Finale

1247 Words
Nakapamulsa at seryosong tinitigan ni Paco si Polly. "Kumusta na?" Hindi makasagot si Polly. Pakiramdam kasi niya ay parang may bumara sa lalamunan niya pagkakita niya kay Facundo. Hindi niya akalain na ganoon na lang pala niya ito kinasabikan na makitang muli. "May fifteen minutes pa kayo para makapag-usap," putol ni Doña Matilde sa titigan nina Polly at Paco. Ilang saglit pa ay naiwan na roon ang dalawa. Walang choice si Polly, siya na ang unang bumasag sa titigan nila ni Paco. "Ikaw ang kumusta na?" balik niyang tanong dito. "Ito, kinumbinsi nila na pakasalan ka na," ani Paco sa nagbibirong tono. Pagak siyang natawa. "Baliw." "Sa 'yo." "Talaga ba?" "Hmn, sobra. Ikaw lang naman kasi ang babaeng makulit na pinapasok ko sa buhay ka not knowing na maliligalig mo ang mundo ko," sambit ni Paco habang tinititigan siya na para bang hindi ito makakapayag na maglaho siya sa harap nito ngayon. "Naligalig ko dahil sa gayuma ni Olen." Napangiwing tugon naman ni Polly. "Nah, hindi ako naniniwala sa gayuma." "Pero may bisa 'yon! Ganoon talaga sa probinsya!" Paco chuckled. Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya. "So, sinasabi mo ngayon sa 'kin na dahil sa gayuma kaya ka umalis?" Tumango siya. "At dahil sa lola mo." Tumawa na naman ang lalaking ngayon na unti-unti nang nakalapit sa kaniya ay napuna niyang maitim ang ilalim ng mga mata… "Pasensya ka na kay Doña Matilde, gano'n talaga siya. Natatakot kasi siyang hindi na ako pakakasal dahil sa nangyari kay Neri." Hindi naman na kailangan ng matalinong utak upang malaman ni Polly na ang asawa na nito ang tinutukoy. "Namatay si Neri sa araw mismo ng kasal namin. Hindi na nakarating ang bridal car sa simbahan, aksidente." "Nakakalungkot naman na marinig." Kinuha ni Paco ang mga palad niya nang makalapit na ito sa kaniya. "Sobrang nakakalungkot. Five years ang naging relasyon namin bago kami magpasyang magpakasal at tila dahil pa sa kasal na 'yon ay naglaho siya." Walang maisip na masabi si Polly. Feeling niya kasi ay ang topic na iyon ay hindi nangangailangan ng opinyon niya. "After Neri, hindi ko na nakita ang sarili ko na magkakaro'n pa ulit ng seryosong relasyon sa kahit sino. Mas natakot ako sa kasal, that's why I did my best para matakasan si Monica at si Doña Matilde," pagpapatuloy ni Paco. Humugot siya ng malalim na hininga bago niya ito tugunin. "Pacs, ako rin naman ay takot sa commitment. Maraming puwedeng trabaho pero mas pinili ko ang alam kong hindi ako makakakilala ng isang lalaking aalukin akong makasama sa buhay niya dahil hindi ko alam kung paano mahalin ang isang pamilya. Wala akong ideya sa pagbuo ng pamilya dahil iyon ang wala sa 'kin magmula nang mabuhay ako sa mundo." "But Akilles mentioned earlier na kasama mo ang matalik mong kaibigan, pamilya mo rin siya, Polly." Umiling-iling siya. "Na kung hindi pa dahil sa 'yo ay hindi ko mari-realize. Ikaw ang nagturo sa 'kin ng pagmamahal na higit sa pagmamahal na kaya kong ibigay kay Alondra. 'Yong pagmamahal na alam kong magpapatatag sa isang pamilya talaga. Dahil sa 'yo, nalaman kong may pagmamahal na uusbong pa sa puso ko na hindi ko magagawang awatin." "Medyo gets ko na, nabanggit kasi ni Granny sa 'kin na binalak mong makuha ako dahil sa taglay na yaman ng mga Hondradez," nagbibirong turan ni Paco. Natawa si Polly. "Ang daldal talaga ng lola mong 'yon." "Sasabihin ko naman sa 'yo ngayon na hindi ka nagtagumpay sa plano mo, alam ko dahil hindi lang katawan mo ang binigay mo sa 'kin, pati ang puso mo." "Tinangay ko rin naman ang puso mo dahil sa gayuma ah," pabirong sambit ni Polly, tinawanan din iyon ni Paco. "Yeah, I love you and the love potion is nothing to do with this feelings, for your information, hindi pa rin okay si Olen sa hardinerong si Utoy, at hindi na natin 'yon problema, miss." Nakagat ni Polly ang ibabang labi niya. "Dapat bang sagutin ko 'yan?" "Ikaw." Nakangiting kibit-balikat na sagot sa kaniya ni Paco. "Mahal din naman kita pero kasi kinuha ko ang singsing ng asawa mo bago ako umalis sa bahay mo dahil sa inis ko sa lola mo, sa gayuma, at sa sinabi ni Olen na may asawa ka na. Kinuha ko 'yon at ginamit kong panimula. Panimula na hindi ko rin naman magagawa kung hindi dahil sa 'yo. Salamat at pinagpanggap mo akong misis mo, na-discover ko ang talent ko sa pagluluto," pagdaka'y sinserong pag-amin ni Polly. "Alam ko na rin 'yan. Sa maniwala ka sa hindi, lahat ng iyan ay na-report sa 'kin ni Doña Matilde, pero bigo siyang sirain ang pangalan mo sa 'kin." Nakangising ani ni Paco. Polly giggled. "Grabe nga 'yon si Doña Matilde." "Nabawi ko na ang singsing na iyon. Mananatili 'yon na nakatago bilang alaala ni Neri sa 'kin." Pinisil-pisil ni Paco ang mga palad niya, tila nakikiusap sa kaniya na unawain niya ang desisyon nitong iyon. "Pasensya ka na at nagawa kong kunin 'yon. Binabawi ko nga sa sanglaan, wala na. Nakabalik na pala sa 'yo." Totoo iyon. Noong makaluwag na siya ay binalikan niya ang singsing para tubusin ngunit wala na nga sa sanglaan. Pinabalik-balik siya ng sanglaan hanggang sa nalimutan na niya pasumandali ang tungkol doon dahil sa kalagayan ng kaibigan niya. "Nakakatuwa nga na hindi mo na piniling bumalik sa bar. Mas nakakatuwa na napalago mo ang negosyo mo mula sa kakarampot na kapital." "Hindi 'yon kakarampot, binenta ko rin ang mga damit na hindi ko naman na magagamit. Galing 'yon sa 'yo," muling pag-amin ni Polly. "Kakarampot pa rin 'yon para sa isang taong nagsimula ulit." Nang mapunta ang mga palad ni Paco sa pisngi niya ay napapikit na lang si Polly na dinama iyon. "Hinayaan lang kita na magtinda kasama ng kaibigan mo but I knew exactly where you are. Hindi mo matataguan ang isang Hondradez na may abuelang may sariling detective agency, Policarpia Ramos." Namilog ang mga mata niya. "S—Seryoso?" Tumango si Paco. "Hinayaan lang kita habang ina-assess ko pa ang feelings ko. Kung handa na ba ako sa kasal. Pinaaga lang ni Akilles at Granny, hindi sana ganito ang plano ko." "Kasama ni Akilles 'yong jowa ng kaibigan kong si Alondra, nagkita kami sa sanglaan." "Dinukot ka niya para makabawi siya sa nagawa niya sa 'kin nang guluhin ako ni Monica." "Pinatulog pa 'ko, tapos eto, naka-traje de boda na 'ko nang magising!" Nagkamot ng batok si Paco na tila nahihiya. Malawak naman siyang napangiti at isa iyon sa gawain nito na noon lang niya nalaman na kinasabikan pala ng puso niyang makita ulit. "Pakakasal na raw kasi tayo ngayon, dito mismo sa lawn ng mansion ni Doña Matilde. Tumawag na siya ng pari, kinulit na rin niya ang mga apo niya na mag-witness. Natatakot daw kasi siya na umatras pa 'ko sa kasal." "Natakot pa siya e, hindi ko rin naman mapapayagan na umatras ka!" "Matatakot talaga si Doña Matilde, gusto kasi niya bago siya mawala sa mundo ay magkaroon ng pamilya ang mga apo niya." Pumalatak si Polly. "Ano pa ang hinihintay natin kung gano'n? Arat na, pakakasalan na kita—" naudlot na ang sinasabi ni Polly, dahil pinatahimik na siya ng labi ni Facundo Hondradez… * * * The End * * * ©LUNAMARGARET Audiobook: AMIHAN STORIES on YT :) Please add my other stories on your virtual library and leave a comment if you have time, big help po 'yan sa 'kin. Uwu. Thank you for reading! ~LM

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD