AN: Ito ang unang Teen fiction na nagawa ko, actually completed na ito. Inaayos ko pa kasi nga dami errord dahil first story na nagawa ko ito sa w*****d.
-------------------------------------------------------------------------
Mazel
Naglalakad na ako papasok sa loob ng school. Hahanapin ko na ngayon ang building ng high school, mahirap kasi dahil sobrang laki nitong school dahil kasama na ang college dito. Napatigil naman ako sa aking paglalakad dahil napansin ko ang mga nagkakagulung mga studyante sa di kalayuan.
Anong mayroon? Naitanong ko sa isipan ko.
Hahayaan ko na lang sana dahil hindi naman ako nagpunta dito para makipag-chismisan lang. Balak ko ma sa lisanin ang tagpo na 'yon ng mapalingon ako muli, dahil mas lalong lumakas ang hiyawan nila.
Na-curious na akong malaman kung anong meron. Kaya lumapit ako sa kanila, hanggang sa luminaw sa pandinig ko ang mga hiyawan nila.
"Iiyak na 'yan!"
"Iiyak na 'yan!"
Paulit-ulit na sigaw ng mga studyante na nakapalibot. Pinilit kong makasilip sa kabila ng napakaraming mga studyante. Shock ako sa nakita ko, dahil may ilang kalalakihan sa may gitna. Ang dalawang lalaki hawak ang isang pang lalaki na nakayuko, hindi ko gaano makita ang mukha nito dahil natatakpan sya ng lalaki na nakatalikod na matangkad.
Nakaramdam ako ng galit dahil napansin ko ang mga buhok na nagkalat sa semento. Kahit hindi ko nakita ang nangyari alam ko na ang ginawa nila.
Mga bully!
Sigaw ng isip ko. Bakit sila gano'n? Pinagkakatuwaan pa nila ang isang lalaki na walang kalaban-laban sa kanila? Mas malala pala ang mg bully dito sa mga mayayaman.
"Huwag kang umiyak, dahil kapag nakita nila 'yan mas lalo lang sila matutuwa." malakas ang pagkakasabi ko kaya natahimik at napalingon ang lahat sa'kin, tanging ang lalaki na nakaharap sa binubully ang bumasag sa katahimikan.
"Who are the f*****g s**t!"
Malakas na sigaw ng lalaki at nag-atrasan naman ang ibang studyante natakot siguro. Pero ako, hindi umalis sa kinatatayuan ko nandito lang ako at hindi ako gumagalaw. Unti-unti namang nahawi sa gitna at ako na lang natira.
Tuwid ang tingin ko dito mismo sa lalaki na kahit nakaharang sa harapan niya 'yung lalaki na binully n'ya eh, kitang-kita ko sya dahil sa matangkad ito. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ang salakay nang kaba sa dibdib ko dahil sa pagtatama ng mga mata namin. Titig na titig ako sa mga mata nya na parang nakita ko na noon.
Pero kinabahan ako sa klase ng tingin niya dahil pakiramdam ko ura mismo babalatan na niya ako ng buhay.
"Who are you?" diretsong tanong nya
Hindi ko maintindihan pero parang biglang umurong ang dila ko. Parang nakita ko na ang mga mata na 'yan dati, hindi ko lang matandaan kung saan.
"Siguro nalunok mo na rin ang dila mo kaya hindi ka makapagsalita. Ang tapang mo." nakangisi niyang wika at lumakad ng ilang hakbang.
Bigla naman akong nakaramdam ng inis dahil sa mayabang na asta niya. Nawala na rin sa isip ko 'yung kanina ko pa na iniisip.
"Ang yabang mo!" inis na turan ko na kinakunot ng noo niya. Walang kasing sama ang ginawa mo!" malakas ang loob na salita ko.
Napapangiti naman ang mga kasama niyang mga lalaki at hindi ko alam kung bakit.
"I know, seventeen years ko ng alam 'yan. Hindi mo na kailangang ipaalala pa," mayabang na sagot nya.
Sinimangutan ko sya at napansin ko na may lumapit na babae sa kanya at may binulong ito, ewan kung ano 'yon. Nakarinig ako nang kanya-kanyang bulungan.
"Pakialamera kasi ayan. Humanda ka 'kay, Duncan Patterson namin!" sigaw nang mga babae.
"Oo nga, masyadong pabida. Eh, looser naman." salita pa ng isa.
Naniningkit naman ang mata ko sa inis sa mga babaita na 'to.
"Exciting to!" sabi naman ng isa.
Kinabahan ako nang magsimula na siyang lumapit sa akin, habang papalapit siya mas lalong kumakabog ang puso ko. Ang mga mata nya na malamlam at may matapang na aura, bad boy look na medyo may kahabaan ang buhok at may hikaw sa kaliwang tenga. Duncan? Sandali diba sinabi kanina ang pangalan niya? Hindi ko alam kung bakit 'yun ang sinagaw ng isip ko.
Ngayon nandito na siya sa harapan ko, nabigla ako nang higitin nya ang neck tie ng uniform ko pababa kaya nasakal ako.
"Ang tapang mo ah, kababaeng mo tao ang lakas ng loob mo, transferee ka lang naman." maangas na salita nito at nanalalaki ang mata. "Baka gusto mong ma-kick out agad ngayon?" nanghamon na titig niya sa akin.
Nakipaglaban naman ako nang titigan sa kanya. Bigla naman siyang natigil dahil sa paglaban ko ng titigan sa kaniya.
"Ba't di mo gawin?" basag ko sa bigla nyang pagtahimik. "Hndi ako natatakot ma-kick out, dahil marami pang school na pwedeng pasukan." mahinahong sagot ko.
Mas lalo naman niyang hinatak pababa ang neck tie ko. Napapapikit naman ako dahil nahihirapan na akong huminga.
"P're tama na 'yan" tapik nang isang lalaki sa kanya. Lumingon naman ito doon sa lalaki.
Lumawag na ang paghinga ko dahil sa binitawan na niya ako, napaubo ako ng sunud-sunod.
Hinimas ko naman ang leeg ko at biglang nahulog ang suot ko na kuwentas. Sabay na napatingin kami pareho nitong si Duncan at napatingin sa semento. Pupulutin ko na sana nang unahan niya ako sa pagpulot.
Nakita kong pinagmamasdan niyang mabuti ang naputol kong kwentas habang hawak niya sa kamay ito.
"Where did you get this?" takang tanong niya.
Nagbulungan na naman ang mga nandito sa gilid dahil sa nakita nilang reaction ni Duncan sa kuwentas.
"Akina na nga yan!" sabay hablot ko sa kamay nya. "Alam mo, wala kang pakialam! Sigaw ko sa kanya. "Hindi lang pala masama 'yang ugali mo, pakilamero ka pa!" malakas na salita ko at tinalikuran ko na sya. Nilapitan ko itong transferee na gaya ko inakay ko sya paalis dito.
"Tara na, sabay ka na sa akin." aya ko dito na nakayuko, naawa ko sa itsura nya dahil nasira ang buhok nito.
Hinintay kong may pumigil pero wala akong narinig. Tanging mga bulong-bulungan lang ng mga studyante ang mga narinig ko.
"Salamat." sambit nito sa akin.
"Ayos ka lang ba? Gusto mo diretso na agad tayo sa dean office?" tanong ko pa dito, pero todo ang pag-iling naman nito.
Kung ikaw na nga si Daniel Duncan, sumusobra ka na. Ang laki na nang pinagbago mo, pero sigurado na ako na sya 'yon dahil natigilan siya nang makita ang kwentas na binigay niya sa akin noong mga bata kami.
Magkasabay na naglalakad na kami nitong lalaki. Papunta sa pareho naming room dahil magkaklase pala kami.
---------
Nandito na kami ni Paulo sa loob ng class room. Nalaman ko ang pangalan niya dahil sa id na suot niya. Akala ko matatahimik na ang mundo namin pagpasok dito sa room, pero nagkamali ako.
Dahil hanggang dito pala sa loob ng room meron ang pinagkaiba nga lang mga babae naman at nakapalibot sila ngayon sa akin. Apat na babae at sa itsura pa lang nila mukha na silang maaarte at maldita.
"You think na matatahimik na ang mundo mo dahil sa ginawa mo na tapang-tapangan kanina?" Nakaangat ang kilay nitong babaeng na makapal ang lipstick at pulang-pula pa.
"Ang kapal rin ng mukha mo na sumagot-sagot lang 'kay, Duncan? At lalo na ang makialam sa ginagawa niya." sabi naman nitong babae naka-cross arm pa.
Tama nga ako na talagang siya si Duncan. Lalo naman kumulo ang dugo ko sa kanya. Oo, ngayon ko naisip kaya pala parang pamilyar ang mga mata niya sa akin, hindi ko siya agad nakilala kasi malayo na sya sa batang nakilala ko noon. Sobrang laki ng pinagbago niya simula sa pananamit, pananalita.
Oo, lalo siyang naging gwapo. Dati kasi clean cut ang buhok niya, ngayon medyo mahaba siya at may hikaw pa siya kaliwang tenga, para siyang gangster.
"Hey! Are you listening to us?"
Napaangat naman ako ng tingin dito sa isa pang babae na kulot ang buhok.
"You are a transferee kaya huwag kang mayabang." nakapameywang na singhal nito.
Nagtitimpi naman ang pakiramdam ko dahil talagang naiinis na ako sa kanila. Ano ba nila sa Duncan? Inis na isip ko, umiwas ako ng tingin sa kanila dahil ayoko ng gulo. Ang totoo niyan palaban talaga ako lalo na kapag alam kung argabyado na ako. Talagang lalaban ako.
"Wala akung ginagawang masama kaya, puwede ba tigilan niyo na ako?" mahinahon kong sambit sa kanila. Ngumiti lang sila ng nakakaloko sa akin.
Ano ba naman to! akala ko pa naman maganda dito, kung maraming bully doon sa dati kung pinasukan mas marami at mas malala pa pala dito.
"Wala kang ginawa, really? O Baka naman nagpapansin kalang sa kanila kaya ka nakikisali? Alam mo bang sila ang kinakatakutan ng mga studynte dito?"
Napaangat naman ang kilay ko dahil sa pagyayabang na kuwento nito, ayaw talaga nilang tumigil. Hindi ba talaga nila ako tatantanan? sa isip-isip ko nang biglang magtillian ang mga babae dito sa loob.
"OMG! Ang tropers nandito na, miss ko na silang lima."
Narinig ko na wika ng nasa gilid ng bintana at nagkakandahaba ang mga leeng ng iba sa may pinto.
Nakita kong sunud-sunod na pumasok 'yung mga lalaki. Ok, admit it! Puro gwapo naman talaga sila. Then, i saw him parang nag-slow motion ang bawat paglakad niya papasok dito sa
room.
Hindi ko alam na nakatulala na rin pala ako gaya ng iba. Tama nga ako na lalaki kang gawapo l, dahil bata ka palang 'ay talaga namang magandang lalaki ka taalaga . Pero bakit gano'n? sobrang daming nagbago sayo, anong nangyari at nasaan na ang nine years old na Duncan na nakilala ko? Salita ng isipan ko habang pinagmamasdan ko ang paglalakad niya.
-------------