10: Accidentally

2502 Words
"SEÑORITA Polly?" Nangunot ang mga kilay ni Polly nang maulinigan niyang parang may umiistorbo sa masarap na tulog niya. "Señorita Polly, dapat na po kayong gumising. May bisita po kayo," ani Olen, kinakatok nito ang pinto. Naiinis na inalis niya ang comforter na nakatakip sa buong katawan niya't mukha. Saka siya napilitan nang bumangon. "Señorita, papasok na raw po si Doña Matilde…" Doña Matilde? Tama ba ang narinig niya? "Jusko!" agad na bulalas niya kasabay ng pamimilog ng mga mata niya nang makita niyang wala siyang saplot sa katawan! Nilibot niya ang paningin—naroon siya sa entertaintment room kung saan may nangyari nga sa kanila ni Paco kagabi… "Señorita—" "T—Teka, gising na 'ko, Olen," putol niya sa pagtawag ulit sa kaniya ni Olen. Kung naroon si Doña Matilde at ito nga ang sinasabi ng kasambahay na bisita niya ngayon, dapat na nga siyang kumilos at mas lalong dapat na siyang magbihis! Agaran niyang hinahanap ang mga suot niya bago siya hubaran ni Paco kagabi. Ganoon na lang ang hilakbot niya nang makita niya ang panty niya na nakasabit sa lampshade—basta hinagis na lang kasi iyon ni Paco kagabi kaya siguro nasuot doon. "Wait lang, Olen— teka, teka lang ha," taranta pa niyang turan sa kasambahay habang sinusuot na niya ang panty niya. Hindi pa man niya nakikita kung saan napunta ang shirt dress na suot niyang pambahay madalas, siyang pasok na ng isang wheelchair na de kuryente. "H—Hindi pa po ako nakakapagbihis—" aniya sa bagong dating. Naipikit na lang niya ang mga mata sa labis na frustration na naramdaman nang masalubong niya ang puno ng panghahamak na tingin ni Doña Matilde. Ang suot nitong dress, kumikinang. Ang mukha ng doña ay ganoon din naman—kumikinang sa kolorete. Ito ang tipikal na itsura ng mga kontrabida sa TV serye, dangan nga lang at naka-wheelchair nga at medyo maaliwalas naman ang bukas ng mukha nito kahit nakasimangot ito sa kaniya ngayon. Maganda si Doña Matilde. May pinagmanahan ang mga apo nito. "Ngayon ka pa talaga mahihiya, babae?" Matalim ang tono na bungad sa kaniya ng doña. Nasapo niya ang sariling noo sa katarantahan. Wala naman siyang puwedeng ipangtabing sa sarili niya kundi ang makapal na comforter na nakuha niya pa talagang isipin kung saan galing dahil wala naman doon iyon kagabi. "M—Magandang umaga po," aniya sa doña, nasulyapan naman niyang alas diez pa lang ng umaga. Sa gilid ng mga mata niya ay nabanaag niya si Olen na may pagmamadaling dinadampot na ang shirt dress niyang nasa coffee table pala na nasa tapat ng malaking TV na naroon. "What's good in the morning? Kung katulad mo rin lang ang daratnan ko sa pamamahay ng apo ko?" Maanghang sa sabi sa kaniya ni Doña Matilde. Napanood na niya ang ganitong eksena sa mga telenobela pero hindi akalain ni Polly na mangyayari sa kaniya iyon ngayon. Bukod kasi sa maanghang na salita sa kaniya ng lola ni Paco ay mapangmata rin siyang pinagmamasdan nito ngayon. "Inuna talaga kitang puntahan bago ang apo kong may pagkatanga at sa dami ng babaeng madidisgrasya ay ikaw pa ang napili," anang doña pa. Kung goal ni Doña Matilde na inisin siya ay hindi ito nagtatagumpay dahil nagagalit na siya. Dama na niyang umaakyat na ang dugo niya sa ulo niya sa mga sandaling iyon. Nasaan ba si Paco? Bakit iniwan siya nito roon? Nagawa talaga nitong pumasok nang hindi siya ginigising man lang? Tang'na, hindi iyon ang pinapangarap niyang tagpo pagkatapos ng gabing ibigay niya ang sarili sa isang lalaking nasisiguro niyang mahal niya. "Hindi naman ho yata tama na sabihin niyo 'yan, Doña Matilde," lakas loob na sambit ni Polly. Sa nanginginig niyang kamay ay kinuha niya ang dress shirt niya nang iabot iyon sa kaniya ni Olen. Tinapunan siya ng kasambahay ng naaawang tingin. "At sino ka para sabihin sa 'kin kung ano at hindi ang gusto kong sabihin?" Nang yukuin ng doña ang kandungan nito ay noon lang napuna ni Polly na may brown envelope pala itong dala. "Narito ang mga patunay na peke ang dokumento niyo ng apo ko. Hindi ka niya tunay na asawa. If I were you, aalis na ako ngayon din. Wala kang puwang sa buhay ng apo ko. Wala kang alam." Kung kanina ay palad lang niya ang mga nanginginig, ngayon ay buong katawan na niya. Naniniwala naman siya na bago humarap sa kaniya ang doña ngayon ay kilala na nito ang pagkatao niya base sa mga taong sigurado siyang nakausap ng mga inupahan nitong mag-imbestiga tungkol sa kaniya. Napanood na niya ang ganito kagasgas na mga eksena kaya maano bang baguhin niya iyon kahit kapiraso… "Paano niyo naman nalaman na wala? Grabe naman po kayo," sabi ni Polly sa doña na nakataas ang isang kilay sa kaniya, nananatili rin na hinahamak siya nito sa pamamagitan ng tingin. "aalis naman ako kahit hindi niyo ako pagtabuyan." "Good," anang doña sa sarkastikong tono. "I don't know what's special about you para magawa mong malawayan ang apo ko." "Hanep naman ang mga napipili niyong salita," tugon niya, pagak pa siyang tumawa kahit sa loob-loob niya ay sasabog na siya. Kahit na ang sulok ng mga mata niya ay nagsisimula nang mag-init. "Wala naman akong matinong masasambit sa 'yo dahil saan ka ba galing, hija? Sa squatter hindi ba? Oh, wait, naalala ko, sa bar nga pala. Sa bar ka pinulot ni Facundo. Kung gagamit ako ng ibang wika sa tulad mo, maiintindihan mo kaya? Hindi mo pa ba na nari-realize na binibigyan pa nga kita ng pabor by that." O, 'di ba, hanep talaga ang doña. Scripted pero doña version yata ang mga pinagsasasabi sa kaniya kaya ganoon ito. "Nakakaloka!" sarkastikong bulalas ni Polly. Inalis na niya ang comforter na nakatapis sa katawan niya. Wala siyang pakialam na kung ano ang magiging reaksyon ng doña sa hubad niyang katawan. Pero hayun nga, katulad ng inaasahan na niya ay hindi ito nagpakita ng kahit anong reaksyon. Nanatiling nakamata ito sa kaniya. Si Olen naman ay napasinghap. Dahil bakit hindi? Nagkalat ang mapupulang love bites na gawa ng apo ni Doña Matilde sa buong katawan niya. "Mawalang galang na po, Doña Matilde, pero dapat po yata na makausap niyo ang apo niyong si Facundo tungkol sa bagay na ito—" "Hindi na kailangan. I want you to get out of this room, of this house because look at you, hindi ang tulad mo ang gugustuhin ko para sa apo ko, hija," parang diring-diri na sabi pa sa kaniya ng doña. "Anak ng tokwa naman, oo. Wala na po bang mas bago sa eksenang ito?" sarkastiko niyang saad ni Polly. Sinimulan na niyang isuot ang dress shirt niya. "Babayaran niyo ba 'ko? Gano'n kasi ang mga eksenang ito, hindi ba?" Doña Matilde raised her eyebrows. Hindi ito makapaniwala kanina pa sa ginagawa ng babaeng kaharap niya—nakuha pa talaga nitong maghubad at ipakita sa kaniya ang mga marka na ginawa ng apo niya sa katawan nito! Ngunit mas hindi niya mapaniwalaan ang mga sinasabi nito sa kaniya. "Babayaran? Why would I do that? Gayong bayad ka sa pagpapanggap na misis ng apo ko, Policarpia Ramos. Ibahin mo 'ko sa apo ko, hindi ako mag-aaksaya ni sentimo sa mga tulad mo." "E, kaya naman pala kayo yumayaman!" Pumalatak si Polly. "Grabe na talaga kayo, mamsh. Hindi ko na kayo kinakaya." Napamulagat sa kaniya ang doña, siguro ay nagulat ito sa itinawag niya rito. Pero mas napamulagat ito nang silipin niya ang bintana. "What the hell are you doing?" mabalasik na turan sa kaniya ni Doña Matilde. "Sinisilip ko lang po ang mga bodyguards niyo, paano po kayong nakaakyat dito, matarik ang hagdan ah… binuhat po ba nila kayo?" Naningkit ang mga mata ng doña sa kaniya. "Get out. Malaman ko lang na narito ka pa hanggang mamaya, ikaw ang ipapabuhat ko sa mga bodyguards ko!" Iyon lang at tinalikuran na siya nito. Napangisi na lamang siya, pero agad niyang sinundan ang doña dahil nagtataka naman talaga siya kung paano itong nakapanhik gayong naka-wheelchair na pala ito. "Shocks, nakakalakad pa pala," bulong niya, si Olen ang kausap niya, nakisilip din ito nang sumilip siya sa pintuan para abangan ang gagawin na pagbaba ni Doña Matilde sa hagdanan. Bumungisngis si Olen. "Mahina na ang tuhod niya kaya naka-wheelchair siya. Sa mansion ay may slide na hagdanan para sa electric wheelchair ni Doña Matilde. Nakakalakad pa siya pero 'yan nga, inaalalayan siya ng mga bodyguards niya," saka mahabang paliwanag nito sa kaniya. Tumango lang siya. "Maghahanda na 'ko sa pag-alis," anunsyo niya sa kasambahay. Naglakad na siya palabas ng entertainment room para pumunta sa k'wartong inookupa niya roon. Aalis na siya roon. Puwede naman silang mag-usap ni Paco bukas. Ang mahalaga sa ngayon ay makaalis na siya roon dahil pinaaalis na siya ng reyna—ni Doña Matilde pala. "M—May tanong sana ako, Señorita Polly," awat ni Olen sa paglalakad niya. Nilingon niya ito. "Ano 'yon?" aniya sa mahinang tono. Unti-unti na kasi niyang nararamdaman ang kung anong balakid na nasa lalamunan niya tanda na maiiyak na siya ano mang oras. "Tungkol sa… juice kagabi… ipinainom niyo po ba 'yon kay Señorito Paco?" Nangunot ang mga kilay niya. Dahil doon ay umalpas na ang luha na kanina pa niya inaawat. "Ano ang meron sa juice?" Sisinghot-singhot nang sambit niya sa kasambahay. Marahas na rin niyang pinahid ng likod ng palad niya ang makukulit niyang luha. "A—Ahm, ano kasi, Señorita Polly, hindi iyon ang pitsel na para kay Señorito Paco. Hindi siya umiinom sa pitsel na plastic—" "Teka nga, ano ba ang gusto mong sabihin? Bakit hindi mo pa diretsahin, Olen? Kasi kung ang pitsel ang problema, ginamit naman ni Paco. Ininom niya ang juice na nasa plastic na pitsel, oo. Hindi ko alam kung napuna pa ba niyang hindi iyon ang pitsel niya, pero 'yon na nga, nainuman na niya. Aksidenteng nadampot ko na e. Nasa loob naman ang pitsel kung 'yon ang hinahanap mo." Kibit-balikat niyang tugon kay Olen. "Hindi ko naman hinahanap ang pitsel." "E, ano ba?" Kunot ang mga kilay na niyang tugon. Kung nakakainis si Doña Matilde ay mas nakakainis ang kaartehan na pinapakita sa kaniya ni Olen ngayon. "'Y—Yong kasing juice… para kay Utoy sana, may likido 'yon ng gayuma…" "Anooo?!" "S—Si Utoy, 'yong hardinero sa kabila—" "Gayuma, Olen?" putol niya rito. Kilala naman niya si Utoy, hindi na nito dapat na sabihin sa kaniya kung sino iyon. "Oo, e... gayuma nga. Likido ng gayuma na garantisadong tumatalab dahil ang sangkap niyon ay galing pa sa probinsya kung saan ako lumaki, Señorita Polly." "So, sinasabi mo ngayon sa 'kin na kaya may nangyari sa amin ni Paco ay dahil sa gayuma na tinutukoy mo?" Yumuko si Olen na tila nahihiya sa kaniya, nilaro nito ang magkasalikop na mga palad. "G—Gano'n na nga, Señorita. Pasensya. Huwag niyo na lang sanang sabihin kay Nanay na may ginawa akong gayuma, kagagalitan ako niyon." "Gayuma..." Parang bigla yatang umikot ang mundo niya sa mga nalaman. "Seryoso ba 'yan..." Wala siyang alam sa mga gayuma na iyon pero kung nagmula sa probinsya, hindi ba ay may basehan naman yata na paniwalaan niya ang bisa niyon? "Pasensya na talaga, nasa banyo ako no'ng kinuha niyo ang pitsel. Hindi ko naman makuha kaagad sa inyo ni Señorita Paco, magtataka kasi si Nanay kung pipilitin kong makuha. Isa pa, hindi gusto ni Señorito na kinakatok ang entertainment room niya," paliwanag pa ni Olen sa kaniya. "AALIS na ba kayong talaga, Señorita Polly? Hindi niyo ba muna hihintayin si Señorito Paco?" Napabuntong-hininga si Polly, itinigil niya sandali ang ginagawa niyang pag-empake ng mga damit niya. "Olen, iyon ang dapat kong gawin. Narinig mo naman ang lola ni Paco 'di ba. Baka i-text ko na lang si Pacs," tugon niyang malayo sa katotohanan. Wala na siyang balak na makausap pa si Paco. Kung gagawin niya iyon ay ilalagay lang niya sa alanganin ang sarili. Una, sa lola nito. Ikalawa, ang tungkol sa gayuma. "M—May sasabihin pa sana ako, Señorita Polly…" Tinigil niya ang pagtiklop sa mga damit niya't nilingon niya ang kasambahay—oo, plano niyang dalhin ang ilan sa mga damit na binili sa kaniya ni Paco dahil sayang naman iyon. Hindi man niya malahat, at least, may madala siya. "Olen, ano na naman 'yan ha?" Nakangiting aniya rito. "M—May asawa na talaga si Señorito Paco." Hindi napaghandaan ni Polly ang rebelasyon na iyon. Mas lalong hindi iyon napaghandaan ng puso niya, tila may kung anong bagay kasi ang pumiga roon. Mahal na niya si Paco. Kaya nga ganoon na lang kadali sa kaniya na ibigay rito ang sarili niya. "Asawa?" Kung may asawa naman pala ito, bakit pa siya iniuwi at pinagpanggap na misis nito? Tumango si Olen. Kanina pa siya nito tinitignan nito sa ganoong paraan at sa totoo lang, iniiwasan na nga niya ang titig nitong iyon dahil mula't simula ay hindi niya gustong may naaawa sa kaniya. Kaya nga humantong siya sa bar e, dahil pinilit niyang itaguyod ang sarili niya sa kahit na anong paraan na alam niya. "Oo, at 'yon ang dahilan kung bakit hindi kahit kailan nagkaroon ng girlfriend na si Señorita Paco. Nagulat kami ni Nanay nang dalhin ka niya rito pero ipinaliwanag niya naman sa amin ang totoong namamagitan sa inyong dalawa." "Alam niyo?" gulat niyang tanong. Alam ng mga ito na peke lang siyang asawa ni Paco ngunit pinakisamahan pa rin siya ng mga ito nang maayos… "Alam namin dahil hindi naman maililihim ni Señorito Paco—" naudlot ang sinasabi pa ni Olen sa kaniya nang hawakan niya ito sa braso nito. Narinig niya kasi ang pagparada ng kotse ni Paco. "Si Paco 'yon! Sigurado ako!" tarantang aniya sa kasambahay. "S—Siguro nga…" "Anong siguro?! Sigurado ako na siya 'yon!" Kilala niya ang tunog ng kotse ni Paco kapag pumaparada na ito sa garahe. "Bilisan mo, hanapan mo nang paraan na makatakas ako! Hindi niya ako puwedeng abutan na narito!" Kung bakit naroon si Paco nang alanganin na oras ay hindi niya alam. Siguro ay nalaman na nito ang pagdating ni Doña Matilde roon kanina kaya napasugod ito ng uwi. "P—Pero papaano, Señorita—" Nagkamot si Polly ng sariling kilay. "Basta kahit anong paraan!" tarantang sambit ni Polly. Taranta na rin niyang sinukbit sa balikat niya ang bag na dadalhin niya paalis. Si Olen ay nataranta na rin dahil sa kaniya. "Sasalubungin ko si Señorito Paco..." "Oo, libangin mo siya dali!" Marahan niyang tinulak si Olen palabas ng k'warto. Dapat nitong malibang si Paco para makahanap pa siya ng paraan upang matakasan ito. Nang maglaho na sa paningin niya si Olen at kaagad siyang lumabas na rin sa k'wartong iyon. Magtatago muna siya sa kahit saang sulok ng bahay na iyon at lalabas lang siya kapag nasa loob na ng k'warto nito si Paco. Wala lang, hindi lang niya gusto na magkita pa sila ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD