11: Months Later...

1057 Words
Months later… "SIGURADO ka ba na isasanla natin 'yang singsing na 'yan?" Isang beses pa ay tanong ni Polly sa matalik na kaibigan niyang si Alondra. Naglalakad sila nito ngayon papunta sa ospital dahil kasalukuyan itong nagle-labor na. Manganganak na ito. "Hay naku, paulit-ulit ka naman e," tugon ni Alondra, inikutan siya ng mga mata."Hindi na natin afford na galawin ang savings ko. Lalabas na si baby, madaragdagan na tayong dalawa. Alam naman nating pareho na magastos ang may baby. Mas maigi nang may nakalaan na pera para sa gastusin sa baby. Ang pera na mayroon tayo ay puhunan na lang natin at kaunting ipon sa kita niyon na baka kulangin. Ikaw lang din ang iniisip ko, ikaw ang kasama kong mag-aasikaso ng lahat sa ospital." "E pero kasi…" nag-aalangan pa rin na sambit niya sa matalik na kaibigan. Napatingin siya sa daliri nito kung saan naroon ang singsing nito na kanila raw isasanla ngayon. Sadyang napakaganda naman niyon pero masama ang kutob niya roon sa hindi niya malaman na dahilan. "Polly, hayaan mo na. Tutubusin ko na lang 'pag may pagkakataon." "Ikaw ang bahala. O siya, itinuturo nitong cellphone ko na pagliko natin ay may sanlaan." Natawa si Alondra. "Kunwari nagtataka ka pero naka-waze ka na agad d'yan." Ngumisi si Polly. "S'yempre, mahirap na, baka mapaanak ka na." Nakangiting napailing na lamang si Alondra. Sinimulan na ulit nilang dahan-dahan na maglakad. Akay ni Polly ang kaibigan na sapo ang nananakit na balakang nito. Minu-minuto na raw kung humilab iyon ayon dito. "Anyway, Polly, salamat nga pala ah, kung hindi dahil sa talent mo sa pagluluto ay kung saan na siguro tayo napunta na dalawa," pakuwan ay sabi ni Alondra sa kaniya. "Naku, nagdrama ka pa! Baka makasama sa baby 'yan uy," biro niya rito. Wala naman silang choice nito kundi ang maglakad. Iyon kasi ang bilin ng duktor, ang maglakad-lakad ang kaibigan niyang buntis para sa maluwalhati na paglabas ng anak daw nito. "Hindi nga, nakakagulat na mahusay ka na palang magluto. Kahit hindi mo sinasabi sa 'kin ang buong detalye, dama kong pati ikaw ay may mabigat na dinadala at mas nagpapasalamat ako sa 'yo dahil mas inuna mo pa ako, kami ng anak ko kesa sa sarili mo." Napatitig siya kay Alondra, saka siya napangiti na niyakap ito. "Ikaw talaga. Ikaw ang nag-iisang pamilya ko sa mundong ito 'no. Wala iyon. Tayo lang naman ang magdadamayan. Tayo noong simula, tayo pa rin ngayon plus one—'yang ilalabas mo," sinserong aniya sa matalik na kaibigan. "Pamilya na napag-aralan mo na rin na paglihiman." Nakaingos na pabiro nitong turan sa kaniya. Pagak na natawa si Polly. "O, 'wag ka nang magtampo. Isanla na natin ang singsing. Ang mabuti pa ay ikaw na mismo ang magsanla," aniya na lang sa matalik na kaibigan. Napailing na lang na pumasok na ito sa pawnshop. Alam niyang biro lang ni Alondra ang tinuran dahil wala man siyang sinabi na kung ano rito ay ganoon din naman ito sa kaniya. Sila ang magkaibigan na matindi ang respeto sa sikretong hindi pa nila handang i-share sa isa't isa. Noong araw na umalis siya sa bahay ni Paco, tinawagan niya si Alondra na magkita sila sa bagong bahay na kinuha niya upang tirhan nila. Malayo na ang bahay na inuupahan nila ngayon sa squatter kung saan sila noon naninirahan dahil naisip niyang napakadaling mahahanap siya ni Paco sa lugar na iyon dahil malapit kasi sa bar na dati niyang pinagtatrabahuhan. Sa bagong bahay na nilipatan nila ni Alondra ay nagtinda-tinda sila ng almusal at merienda. Oo, napakinabangan niya ang natutunan niya sa pagluluto noong nasa bahay siya ni Paco. At iyong… "Medyo bumilis na ang paghilab niya," bulong sa kaniya ni Alondra. Nakangiwi, mahigpit na napakapit pa nga sa braso niya. "Miss, matagal pa ba 'yan?" tanong ni Polly sa babaeng nasa loob ng sanlaan. Sumenyas naman ito, nagpapahintay. "Putsa naman, manganganak na kasi 'tong kasama ko. Pakibilis naman," pasensyosong sabi niya rito kahit sa totoo lang ay naiinis na siya. "H—Hayaan mo na, hintayin na lang natin." Napailing si Polly. Kandautal na si Alondra sa sakit na nararamdaman. Binalingan niya ang guard ng sanglaan. "Manong, akala ko ba ay magsasara na po ang pawnshop? Bakit ang tagal naman yata nila kaming i-assist?" Nagkamot sa ulo ang guard. "Oho, e, hindi ko nga rin maintindihan." "Polly, okay lang. Kaya ko pa naman tiisin." "Tiisin? E, hayan at namumutla ka na, Alondra! Bawiin na kaya natin ang singsing? Bukas ko na lang isasangla—" "Ally!" Sabay na nilingon nina Polly at Alondra ang bagong dating na tila hinapo sa pagtakbo. "K—Knight…" mahinang sambit ni Alondra sa bagong dating na lalaki. Naningkit ang mga mata niya—na nanlaki rin naman agad nang magulat siya—bubuhatin lang naman ng bagong dating na lalaki ang kaibigan niya! "Ally— a—ano ang nararamdaman mo? Dadalhin kita sa ospital," anang lalaki na tinawag ni Alondra na Knight. Taranta ang tono. "Hep!" agad niyang awat naman dito. Naawat ang akmang pagbuhat nito sa kaibigan niya. "May singsing kami na isinasangla rito, teka, kumalma ka, mister." Bumuntong-hininga ang lalaki. Saka siya sinagot, "Alam ko, okay. I came here because of that ring. Dahil sinasanla ni Ally 'yon, na-trace ko siya. Kaya nga ako narito ngayon." Bumaling ito kay Alondra. "Matagal na kitang hinahanap, Ally." Tumaas ang isang kilay niya sa nasaksihan na eksena. Sa titigan ng mga ito, to be exact. "Ah, gets ko na… Ito ang tatay ng anak mo, 'no?" Nang tumango si Alondra ay napapalatak siya. "Pinahanap kita at patuloy na pinapahanap pero dahil sa hindi naman malinaw na background mo ay nahirapan ang investigator sa pagtunton sa 'yo," paliwanag ni Knight sa kaibigan niya. Tapos ay sinulyapan siya "Isa pa ay napag-alaman kong nagtatago kayo." "Hoy! 'Wag ka ngang maingay!" Sa nanlalaking butas ng ilong niya ay sambit niya sa jowa pala ng kaibigan niya. Pero hindi naman siya pinakinggan ni 'Knight', pinagpatuloy pa ang sinasabi nito kay Alondra habang sa kaniya ito nakatingin, "Nagtatago raw kayo dahil sa kaibigan mo—" Napanganga siya. "Sinabi ko nang 'wag kang maingay—" Hindi na natuloy ni Polly ang sinasabi niya dahil sa bagong dating, bigla na lang siyang hinawakan nito sa pulsuhan niya… "Miss, puwede bang 'wag ka munang umepal sa pag-uusap nila?" "A—Akilles…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD