3: Señorita Life

2489 Words
"WOW," namamanghang bulalas ni Polly nang marating niya ang itaas ng malaking bahay. Lihim niyang binilang kung ilan ang k'wartong naroon. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim—putsa, iisa lang si Paco sa bahay na iyon pero anim ang kwartong naroon? Plano yata nitong mag-anak ng isang buong basketball team ah, may napuna pa kasi siyang k'warto sa ibaba kanina. "Do'n ka sa dulong k'warto, sa gawing kanan," untag ni Paco sa pagkamangha niya. Sinundan pala siya nito nang umakyat siya. "Huy, nakakalula naman 'tong bahay mo, bakit ganito 'to kalaki? Aanhin mo ang anim na k'warto? Bubuo ka ba ng basketball team? O volleyball team?" pabirong sabi niya kay Paco. "Malaki talaga ang bahay, e sa ito ang nabili ko. Saka tama ka, sa bahay na 'to ko ititira ang mapapangasawa at mga anak ko." Iningusan niya 'to. "Saka ka na mag-isip ng anak, asawa na muna ang enjoy-in mo, Paco." "Ano?" parang tanga na sambit na naman nitong patanong sa kaniya. Napahagikgik siya. "Enjoy-in mo muna 'tong ganda at alindog ko bago anak, huy," biro pa niya. Napangisi naman si Paco. "E kung papahawak ka ba at papalaway, bakit ba hindi? Sino ba 'ko para tumanggi?" Aba, gumaganoon pa nga! "Saka na 'yang laway-laway na 'yan, 'pag nausog mo na 'ko 'no. 'Tsura nito, porke g'wapo, gumagano'n na!" Inirapan niya 'to, nahuli niya pa na nagkamot 'to ng ulo. "Hay, ewan ko sa 'yo." Tatawa-tawa nitong sambit. "Ewan ko rin sa 'yo." Inirapan niya 'to ulit. "O, sabi ko sa dulo ang k'warto mo, hindi naman d'yan," awat ni Paco sa kaniya nang huminto siya sa kauna-unahang k'warto sa gawing kanan at hinawakan niya ang doorknob niyon. "Doon ko ipapalagay lahat ng magiging maging gamit mo habang naka-stay ka rito sa bahay ko," sambit pa nito. Wala lang, napansin niya kasi na may maliit na sticker sa pinto ng k'wartong iyon na ang nakasulat ay: Facundo's lair, back off. Kaliit ng sticker, hindi mapupuna kung bigla ka na lang na dadaan sa pinto at hindi iyon pagmamasdan. Parang nahiya ang may-ari ng k'warto na ilagay kahit sa kaniyang k'warto naman iyon dahil natatakot na madungisan ng sticker ang ganda ng pinto. Malay niya ba kung anong tawag sa mga ganoong klaseng kahoy, basta mukha at amoy mamahalin ang kahoy na iyon na napipunturahan ng kulay krema. "Ah, sagot mo na ang mga damit ko? Hindi na 'ko pupunta sa bahay ko para kumuha ng gamit?" "Hindi na. Less hassle na lang ang gagawin natin, naiutos ko na sa secretary ko ang lahat. Paggising mo ay ayos na 'yon, gano'n ka-efficient si Marigold." "Marigold?" "Oo, secretary ko siya." "Nasa'n siya?" "Huh?" "Bakit wala siya rito? Paano mong nautusan?" Alam naman niyang nakakatanga ang tanong niya pero bakit ba, gusto niyang magtanga-tangahan e. "Through phone, of course." "Ah..." "Isa," banta pa nito sa kaniya nang tumapat siya sa k'warto nito. "Bawal buksan 'yan, that's my room, Polly, I'm warning you," hindi na ito nakatiis yata kaya pinaalam na sa kaniyang k'warto nito 'yon. "K'warto mo 'to?" tanong pa niya. "Yup." Kibit-balikat na ani nito. "E, k'warto mo pala 'to, bakit sa dulo mo 'ko pinapapuwesto?" "'Yon ang guest room. May guest room nga rin sa ibaba, kaya lang ay nanguna ka nang umakyat dito so, sa dulong room ka na lang na guest room. Besides, pareho naman silang guest room." "Ay, ayoko naman sa 'baba 'no!" Kaagad niyang protesta. "Hindi na nga, kaya nga heto na tayo, nasa 'taas na ng bahay hindi ba?" parang inis na saad nito sa kaniya. May gana pa pala itong mainis sa kaniya? Ito naman ang kumayag sa kaniya roon kaya magdusa ito! "'Yon naman pala e," aniya. Nilibang niya lang naman si Paco kaya nga hindi na nito napansin na nabuksan na niya ang pinto ng k'warto nito—na nang mabuksan niya ay kaagad siyang hinabol naman nito! "Polly!" agad na saway sa kaniya ni Paco. Napahagikgik siya. Hinila pa talaga siya nito sa braso niya na para namang may magagawa pa ito e, nasa loob na siya ng k'warto nito! "Okay lang 'yan, Pacs, misis mo naman ako," pambubuska niya pa rito. Makalat sa k'warto nito kaya siguro ayaw siyang papasukin. Makalat nga so, ibig sabihin, hindi nito iyon pinapalinis sa mga katulong noong nawala ito roon. Mukhang maselan sa k'warto ang isang 'to. Kahit makalat, ito ang naglilinis siguro niyon. Kung sabagay, 'pag sarili mong k'warto naman ay dapat lang na pribado 'yon sa 'yo—'yon ay n'ong wala pa siya sa buhay nito. Iba na ngayon. Napangisi siya sa naglaro sa isipan niya. At ang paglalaro ng isip, masayang sabayan ng kapilyahan, tried and tested na niya... "Wow, ang laki naman ng k'warto mo, Paco!" bulalas niya, totoong namamangha siya, iba pala ang interior ng k'wartong 'yon sa interior ng kabuuan ng bahay nito. "Polly, get out please, hindi ako nagpapapasok ng ibang tao rito. Private lair ko 'to," gigil man ay halatang pinipilit ni Paco na maging malumanay sa kaniya. Hila pa rin nito ang pulsuhan niya. "Ang cute naman ng galaxy, wow!" mas namangha niyang bulalas nang nakita niya ang disenyong galaxy sa kisame. Pilit niyang binabalewala ito. Isipin pa lamang niya na 'pag nakahiga ka ro'n ay para ka nang nasa langit—heaven na—er, ano ba naman ang pinagsasasabi niya! Madalas talaga ay wala siyang sense. Isang sense lang ang sagana sa kaniya—humor. Speaking of humor, may naisip tuloy siyang kapilyahan. Dahil nananatili siyang hawak ni Paco, mabilis niyang pinaikot ang palad niya sa pulsuhan din nito saka niya ito hinila pahiga sa malambot nitong kama... "P—Polly! Ano baaa!" Matinis na hagikgik lang ang tinugon niya sa pagprotesta nito. Para itong teenager kasi na hinarass sa mga oras na 'yon nang mapagtanto nito ang ginawa niya—dahil hinila niya nga 'to, sinadya niyang madadaganan siya nito, sinadya niya rin na nakabukaka siya pag-landing nito sa ibabaw niya. "Ang lambot naman... ng kama... Paco, ohhh~" pabiling-biling ang ulo na sambit niya, sadyang binibiro pa rin ang binata na hindi yata napupunang maaari naman nang tumayo—baka sinisimulan nang i-enjoy ang katawan niya. Charot! Nakapikit siya, patuloy na nag-iinarte na animo dinadama ang malambot na kama. Hindi niya tuloy nakita nang matigilan si Paco na pinagmasdan siya... NAKALILIS na ang suot na damit ng babaeng may sira yata sa ulo, kundi ba naman, hinila siya, sinadya na ipaibabaw siya sa katawan nito—sinadya pa nito na i-open ang legs! Jesus! Hindi pa nagtapos ang kapilyahan nito roon, dahil hayun at nagpapabiling-biling 'to sa kama niya, umuungol pa! Iningusan niya ito at talaga naman na nairita siya sa ginawa nitong pambibigla. Pero nang ma-realize niya kung ano ang inuungol nito, nagkiskisan ang mga ngipin niya. "Ang lambot naman... wala na bang ititigas 'to, Paco..." inulit-ulit pa ni Polly ang sinasabi, kumikiwal na parang bulate, hindi alintana ang mga dibdib na nakalitaw na at sumasabay ang galaw sa likot nito. Kung hindi ba naman ito pilya talaga, pino-provoke siya sa salita, na animo naman ay may ibubuga. Haist, ang mga babaeng katulad talaga nito, oo. Akala mo mga wild pero pupusta naman siyang 'pag hinalikan niya ngayon ay magtatatakbo ito. "Malambot talaga ang kama na 'to, one hundred thousand yata ang bili ko rito or more," pabiro niyang tugon kay Polly. Inalis niya kaagad ang ngisi sa labi niya nang magmulat ito ng mga mata. "One hundred thousand?" nanlalaki ang mga mata nitong tanong. "Yup," tipid niyang sagot. Kung napupuna nito na sadyang hindi siya umaalis sa pagkakadagan niya rito ay bahala ito, tutal ay ito naman ang nagdala sa kanila sa ganoong posisyon—nakatukod ang dalawa niyang braso sa magkabilang tainga nito, ang mga binti naman nito ay nakapulupot sa bewang niya—oo, iniiwasan lang niya na magkabungguan ang ibabang bahagi nila. Ang biro ay biro. Hindi naman siya tulad ng ibang lalaki na ite-take advantage ang mga kalokohan ng mga babaeng tulad ni Polly. "Gano'n kamahal?" "Oo nga, Polly." "Mas mahal pa sa p'k-pok do'n sa bar namin 'to ah!" Napakunot-noo siya. Hindi niya nagustuhan ang comparison. "Shut up, hindi magandang pakinggan na kinukumpara mo ang isang babae sa isang kama, Polly." Lukot ang mukha niyang saad dito. "Bakit bawal? E, hayan nga at nararamdaman mo naman na malambot ang katawan ko, kasing lambot ng kama mo," sinambit ni Polly iyon sa boses nitong siguro ay ginagamit na pang-lure sa mga customers nito sa bar. Napakaharot talaga ng babaeng ito. May kalakasan na pinitik niya ang noo nito. "'Wag mong magamit-gamit sa 'kin 'yang sexy voice mo, hindi naman 'yan tatalab sa 'kin." Umingos ito. "Weh? Hindi ba talaga?" Natigilan siya. Kung hindi ba naman talaga maharot ang babae, isinakto lang naman ang pagkakalapat ng mga ibabang bahagi nila! "O. M. G! Hindi pala malambot!" mahusay na ani pa ni Polly, OA pa na suminghap. Nagulat tuloy siya at napaatras. "Polly! Sheeesh! For fcvking sake!" gulat niyang bulalas sa babaeng tatawa-tawa. Tumayo na siya, bago niya 'to iniwan ay hinagisan niya ito ng kumot niya—saktong buong katawan nito ay naitago ng kumot. "Kaya mo na 'yan mag-isa," biro niya pa sa babaeng nakakainsulto pa rin na tumatawa. "Hoy! Hindi ko ginagawa 'yon 'no!" Natawa siya, talagang pasaway ito, sumasagot pa kahit nakatalikod na siya. "Kung gusto mong matulog d'yan bahala ka na." "Kakain muna ako bago ako matulog!" sagot pa nito. NANG tuluyan siyang iwan ni Paco roon ay malawak na napangiti si Polly. Ang yaman pala ni Facundo Hondradez. Saka gentleman pala. Maano bang pagplanuhan niya kung paano itong makukuha talaga? Tama! Kailangan niyang makumbinsi ito na totohanin na lang ang pagiging mag-asawa nila... Oplan: Paibigin si Paco Hondradez kung hindi maakit dahil gentleman nga ito— tama, ganoon na nga! Fighting, Policarpia! ***** NAPASARAP ang tulog ni Polly. Dahil siguro sa pagbabad niya sa bathtub kahapon. Masyado siyang natuwa roon, bago kasi sa kaniya iyon. Bathtub na may likidong sabon na nakakaantok at nakaka-relax ang amoy… Balikwas siyang bumangon nang maalala niya ang sitwasyon na kinasuotan—Oo nga pala, nasa bahay nga pala si Paco. Si Paco na inangkin siyang misis dahil may baliw na manliligaw! Oo nga pala, ehem, sosyal na 'ko ngayon! Sa naisip ay nagpatalbog-talbog siya sa kama na napakalambot naman talaga. Sininghot niya pa 'yon para malaman niyang hindi talaga panaginip ang lahat ng 'to. "Bongga mo, Policarpia!" aniya sa sarili. At dahil sosyal na, maarteng kinuha niya ang digital clock na nasa tabi ng kama niya't sinipat niya iyon. "Okay, 8 AM. Puwede pa 'kong maligo ulit sa bathtub na may mabango at mabulang sabon na hindi na Safeguard. Hindi ko na rin kailangan na magpakulo ng tubig dahil may pa-warm at cold 'yon, bongga talaga!" sambit niya pa sa sarili. Kaagad siyang bumaba ng kama. Namangha siya sa tsinelas na naroon. "Uy, bongga, may mga balahibo!" bulalas niya, tukoy ang tsinelas na nakahanda sa gilid ng kama. Tinotoo ng lolo mo Pacs na ipapamili siya ng mga kagamitan habang naroon siya. "Ang mga damit kaya?" Excited na dumiretso siya sa malaking damitan na pinaliwanag sa kaniya ni Paco kahapon na lagayan daw ng damit. Tanda niya pa na sabi nito ay matulog na siya, huwag na raw niyang alalahanin ang mga damit niya dahil paggising niya ay nakaayos na ang lahat, nag-promise pa ito sa kaniya. "Wow! Totoo nga!" manghang bulalas niya nang pagbukas niya sa 'closet' daw ang tawag doon— ay napakarami na ngang damit na naroon. Mga damit na sa panaginip lang siya magkakaroon... May mga sapatos pa... bags... "Okay ah. Bongga 'tong si Paco talaga!" pagkausap niya pa sa sarili. Siyempre, pagkatapos niyang mamangha ay kinilig siya sa mga magagandang damit, sapatos at bags na naroon. Ang isipin pa lang na kaniya na ang lahat ng mga iyon ay nakakakilig na. "May pa-bathrobe pa si mayor!" natatawang aniya nang makita niya ang mga bathrobes na iba't-iba ang kulay. Ganoon ang mga sinusuot ng mga napapanood niya sa pelikula at telenobela kaya isusuot niya rin iyon ngayon dahil maliligo siya! "Pero wait, nakaligo na 'ko sa bathtub, baka puwede naman na sa pool ako ngayon maligo?" bulong niya sa sarili. Inisa-isa niya pa ang mga damit na naroon, may partikular siyang hinahanap... "O, ha, kabog! May pa-two piece pa!" Nasisiyahan na bulalas niya nang makita ang siyang hinahanap na nga niya mismo nang maisipan niyang maligo naman sa pool ngayon. Dapat na muna siyang magsabon at magbanlaw ng katawan bago siya maligo sa pool. Nang ayusin niya ang dadalhin sa pool na towel at two piece, naabutan niya ang phone niya na nagba-vibrate sa table sa tabi ng kama niya. "Yes, Pacs, good morning," masiglang bati niya sa lalaking hulog yata ng langit sa kaniya. "'Morning. Nakita mo na ba ang mga pinamili ni Marigold? Sabi niya ay okay na raw, kaninang seven siya nagpunta sa room mo, tulog ka pa raw. Pasensya ka na ah, babae naman si Marigold kaya hinayaan ko na siyang pumasok sa k'warto mo nang walang paalam." "Sus, para 'yon lang. Bahay mo naman 'to." Saka kahit ikaw pa ang pumasok sa k'warto ko nang walang paalam, ayos lang... Tumawa si Paco sa kabilang linya. "Sige na, tumawag lang ako para i-check kung gising ka na. 'Wag kang mailang d'yan, feel at home. Nasa office na 'ko, no'ng umalis kasi ako ng bahay ay tulog ka pa. Naibilin na naman kita kay Olen at Manang Olive, sila ang dalawang kasambahay ko. Mag-ina sila. Magsabi ka lang sa kanila ng kailangan mo or kung ano ang gusto mong kainin," mahabang wika nito. "Teka, Pacs!" awat niya sa akmang pagbaba nito ng tawag. "Why?" "Mag-swimming sana ako sa pool..." Kagat labi niyang sambit. Bakit para siyang nahihiya? Ngayon pa ba? Ngayon pa talaga siya mahihiya kung kailan plano na niyang maging misis nito nang totohanan? Aba, grabe na ang rangya ng buhay niya ngayon. Señorita life na ang tawag talaga sa mga mayroon siya. Sa isang iglap, kahit trabaho niya lang ito sa lalaking kausap, ginhawa iyon sa kaniya ah. Hindi birong ginhawa sa katulad niyang lumaking mahirap at sa squatter nakatira. Hindi man niya hiniling o pinangarap ang ganoong buhay, in-offer naman ni Paco, aba, maano bang lubos-lubusin na niya? Maano bang totohanin na niya? Hindi rin naman ito lugi sa kaniya dahil hindi siya katulad ng ibang babae sa bar na nagpalaspag na. Saka maganda siya, naniniwala siya roon magmula nang pinanganak siya sa mundo dahil ganda lang ang meron siya na hindi maaagaw sa kaniya ng kahit sino. "Puwede ka naman mag-swimming sa pool kaya lang, hindi ba masyado pang maaga?" "Bakit? Bawal ba na maligo sa umaga ro'n? Dapat ba sa gabi lang?" Hagalpak 'tong natawa. "Hindi naman sa gano'n. Alright, alright, bahala ka na. Ikaw na ang bahala kung gusto mong mag-pool. Hindi ka naman nila babawalan d'yan." "Oo nga pala, misis mo 'ko. Sige, bye, ingats you, mister ko, mwah!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD