6: Teacher Polly

2776 Words
"KAIN nang kain." "Thanks." Nakangiting pasasalamat sa kaniya ni Paco nang ipaghain niya ito. Hinubad niya ang suot niyang apron bago siya naupo na rin sa hapag kainan. Masaya siya ngayon dahil makakasabay niyang mag-dinner ang lalaki. Tinotoo nito ang request niya na sana naman ay maaga itong umuwi na. Kung susumahin naman ay hindi na rin masama na naroon si Monica. At least kasi, dahil sa presensya nito roon ay may audience ang show niya. Manood lang ito kung paano niya ipakita rito na siya ang mas nababagay kay Paco Hondradez. "So, you can cook?" tanong ni Monica sa kaniya. Pagak siyang tumawa. "Oo naman. Ano naman ang nakakagulat do'n?" "And actually, napakasarap magluto ng misis ko," pag-epal ni Paco. Gusto rin talaga nitong pakitaan ng show si Monica e. Nginitian niya si Paco. "Ikaw naman, nakakahiya rito kay Monica, ano ka ba," kunwari ay saway naman niya rito. "Ah, no, no, okay lang. Gano'n talaga e, may talent ka." "Ay, bakit, ikaw ba?" pakunwaring tanong niya rito. Pakunwari lang dahil alam niyang mayaman ito kaya hindi na mahirap hulaan na wala itong ginagawa sa bahay nito at sigurado siyang napapalibutan ng katulong ang bahay nito. "Marami kaming tagaluto sa mansion so, to answer your question, hindi ako nagluluto dahil hindi naman kailangan na." "Oh. E, tapos gusto mong mapangasawa 'tong si Pacs? Naku, napakahilig kumain pa naman nito. So, paano na 'yon?" Siyempre, kunwari rin ay lungkut-lungkutan siya, at ang lalaking tinutukoy naman niya ay tila siyang-siya sa ginagawa niya kay Monica sa mga oras na iyon. Paanong hindi niya masasabi na tila masaya ito, e, hayun at nakangiti sa kaniya ito na para bang ang ganda niya sobra… Magaling din umarte ang loko. "Hello, kakasabi ko lang na marami kaming tagaluto sa mansion, dzuh," maarteng tugon ni Monica sa kaniya. Ipinaikot pa ang mga mata nito. Humagikgik siya. "Ay, oo nga naman, pero wala namang masama kung mag-aral kang magluto. Para kung sakali na makapag-asawa ka na," suhestyon niya rito. Umikot na naman ang mga mata nito. "No, Polly, 'wag mong ipilit 'yan, kawawa naman ang mga kamay ko na gustong-gustong hinahawakan ni Paco." Lumipad ang mga mata niya sa lalaking napainom na lang ng tubig malamig. "Gustong-gusto mo 'yong hinahawakan? Weh, 'di nga?" tanong niya kay Paco sa sarkastikong paraan. "Kung ganyan kasi ang palad, malambot lang, turn off 'yan 'di ba, mister ko? I mean, walang gawaing bahay na alam—" "Hey Polly, hindi naman sila nag-hired ng maid para mag-asawa. Men marry a woman dahil mahal nila 'to," agap ni Monica sa mga sasabihin niya pa sana. "E ang kaso nga lang, nanliligaw ka sa taong may asawa na. Na ang mister ay pinagsisilbihan ng misis niya para hindi na tumingin sa iba, Monica," tugon niya. Lihim siyang napangiti nang makita niya sa ekspresyon ng mukha nito ang pagngitngit sa sinabi niya. Though may point naman ang sinabi nito, masyado na rin kasing na-stereotype sa Pilipinas na ang babae ay kapag nag-asawa, kasama na sa sinumpaan ang pagsisilbi sa asawa. Tama naman ang katwiran ni Monica. Hindi nga lang niya tatanggapin na matatalo siya sa simpleng balitaktakan nila kaya sorry na lang ito. "Monica, you're right," Paco said. "Pero kasi 'tong si Polly, isa sa mga nagustuhan ko sa kaniya ay ang pagiging maasikaso niya. Kaya gusto ko sana na ngayong nandito ka ay makapag-usap tayo." Sumimangot ang heredera. "Wala tayong dapat pag-usapan, alam mo 'yan. May nangyari sa 'tin at dapat mo 'yong panagutan, Paco," mariin nitong sambit. Tumikhim siya. "Excuse me, paano kang pananagutan ng isang lalaking may asawa na, aber?" Nakataas ang kilay na sabi naman niya rito. "Hindi ako papayag na gano'n na lang 'yon," masigasig pang sagot nito. Hindi gusto ni Polly na mag-init ang ulo niya lalo pa at ito ang unang beses nilang nakasama ito sa bahay kaya kumalma siya. Kailangan din niyang kumalma dahil alam naman niyang hindi niya makukuha sa ganoon ang babae. May plano siya rito, ang turuan ito ng leksyon na hindi ganoon kadali ang pag-aasawa. Kung tutuusin nga ay bata pa ito. Hindi pa dapat na iniisip ang pag-aasawa, baka tinamaan lang kay Paco kaya nagkaganoon. Maluwag siyang nakahinga nang tumahimik na si Monica at nag-focus na lang sa kinakain. Nagkatitigan na lamang sila ni Paco pagkatapos. "IKAW rin ang naghuhugas ng pinggan dito?" Sandaling nilingon ni Polly ang bisita nilang si Monica. Nakakagulat na matapos nilang kumain, nagbanyo lang ito at hayun, nakahanda na para matulog. Nakaterno na ito na pajamas. "Gusto kong paminsan-minsan ay ako na ang gumagawa nito dahil wala naman akong gagawin na, nagpapababa na rin lang ako ng kinain, 'de hugasan ko na," tugon niya rito. "Kahit na Polly, hindi mo ba naisip na para ka nang katulong niyan dito?" Tumawa siya. "Hindi. Hindi ko 'yon iniisip. Alam mo kasi, 'pag mahal mo ang isang tao, kusa kang kikilos para sa pagmamahal na 'yon, hindi lahat ay kinukuwenta gaya nang gusto mong ipahiwatig kanina." "But I have a point. Aminin mo man o hindi." "Monica, oo, alam ko, nauunawaan ko at nakuha ko ang pinupunto mo. Pero kasi when you love a person, nakahanda kang gawin ang mga bagay na alam mong makakapagpagaan sa kaniya at sa inyong dalawa imbes na makabigat ka pa." "Hindi kita gets, okay," maarte nitong sambit sa kaniya. As if naman sinabi niya rito na intindihin siya nito. "Saan mo ba nakilala si Pacs?" tanong na lamang niya rito, tutal naman ay parang wala itong balak na umalis sa tabi niya, sumandal pa nga sa ref at nagkrus ng mga braso habang pinanood na siya sa paghuhugas niya ng pinggan na pinagkainan nila. "Sa isang party. Thirteen lang ako no'n," parang nangangarap na kaagad na sagot naman nito. "Ilang years ba ang gap niyo?" "Twenty one na 'ko right now." "Oh, five years pala ang tanda ni Facundo sa 'yo." Hindi niya iyon nahalata sa babae. Akala niya ay teen pa lamang ito. Eighteen or Nineteen. Actually, kung hindi magsasalita si Monica ay hindi naman mahahalata na mas bata ito sa itsura. Masyadong makapal na mag-make up ang babae, natatabunan na ang kabataan ng mukha. "So? May mali ba ro'n? Age doesn't matter as they say." Nginitian niya ito. "Pero hindi ba nga at ang nakikita mo ngayon na ginagawa ko ay hindi mo pa naiintindihan? Tapos ay pinipilit mo si Paco na pakasalan ka. Kaunting gawain pa lang na nakikita mo ngayon sa 'kin ay gulat na gulat ka na." Nagsalubong ang mga kilay nitong may korte. "I don't get you. Sinabi ko na ngang maraming katulong sa mansion namin." "Bakit, sa tingin mo ba kung sakali na pakasalan ka nga ni Paco ay titira 'yon do'n sa mansion niyo?" Namilog ang mga mata nito at napanganga. "Hindi mo mapapatira si Paco sa mansion niyo dahil ito ang bahay niya. Dito niya planong buuin ang pamilya niya dahil ito ang nabili niyang bahay, Monica," dagdag niya pa rito. "M—Maybe you're right... but... puwede ko namang kunin ang mga maid namin at dalhin dito ah!" sabi pa nito sa tonong pursigido. "E paano kung hindi pumayag si Paco?" Hindi ito nakasagot. Tila tinimbang ang sinabi niya. "Ang pag-aasawa kasi ay gano'n, bukod sa love na foundation, may companionship na nabubuo sa inyo na more than friendship. Ang bawat desisyon niyo sa lahat ng bagay ay pinagde-debatehan niyong mag-asawa dapat. Tinitimbang, at dinedesisyunan nang maayos para walang maging conflict sa inyong dalawa." "Tama si Señorita Polly, kaya nga sabi ni Inay, ang pag-aasawa ay hindi kanin na 'pag napaso ka ay iluluwa mo na," pagsingit ni Olen sa usapan, tinulungan na rin siya nitong maghugas ng pinggan. "H—Hindi naman ako kumakain ng rice!" wala sa hulog na sagot ni Monica. Pagak siyang natawa. "Hindi mo naman kailangan na mapaso muna sa kaning mainit bago mo 'yan malaman. Napasó ka na rin naman hindi ba?" "Ano?" "Sabi ni Pacs kasi sa 'kin ay may nangyari sa inyong dalawa." "H—Ha, ah, o—oo! Kaya nga nararapat lang na panagutan niya 'ko!" "Alam mo 'yong salitang pikot?" Namilog ang mga mata nito. "Hindi ako namimikot lang! Heredera ako, Polly. Ilalagay ko ang sarili ko sa kahihiyan kung malalaman ng lahat na hindi na 'ko virgin, kung malalaman 'to ng daddy ko ay magagalit 'yon!" pangangatwirang baluktot pa nito sa kaniya. Tinigil niya ang ginagawa niya. Nagpunas siya ng kamay sa basahan na nakasabit sa ref bago niya hinarap ang babaeng salubong na salubong ang mga kilay na pupusta siyang ang pagpapakorte ay inabot ng may kalakihang halaga. "Pero ang malungkot, 'yon na nga mismo ang ginagawa mo kay Pacs. Pinipikot mo siya dahil lang sa may nangyari sa inyong dalawa. Tignan mo ang sarili mo, nandito ka kahit alam mong may asawa na siyang tao." "Nandito ako dahil sa lola niya—a—ahm, excuse me, matutulog na lang ako kesa makipagtalo pa 'ko sa 'yo, Polly. Goodnight," ani 'to, saka mabilis na tumalilis na, tila ito hinahabol ng kung ano sa pagmamadali pa nga na makaalis sa harap niya. "Nadulas na siya," ani Olen pagkuwan. "Oo nga e. Pero hindi naman na 'ko nagulat do'n." Alam naman nila kasi ni Paco simula pa lamang na may kinalaman ang lola niya sa mga arte ni Monica. "Anong nangyari kay Monica?" nagtatakang tanong ng kadarating lang na si Paco. Kumuha ito ng malamig na tubig sa fridge. "Bakit, ano ba ang nangyari sa kaniya?" balik tanong naman ni Polly. "Magkasalubong ang mga kilay saka nagdadabog." Kibit balikat na sagot ni Paco. Bumungisngis si Olen. "Na-lecture-an po kasi ni Señorita Polly." "Na-lecture-an mo?" Siya naman ang nagkibit ng mga balikat. "Medyo lang naman..." "Aba, Teacher Polly, iba ka. Inis na inis ang isa at tipong hindi na 'yon lalabas sa k'warto niya once na pumaroon na siya sa loob ngayong gabing 'to." Nagtaas-baba pa ang mga kilay ni Paco sa kaniya. Tinaasan niya naman ng kilay ang huli. "E, 'di tuwa mo 'pag nagkataon." Ngumisi 'to. "Medyo lang naman. Pero kawawa naman din siya. Ngayon ko lang nakita na gano'n 'yon." Umiling-iling siya. Nasabi niya nang sa sandaling pagkakakilala nila ni Paco ay maginoo talaga ito kahit medyo hambog, pero may kulang pa pala roon. Minsan kasi ay may pagka-isip hindi maintindihan si Paco Hondradez. Kaya rin yata pinapakialaman ng lola nito ang love life nito. Bukod sa nabanggit naman nito na pinakikialaman talaga ng doña ang love life ng mga apo, para sa kaniya ay hindi naman pakikialaman ng doña iyon kung nasa ayos na ang lahat ng apo, lalo at nabanggit sa kaniya ni Paco na pawang mga lalaki ang mga ito. Iyon na nga, wala sa ayos si Paco Hondradez. Kagulo ng utak. Ngayon nga lang ay naguguluhan na sa nakitang pagmamarkulyo ni Monica. Gentleman din ngang tunay kaya ganoon, hindi sanay na hindi inaalo ang mga babae, hayan tuloy, nami-misinterpret ng mga babaeng tulad ni Monica. "DITO ako matutulog ngayong gabi sa k'warto mo kung ayaw mong mabuking tayo ng lola mo, Facundo," ani Polly kay Paco pagkapasok na pagkapasok niya sa pinto ng k'warto nito. Umungol agad si Paco para magprotesta. "Hindi ako sanay na may katabi, Polly." "Sabihin mo 'yan do'n sa babaeng makulit," tugon niya rito, tinaasan niya ito ng isang kilay. "Pero 'wag na, okay na 'ko rito sa lapag." "No!" protesta na naman nito. "'Problema mo?" Taas-kilay niyang tanong dito. "'Wag ka d'yan, hindi ako papayag!" Ngumiti siya, labas ang lahat ng ngipin. "Kuuu, Facundo ah, kunwari ka lang na hindi sanay na may katabi matulog, feel ko 'yang mga ganyan." Umungol na naman ito. "Ano ba, hindi ko gustong nasa lapag ka, napaka-ungentleman ko naman kung papayagan ko 'yon." Iyon na nga ang gusto niya sa lalaking ito talaga. Iyong ipapadama niya sa 'yo na importante ka kahit kung tutuusin naman ay nakuha siya nito sa bar at alam naman ng lahat na masagwa iyon sa pandinig pero kay Paco, hinding-hindi mo ito mariringgan na sasabihin iyon o mamaliitin iyon. "O, bakit ganyan ka makatingin?" tanong nito nang hindi siya kumilos. "Kumilos ka na, malawak ang kama, puwede naman tayong magtabi rito. Basta ipangako mong hindi ka naghihilik ka ah, sensitive ako sa ingay, kaunting kaluskos ay nagigising ako." Kumilos na siya, ang bitbit niyang unan at kumot ay binuhat na niya ulit. Kinuha niya ang inalay na palad ni Paco. Ganoon ito ka-gentleman. E kaso pilya siya kaya nang mahawakan na niya ang palad nito ay hinila niya iyon para tumumba ito sa ibabaw niya. Mariin itong napapikit saka umungol. Tatawa-tawa naman siya. "Paco, napakabilis mo ah, kaloka ka!" panunukso niya rito. "Eto na naman po kami, Lord!" ani Paco, pabirong tinirik pa ang mga mata. Napahagikgik siya. "Akala mo naman 'to! E, 'yan nga at hindi ka bumabangon. Gustong-gusto mong nakadagan sa 'kin," panunukso niya rito. Nanunukso lang siya. Nagbibiro. Noong mga nakaraan naman na ginawa niya ang ganoon ay okay pa sila nito, nagkakabiruan sila kahit hindi naman talaga pinapatulan nito ang mga kapilyahan niya. Kaya ewan niya kung ano ang pinagkaiba ng mga iyon sa ngayon... Sa ngayon na bigla ay titig na titig sa kaniya ang mapupungay pala sa malapitan na mga mata ni Paco... "P—Paco, may dumi ba 'ko sa mukha... bakit ganyan ka kung makatitig...?" kandautal nang tanong niya rito nang ilang segundo na ang nakalipas ay nananatili sila sa ganoong puwesto nito. "May maliit ka palang nunal malapit sa labi mo..." tila engrossed nitong tugon naman sa kaniya. Ang mga mata'y nasa maliit na nunal niya o labi nga niya... "A—Alam mo ba kung ano 'tong ginagawa mo ha..." Pagak na tumawa ito. "Alam na alam ko. At ang lahat ng ito ay dahil naman sa 'yo." "At bakit ako? E, ikaw nga 'tong ayaw nang umalis sa ibabaw ko—" "May na-realize kasi ako," putol nito sa sinasabi niya. "At talagang ngayon ka pa may na-realize?" napamulagat niyang sambit. "Kung kailan nariyan ka sa puwestong 'yan? Seryoso ka?" Mas natawa pa ito. At jusko, patawarin siya ng Diyos sa mga iniisip niyang kalaswaan nang makiliti siya dahil nag-vibrate sa ibabaw niya ang tawang pinakawalan ng lalaking ito... "Ikaw naman ang humila sa 'kin kaya napunta ako sa puwestong 'to." Napanganga siya. "At? Huwag mong sabihin na wala kang balak umalis sa p'westong 'yan gano'n?" "E, mahusay ka lang naman 'pag ikaw ang nanunukso, Polly." "Mas mahusay akong tumili, gusto mong i-try?" "Titili ka para pumasok si Monica rito? I doubt kung gagawin mo 'yon." Nakaingos nitong sabi. Dalawa lang, sinusubok nito ang pasensya niya o tinutukso rin siya nito ngayon. Sa totoo lang, kahit anong sabi niya sa sarili niya na dapat niyang maging totoong asawa ang lalaking ito ay hindi pa rin talaga sumagi sa isip niya ang ganitong senaryo. Iyong tipong may mangyayari sa kanila, dahil nga gentleman naman ito at siya naman ay birhen pa. Pero kung susubukan siguro nito ngayon... "Nagbago na ang isip ko, hindi na 'ko titili." "Huh?" Siguro ay nagtaka si Paco sa kaseryosohan ng boses niya bigla. Mata sa mata niya itong tinitigan at wala sa loob na binasa niya ng dila niya ang labi niya bago siya magsalita, "Pacs, mas gusto ko na kasing totohanin ang lahat sa atin." "T—Totohanin?" Kandautal na sambit ni Paco sa kaniya. "Oo. Hindi na rin naman tayo mga bata, saka hindi ba 'ko papasa na maging misis mo talaga?" Sa pagkadismaya niya, hindi pa man nito nasasagot ang tinanong niya ay tumayo na ito at pagak na tinawanan siya—na parang sinasabi nito sa kaniya na isang malaking kalokohan ang suhestyon niyang gusto na niyang totohanin ang lahat sa kanila. Pero siya na rin ang sumagot sa mga naglalaro sa isipan niya nang maalala niyang nitong mga nakaraan ay natutunugan niyang magulo ang takbo ng utak nito... "Tayo na nga, nakasama mo lang si Monica ay kung ano-ano na ang mga sinasabi mo," ani pa sa kaniya ni Paco. Tahimik lang niyang pinagmasdan ang palad nito na inalay sa kaniya upang alalayan siyang makatayo. Nang hindi niya kunin ang palad nitong iyon ay iiling-iling na tumalikod na lang ito. Ilang minuto pa ay likod na lang ni Paco ang nasundan niya ng tingin hanggang sa pumasok ito sa banyo. Sigurado siyang wala namang mali sa sinabi niya. Sigurado rin siyang hindi na niya gustong manatili na kunwarian lang sa kanila ang lahat. At para mangyari 'yon, babalik siya sa plano niya. Gawin ang lahat para ma-realize nitong maaari siyang maging tunay na may bahay nito. Pero masakit din ang matanggihan nang harapan ah, mukhang hindi siya patutulugin ng isipin na 'yon ngayong gabi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD