12: Face Off

642 Words
PARA siyang nasusuka o naduduwal nang magising siya. Bago iminulat ni Polly ang mga mata niya ay nauna nang mag-react ang ilong niya at mga kilay, parehong nalukot ang mga iyon. Nang manariwa sa kaniya ang kanina lang ay nangyari—tinangay siya ni Akilles sa kotse nito at sapilitan siyang isinama, nang hindi siya sumama ay may inilapat itong panyo sa ilong niya na may matapang na amoy— "Sabi ko naman sa inyo, she's fine. Hindi ito pelikula kaya bago pa lumagpas ang more or less limang hanggang pitong minuto ay magigising siya." Kilala niya ang boses na iyon. Pag-aari iyon ng walanghiyang duktor na si Akilles! "B'wisit ka! Saan mo 'ko dinala?!" bungad niya nang imulat niya na ang mga mata. "Buti naman at gising ka na." "D—Doña Matilde…" Luminga-linga siya. "Akilles! B'wisit ka! Bakit ako nandito?!" Histerikal na niya nang lubos na niyang maunawaan na nasa mansion siya ni Doña Matilde. "Ano ang nararamdaman mo? Nasusuka ka ba?" "Nakuha mo pa talagang itanong sa 'kin 'yan?!" asik niya sa tanong ni Akilles. "Pinatulog mo 'ko!" "'Yon ay dahil matigas ang ulo mo," anang doña sa tonong hindi mababali. Na tila ipinapaalam sa kaniya na nasa mansion siya nito kung saan ito na nga ang tunay na reyna roon. Humugot ng hininga si Akilles bago siya nilapitan sa kinauupuan niyang sofa. Tumalungko ito at hinawakan siya sa pulso. "I-che-check ko lang ang pulse rate mo, 'wag kang mag-histerikal," agap nito sa pagsingasing niya. "Bakit mo ginawa sa 'kin 'yon? Pinagkatiwalaan kita kahit na pumapasag ako sa paghila mo sa 'kin kanina," aniya rito sa mahinang boses ngunit may talim ang tono. "Akala ko pa naman ay mabait ka. Bakit mo ako dinala sa lola mong tigre?" Sinalubong ng duktor ang mga mata niya. "Your pulse is normal. Inaasahan ko naman na 'yan. Kung feeling mo ay masusuka ka, isuka mo lang," tugon nito pagdaka. "Hindi ka nakakatuwa, Akilles." "I'm sorry, but I need to do that," depensa ng duktor sa kaniya sa pabulong na paraan. "Seven minutes ka lang naman na nakatulog. Sakto lang na mabihisan ka ng personal assistant ni Doña Matilde," dagdag pa nito na nagpakunot ng mga kilay niya. "Ano?" Nang sundan niya ang hinayon ng mga mata ni Akilles ay saka lang niya naunawaan ang sinasabi nito—naka-traje de boda siya! "Ginawa ko lang na lasunin ka sa choloroform upang makatulog ka't hayan nga, mabihisan. Hindi mo dapat na iniwan si Paco, Polly. Ako tuloy ang napagdiskitahan niya. Ako ang sinisi niya kung bakit ka pinaalis ni Granny sa bahay niya," dagdag paliwanag pa ni Akilles sa kaniya. "O, e, bakit may pa-traje de boda?" Nandidilat ang mga mata na tugon niya sa duktor. "Ikakasal ako? Kay Paco?" "Yeah. Kanino mo pa ba gusto?" "Pero Akilles, hindi mo naiintindihan—" "Huwag ka na ngang masyadong maraming arte," putol ni Doña Matilde sa sasabihin pa sana ni Polly. "Ikakasal ka ngayon kay Facundo kahit ayaw ko sa 'yo para sa kaniya." "Granny…" malumanay na saway naman ni Akilles sa lola nito. "'Wag mo kong masaway-saway, Akilles. Dapat malaman ng babaeng 'yan na ang tulad niya ay hindi talaga nararapat sa kahit sino sa apo ko ngunit wala akong magagawa." Pumalatak si Polly. "Ano na naman 'tong drama na 'to? Mahilig po ba kayo sa K-drama?" sarkastikong aniya sa doña. "Hindi ho ako puwedeng pakasal sa apo niyo talaga dahil nalaman kong may asawa na siya!" Nakaingos niyang saad pa. "Asawa na namatay na't pilit niyang binubuhay bago ka dumating sa buhay niya." Napaawang ang bibig ni Polly. "P—Patay? Seryoso po ba 'yan?" "Ano ba naman 'yan, Granny, sabi ko na nga ba't ikaw rin ang sisira sa mga plano mong ito!" Nagrereklamong sambit ng bagong dating. Ang lalaking laman ng panaginip niya, tulog man siya o gising… "P—Paco…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD