2: Misis Ko, Kunwari

2601 Words
GUSTO sanang matawa ni Paco sa sinabi ni Polly pero minabuti niyang awatin na lang ang sarili at baka ma-offend niya 'to. Bagkus ay tinitigan na lang niya ito at sinipat. "Ano 'yang tingin na 'yan ha?" Kunwa'y nahihintatakutan pa si Polly na niyakap ang sarili. Pagak siyang natawa. "Polly, hindi ako katulad ng mga lalaking customers niyo sa bar." "Hala, grabe! Hindi ko alam kung dapat ba 'kong ma-offend sa sinabi mong 'yan, pag-isipan ko na muna." Natawa siya ulit. Pero saglit lang ay sumeryoso na siya at tumikhim. "Seriously, may offer ako sa 'yong matinong trabaho." "Matinong trabaho? Ano naman 'yan? Hoy, sinasabi ko sa 'yo, hindi ako naglalaba, masisira kasi 'tong kuko ko. Hindi rin ako nagluluto, wala akong panahon na pag-aralan din ang pagluluto dahil mas madali na lang sa solo sa buhay na 'pag nagutom ka ay bumili na lang do'n sa squatter, nakatulong ka pa sa maliliit na tindahan." "Hay, ang daldal mo naman e," kunwa'y reklamo niya rito. "E, ano ba kasi 'yan? Ang matinong trabaho para sa mga katulad kong hindi nakapag-aral ay kasambahay, de kotse ka, ano sa tingin mo ang iisipin kong trabaho na iaalok mo sa 'kin?" Gusto man niyang sawatahin ang pangmamaliit nito sa sarili ay bumuntonghininga na lang siya. Sa mas seryosong tinig ay tinugon niya ito, "Maging misis ko, kunwari." Natigagal ito, saka ibinuka ang maliit na labi na may pinturang pagkapula—and to his great surprise, tumawa ang kausap niya! "Polly, I'm serious, okay?" medyo inis niyang sabi. "Talaga ba?" mapang-asar naman nitong tugon, tataw-tawa pa. Instantly, he rolled his eyeballs. Napahawak siya sa sarili niyang batok at minasahe niya iyon sandali. Ganoon siya kapag bumubwelo sa nais sabihin. Sa nais sabihin na medyo nakakahiya, oo na nga. "Seryoso nga ako, Polly. Look, tutal kasi naman ay naipakilala na kita kay Monica bilang asawa ko." "O? Ano namang kinalaman ko sa inyo?" "Kaka-confess ko lang sa 'yo kung bakit ako nag-decide na umalis ng bahay—" "Ah! Dahil may plano ka pala na iuwi ako at ipambala sa lola mo at do'n sa Monica na 'yon!" "Not really. Polly, look, again, wala ka naman ng work na babalikan sa bar. Then, sabi mo nga, hindi ka naman nagpapalabas, ni hindi ka puwedeng maging maid. Kung ipipilit mo pa ang sarili mo sa bar na 'yan, pipilitin ka rin panigurado ng matanda na sinasabi mo." "Paano mo naman nasabi?" "Sigurado ako na pipilitin ka niya dahil lalaki rin ako," he said, then he crossed his arms and looked at Polly's... humps… Para sa humps ay medyo may kalakihan iyon, actually. And to be honest, kanina niya pa ito sinisipat at isa rin talaga siya sa nagpipilit lang na awatin ang sarili rito dahil again, lalaki rin siya. Lalaki siya at ang babaeng kasama niya ay may magandang kurba ng katawan. Pero dahil hindi siya katulad ng ibang lalaki, nag-adjust siya rito, nilalambingan niya ang boses niya para lang makagaanan siya nito ng loob sa sandaling oras nilang magkakilala dahil well, oo na, may hidden agenda nga siya— ang maisama ito sa bahay niya. "Sige lang, titig lang." "Come again?" "Sige lang, titigan mo lang dahil hindi mo naman makukuha ang katawang 'to." He laughed. Out loud. "Aba't, ano ang nakakatawa ha?!" Nag-peace sign siya gamit ang mga daliri niya para huwag tuluyan na magalit ang babaeng halatang nainsulto sa tawa niya. E, sa natawa siya. Natawa siya dahil gaano ba ito kasigurado na hindi niya ito makukuha kung gugustuhin niya? Isa siyang Hondradez, hayun nga at si Monica ay ganoon na lang kung habulin siya. "Wala, wala," aniya na lang dito. "Ikaw Paco ah, kanina ka pa. Nababaitan na sana ako sa 'yo e!" "Natawa lang talaga ako sa klase ng pananalita mo." "Hala? E, anong gusto mong gawin ko, lambingan ko ang pagsasalita ko sa 'yo?" "But seriously, please, Polly, samahan mo na 'ko sa bahay ko. Ikaw lang ang nakikita kong pag-asa para lubayan ako ni Monica, para naman makabalik na 'ko sa totoong trabaho ko." Nami-miss na rin naman niya ang company nila na sa ngayon ay pinangangasiwaan ng mas nakababatang kapatid niyang si Preston dahil wala nga siya. Para makumbinsi niya si Polly, itinalikod niya ang suot niyang cap at tinitigan niya ang mga mata nito. Marami kasing nagsasabi na ang mga mata niya raw ay mahirap tanggihan kapag nagsimula na siyang magsumamo gamit iyon. "Please..." pakiusap pa niya. Saglit siyang pinagmasdan nito. Siya naman ay nag-puppy eyes... "Haist, oo na, oo na, sige na!" "Pumapayag ka na?" Inismiran siya nito. "May sahod 'yan ah, kailangan kong magbayad ng upa ng bahay ko, kuryente at tubig kahit hindi ko na muna uuwian 'yon at mahirap maghanap ng bahay ngayon na gano'n kaliit lang ang bayad sa upa." "Sure! Heck, no problem with that." Naglakad ito at tinalikuran na siya. "Saan ka pupunta?" "Sa kotse mo, kukuhang pambayad sa balut." ***** KANDATUWAD si Polly para makuhanan ng magandang anggulo ang kotse ni Paco. Kinukuhanan niya rin ng picture ang plaka ng kotse gamit ang camera ng phone niya, ipapadala niya iyon sa matalik niyang kaibigan na si Alondra. Ito na lang kasi ang nag-iisang pamilya niya sa mundo. Hindi niya kilala si Paco, at kahit safe naman ang pakiramdam niya sa lalaking basta na lang siya ipinakilala na misis nito, maigi na rin na makasiguro siya kung sakali. "What are you doing?" tanong sa kaniya ni Paco nang makalapit na ito sa kaniya pagkatapos nitong bayaran ang nagtitinda ng balut. "Taking pictures— O, ha, hindi mo kinaya, marunong akong mag-English! 'Kala mo ha," mayabang at pabiro niyang sabi rito. Pagak na natawa ito. "Alright, feel free to do that." "Ipapadala ko lang naman sa kaibigan ko para malaman niya kung sino ang kasama ko kung sakali na umuwi siya ng inuupahan namin at hanapin niya 'ko." "Kaibigan o live in partner?" Inismiran niya si Paco. "Kaibigan ang sabi ko 'di ba? Saka babae siya." "Ah... so, siya ang kasama mo sa sinasabi mong inuupahan mong bahay?" Tumango siya. "Oo." Nang sumakay na ito sa kotse nito ay sumunod na rin siya. "ID," aniya kay Paco pagkasakay na pagkasakay niya sa upuan ng kotse nito. Nilahad niya rin ang isa niyang palad dito. "Ha?" "ID, pahiram." Napapalatak ito. "Gusto mo lang yata ng picture ko, nahiya ka lang na magsabi," tugon nito, dami pang sinasabi, dinudukot naman na ang ID na hinihiram niya. Nang mag-flash ang cam ng phone niya ay nagulat ito. "Hey!" "Picture sabi mo, o, 'yan, selfie na lang." "Hindi naman ako nakatingin." "Ayaw mo ba no'n, stolen shot." "Ewan ko sa 'yo." Iiling-iling nitong sambit. "Grabe ka talaga, hindi ka maisahan ah." Nakaingos na turan sa kaniya nito habang inaabot sa kaniya ang hinihiram niya rito. "Gano'n talaga. Ni hindi nga kita kilala, basta ka na lang pumasok sa bar at may pag-claim na asawa mo 'ko." Pagak na tumawa 'to. "So, talo ka pa pala?" "Sa ganda kong 'to, oo naman," pabirong tugon niya. Sinipat niya ang ID na hiniram niya rito. Lisensya pala ang ibinigay nito. "Hmn, in fairness, g'wapo ka. Kaya nababaliw sa 'yo 'yong si Monica." "Matagal ko naman nang alam 'yan." Hindi siya nagkomento. Natural lang naman na malaman nito sa sarili na g'wapo 'to dahil totoo naman. "Hondradez ka pala..." "Oo, huwag mo nang alalahanin kung saan mo narinig ang apelyido na 'yan, masyado kaming marami rito sa Pilipinas kaya kilala rin talaga." "Okay, sabi mo e." Ibinalik na niya rito ang lisensya nito, kinuha naman nito iyon at agad binalik sa pinagkuhanan kanina. "Fasten your seatbelt, miss." Ginawa naman niya ang inutos nito. Iyon nga lang, dahil wala naman sa bundok, hayun nahirapan siyang ikabit iyon. "Paano ba 'to, Paco?" Pagak na natawa ito. "Isinusuot lang naman 'yan na parang sa mga rides sa amusement park." "Naku, parang hindi naman, ang higpit nito o," sagot niya rito. Kahit ano kasing pihit niya sa lock ng seatbelt ay ayaw niyon mapihit. "Tsk. Gusto ko sanang tulungan ka..." Marahas niya itong nilingon. "E, ano pa ba? Tulungan mo na 'ko aba! Pero kung okay lang sa 'yo na huwag ko na 'tong ikabit, ayos lang din sa 'kin." "Hindi puwede. Hindi ako sanay na walang seatbelt ang pasahero ko." "'Yon naman pala, ano pa ang tinatanga-tanga mo d'yan?!" "Kaya mo na 'yan." "Ayaw nga! Paco, ano ba?!" naiinis na niyang wika. Nakikita naman nito na hindi niya nga mapihit! "Hay, hindi kasi puwede na ako pa ang magkabit niyan sa 'yo, Polly." "At bakit hindi?" Namimilog ang mga mata na tanong niya. Nang pagmasdan nito ang dalawang umbok niya sa dibdib, saka lang niya naunawaan ang ibig nitong sabihin. "Anak ng tatlumpu't pitong tupa!" hindi makapaniwalang bulalas ni Polly, saka siya malakas natawa. Halakhak na nga dahil nang tumingala siya ay sinadya niyang idamba ang sarili sa sandalan ng upuan ng kotse para mas ma-flaunt sa lalaking katabi ang kinatatakutan nitong masagi kung sakaling tulungan siya nito sa seatbelt. Pero ang halakhak niya ay nabitin nang bigla siyang dumausdos sa kinasasandalan na upuan! "Mahiga ka na lang. Parusa ka rin talaga sa mga kalalakihan," marahas na sambit ni Paco sa kaniya, saka sinimulan na nitong pinasibad ang kotse. Siya naman ay kaagad na napahawak sa kung saan maaari niyang mahawakan dahil may kabilisan pala na magmaneho ang katabi niya, o sinadya lang nito na magmadali para maiwasan siya ng tingin? "Hoy! Kalmahan mo lang, ibang langit ang kapupuntahan nating dalawa 'pag hindi mo inayos 'yang pagmamaneho mo!" Humahagikgik niyang turan dito. Ang halakhak niya ay pumuno pa sa loob ng kotse nang sadya niyang ililis ang suot niyang off-shoulder para ma-testing niya kung lilinguni siya ni Paco— na siyang ginawa nga nito kahit nakatuon pa ang atensyon nito sa kalsada. ***** SUMISILIP na ang umaga nang makarating sila ni Polly sa Pampanga. Mas gusto niya kasi ang buhay probinsya kaya roon siya nagtayo ng bahay niya. At ang Pampanga ang best choice kung malapit din lang sa city at may province vibe ang tipo mong lugar. Nilingon niya ang babaeng katabi. Hindi niya napigilan na mahinang matawa nang mapagtanto niyang nakanganga ito habang himbing pa rin ang tulog. Sa totoo lang, maganda naman talaga si Polly.Nang makita niya nga ito sa bar na nasuotan niya kagabi dahil sa paghahabol sa kaniya ng mga tauhan ni Monica ay natuon agad dito ang mga mata niya. Gandang morena, 'yon ang angkop na salita sa gandang taglay ni Polly. Gandang switik pa dahil kinuhanan ka niya ng picture at ID, anang kung sino sa dulong bahagi ng utak niya. Pagak na lang siyang natawa at napailing. Isa nga sa nagustuhan niya sa karakter ng babaeng ito ang ginawang nitong iyon. Indikasyon lang kasi iyon na hindi nito pababayaan ang sarili kahit ano ang mangyari. Iyong tipong chill lang ito at palabiro pero akalain mong ginagamit pala ang utak para sa sariling kapakanan. Mahal nito ang sarili. Samantalang ang mga babae na katulad ni Monica, ni walang pagpapahalaga sa sarili. Ipipilit pa ang sarili sa taong hindi naman ito gusto. "Polly..." Bahagyang niyugyog niya ito sa balikat para magising. Mahirap na, judgmental na siya siguro pero may vibe siya na ang mga tulad ni Polly ay nananapak sa tuwing maiistorbo ng gising. "Ungh..." Kaagad naman na nag-response ito sa bahagyang uga na ginawa niya. "Polly, nandito na tayo," wika niya sa malumanay na tono. "Sa loob ka na lang matulog." Dumilat ito. Nakipagtitigan sa kaniya. Kumurap. Maraming beses pa na kumurap… "Polly—" Okay, nabigla siya nang walang ano-ano ay pinulupot nito ang mga braso sa leeg niya. "Akala ko joke lang," sabi nito. Napangiti siya. Siguro ay naalimpungatan ito kaya ganoon ang reaction. And yeah, judgmental nga siya dahil imbes na manapak nang maalimpungatan sa himbing na pagkakatulog ay hayun, nakayakap ito sa kaniya ngayon. "Polly..." Siguro ay nahimasmasan na, kaagad naman itong bumitaw sa kaniya at marahan siyang tinulak sa dibdib. "Lumayo ka kaunti, bad breath ako, kakagising ko lang." He chuckled. "Amoy yosi lang ang naamoy ko," biro niya rito. Umismid 'to. May dinukot sa bag, mouthwash pala. "Girl scout ah," pagbibiro niya ulit. "Hindi 'no, tamad talaga akong mag-tootbrush kasi." Natawa siya. "Gano'n? Ba't okay naman ang ngipin mo?" "Tange, pustiso 'tong dalawa kong ngipin sa harap!" Tinuro pa nito ang sinasabing pustiso. "Ha? Hindi naman halata." Hindi talaga, kaya nagulat siya na pustiso pala iyon? Seryoso ba? "Marunong lang akong magdala." "Ano?" "Magdala ng ganda." Natawa siya ulit. Grabe naman kasi ang humor nito. "Okay, sabi mo e." "Talaga! O siya, arat na." "Arat— ano?" She rolled her eyeballs. "Sabi ko, arat na— tara na. Sa'n ka bang mundo galing? 'Kaloka! Buti na lang g'wapo ka!" She said while combing her hair using her fingers. "May mouthwash ka pero wala kang suklay?" She scoffed. "'Dami mo namang ebas!" Nalukot ang mga kilay niya. Hindi niya maunawaan talaga ang ilan sa mga sinasabi nito. "O, 'wag mo 'kong matignan nang ganyan, ebas—sabi 'yon, dami mong kuda, gano'n!" Okay, mas lalo niya lang na hindi naunawaan. Buntonghininga na binuksan na lang niya ang mga pintuan ng kotse niya para makababa na sila. "'Ganda ng bahay mo ah!" mangha na bulalas nito pagkababa nila sa kotse. "Thanks," he simply replied. "Bayad na ba 'to?" "Huh?" "Baka mamaya hindi pa 'to bayad, ang laki o!" Napailing na lamang siya. Hindi na lang din niya pinansin ang huli nitong sinabi. Nauna na rin naman kasi ito sa paglalakad sa kaniya. Sinisipat ang kabuuan ng lawn ng bahay niya. "'Ganda talaga! Sa mga palabas ko lang nakikita 'tong ganitong bahay e..." "Señorito, narito na po pala kayo. Magandang umaga ho," bati sa kaniya ng isa sa dalawa niyang kasambahay roon na si Olen. "Good morning, Olen. May breakfast na ba?" "Ah, nagluluto pa po. Late na rin kasi na nabasa ni Nanay ang text niyo," tugon nito, tukoy ang isa pa nga niyang kasambahay na nanay nga nito. "That's okay, magsha-shower na muna kami." "Kami?" OA na reaksyon ng kasama niyang babae, nilingon siya na namimilog ang may kalakihan nitong mga mata na may mapupungay na pilik. Then naisip niya bigla kung tunay ba ang mga pilik matang iyon... "I—Ihahanda ko na po ba ang maisusuot niyo, Señorito Paco? Señorita?" Tinapunan lang niya ng saglit na tingin si Polly bago niya sagutin si Olen, "No thanks. Kami na ang bahala ro'n, just focus on the breakfast, gutom na rin kasi ako." Iyon lang at nagpaalam na sa kanila ang huli. "Señorita? Seryoso ba 'yon?" "Yeah, nasanay kasi sila kay Granny na gano'n ang tawag sa mansion—" "Mansion?!" Nalukot ang ilong niya sa ingay nito. "Polly, 'yong boses mo, pakihinaan please." "E, putsa! Sino ba ang hindi magtataas ng boses? Sinabi ko na sa 'yo kanina, sa mga palabas ko lang nakikita ang ganito, tapos may tatawag pa sa 'kin na señorita, may pa-mansion ka pa d'yan!" Okay, he get it. Iba nga naman ang nakalakihan nito sa nakalakihan niyang lugar. "Alright, my bad, pero siguro naman ay bukas medyo maghihina ka na ng boses," nakakaunawang sabi na lang niya rito. Malumanay niya na rin itong pinagsabihan. "Bakit? Bawal ba mag-ingay rito?" Nakataas ang kilay na sagot naman sa kaniya nito. "Polly—" "Misis mo naman ako ah!" Ano raw? "Polly, what I'm trying to say is—" "Ah, tama na, Paco! Mauuna na 'ko sa k'warto natin!" At tumalikod na nga 'to. "Teka, saan nga pala ang k'warto natin banda? Mukhang malawak ang itaas, baka maligaw ako." Tsk, mukhang kakaiba talaga ang babaeng naiuwi niya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD