bc

Misis Ko, Kunwari {COMPLETED | FREE}

book_age18+
2.1K
FOLLOW
6.5K
READ
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

{COMPLETED}

Isang kaguluhan sa bar na kaniyang pinapasukan ang tumapos sa pagiging dalaga na may mababang lipad ni Polly. Paano ay basta na lamang siya hinila ng isang matipunong lalaki at pinakilalang misis nito!

Ni hindi niya ito kilala. Hindi niya alam ang pangalan, pero dahil mayaman naman pala ito, naisip niyang wala naman din masama na maging misis nito, kunwari.

Namuhay señorita siya sa mansion na pinagdalhan sa kaniya ni Paco Hondradez. Ang noon ay mga pinapangarap lang niya, nakuha niya sa isang pitik lang dahil dito.

Dahil sa marangyang buhay na ibinigay sa kaniya ni Paco, naging misyon niyang paibigin ito upang totohanin na nito ang pagiging mag-asawa nila.

Okay na sana, dama na niya ang tagumpay ng misyon niya, kaya lang ay biglang umentra ang lola nito at hinamak siya.

Paano na ang misyon niya sa pagdating nito?

Paano na nga ba siya gayong ang totohanan na ninanais niya ay mukhang nag-backfire sa kaniya?

Dama na niya kasing mahal na niya si Paco...

©May 2022 | Luna Margaret

***

[STORY WRITTEN IN TAGLISH]

chap-preview
Free preview
1: The Chaos
Trigger warning: -Premarital s€x -Annoying characters -Bad language What to expect: -5 % SPG -Sweet -Cliché -Fast read romcom -Happy ending * * * * * NAPANGITI si Poks sa nakikitang sariling pigura sa harap ng salamin na tag one fifty pesos sa palengke. "'Ganda mo talaga!" papuri niya sa sarili. Sino ba naman kasi ang hindi pupurihin ang sarili? Self love is a must, matagal na niya iyong naaral. Noon pa man na nauntog siya sa katotohanan na walang lalaki ang magseseryoso sa kaniya dahil sa klase ng trabaho na mayroon siya. O, enough na nga ang emote, Policarpia, baka maiyak ka pa... Ginalaw-galaw niya pa muna ang hikaw niya sa harap ng salamin, ang ganda rin talaga ng loop earrings na bagong bili niya sa palengke. Sabi na nga ba niya at bagay iyon sa kaniya. Pinaiksian niya kasi at pina-itiman na ang buhok niyang mahabang panahon na rin na may kulay brown. Pina-itim niya 'yon at pinaiksian. Bob cut, para mas ma-flaunt ang balikat niya na para sa kaniya ay asset niya. At para mas ma-flaunt pa iyon, off-shoulder na blouse ang suot niya ngayon na tinernuhan niya ng maiksing paldang maong. Tsinelas lang ang sapin niya sa paa. Pagdating kasi sa bar kung saan siya nagtatrabaho ay papalitan din niya ng mataas na sapatos iyon, ayon sa kagustuhan ng manager nila sa bar na si Mama Musa. "Bentong, arat na!" malakas niyang tawag sa pedicab driver na siyang palagian na naghahatid sa kaniya sa bar. Kinakandado niya muna ang maliit na kuwartong inuupahan niya dahil siya lang naman ang mag-isang natutulog doon ngayon. Nakahanap kasi ng trabahong stay-in ang matalik na kaibigan niya na nag-iisang katuwang niya sa buhay. "O," untag sa kaniya ni Bentong. Inabot ang candies na palagian na ito ang bumibili. Kasama iyon sa trabaho nito sa kaniya, bukod sa ipag-drive siya ay tagabili niya rin ito ng candies na siyang binabaon naman niya sa bar gabi-gabi. "Good job!" biro niya sa binatilyong hindi na nga kagandahang lalaki ay dugyot pa. Kinuha na niya rito ang candies at isinilid iyon sa bag niya. Tagabili ng candies niya at tagahatid lang ang trabaho ng binatilyo sa kaniya. Hindi naman kasi siya umuuwi ng madaling-araw kahit ganoon ang tamang uwi ng mga katulad niya. Nagpapalipas muna siya sa bar ng lasing niya at palaging alas sais o alas siete na siya ng umaga umuuwi para makapag-jeep na lang siya. Puwede siyang mag-jeep din sa pagpasok pero malaking tulong na sa binatilyo ang service-an siya kaya nagpapahatid na siya rito. Kahit ganoon naman ang trabaho niya, na tinuturing na salot sa lipunan ay may puso naman siya. Hindi rin siya tulad ng mga kasama niya sa bar na nagpapalabas sa parokyano nila. Paano nga ay maraming lalaki na pamilyado na pero kumukuha pa rin ng babae sa bar. Iyon ang pinakainiiwasan niya kahit sadyang malaki ang kita. Hindi siya naglalasing gabi-gabi hanggang sa hindi na niya makayanan kung magpapalabas din lang naman siya sa kung sino-sinong lalaki na parokyano ng bar nila. Oo, sa alak lang siya kumikita, so, walwal na lang hanggang sa hindi makalakad! Pero siyempre, madalas ay dinadaya niya sa alak ang mga nakaka-table, kasama 'yon sa trabaho nila e. Para-paraan kumbaga. "S'yempre naman! Ako pa ba?" mayabang na tugon ni Bentong sa kaniya. Natawa siya. "Oo na, ligo na lang talaga ang kulang sa 'yo." "Grabe ka naman talaga sa 'kin, Poks, oo." Natawa siya ulit. Parati niya na itong binibiro ng ganoon, parati pa rin naman 'tong nagrereklamo. "Lalarga na naman si Poks!" "Poks, sana makarami ka!" "Hayo na't magparami!" Nagkakatawanan na kantyaw sa kaniya ng mga kapitbahay niyang nakakumpol sa kalsada, nadaanan nila ni Bentong ang mga ito. Ganoon talaga ang mga ito. Tila artista siya sa tuwing nakikita ng mga ito. Siyempre pa, bilang palabirong tao basta wala namang personalan, nag-flying kiss siya sa mga ito pagkatapos ay kumaway siya na animo Ms. Universe. "Magdilang-demonyo sana kayo mga hudas kong kapitbahay!" biro niya sa mga ito. Ganoon parati ang tagpo nila sa squatter na tinitirhan nila na siya lang ang nilalang na maganda na, sexy pa. "O, 'YAN na pala si Poks." Malawak siyang napangiti sa mga p'ta na katulad niya. Kinawayan niya ang mga 'to at bineso-beso. Nagyoyosi talaga muna sila habang wala pang oras na mag-time in sila sa bar. Oo, may pa-time in din ang manager ng bar na si Mama Musa. Sosyal kunwari e. Sabagay naman, pang-maganda lang talaga ang bar nito. Hindi 'yon pipitsugin lang at masasabi niya talagang ang mga parokyano roon ay kayang maglabas ng pera para sa alak at babae na puwedeng ilabas ng mga ito. "Problema natin mga poks?" bati niya sa mga kasama nang makalapit siya sa mga 'to. Inabutan siya ng mga ito ng isang stick ng yosi na kaagad niyang sinindihan dahil minsan lang siya makalibre sa mga ito. Poks din ang tawag niya sa mga ito dahil hello, pare-pareho naman silang poks doon. Siya nga lang ang nagpatawag ng Poks na literal dahil nakantyawan na siya sa squatter. Go lang, doon sila masaya e. Pero Polly talaga ang palayaw niya. Short for Policarpia. Sa bar naman kasi ay bawal gamitin ang tunay nilang pangalan kaya go na siya sa 'Poks' na bansag sa kaniya ng mga kapitbahay niya na ginamit na nga niya hanggang doon sa pinapasukan niyang bar. "Si Mama Musa, may sumpong." Pagak siyang natawa. "Kailan ba naman nawalan ng sumpong 'yon?" "Mas malala ngayon!" ani Joan, ang kasama niya sa trabaho na may pinakamalaking bo*bs. "Talaga? Bakit naman? Anong drama ni bakla?" "Alam mo na, kinukulit ka niya na magpalabas. Type ka raw no'ng mayaman kagabi. Bilyonaryo pala 'yon!" Napangiwi siya. Ang tinutukoy ng mga ito ay ang suki nga nila sa bar na bigatin. Nagpahipo naman siya roon kaya lang dahil may edad na nga at dahil sa alak lang siya nagagawang i-table niyon, saglit lang ay bagsak na ang tanders sa kalasingan. Ang ending, hindi siya mahipuan nang todo. "Kadiri naman 'yon e, kahit mapera." Nagtawanan ang mga hitad na poks sa sinabi niya. Ang pag-uusap nila at tawanan ay nahinto nang tawagin na sila ng guard. Oras na ng pagpasok nila. ANG matanda na kanina ay pinag-uusapan nila, natanaw ni Poks na pumasok sa bar kung kailan medyo lasing na siya. Mag-a-alas onse na rin kasi ng gabi at naka-ilang customer na siya. Buti na lang, ibig lang sabihin niyon ay may kita na siya. Hindi na niya kailangan na pagtiisan ngayong gabi ang Tanders. Nakakahinayang man dahil madali namang lasingin ito, nagiging clingy naman kasi at balak siyang ilabas. Kinakantahan na nga ang manager nila. So, no puwede na ito sa kaniya mula ngayong gabi. "'Yan na si Tanders," bulong sa kaniya ni Joan. "Go, libangin mo nga, 'CR lang ako," pabulong din niyang tugon dahil hindi naman sila magkakarinigan sa ordinaryong pag-uusap at maingay sa bar. "Ha? Hindi mo papa-table-in ngayon sa 'yo?" "Ayoko. Kilala mo naman ako, 'pag makulit na, ayaw na ng ganda ko." Iiling-iling niyang sambit. "Sira ka talaga." Natawa nitong wika. Ginawa rin naman ang sinabi niya. Nang makita niyang sinalubong at inasiste na ni Joan ang makulit nilang customer, tumayo na siya upang tumalilis. Magbabanyo muna siya para hindi siya mapuna ni Tanders. "Excuse me," bulong niya habang sumisiksik siya sa kumpol ng mga taong nagsasayaw. Nakikiraan siya at talagang sumiksik siya sa mga 'to para solid ang pagtatago niya sa matandang bilyonaryo, na siguradong nililinga na ang kabuuan ng bar para mahanap siya. Hindi niya naman ito masisi, maganda siya e. Iyon lang talaga ang maipagmamalaki niya. Napangiti na lamang siya sa mga naglaro sa isipan niya. Madalas talaga ay siya na ang bumubuhat ng upuan niya. Ganoon talaga, form of self love pa rin naman iyon. Pero ang pagsiksik niya ay natigil nang magtilian ang mga babae sa bar at nagsitabi ang lahat ng mga tao. Kunot ang mga kilay na nilinga niya ang likuran niya upang malaman niya kung ano ang nangyari. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat—mukhang may nakaambang gulo sa bar ngayong gabi! Nalingunan niya kasi ang limang kalalakihan na malalaki ang katawan, mukhang may hinahanap sa loob ng bar ang mga ito… "Sino ang mga 'yan?" bulong niya sa kawalan ng direktang kausap naman. Nakatanga lang siya sa mga lalaking bagong dating. May mga bouncer naman ang bar na tagapamagitan sa tuwing may kaguluhan doon na hindi naman maiiwasan sa ganoong lugar. Kaya nang manipa ng isang mesa ang isa sa mga lalaking bagong dating ay agad na nilapitan ang mga ito ng mga bouncer nila. "Paco! Lumabas ka na!" sigaw pa ng isa sa lalaki. Parang nasa taping lang na action ang peg! Para siyang nanonood ng isang pelikula tuloy. Lalo na nang may umentra na isang babae na wala sa hulog ang porma— masyado kasi itong mayaman para sa bar na iyon. Fashionista, naka-silk na parang suot ng manikang si Barbie. Kulay pink pa nga. "'Pag hindi ka lumabas, magkakagulo sa bar na 'to!" banta ng babaeng bagong dating. "Bakit? Hindi ka pa ba nakakagulo sa tingin mo?" Napamulagat siya nang ang sumagot sa babae ay nasa tabi lang niya pala! Nakanganga niyang tinignan mula ulo hanggang paa ang lalaking nagsalita. So, ito si Paco. Hmn, makisig at magandang lalaki pala. Pero mukha namang standard lang ang pamumuhay kumpara sa babaeng naghahanap dito. "Jowa mo ba 'yon?" bulong niya kay Paco, maano bang makitsismis tutal ay kalapit niya lang si Paco. Pailalim siyang sinulyapan ni Paco, mas mataas kasi ito sa kaniya. Medyo nagtagal ang mga mata nito sa cleavage niyang nakalitaw sa suot niya dahil iyon nga ang purpose talaga ng suot niya—ang ilitaw ang dapat na ilitaw. Kalmado lang naman siya. Pasimpleng nginitian niya pa nga ito. Sanay na siya sa mga lalaking tulad nito. At least, ito naman ay hindi siya tinignan na may pagnanasa. Hindi lang siguro nito maiwasan ang nakahain kaya napatingin. "No," sagot sa kaniya ni Paco. Inglesero pala! "Paco, let's talk please!" Napataas ang kilay niya sa babaeng amoy at itsurang mayaman. Naamoy niya na ang pabango nito, humahalo na iyon sa hangin dahil lumalapit na ito sa kanila. Maganda ang babae pero mukhang toxic ito. Naghahabol ba naman sa isang lalaking halata namang tinatakbuhan ito. "Paco, ang g'wapo mo ah, may naghahabol sa 'yo na ganyan kaganda," hindi niya maiwasan na magkomento. Sorry naman. "Mas maganda ka pa nga d'yan," pabulong din na sagot sa kaniya ni Paco. Napanganga siya, saka tatawa-tawang sumagot, "Well, sabagay…" Pabiro niyang hinampas ang dibdib ng lalaki. Nagulat pa siya nang maramdaman niyang matigas iyon! Pero mas nakakagulat ang ginawa nito— bigla na lang siyang inakbayan ni Paco at hinapit siya palapit sa matigas nitong dibdib! "P—Paco—" "Monica, sabi ko naman sa 'yo ay nag-asawa na 'ko hindi ba? By the way, misis ko nga pala." M—Misis? Ano raw? "M—Misis?" bulalas ni Monica. Halatang hindi makapaniwala, tinignan siya mula ulo hanggang paa na tila siya sinukat. Tinaasan naman niya ito ng isang kilay at nginisian dahil… basta gusto niya lang. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay nagulat na lamang siya nang matinis na tumili ang magandang babae na nakabihis na parang Barbie—tumili at nanabunot ito ng isa sa mga kasama nitong lalaki! Saka nagmartsa na ang mga ito palabas ng bar. "Ay, shuta, ang ganda na sana! May topak nga lang!" hindi niya napigilan na magkomento na naman. Nakakatawa naman kasi. "Sinabi mo pa," ani naman ni Paco. Si Paco na nawili na yatang akbayan siya kaya pasimple na siyang umalis sa pagkakaakbay nito dahil naalala rin niyang may tinataguan nga pala siya! "AH, so, ang g'wapo mo pala talaga ano? Hinahabol ka talaga ng babaeng 'yon?" Natatawang tanong ni Poks kay Paco habang pareho sila nitong kumakain ng balut sa tapat ng bar. Pagkatapos kasi ng kaguluhan kanina, pinalabas sila pareho ni Mama Musa. Naabutan kasi sila nito na magkaakbay kanina. Si Paco ang nagdala ng gulo sa bar, nagkataon pa na mainit ang ulo ng manager nila kaya heto, magkasama sila ngayon ng lalaking ipinakilala siyang misis sa babaeng may topak kanina na humahabol dito. Ibang level nga siya kanina, cleavage lang ang nasilip nito, napa-misis na ito kaagad! natatawang turan niya na lang sa isipan. "I have this feeling na pakana ng lola ko ang lahat ng 'to. I mean, oo nga, 'pag ginusto nila ng lola ko ay mahahanap naman nila 'ko kahit nagtago na 'ko. Pero para maging eager si Monica na pakasalan ko siya dahil lang sa may nangyari sa amin, no thanks. She can tell that to the moon." Nakaismid nitong saad. Natawa siya. Alam niyang may mga lalaki talagang umiismid din pero hindi niya akalain na pagdating sa kausap niya ngayon ay ang cute palang makita niyon. Binabagayan din talaga ang mga ekspresyon sa mukha ng isang tao. "Ah, 'yan 'yong chika mo kanina na kaya ka umalis sa bahay mo..." "Yeah, because of Monica and her eagerness. Noong una, ang gusto lang niya ay panagutan ko lang siya kung magkaka-baby kami sa nangyari sa amin nang minsan na malasing kami, na sa totoo lang naman ay hindi ko maalala." "Hindi 'yan totoo, alam mo ba," aniya rito sa pagitan ng paghigop niya sa masarap na suka ng balot. "Sa tagal ko nang nagtatrabaho sa bar na 'yan, grabe na ang inabot kong paglalasing pero alam ko pa rin ang ginagawa ko." Kumunot ang mga kilay nito. "What do you mean?" "I mean— hoy, teka nga, pati ako napapa-Ingles na tuloy sa 'yo!" Tumawa ang suki nila na magbabalot na kanilang binibilhan. Parang bata naman na nagkamot ng batok ang kausap niyang si Paco. "Buti pala naka-survive ka naman sa squatter," naalala niya lang. Sabi kasi nito ay natira nga raw ito sa squatter sa malapit sa likod ng bar kung saan siya nagtatrabaho buhat daw nang umalis ito sa bahay nito. "Oo naman. Nakapag-aral naman ako." Kibit-balikat nitong tugon. Siya nga naman. Kapag nakapag-aral, may future. "And, kaya lang naman ako umalis sa bahay ko, dahil nga kay Monica. No'ng una ay gusto lang niya ang cooperation ko as a father, if ever na magka-baby kami. Then nag-negative ang result, panagutan ko na raw siya sa nangyari. Na paano ko ngang gagawin, ni hindi ko nga maalala na may nangyari sa aming dalawa." Itinaas niya ang isa palad niya para pahintuin ito sa pagkukuwento nito sandali. Kumuha siya kasi ng isa pang penoy, ito naman kasi ang magbabayad. Ikatlo na niya iyon. "Uulitin ko ha, hindi ako naniniwala na hindi mo 'yon maaalala. Palusot lang madalas ng tao ang alak o lasing sila kaya wala silang alam. Isipin mo na lang, saan ba kumukuha ng tapang ang iba? Sa alak. So, napakasimple lang, paano kang kukuha ng tapang sa alak kung hindi mo alam ang ginagawa mo?" paliwanag niya rito. Wala lang, gusto lang niyang magpaliwanag. Kung malinawan ito o malabuan ay bahala na ito. "Well, 'yon din ang feeling ko. Na niloloko niya lang ako since wala naman akong matandaan sa sinasabi niyang pangyayari between us." "E, paano namang nasama ang lola mo?" "Malakas ang loob ni Monica dahil sa kaniya. Kunsintidora kasi 'yon." "'Hirap sa inyong mayayaman, ang dami niyong pinoproblema na hindi naman dapat na pinoproblema." "Huh?" "O, totoo naman ah, kaming mahihirap, problema namin kung paanong makakain ng tatlong beses sa isang araw, kayo naman ay may ganyan-ganyan pa!" "But that's not my fault, Polly." Napabungisngis siya nang tawagin siya nito sa palayaw niya. Sinong hindi mapapabungisngis? Ito pa lang ang tumawag sa kaniya ulit sa pangalan na iyon. Kinulit kasi siya nito kanina kung ano ba ang tunay niyang pangalan. Ewan niya nga rin ba kung bakit niya sinabi naman. "Wait, kainin mo na muna nga 'yang balut para mahimasmasan ka't kumalma kahit paano," aniya na lang muna rito. Hindi naman ito maarte, kumakain ng balut. Siguro ay nakatikim na ito niyon kaya hindi na ito bago sa balut. "How can I cool down? Naaawa naman ako sa 'yo, wala ka na talagang trabaho after this?" naaawa nga ang tono nitong tanong sa kaniya. Kinumpas niya ang libreng palad. "Huwag mong isipin 'yon. Inalisan niya 'ko ng trabaho dahil sa inayawan kong matandang mapera. Tinanggal ako ni Mama Musa sa trabaho ko para sa kagustuhan niyang kumita siya ng malaki sa matandang 'yon, para mapilitan akong magpalabas." "Sira pala ang ulo no'n e." Napangiti siya. Mas gusto niya kapag ganoon ito magsalita kumpara sa kanina na gumamit ito ng wikang banyaga. Wala lang, mas may dating lang. Sayang ang pagka-rugged nito kung sasabayan ng Ingles. G'wapo si Paco. Rugged. Hapit sa binti ang pantalon na maong, simpleng white na cotton shirt at suot, white cap, white rubber shoes na halata naman na mga branded lahat. Sarili lang ang dala nito— wait, maalala niya nga pala... "Ikaw nga pala ang magbabayad nito uy, 'asan na ang wallet mo?" Nginisian siya nito. "Puwede ba na abonohan mo muna, Polly?" "Anooo?" Nanlaki ang butas ng ilong niya sa tinuran nito. Ang daya naman, usapan nila ay libre nito! "Abonohan mo lang sandali, nasa kotse kasi ang pera ko hehe." Ah, mayaman nga pala. Natural, de kotse. "Okay. Saan ba naka-park ang kotse mo?" "Doon banda pa." Turo nito sa may kalayuan nga sa bar kung saan siya namamasukan. "May parking space kasi ro'n, puno na rito sa harapan ng bar kasi. Pagka-park ko kanina, tinakbo ko rin ang bar para mailigaw sila Monica kanina kahit paano na hindi ko rin naman nagawa," mahabang paliwanag pa nito sa kaniya. Tinanguan niya ito. "Sige, sige. Ihatid mo na 'ko pauwi ah. Tutal naman de kotse ka pala." "Sure, walang problema." Madali naman palang kausap. "Uuwi ka naman ngayon sa bahay ko." Ano raw? "Nakadroga ka ba? Hoy, may sarili akong bahay! Alam kong maganda ako at maalindog pero narinig mo naman ako kanina— hindi ako nagpapalabas."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
118.5K
bc

His Obsession

read
80.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
73.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
23.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook