AN: Completed na po ito sa una ko na acct, nilipat at konting edit lang. Sana'y matuwa at maiyak, kiligin kayo sa love story nila..
==========================================
Mazel
Excited ako paguwi ko galing ng school at naratnan ko si mama sa lamesa na nagkakape.
"Mama, maglalaro lang po ako sa labas! Babalik 'din po ako agad bago magdilim." paalam ko kay Mama matapos ko ilapag ang bag ko sa bakante na upuan. Sabay takbo ako palabas ng pinto.
"Ikaw na bata ka kararating mo pa lang maglalakwatsiya ka na agad, hahanapin ka ng papa mo!" sigaw ni Mama.
"Sabihin mo na lang Mama nandiyan lang ako, sige na." pa-cute ko pa sa Mama ko habang nakasungaw ang ulo ko sa may pintuan.
"Nako! Ikaw talaga dinadaan mo pa ako sa ganiyan na bata ka, O siya sige pero umuwi ka agad. Huwag kang magpupunta sa kung saan-saan." nakasimangot na sabi ni Mama pero nakangiti siya.
"Salamat po Mama!" Nagtatakbo na ako sa daan pero huminto muna ako kasi may dinukot ako sa bulsa ng palda ko. May tinira kasi ako na twelve pesos para pambili ng cream O, paborito ko kasi ito at dalawa ang binili ko para sa bago kong kaibigan na si Duncan.
Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad at pagdating ko dito sa may butas na pader agad kong tinanggal ang nakaharang na playwood at pumasok sa loob ng butas. At pagpasok ko sa loob hindi ko nakita na nando'n pala si Dancun at nakasungaw rin ang ulo niya. Napasigaw ako nang makita ko siya sa harap ko dahil halos magdikit na ang mukha namin.
Natumba ako at napaupo hinamas-himas ko ang pisngi ng puwet ko. "Aray ko." mahinang daing ko.
"Ayos ka lang ba? Sinisilip ko lang kasi kung ano ang na sa likod nitong pader na nakaharang sa inyo. Hindi ko alam na papasok ka na pala." Kakamot- kamot pa sa ulo si Dancun habang nagpapaliwanag.
Natulala ako kasi ang guwapo niya at ang cute.
"Mazel!"
Hoy! Mazel!"
Napakurap ako bigla dahil sa malakas na pagtawag ni Duncan sa akin.
"A-ah, sorry nagulat lang naman ako." sabay ngiti ko sa kaniya at tinulungan niya ako na makatayo.
"Kanina ka pa dito, DC?" tanong ko sa kaniya at kunot noong napatingin siya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya. "DC na lang ang itatawag ko sa'yo ok lang?" Wika ko at marahan na tumango siya.
"Ok lang. Kararating ko lang nauna lang ako ng ilang sigundo siguro sa'yo." sagot niya at umupo na siya sa bato.
"Aaa, ok. Oh? Ba't nakasimangot ka na naman? Sabi ng Mama ko huwag raw sisimangot para 'daw hindi pumanget." natatawang sabi ko sa kaniya, napangiti naman siya sa akin ng sabihin ko 'yon.
"Bakit maganda ka ba?"
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya, binatukan ko nga siya.
"Bakit mo ako binatukan? Daddy ko nga hindi ako sinasaktan ikaw pa kaya?" naiinis na sambit niya.
"Sorry na, eh paano kasi sabi mo. Bakit maganda ka ba? Ibig sabihin ang panget ko sa'yo?" simangot kong paliwanag.
"What's wrong? nagsasabi lang naman ako ng totoo." nakangisi naman niya na sagot.
"Bakit wala naman ako'ng sinabi na maganda ako ah?" nakanguso ko pang sabi na nakayuko. Hindi na siya sumasagot kaya tumingala ako sa langit.
"Joke lang! Maganda ka. Kaya lang napaka simply lang ng dating mo, 'di tulad nang mga classmate ko na mga babae na ang gaganda ng mga suot nila at mga ayos nila." seryoso na sabi niya.
Napatingin lang ako sa kaniya at huminga mo na ako ng malalim.
"Ok lang." sagot ko sa kaniya. At inabot ko sa kaniya ang isang cream'O
"Pasalubong ko pa naman sa'yo 'yan tapos inaaway mo ako!" Nakanguso pa rin ako habang inabot ko sa kaniya.
"What is this?" Tukoy nito sa hawak na niya na cream O.
"Alin?" Tanong ko rin sa kaniya.
"Itong binigay mo." sagot niya lang.
Nagtataka naman ako sa tanong niya. "Di mo alam 'yan?" Nagtataka ko rin na tanong sa kaniya.
"I'm not asking you kung alam ko 'to." Masungit na sagot niya.
"Ang sungit mo naman." mahinang bulong ko. "Cream O 'yan biscuit na may palaman na chocolate. Paborito ko kaya ito medyo mahal lang." sagot ko at tiningnan siya. Nakita kong paikot-ikot niyang tinitingnan ang plastik nito.
"Why? I mean, magkano ba ito?" tanong niya sa hawak niyang cream'O.
"Seven pesos." sagot ko agad
"Only seven pesos tapos mahal na sa'yo? Ang mga kinakain ko nga worth of five hundred pesos above snack lang 'yon." parang wala lang na sabi niya.
"Ikaw na mayaman wala naman akong pera katulad mo at siyempre mayaman kayo." Naiinis na sagot ko sa kaniya.
"Ah, ok. I understand, sandali wala ba itong poison?" seryoso na tanong niya sa akin.
Nanlaki naman ang mata ko sa tanong niya na 'yun.
"Ano ba 'yan ang daming arte. Try mo lang kasi ako nga simula magkaisip at ng matikman ko 'yan hinahanap-hanap ko na 'to!" sabay ngisi ko sa kaniya.
"Ok, mauna ka munang kumain." Aniya na nakatingin sa akin.
"Natatakot ka bang mamatay? Biscuit lang takot ka na agad?" Hindi makapaniwala na sabi ko dahil sa itsura niya. Sinimulan ko na itong buksan at kinain ko na ito ng sunod-sunod.
"Ano ba 'yan ang takaw mo! Yung mga kilala ko na babae hindi ganiyan kumain mahinhin sila 'di tulad mo."
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya pinagpatuloy ko lang ang pag-ubos sa biscuit.
Nakatingin pa rin siya sa akin habang ako busy sa pagnguya at inaasar ko pa siya na sarap na sarap ako at ng mediyo ubos ko na ngumiti ako sa kaniya kasi para siyang tangang nakatingin sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumawa ng pagkalakas-lakas nagtaka naman ako bigla sa kaniya.
Ang sarap ng tawa niya. "Bakit ka tumatawa?" tanong ko pero hindi siya sumasagot kasi sobrang tuwang-tuwa siya kaya napatawa na rin ako sa kanya. Pero mas lumakas ang tawa niya ng tumawa ako.
Kahit hindi ko alam kung anong kinatutuwa niya ang saya ko kasi narinig ko kung paano siya tumawa. Ang sarap ng halak-hak niya.
"You know what? You're so funny!" Aniya niya habang nakakapit sa tiyan dahil sa kakatawa. "Look at yourself." sabi pa niya.
"Bakit ba? Wala naman salamin paano ko makikita?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Wait."
Dumukot siya sa suot niyang maliit na bag na dala niya at may nilabas siyang bagay na parang cellphone pero malaki pa sa cellphone.
"Oh, tingnan mo ang itsura mo dito." sabay abot niya sa akin nitong malaking cellphone.
Nagtataka man ako ay kinuha ko na at pagtingin ko nakita ko ang mukha ko napangiti ako kaya pala siya tumatawa kasi puno ang mga ngipin ko ng durog na cream'O kaya nagmukha akong walang ipin. Tumawa na rin ako at tiningnan ko siya na tumatawa pa rin siya habang nakatingin sa akin.
"Tawa ka ng tawa diyan! Ikaw naman kainin mo 'yan para makita ko rin ang itsura mo." turo ko sa hawak niyang cream O na hanggang ngayon hindi pa niya binubuksan.
"No way!" Iling na tanggi niya.
"Ay ang daya! Sige na kainin mo na yan." pangungulit ko sa kaniya pero todo tanggi siya.
"Ayoko nga sabi." Muling iling niya.
"Eh.. Sige na, bahala ka uuwi na lang ako." at sinabayan ko ng tayo. Talagang uuwi na ako.
Pagtayo ko bigla siyang nagsalita.
"Ok, i'll do it! Basta huwag kang lang umalis." Mahinang sabi niya.
Napangiti ako ng malapad dahil sa sinabi niya. Inumpisahan niyang kainin ito at sabay-sabay niya talagang kinain lahat at nginuya ng nginuya, napapangiti ako kasi hirap na hirap siyang lunukin. "Bakit kasi sabay-sabay mo kinain? Hidi mo naman kaya." tawang sabi ko sa kanya.
"Ano? Kaya ko kaya!" sagot niya na napapapikit na akala mo na nabubulunan na.
"Kaya mo? Eh, hirap ka na ngang magsalita." pigil ang tawang sabi ko sa kanya.
At mayamaya nakita kong lumunok na siya at sabay ngiti. Napatawa naman ako ng husto sa itsura niya.
"Ang panget mo!" Todo pa siya sa pagngiti kaya mas lalo akong nagtatawa sa itsura niya.
"Patas na tayo pero one time ko lang gagawin ito, never na." wika niya at pinahiran niya ang gilid ng bibig niya. "Sound trip na lang tayo." salita niya pa at kinuha ang malaking cellphone.