CHAPTER 1
AN: Pagpasensiyan niyo na Kung maraming typos or wrong gramatikal errors. ?? Ito and kahuna-unchanged ginawa kong story sa w*****d, kaya magulo pa yan singulo ng Buhay ko. ?
=======================================
Mazel
"Ma, lalabas lang po ako maglalaro lang." paalam ko sa mama ko habang nagbabalot siya ng turon na paninda dito sa tapat ng bahay namin. Iyan kasi ang hanap buhay ng mama ko at ang papa ko naman 'ay isang construction worker.
"Sige, pero huwag kang lalayo dahil kabilin-bilinan ng papa mo huwag na huwag kang pupunta doon sa subdivision. Naiintindihan mo ba? Mapapagalitan ka ng Papa mo!" Sermon ni mama habang patuloy sa kaniyang ginagawa.
Tumango lang ako at lumabas na pero ang 'di alam ni mama doon ako papunta kasi doon lang tahimik at walang maingay kaya makakapag-drawing ako ng maganda. Ito ang libangan ko kapag tapos na ang school ko.
Papunta na ako ngayon dito sa likod bahay namin umikot lang ako sa ibang daanan para hindi ako makita ni mama. Sorry talaga ma kung sobrang pasaway ako. kausap ko sa sarili ko habang napapangiting naglalakad.
Wala naman dating butas dito at hindi ko alam kung bakit parang biglang nagkaroon c***k 'yung pader at nagkabutas ito at parang sinadiya dahil saktong-sakto ako sa butas. Dati hindi ako dito nagpupunta dahil wala pang butas dito, doon talaga ako sa may basketball court kasi bakante na 'yon at hindi na pinaglalaruan.
Bawal talagang pumunta dito dahil maraming nagrereklamo na mayayaman na nakatira dito dahil pinagnanakawan 'daw sila sa loob ng subdivision. At kami na mga taga labas na eskwater ang tinuturo nila na may gawa.
Tinanggal ko ang tablang nakatakip dito at agad na lumusot sa butas at muli kong tinakpan upang walang makakita. Sumampa ako sa mga biak na bato paakyat sa pader tapos bigla akong nagulat dahil may batang lalaki na nakaupo sa paborito ko na upuan. Natigilan ako at napasin ko na may luhang tumutulo sa magkabilaan niyang pisngi.
"Hoy! Boy! Bakit ka umiiyak?" malakas na tanong ko. Napalingon naman siya sa akin.
"Sinong umiiyak?" balik tanong niya sa akin at nagmadali siyang nagpunas ng kaniyang luha sa pisngi gamit ang kaniyang dalawang kamay.
"Weh? Kunwari ka pa diyan. Eh, kitang-kita ko nga eh." natatawa ako at sinabayan ko pa ng ngisi, sumimangot naman ang mukha niya na lalong ikinangiti ko.
"You're not funny!" nakasimangot na sagot niya.
"Nakakatawa ka naman talaga, iyakin!" Pang-aasar ko pa.
"Tumigil ka na."
Napatigil ako sa pagtawa kasi seryoso na siya at mukhang galit na.
"Bakit nandito ka? Ngayon lang kita nakita dito." Tanong ko sa kaniya at tumingin siya sa akin.
"Ikaw bakit ka rin nandito? Hindi ba bawal pumasok dito kapag hindi ka dito nakatira? Saan ka dumaan?" Magkakasunod na tanong niya.
Tumawa mo na ako bago magsalita. "Ang dami mo namang tanong, ikaw bakit ka umiiyak? Sabi ng lolo ko hindi 'raw dapat umiiyak ang mga lalaki para magmukha siyang matapang." Habang sinasabi ko 'yon nagkukuyakoy ang aking mga paa habang nakaupo.
Hindi siya sumagot sa halip 'ay lalo siyang nalungkot. "Bakit pinalo ka ba ng papa mo?" mayamaya'y tanong ko kasi sobrang tahimik niya. Hangang sa marinig ko siyang huminga ng malalim.
"Ikaw? Kapag gusto mo mamasyal kasama ang magulang mo sinasamahan ka ba nila?" malungkot ang boses na tanong niya.
Natawa naman ako sa tanong niya. "Oo naman siyempre!" mabilis kong sagot. "Bakit 'yun ba ang iniiyak mo? akala ko naman pinalo ka na." natatawa na naman ako at tiningnan ko siya.
"Ang swerte mo, ako lagi na lang si Yaya Chona ang kasama ko araw-araw." malungkot na sabi niya.
Naramdaman ko ang lungkot dahil sa boses niya pati sa kaniyang dalawang mata ay napakalungkot 'din.
"Bakit wala ka na bang magulang? Patay na ba sila?" Magkasunod kung tanong sa kaniya.
"Hindi sila patay lagi lang sila na sa states for business at bihira ko lang silang makita." malungkot na sagot niya.
Natahimik lang ako dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.
"Aaa.. Ganon ba. Wala ka bang kapatid? O kaibigan?" Muling tanong ko pa ulit sa kaniya.
"Wala akong kapatid nag-iisa lang ako at kahit isa wala akong kaibigan. Ayaw nilang nakipagkaibigan ako lalo na kung hindi ko kilala kasi baka raw gawan lang nila ako ng masama sabi ni mommy. Lalo na kapag mahirap lang sila." seryoso ang mukhang kuwento niya.
Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya at nasaktan ako kasi nga mahirap lang 'din ako.
"Nag-iisa lang ako'ng anak at hindi naman totoo na kapag mahirap ka 'ay gagawa na agad ng masama." sagot ko dahil nalungkot ako sa sinabi niya at nainis na rin.
"Mga bad 'daw sila sabi ng mommy ko." sabi pa niyang muli.
"Kawawa ka naman pala kasi wala kang kaibigan at hindi rin pala kita puwedeng maging kaibigan." malungkot na wika ko dahil akala ko madadagdagan ang kaibigan ko ngayon.
"Teka ang daya mo 'yung tanong ko hindi mo pa sinasagot. Saan ka ba dumaan? Sige isusumbong kita sa mga guard." pananakot niya sa akin.
"Huwag! Tara na halika dito ituturo ko sa'yo." tumayo na kami para ituro ko sa kaniya kung saan ako dumaan.
"Dito, dito ako dumaan." Turo ko at hinawi ko 'yung nakatakip na playwood. May katam-tamang laki ang butas at kasiya lang ang mga katulad naming bata.
"Ang galing naman may daanan pala diyan." masayang bulalas niya.
"Hoy, sekreto lang natin ito ha? Pumupunta lang naman ako dito kapag magdo-drawing ako ng mga maiisi ko." masayang pagkakasabi ko sa kaniya na kinangiti niya.
"Talaga? Marunong kang mag-drawing? Ang galing mo naman patingin nga ako." excited niyang sabi.
"Eh... Ayoko nga nakakahiya naman hindi naman maganda ang drawing ko." Nakanguso kong sagot sa kaniya.
"Bakit ka naman mahihiya? Patingin ako sige na." pangungulit pa niya.
"Sige, pero huwag mo pipintasan." Inabot ko sa kaniya ang drawing book ko. "Oh, ito tingnan mo na." nakita ko naman ang kaniyang pag-ngiti lalo habang nakatingin sa drawing ko.
"Maganda siya at mas gaganda pa 'yan lalo kapag nagpatuloy ka mag-drawing. Pero nagtataka ako bakit bahay ang iginuhit mo?" Tanong niya sa akin na may halong pagtataka.
"Bakit bahay? Kasi wala kaming sariling bahay dahil umuupa lang kami, 'yan ang pangarap ko ang makabili ng sarili naming bahay para hindi na mahirapan ang mama at papa ko. Kapag nakapagtapos na ako mag-aral." nakapa-ngalumbaba kong sagot habang nakatigin sa langit.
"Ah, ok. Naintindihan ko na," sagot niya lang.
"Ano pa lang panglan mo?" mayamaya'y tanong niya sa akin.
"A-ako? Mazel, ikaw?" tanong ko rin na nahihiya pa.
"Ako naman, si, Duncan." masiglang sabi niya na nakangiti at nilingon niya ako.
"Ang panget naman ng name mo." react ko sa kaniya.
"Panget? Ang cool nga." mayabang na sabi niya at nakangisi pa.
Sabay na tumawa kaming dalawa.
"Duncan!"
"Duncan! Nasaan kana? Halika na umuwi na tayo!"
Nagkatinginan kami dahil sa narinig namin ang malakas na boses na tumatawag 'kay, Duncan.
Sabay kaming napalingon sa kung saan man nangagaling ang pagtawag na 'yun.
"Hinahanap na ako ni Yaya Chona. Alis na ako bukas magkita tayo ulit dito." paalam niya na nakangiti.
Tumango naman ako sa kaniya na nakangiti rin.
"Sige pupunta ulit ako dito bukas maglaro tayo, bye!" pahabol ko pa na sigaw at paalam na rin sa kaniya. Tumakbo na siya doon banda sa may tumatawag sa kaniya.
Hindi pa siya nakakalayo ng muli siyang tumakbong pabalik sa akin.
"Oh? Ba't ka bumalik?" Nagtataka kong tanong sa kaniya dahil hinihingal siya sa ginawang pagtakbo pabalik sa akin.
"Hihingin ko 'yung drawing mo ilalagay ko sa kwarto ko." hinihingal na sambit nito.
Nagulat naman ako sa sinasabi niya. "H'wag na panget 'to." Mabilis na sagot ko.
"Hindi 'yan, ibigay mo na bilis!" pilit niya pa sa akin at nakalahad ang palad niya.
Wala na ako'ng nagawa at pinilas ko ang pahina ng drawing book ko at binigay ito sa kaniya. "Oh, ito na sige ingatan mo 'yan ah." masayang sabi ko.
Ngumiti lang siya at nagtatakbo na siya ulit palayo habang tumatalon-talon pa. At ako naman bigla na lang akong napangiti habang nakatingala sa langit.
-------------
Note: Ito ang unang story na ginawa ko sa w*****d kaya naman hindi siya talaga perfect. Wala pa kasing time si author para i-edit pasensya na po.❤?