4: Start of Her Plan

2545 Words
NAKANGITING pinagmasdan muna ni Paco ang cellphone niya bago niya iyon tuluyang ibinaba na. Lately ay panay ganoon ang senaryo nila ni Polly. Tatawag ito sa kaniya o tatawagan niya ito dahil hindi naman sila halos nagkikita na sa bahay niya at marami siyang hinahabol na aasikasuhin sa office niya. Pero soon, ipinapangako niyang babawi siya rito. "Nakabalik ka na pala." Mula sa binabasa at pinipirmahan na mga papeles ay nag-angat siya ng tingin, ang bunsong kapatid niya na si Akilles ang nalingunan niya. Hindi na siya nagulat na naroon ito. Kapag ang mga ito talaga ang pumupunta sa office niya ay hindi na nagsasabi sa kaniya ang sekretarya niyang si Marigold. "Yeah, kaya nga wala si Preston ngayon. Pinagbakasyon ko na muna, reward na rin niya for taking care of the company and my position without me," tugon niya, tukoy ang isa pa nilang kapatid nito. Ibinalik din niya kaagad ang pansin niya sa mga papeles na nasa harap niya. "Alam na ba ni Granny na nandito ka na?" Napabuntonghininga siya. Napilitan din siya na harapin ulit ang bunsong kapatid na naupo pa sa lazy boy na naroon sa opisina niya. "Siguro. Imposible naman na hindi niya malaman, hindi ba?" Tumaas ang kilay nito sa implikasyon ng sinabi niya. "So, sinasabi mo ba na ako ang nagbalita sa kaniya na nandito ka na?" That and more. Sa kanilang tatlong magkakapatid, si Akilles ang sipsip sa lola nila kaya hindi na siya magtataka na ito nga ang magbabalita o nagbalita sa lola nilang si Doña Matilde na nakabalik na siya sa trabaho niya kahit magmaang-maangan pa ito ngayon sa harap niya. Ito kasi ang pinakamahina sa kanilang tatlong magkakapatid kaya napunta ito sa mababang posisyon sa kumpanya na minana nila sa mga magulang na namamasyal na lang ngayon sa buong mundo dahil mga retired na. Hindi niya nga maiwasan na maisip na dapat si Doña Matilde rin ay namamasyal na lang sa buong mundo sa edad nito. Kaya lang, ayaw raw nito. Palibhasa ay mas gusto ng doña na nakikialam sa buhay ng anim na apo nitong mga lalaki. Napailing na lamang siya. "Marami pa 'kong trabaho na tatapusin, Aki. Marami kasi akong naiwan na trabaho no'ng basta na lang ako umalis," aniya sa kapatid, sinusubukan niyang makarating dito ang mensahe na hindi niya ito kailangan doon. "Napakasungit mo na naman Facundo, ikaw talaga. Parang nakikipagkuwentuhan lang naman ako." Bumuga siya ng hangin. Napipilitan na isinantabi niya ulit ang mga papeles na kaharap niya't pinagtuunan niya ng pansin ang kapatid. Maramdamin talaga ito dahil sa hindi yata nila sinasadya ni Preston na maipadama ritong half brother lang nila ito. Anak si Akilles ng daddy nila sa ibang babae. Isang Hondradez din pero mahinang klase. Oo, sabihin nang mayabang siya pero nagsasabi lang naman siya ng totoo. "Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?" tanong niya, kung halata man na sarcastic ang tono niya, siguro ay dapat lang naman na mahalata nito iyon dahil hindi naman talaga siya natutuwa sa ugali ng kapatid niyang ito. "About Monica." Tinaasan niya ito ng isang kilay. "What about her?" "Nabanggit niya sa 'kin na may ipinakilala ka raw na babae sa kaniya bilang misis mo." He let out an air again. "At itatanong mo na naman ba sa 'kin kung alam na 'yon ni Granny?" sarcastically he said again. "Dapat naman na alam niya, hindi ba? Hindi mo ba naisip na matutuwa siya 'pag nalaman niya 'yon? Besides, kilala naman natin siya na nakikialam sa mga love life ng apo niya." "At isa ka sa apo niya na nangangarap na mapabilang sa mga ginulo niya ang love life." Ngumiti ito, labas ang lahat ng ngipin na tila hindi alintana o tila hindi nararamdaman na hindi niya ito gustong kausap. What a jerk! "Ang cool nga 'pag pinakialaman niya ang love life natin e, hindi ka ba na-e-excite? 'Galing kaya no'n ni Granny mamili ng babae," ani pa nito, excited nga ang tono. Shaking his head, he sarcastically answered, "Yeah right." "Anyway, 'yon nga, nabanggit lang naman ni Monica at medyo concern lang naman ako." "Concern? For what?" "Nagbanta kasi siya, hindi ka raw niya titigilan nang dahil lang sa may pinakilala kang babae sa kaniya na misis mo raw. You know, kilala naman natin siya, alam natin kung gaano siya kalakas kay Granny dahil anak 'yon ng mga Yoo." Nag-iisang anak si Monica Yoo ng kasosyo ng lola nila sa negosyo. Pero labas na siya sa mga ito. Besides, ang sarili naman nilang negosyo na magkakapatid ay nakalabas din sa pag-aaring negosyo ng lola nila kung saan konektado ang mga Yoo. Yes, although may invest din ang lola nila sa kumpanya nila, technically, hindi sila connected sa mga Yoo, period. "Hayaan mo siya," simpleng turan niya. Nag-blink ang ilaw ng intercom na nasa office table niya, indikasyon na may panibagong sasabihin ang sekretarya niyang nasa labas lang ang table kaya nahinto ang kapatid niya sa sasabihin pa nito sana. "Sir, someone's here, Polly Ramos daw po, misis niyo." Wala sa loob na napadiretso siya ng upo sa swivel chair niya. Sh't. Ano ang ginagawa ni Polly sa office niya? Kanina lang ay kausap niya 'to sa phone ah. Kanina lang ay para itong pusa na naglalambing sa kaniyang gusto lang daw marinig ang boses niya kaya napatawag... "Papapasukin ko po ba siya?" tanong ng sekretarya niya. "Hindi naman 'yan papayag na hindi makapasok, kaya oo," aniya sa sekretarya niyang si Marigold. Kilala na niya ang 'misis' niya kahit hindi pa man natatagalan na nakakasama niya ito. May pakiramdam siyang sa ibang universe ay nakilala niya na kasi ito. Iyon lang ang paliwanag na maibibigay niya sa sarili kaya nga ba nang gabing iyoon sa bar ay tila naglaho ang mga nasa paligid at ito lang ang kaniyang nakita sa kumpol ng mga tao roon. Ah, parang kailan lang… "MISTER ko, magandang hapon!" Patili na lumapit si Polly kay Paco nang sa wakas, pagkatapos ng halos kinse minutos ay pinapasok na siya ng strict na sekretarya ng pekeng mister niya. Hindi kasi maniwala na misis siya ng boss nito. Okay lang naman, alam naman niya kasing sa simula lang ito gano'n. Ngayon lang din naman siya nakita ng sekretarya kasi. Saka, ang mahalaga nama'y nakapasok na siya opisina ni Paco. Si Paco na first time niyang makita na nakasuot ng tux! Grabe, g'wapong lalo pala 'to 'pag gano'n ang bihisan at 'pag gano'n na nasa isang malaking opisina at boss na boss ang datingan nito! "Polly..." "Namasyal ako kaya naisipan kong dumaan na rin sa 'yo," aniya, kahit hindi pa naman siya tinatanong nito kung bakit siya naroon. Saglit na nilambitinan niya ang leeg nito at binigyan na rin niya ito ng magaan na halik sa pisngi. Siyempre, ganoon ang misis—sweet. 'Kainis nga't tumayo kasi. Plano niya sanang kandungan, anang pilyang bahagi ng utak niya. "Ah... Ano 'yan?" tanong ni Paco, hinayon ng mga mata nito ang bitbit niyang kasalukuyan na niyang inaalis sa paper bag. "Ay, ito? Food. Ginawa ko 'to e," excited na sagot niya. "Akala ko ba—" "Naku, akala mo lang 'yon!" agap niya sa sasabihin ni Paco. Hindi siya marunong magluto oo, nabanggit din niya iyon dito pero may tutorial naman kaya naisipan niyang gumawa ng cookies para rito. Kung may balak, may paraan! "Nag-bake ka?" Polly giggled. "Oo! O, tikman mo na kung gaano kasarap ang cookie ko, mister ko!" maharot na sambit niya kay Paco. Ngunit hindi pa man nakakagat nito ang cookie ay naudlot na ang pagsubo niya kay Paco niyon dahil sa isang impit na tawa... Nalingunan ni Polly ang isang lalaking maganda rin ang mukha at mukhang kagalang-galang na bersyon ni Paco—may iba pa pala tao roon bukod sa kanila, ngayon lang niya napuna! "Uhm, sorry, aalis na 'ko para hindi ko kayo maistorbo," anang ibang tao na tinutukoy niya, "Anyway, I'm Akilles, how 'bout you miss?" "Siya si Polly, misis ko," si Paco ang sumagot sa tanong ng lalaki dahil nananatiling nakaamang siya. Sino ba ang hindi mapapaamang kung ganito kagandang lalaki ang nakahain? Pero napilitan na rin na itikom niya ang sarili lng bibig dahil ewan ba niya kung siya lang ba ang nakapuna na parang ang distant ng tonong ginamit ni Paco sa lalaking Akilles daw ang pangalan. Nagtataka naman siya dahil sabi nga niya kanina, mukhang kagalang-galang ang lalaking hindi man lang niya napuna na naroon pala. "Ah, yeah, I'm Polly!" sambit na lang niya sa masiglang paraan upang mapagtakpan niyon kahit paano ang pangit na atmosphere sa paligid na bigla niyang nadama na nakapagitan sa dalawang lalaki. Tinanggap ng lalaki ang palad niya. "Dr. Akilles Mendez," pakilala nito. Kaya pala mukhang kagalang-galang, duktor pala! "Hondradez din siya, kapatid ko siya," sansala ni Paco. "Mahabang kuwento, basta, 'yon," ani pa nito. Sinasabi iyon nito sa kaniya nang hindi yata namamalayan na inaalis nito ang palad niyang kakalapat lang sa palad ng kapatid nito. "O...kay," tipid na lang niyang tugon. Tipid din na nginitian niya ang duktor na may malalim na biloy pala sa kanang pisngi. Cute. Kapatid pala ito ni Paco. Nakakahiya siya talaga minsan, oo. ****** "UY, buti puwede ka nang umuwi?" "Oo naman, ako ang boss dito, Polly," kaswal na sagot sa kaniya ng company boss. At tulad nga ng kakasabi lang nito, hayun, awtomatikong tumayo at yumukod ang sekretarya nito nang lumabas sila sa office ng boss nito. Siya lang naman ang pumuna sa sekretarya, ang kasama niya kasi ay tuloy-tuloy lang na naglakad habang nakaangkla sa braso nito ang braso niya. Sinadya niyang umangkla kay Paco pagkatapos nitong tikman ang cookie niya na masarap daw. O, 'di ba, first time niya gumawa niyon at naubos nito! Pasasaan talaga at makukuha niya na ang buong puso ni Facundo. "Gano'n pala 'pag boss, uuwi kung kailan gusto..." Inosenteng sambit pa niya. Gaya ng sekretarya nito kanina, ang mga nasasalubong nilang empleyado sa lobby na nilalakaran na nila nito ay humihinto, binabati ito. Sinulyapan siya ni Paco nang mahinto na sila sa tapat ng elevator. "B—Bakit...?" naiilang na aniya rito. Sulyap lang ang ginawa nito pero nagtuloy na iyon sa paghagod sa kaniya ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik! "Bagay sa 'yo ang suot mo. And yes, uuwi ako kung kailan ko gustuhin. Lalo na at may bisita akong biglaan na lang dumating." Ano raw? Bagay raw sa kaniya ang suot— ah, gusto yatang mag-init ng mga pisngi niya sa mga oras na iyon dahil naunawaan niyang ang tinutukoy nito na bagay sa kaniya ay off-shoulder dress na puting-puti na animo ay napakalinis niya kahit ang haba niyon ay isang dangkal pa bago sa tuhod niya. Pinaresan niya iyon ng white rin na laso sa buhok niya. "B—Bisita? Ako?" maang-maangan niya upang mapagtakpan na lang ang naramdaman niyang parang ewan sa compliment nito sa kaniya. Pagak na natawa si Paco. "May iba pa ba?" Sumara na ang pinto ng elevator, ang g'wapo ng katabi niya at ang kisig kahit sa metal wall lang ng elevator mo pagmasdan. Nakakataba lang ng pusong isipin na mister niya ito kahit pakunwari lang... "So, na-meet mo na si Marigold," pukaw nito sa pananahimik niya't pagtitig sa repleksyon nito sa wall ng elevator. Sinulyapan niya ito. Sa sobrang lapit nila ngayon sa isa't-isa dahil nakaangkla siya rito, hindi niya tuloy napaghandaan na makitang mas g'wapo pala sa ganoong view ang peke niyang mister... Napatikhim tuloy siya at nag-iwas ng tingin bago kung saan pa siya dalhin ng pagpuri niya sa lalaking ito. "Oo, 'ayun, awa ng Diyos, kinse minutos akong pinaghintay. Ayaw maniwala na ako ang misis mo. Bakit siya gano'n? E, eto na nga, suot ko na ang isa sa mga damit na siya ang bumili." Lukot ang ilong na aniya. Tumawa si Paco. "Gano'n talaga 'yon. Sa dami rin kasi ng damit na pinamili niya para sa 'yo, baka nakalimutan na rin niya na isa 'yan sa mga 'yon, ikaw naman. Nakita mong seryoso ang aura no'ng tao e. Kahit gano'n naman 'yon ay sobrang maaasahan na sekretarya no'n." Inirapan niya ito. "O baka dahil din kasi marami nang babae ang nagpupunta sa 'yo ro'n kaya siya gano'n sa 'kin kanina..." Mas natawa pa 'to. "Baliw, wala 'no. Come to think of it, baka naman na-overwhelmed sa 'yo kasi nga ay ngayon pa lang naman may pumuntang babae sa office ko." "'Kuuu, nababasa ko sa mga nobela ang mga ganito Facundo kaya okay lang ano ka ba, isa pa, hindi naman talaga tayo tunay na mag-asawa. Kung totoo kasi e 'di s'yempre, invited sa kasal 'yong sekretarya mong maganda sana, masungit nga lang." "Hindi rin. Hindi 'yon pupunta kung sakali." Napaingos na naman siya. "Paano mo naman nalaman aber?" "Matagal na sa 'kin si Marigold. Takot 'yon sa crowd." "Ah, talaga ba?" Tumawa na naman ito. At dahil inalisan niya rin naman ito ng tingin agad at tinuon niya ang mga mata niya sa umiilaw na numero ng elevator, nagulat siya tuloy nang marahan nitong pisilin ang ilong niya. "Namamawis. Halatang selosa ka." Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. Wala tuloy sa loob niyang napahawak din siya sa sarili niyang ilong. "Selosa nga raw ako dahil pawisin ang ilong ko pero hindi ako nagseselos ngayon sa sekretarya mo 'no," nakaingos niyang sambit dito. Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Ikaw ang nagsabi naman niyan at hindi ako." Naikot niya ang eyeballs niya. "Hay, nagpapalusot pa, 'yon din naman ang nais sabihin." Kunwa'y lumayo siya rito, kumalas din siya sa pagkakaangkla sa braso nito. Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Paco, ini-lock ang leeg niya sa isang braso nito at pabiro siyang kinagat sa balikat niyang naka-exposed... "Joke lang," ani pa nito. Siya naman ay tila natulos na sa kinatatayuan niya. Paano ba namang hindi, e, ang alam niya ay kunwari lang na misis siya nito? Ang alam niya ay kaya nga siya naroon ngayon dahil gusto niyang magkatotoo ang kunwarian na iyon... pero... bakit parang mas maharot pa si Paco sa kaniya ngayon? Alam ba nito na nakakahinto ng t***k ng puso ang mga simpleng harot nito? Tapos sasabihin bigla ay joke lang? Argh! Nababaliw na siya! Siyempre, alam naman niyang ang sinasabi nitong joke lang ay ang pinag-uusapan nilang sekretarya nito. Lihim niyang pinakalma ang abnormal na t***k ng puso niya na hindi niya alam kung bakit nagkaganoon e hindi naman si Paco ang kauna-unahang lalaki na humawak sa kaniya sa ganoong paraan at humarot sa kaniya. Saka, kailangan niyang paalalahanan ang puso niya na siya dapat ang mas may kontrol sa kanila nito. Tama, so, kalma, Policarpia. Utang na loob... "Uh... joke lang ba 'yon?" tanong niya pagkatapos ng ilang sandali. Bigla man siyang natakot sa abnormal na t***k ng puso niya kanina ay agad siyang nakabawi naman, hinawakan niya na nga rin ang braso nito na nanatiling nakapulupot sa leeg niya e. "Huh?" "Joke lang pala 'yong pagkagat-kagat mo sa balikat ko?" panunukso niya rito. Natigilan ito. Tila noon lang din naman na-realize ang nagawa. "O, 'wag kang magso-sorry kung ayaw mong ma-turn off ako sa 'yo," banta niya kaagad nang bumuka ang bibig nito. "Gawin mo lang palagi ang makakapagpasaya sa 'yo, at kung katawan ko 'yon, okay lang naman, Pacs," dagdag niya pa, saka siya nag-beautiful eyes dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD