Kabanata 5

1194 Words
Nakabisita si Mia sa hospital at nagpapasalamat siya dahil maayos na ang kalagayan ni Grace. 'Yun nga lang ay ayaw niyang lumapit sa bata dahil tiyak ay iiyak lamang ito at baka hindi niya makayanan ang awa kay Grace at kupkopin niya ito at iyon ang pinoproblema niya dahil alam niyang hindi papayag si William. Isa pa, hindi niya maiiwan si Grace sa mansyon dahil kailangan niyang makahanap ng ibang trabaho. Hindi kasi siya tinulungan ni Mark nang lumapit siya sa binata. Ang rason nito ay baka daw magalit sa kaniya si William at madamay pa ang negosyo niya. Hindi naman niya masisisi si Mark dahil wala nang mas mahalaga pa sa lalaki kundi ang negosyo, ang pera. Napabuntong hininga si Mia matapos niyang maubos ang ice water na binili niya sa harap ng tindahan. Maghapon na siyang palakad-lakad upang mag-submit ng resume. Nag-apply rin siya online sa DepEd pero hindi niya sigurado kung may bakante pa sa kagaya niyang nagtapos lamang sa probisnya habang ang mga teachers dito ay galing sa iba't-ibang kilalang unibersidad kaya malabong makuha siya sa posisyon na natapos niya. Papalubog na ang araw nang umuwi si Mia. Para na rin makatipid ay nilakad na lamang ng dalaga ang village papasok sa mansyon ni William. Hindi pa siya nakakarating nang matanaw niya na huminto ang sasakyan ni William sa tapat ng gate at bumababa roon ang binata. Napahinto si Mia nang umikot si William sa kabilang side at binuksan ang pinto ng kotse at lumabas roon ang napakaputing babae. Naka-suot ito ng fitted red dress at mataas ang takong at kulay pula ang buhok. Nakahawak pa si William sa beywang ng babae papasok sa loob. Napahawak si Mia sa kaniyang dibdib nang muling sumakit iyon. Unang pag-ibig niya si William kaya ganoon na lamang ang impact ng sakit sa dibdib niya. Aminado siyang hindi katulad ng karamihan, hindi siya niligawan ni William, nag-pakasal lang sila basta na kahit minsan ay hindi siya nakatanggap ng bulaklak mula sa binata. Pero hindi iyon big deal sa kaniya dahil pinaparamdam naman ni William na mahal na mahal siya nito noon. Pero ang makita ng dalawa niyang mata ang kaganapan ngayon ay hindi niya maiwasan na mapaluha. Binuksan lang naman ni William ang likod ng kotse at tumambad sa babae ang mga baloons at mga hearts na gawa sa papel at mayroon pang bouquet ng malaking bulaklak ngunit gawa sa lilibuhing pera. How romantic... So impressive. Ang naibulong na lamang ni Mia sa kawalan. Tatlong araw na siya sa mansyon ngunit hindi pa siya sanay. Madaling sabihin, move on. Pero napakahirap gawin. Paano ba kasi siya makakalimoot kong sa bawat sulok ng mansyon ay naroon ang bakas ng masasayang ala-ala nila ni William. "Hey, are you okay?" Nawindang si Mia sa boses sa kaniyang tabi ngunit mas nawindang siya nang masilayan ang lalaki. Hindi niya maiwasan mapabuka ng bibig nang makita si Leonard Montenegro , ang sikat na singer, actor, at bilyonaryong anak ni Don Justine at Donya Jewel Montenegro. "A-anong... anong ginagawa mo po rito?" halos hindi makagalaw si Mia at talaga namang kipi ang dalawa niyang paa. Hindi man siya katulad ng ibang fans nito na lumulundag, sumisigaw sa tuwa pero hindi niya makakailang subrang na star struck siya sa binata. Kung anong ikinaguwapo nito sa telibisyon ay doble pa sa personal. "Nag-jojogging," maikling tugon ng binata at ginagalaw pa nito ang naglalakihang braso at hindi makatingin nang diretso si Mia dahil naiisip niya kung pangit ba siya sa tagpong iyon. O bakit wrong timing naman ang lalaking ito at ngayon pa sa kaniya nagpakita kung kailan subrang stress niya sa maghapon. "Ikaw, taga rito ka ba?" balik tanong sa kaniya ng binata. "Hindi naman po, ahhmm. Katulong po ako sa mansyon na 'yan pero hindi ako tagarito," tugon ni Mia na itinuro pa ang mansyon. "I see. See you around, pretty!" Napakagat sa ibabang labi si Mia habang sinusundan ng tanaw ang binata. Tumatakbo ito papalayo at hindi niya maiwasan na matuwa sa araw na iyon. Naglaho ang inis niya kay William dahil nakita niya ng personal ang taong halos sambahin ng lahat. "Oh, Friday. Kumusta ang lakad mo, mukhang masaya ka yata?" Bungad sa kaniya ni Tuesday nang makapasok siya sa kusina. Dito lang siya dumaan sa gilid ng pader kaya hindi niya nakita ang paglalampungan ni William at bago na naman nitong babae. "Medyo," sagot lamang ni Mia. "Naku, lubus-lubusin mo na iyan dahil bukas tiyak mauubos ang pasensya mo kay master!" singit ni wednesday. Biglang kumabog ang puso ni Mia. Bukas pala ay friday na, ibig sabihin siya ang nakatuka upang silbihan si William. "Matanong nga kita, Mia. May naging relasyon ba kayo ni master before?" Napalingon ang dalaga sa biglang tanong ni tuesday. "Bakit?" tanong pabalik ni Mia at napaiwas siya ng tingin. Hanggat maari ay mabuti nang hindi nalalaman ng kasamahan niya ang ugnayan niya at ng amo nila. "Kasi nahahalata ko si Master sa tuwing nakikita ka niya ay dumidilim ang mukha niya. Masama siyang tumingin oo, pero nasubrahan ng saiyo. Alam mo 'yun parang nababadtrip ang araw niya kapag nakikita ka." "Oo nga, pansin ko rin iyon. Pero bakit kung may galit man siya saiyo bakit kinuha ka pa niya na katulong e narito naman kami," pangagatong ni Wednesday. "Matagal na ba kayong naninilbihan dito?" sa halio ay tanong lamang ni Mia. "Three years na," halos sabay na sagot ng dalawa. Napatango-tango si Mia at agad siyang umalis. Nagtungo siya sa kuwarto ng mga katulong at nahiga sa kama. Sa pagbalik tanaw niya sa nakaraan ay nakatulog na lamang siya hanggang sa nagising siya hating gabi nang biglang kumalam ang sikmura niya. Papunta sana siya sa kusina nang matulos siya sa kinatatayuan nang maabutan ang dalawang pares na nagtatalik sa sofa. "Uhh, s**t William, sige pa, ahh!" Yumanig ang kaniyang mundo nang makilala ang lalaki-- it was William her ex-husband. **** Nakatitig si Mia sa orasan at ilang ulit nang umikot ang maliit nitong kamay hanggang sa pumatak ang alas sais ng umaga. Agad niyang hinanda ang paliliguan nito. Ang towel. Napalunok siya nang eksaktong naglalagay siya ng susuotin nito ay nagising naman si William. Naka suot lang ito ng boxer at 'yung babaeng katalik nito kanina ay hindi na niya naabutan. Bumaba siya at naghanda ng pagkain. Naglalagay siya ng pinggan ng eksaktong bumaba si William at eksakto rin na nagkatinginan sila. Hindi sinuot ni William ang polo na napili niya kanina. Iwan ba siguro dahil sa kaniyang nakita kagabi sa sofa ay tila nawalan siya ng gana kay William. "Nakahanda na ho ang lamesa, Sir." Malamig niyang saad at tumayo sa gilid. "I have a job offer--" "Hindi na. Alam kong hindi mo gustong makita ako kaya babayaran kita bukas na bukas rin sa lahat ng naitulong mo sa akin." "Saan ka kukuha ng pera?" blankong tanong ni William. "Problema ko na iyon!" sagot ni Mia. Nagpadalos-dalos man siya ngayon pero bahala na. Kung ayaw ni Mark na tumulong siguro aabangan niya na lang si Leonard bukas ng hapon para makahingi ng tulong dito. Makapal na sa makapal ang mukha niya pero gagawin niya ang lahat upang makawala sa ruthless Ex-husband niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD