintasero ka talaga, ano ba kasing gagawin mo?" Naaasar na ako at narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Sandali lang huwag ka kasing malikot baka maputol 'to."
Nakita at naramdaman ko na lang na may lumawit na makinang na bagay sa ibabaw ng dibdib ko at alam ko silver ang tawag dito. Bakit niya ako sinuutan ng kwintas? At mukhang mamahalin 'to. Naitanong ko sa isipan ko.
"Para 'yan sa iyo para lagi mo akong maalala." Nakangiti niyang sabi nang lumipat siya paharap sa akin.
Ang gwapo niya talaga kahit bata pa siya, siguro pareho kaming nine years old or higit siya sa akin. Ano bayan keringkeng ko nakakahiya naman.
"Para sa akin to? Nakakahiya naman." sagot ko at hindi ko magawang tumingin sa kanya. Tinuon ko na lang ang aking paningin sa kwintas na hugis bilog ito na may hati sa gitna. Ano kaya 'yon? May hati sa gitna? Siguro pwede 'yon pag-hiwalayin. Sa isip-isip ko.
"Wala 'yon, pinasadya ko 'yan talaga para talaga sa iyo kapalit ng drawing na kinuha ko." nakangiti niya pa na sabi.
"Kapalit ng drawing ko? Eh, mukhang ang mahal nito." tukoy ko sa kwintas na bigay niya at kumikinang pa. Ngumiti lang siya sa akin na kinayuko ko ulit. "Magkano ba to?" curious na tanong ko pa.
"Huwag ka ng magtanong baka hindi mo na isuot kapag nalaman mo." mayabang na sagot niya.
Natulala naman ako at masaya na may halong kabang naramdaman. Iingatan ko ito Duncan...
"Talaga? Salamat!" sabay yakap ko sa kanya nagulat naman ako nang itulak niya ako palayo. "Bakit?" Takang tanong ko naman sa kanya at umatras naman siya palayo sa akin.
"Nothing! Sorry! Sige na umuwi ka na baka gabihin ka pa sa daan, mag-iingat ka rin." taboy niya na nakangiti.
Naguluhan man ako sa kinilos niya pinabayaan ko na lang siya at umalis na ako para makauwi na. Naramdaman ko na nakatingin lang siya sa akin habang naglalakad ako palabas ng pader.
Tulad ng dati nagmamadali ako sa paguwi galing sa school. Nagpalit agad ako ng pangbahay para mapuntahan ko na agad si, Dancun.
Tamang-tama wala naman si mama umalis na para magtinda nang turon. Ala-una na sa katanghalian nang pumunta ako do'n sa sabdivision sa likod ng pader. Ang saya-saya ko habang naglalakad at kapit-kapit ko sa kanang kamay ko ang kwintas na binigay ni, Dancun.
Pagdating ko dito nagtaka ako kasi walang Dancun na naghihintay kahit bakas man lang na may dumating dito wala kang makikita talaga. Bigla akong nakaramdam ng kalungkutan at umupo ako dito sa paborito ko na upuan ang biak na bato kung saan magkatabi kaming nauupo ni Dancun.
Baka naman parating na 'yon kausap ko sa isipan ko, maghihintay na lang muna ako habang nagkukuyakoy ang mga paa ko. Pero lumipas na ang kalahating oras siguro 'ay wala pa rin si Dancun.
Hangang sa mag-isang oras na ang lumipas wala pa rin s'ya kaya umuwi na lang ako kasi baka may ginawa lang siya kaya hindi nakapunta. Ganon pa man may lungkot sa aking mga mata at sa batang puso ko.
Ilang araw pa ang lumipas at halos araw-araw ako'ng nagpabalik-balik doon at walang Dancun na nagpakita sa akin. Nakaramdam na ako ng lungkot dahil hindi ko na siya nakikita kasabay nang mga pag-iisip ng kung anu-ano.
Siguro ayaw niya na akong maging kaibigan o kaya naman pinagbawalan na siya nang mama niya.
Pero hindi ako sumuko at muli akong nagpunta doon at naupo, dahil nagbaba-kasakali na nandidito siya. Dalawang linggo na ang lumipas kaya naman sobrang nalulungkot na ako at namimiss ko na siya, bigla na lang tumulo ang mga luha ko.
"Ang daya mo naman Dancun!" sigaw ko kahit wala naman akong kausap dito. "Ang daya mo talaga! Hindi ka man lang nagpaalam sa akin. Nasaan ka na ba?" garalgal na ang tono ng boses ko dahil sa pag-iyak ko habang nakatanaw sa langit.
"Bigla ka na lang hindi nagpakita." sigaw ko pa ulit at wala ng tigil sa pagpatak ang mga luha ko. "Hoy! Duncan nasaan ka na ba? Tara na maglaro na tayo," umiiyak na sambit ko at tahimik na umiiyak ako at umupo ulit.
Naisipan ko na lang na umuwi dahil siguro nga wala na siya, puro lungkot na lang ang naramdaman ko ngayon habang naglalakad pauwi. Malungkot na binalik ko ang nakatabing na maliit na playwood dito sa butas.
Matapos kong takpan ito naglakad na ako pero natigilan ako nang mapansin kong nagkakagulo ang mga tao dito. Anong nangyayari? Bakit sila nagkakagulo? At nagtatabukhan?
Pabalik-balik lang ang mga tao at nagtatakbuhan kung saan-saan may mga dala-dalang mga gamit. Nawala bigla ang lungkot ko at pagtataka ang pumalit ngayon, hangang sa marinig kong may tumatawag sa pangalan ko.
"Mazel!"
"Anak! Mazel! Nasaan kabang bata ka!?"
Napatakbo ako sa kinaroroonan ni mama dahil hinahanap niya ako.
"Ma! Nandito po ako!" Sigaw ko at nilpitan ko si mama.
"Saan ka ba nagpupunta na bata ka! Halika na at bilisan mo umuwi na tayo at kunin mo ang ilang mahalagang bagay na kaya mong madala at aalis na tayo dito." malakas na wika ni mama.
Nagulat ako sa sinabi ni mama. Ano bang nangyayari?
"P-pero b-bakit po ma? Ano bang meron bakit nagkakagulo sila?" Nagtataka kong tanong kay mama. Habang palinga-linga ako sa nagkakagulo na mga tao.
"Dumating na ang mga malalaking bulldozer na truck at ededimolis na talaga nila itong lugar natin. Pero 'yung iba ayaw pumayag ipaglalaban daw nila. Ang papa mo gusto niya makaalis na tayo bago pa masira ang bahay natin. Ayaw na ng papa mo na makisali pa sa gulo baka 'raw mapano pa tayo, kaya mabuti na daw ang umalis na lang tayo agad."
Mahabang paliwanag ni mama habang kinakaladkad ako pabalik sa bahay. Kahit sa murang edad ko naunawaan ko na agad ito.
====°°°°=====
Eight years later...
Matuling lumipas ang taon at ngayon nga seventeen years old na ako. Marami na ang nangyari at kahit walong taon na ang lumipas hanggang ngayon naaalala ko pa rin si, Duncan.
Nandito ako ngayon sa Constancia High School para mag-enroll. Fourt year highschool na ako nitong taon. Dapat college na ako kaya lang huminto ako ng isang taon dahil hirap kami noon dahil nawalan ng trabaho ang papa ko pero ngayon ok na.
Patungo na ako ngayon sa regestrar office nang may tumawag sa pangalan ko. Huminto ako at nilingon nito at napangiti naman ako nang makita ko ang dalawang teacher na close ko.
"Ms. Mazel Montero! Halika muna may magandang balita para sa'yo!" Si Teacher Lando ang adviser ko at ang teacher ko sa science si Ms. Linsay magkasama sila.
Lumapit naman ako sa kanila at binati sila. "Sir good afternoon po at sa'yo din Ms. Linsay." yumuko ako sa kanila. "Bakit po Sir Lando?" magalang kong tanong.
"Meron akung ibibigay sa iyo." Sabay abot niya sa akin nang isang brown envelope.
Nagtataka na kinuha ko na rin. "Ano po ito, Sir?" tanong ko pa sa kanila habang sila naman 'ay nakangiti sa akin.
"Buksan mo para malaman mo." nakangiting sabi ni sir sa akin kaya binukasan ko na. May kaba at excitement akong naramdaman.
Ganon na lang ang panlalaki ng dalawang mata ko sa nabasa ko. Dahil certificate ito mula sa st. Patterson high school college. Ibig sabihin dito na ako mag-aaral? Namilog ang mata ko at napasigaw. At may scholar pa na magagamit ko hanggang college na.
"Sir! Totoo po ba ito?" Hindi makapaniwala na sambit ko habang titig na titig sa papel. Grabe! Sobrang saya ko dahil sa wakas makakapag-aral na ako sa isa sa mga sikat na school. Pangarap ko ito simula noon pa lang dahil gusto ko dito ako makapagtapos ng pag-aaral dahil karamihan sa nagtapos dito 'ay may magandang trabaho. Mabilis ka kasing matatangap sa work na aaplyan mo kapag nangaling ka mismo dito sa school.
"Oo naman, at para talaga 'yan sa'yo deserve mo mag-aral d'yan at alam namin ng mga teacher mo na hindi kami mabibigo sayo. Dahil isa kang ma-ipagmamalaking studyante namin dito sa Contancia High school at mamimiss ka namin. Pero mas ok na rin 'yun dahil ito ang mas importante. Basta huwag kang magbabago ha! At lalo naman ang lumaki ang ulo kapag nakapasok ka na doon." Nakangiting paliwanag at paalala ni Sir, Lando.
"Nako! Maraming-maraming salamat po talaga sa inyong lahat na mga teacher ko." Niyakap ko naman silang dalawa kahit tinutulak ako ni Sir Lando. Nangiti na lang ako. "At pangako po tutuparin ko ang lahat ng pangarap ko at higit sa lahat hindi po ako magbabago at hindi ko rin po kayo bibiguin." Naluluhang wika ko sa harapan nila. Nakangiti sila sa akin. Para ito sa mga magulang ko at sa katapuran ng mga pangarap ko.
Umalis na sir pero ako ito nakatingin pa rin sa hawak ko kasi hindi parin ako makapaniwala na dito na ako mag-aaral sa St. Patterson High School College. Dito ko ipagpapatuloy ang high school ko hanggang sa mag-college ako dahil dire-diretso na dito ang high school at college.
Habang nakatanaw sa malayo at naiisip ko noong una pa lang na nakita ko sa picture ang school na ito. Nangarap na ako talaga na sana 'ay makapasok ako doon at ito at ang laki ng pasasalamat ko sa mga teacher ko na tumulong na matupad ito. Kaya lubos ang pasasalamat ko dahil sa pagkakataon na makapag-aral do'n hindi naman ako sobrang talino kung baga pang-apat lang sa matalino. Ganun lang.
Super ganda kaya doon at puro 'raw mayayaman ang nag-aaral pero meron din naman na katulad ko na scholar lang rin at syempre ganon 'rin ako kapag nakapasok doon. Haaay... grabe sobrang excited na ako talaga at bukas na bukas ay pupunta na ako doon.
----------