CHAPTER 5

1279 Words
AN: Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga nagbabasa nito at nakakaalala pa nito. Enjoy reading at kilig na rin. ❤❤❤ ======================================= DUNCAN Nakaalis na siya sa harapan ko pati na 'yung panget na lalakeng kasama niya. Nawala na rin ang mga studyante dahil tapos na ang palabas. Pero ako ito tulala pa rin, kung hindi pa ako tinapik ni Allen hindi ako magigising sa malalim na pag-iisip. "P're ano? Napaano ka, papasok pa ba tayo?" tanong ni, Allen. "Bilib ako sa babae na 'yon. Ang tapang lang pare." pailing-iling pa si Jex habang sinasabi ito. "Mukhang tinamaan ata itong si DC do'n sa babae. Tulala eh." natatawang wika ni, Allen. Tiningnan ko na naman sya ng masama at ngumisi bigla. "DC! Joke lang ikaw naman, di na mabiro." Nakangising lapit sa akin si Allen at minamasa-masahe pa ang balikat ko. "Alisin mo nga ang kamay mo." hawi ko sa kanya na kitawa niya lang. "Pare, kilala mo ba 'yun? Kasi parang natigilan ka kanina no'ng makita mo ang nahulog na kwentas na suot ng babae." seryosong tanong ni, Vincent. "Tama! Tama ka talaga Vincent! Ang galing mo. Naalala mo 'yung kinukwento nya sa atin tungkol doon sa batang babae na nakilala at naging unang kaibigan nya?" Bidang kuwento ni Allen at humarap pa sa akin na akala mo 'yung nangangarap sa langit dahil nakatingala siya sa taas. "Siya na nga ba talaga 'yon, DC?" tanong naman ni Dwane na nakakunot ang noo. "Alam kong siya na 'yun." napangiti ako. Natigilan talaga ako noong makita ko 'yung kwentas at no'ng matitigan ko nang husto sa malapit 'yung babae. Kahit medyo nagbago na ang itsura nya dahil gumanda na sya kahit paano. At pumuti na rin siya at unat na ang buhok nya, samantalang dati akala mo hindi nag-susuklay at hindi nagsh-shampoo. Nakatitig lang ako sa mata niya at hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mata niya na 'yon na puno ng pangarap. "Woah! Congrast pare! Nagkita na kayo ulit. Kaya lang mukhang bad time ang pagkikita niyo." masayang bulalas ni, Jex. "Maganda pala siya, sabi mo panget si Mazel? Tama ba name niya?" wika naman ni Dwane. "Umandar na naman ang pagiging babaero mo. Ano ka ba walang sulutan Dwane, kasi Chilhood Sweet heart 'yan ni, DC." Singit na naman ni Allen sabay tawa. Suntukin ko nga si Allen sa tiyan "Gago! Tara na kahit kailan ang daldal mo." naiiling na salita ko, hindi naman malakas ang pagkaka-suntok ko. Alam naman 'yun ni, Allen. "Aray ko naman, DC." umaarte niyang hawak sa tiyan na nasaktan. "Huwag kang maarte, baka sa sunod ko na suntok seryosohin ko na." salita ko lang at nagsimula ng maglakad. "Hindi, ayos na pala ako." sagot niya na natatawa. Tinawanan na lang siya nila Dwane, Vincet at Jex. Ako naman tahimik lang habang naglalakad at kung titingnan, normal na studyanate lang kami na bully dito sa loob ng school. Pero kapag nasa labas kami, para kaming mga demonyo na nakakawala sa empyerno. Dahil nakakapatay kami sa tuwing napapaaway at kapag may binabalikan kaming kalaban. Kung saan-saan din kaming lima nakakarating, at bilang lang ang araw ang pinapasok namin dahil kalimitin nasa labas lang kami. Bihira lang rin kami mawalan ng kaaway lalo na ako dahil lapitin ako ng gulo. Mayabang raw kasi ako, meron naman akong ipagyayabang kaya anong problema nila? Tss! Sabay-sabay na kaming naglalakad papasok sa building ng High school dahil nga bumalik kami sa high school dahil bagsak kami sa ibang subject namin at sa mga teacher namin na tarantado rin. Sa class room... "Tumayo ka d'yan." seryosong utos ko dito sa panget na katabi ni, Mazel. Bingi ka ba? Ang sabi ko tumayo ka!" singhal kong muli dito. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko pagsimangot ni, Mazel. Natatarantang dinampot nitong lalaki ang notebook at ballpen niya sa table. Tatayo na sana ito para umalis. "Dito ka lang, huwag mo siyang sundin." mariin na pagkakasabi ni Mazel. Napatawa naman ako ng nakakaloko, at sa huli 'ay tiningnan ko siya ng masama. "Bakit mo ba sya pinapatayo?" tanong nito. Hindi ko siya pinansin, nagsimula na naman umingay sa loob lalo pa at wala pa ang guro namin. "Tatayo ka ba dyan o gusto mong sipain pa kita?" maangas na muling salita ko. Napayuko naman itong lalaki dahil sa sinabi ko at tumayo, lumipat sa ibang upuan. Marami naman ang nagtawanan dahil sa pangyayari na 'yon. "Ano ba ang problema mo?" nakataas ang noo na tanong nito ni, Mazel. "Kung ano na lang ang maisapan at gusto mo kailangan masunod? Bakit sa'yo ba 'tong paaralan na 'to?" naniningkit ang mata na salita pa niya. "Yes, this is mine!" nakadipa ang dalawang kamay na sagot ko at may nakakalokong ngiti sa labi. Nakita ko na saglit na natigilan siya kaya natuwa ako sa itsura. "Ang kapal talaga, tanungin talaga si Duncan ng ganyan?" salita pa ng mga babae dito. Hindi ko naman pinansin ang mga sinasabi ng iba, tinaas ko ang paa ko at sinampa sa gilid na upuan. Mga nakangisi naman 'yung apat lalo na si, Allen. "Eh, kaya naman pala ganyan ang ugali mo! Napakasama at walang modo dahil sa inyo ito." inis na salitang muli niya. "You don't really know me, Mazel." Seryosong sagot ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "Siguro nga, hindi pa kita lubos na kilala." malungkot ang boses na sagot niya at yumuko. "What the--?! Magkakilala sila?" Hindi makapaniwalang bulalas ng grupo nila Sherlyn. "Gosh! I can't believe this!" "Alam niyo narinig ko lang, childhood sweet heart 'daw 'yan ni, Duncan." Tahimik na nakatingin lang ako sa harapan kahit marami akong naririnig na mga kanya-kaniyang salita ng mga kaklase namin. "God! Naging sila kaya? Kadiri naman hindi sila bagay ang chaka niya!" Sa inis ko dinukot ko ang cellphone ko at kinabit ang earphone ko, dahil sumakit bigla ulo ko sa mga naririnig ko. Natapos ang boring namin klase sa history dahil nakakatamad 'yung nagtuturo. Nagtayuan na ang lahat, nakita ko na tahimik lang inaayos ni Mazek ang mga gamit niya, hindi ko pinansin at tumayo na ako. Magkakasabay na lumabas na kaming apat at diretso kami agad sa tambayan namin na pinagawa ko dito sa loob ng school. -------- Dito sa loob kumpleto ang mga gamit dito, may billiard para kapag gusto mo maglibang. Aircon dito 'kaya relac kapag nandito ka, hindi mo na rin kailangan bumili o kumain sa cafe na paulit-ulit lang niluluto na pagkain. Dito ikaw na bahala kung ano gusto mo kainin, dahil maraming pagkain sa ref at mga stock dito. Dahil breaktime namin dito mo na kami. Nakasandal ako sa sopa nang tumabi si Allen sa akin habang may hawak na pagkain. "DC, bakit hindi mo siya inaya dito? Sana man lang nakilala namin. Syempre, siya ang una mo naging kaibigan." seryoso na salita ni, Allen. Tiningnan ko naman siya na nagtatanong, dahil nanibago ako na biglang naging seryoso siya. Dahil puro kalokohan ang na sa isip nito lagi. Nag-upuan naman sa bakante na upuan ang iba at nakikinig lang sa amin. "Mali yang iniisip mo, hindi ko siya aagawin sa'yo." natatawang salita naman nito. Hinampas ko naman siya ng unan sa mukha na kinatawa ni, Dwanw at Jex. Samantala seryosong nagbabasa lang si Vincent sa hawak nitong libro. "Gago! Hindi ko siya type, kita mo nga ang liit ng dibdib. Amazona pa ang dating, lumalaban sa lalaki" sagot ko lang at muling binaling ko sa cellphone na hawak ko ang atensyon ko. "Sigurado ka? Mamaya marami pumorma sa kaniya. Ikaw rin," mapang-asar pa na salit ni, Allen. Hindi ko na siya pinansin dahil natahimik na rin siya dahil pare-pareho na kaming na-busy sa mga cellphone namin. ----------

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD