“William!”
Malakas na sigaw ni Mia at todo habol naman sa kaniya ang mga kasambahay dahil kahit anong awat ang gawin sa kaniya ay hindi siya nagpapatinag. Tuloy-tuloy ang akyat sa ikatlong palapag at nang makarating siya sa kuwarto ni William ay pinokpok niya nang malakas ang pinto.
“Buksan mo ‘to William ano ba!”
Sigaw niyang muli ngunit hindi siya pinapakinggan ni William. Hanggang nangalay na lamang siya at sumakit na lang ang kamao niya. Inis siyang bumaba at umupo sa terrace. Pinagtitinginan siya ng mga kasambahay at nagbubulungan ang mga ito. Hindi maipinta ang mukha niya nang nilapitan siya ni William ilang minuto lang matapos siyang bumaba.
“Bakit ba napaka-ingay mo?” iritado nitong tanong sa kaniya.
“Kailangan ko nang umalis kailangan ako ni Grace!” mariin niyang turan kaya umigting ang panga ni William. Umupo itong naka-dekuwatro sa harap niya. Sinalubong niya ang blankong tingin ni William. Nabaling ang atensyon niya sa secretary nitong bigla na lamang lumapit at umupo pa talaga sa tabi ni William. Ngayon ay malinaw na sa kaniya na may relasyon nga ang dalawa. Nang mag-cross ng legs ang babae ay dumikit ang balat nito sa balat ni William at hindi man lang inalis ng binata o kahit ang dumistansya sa secretary nito. Nagwawala na naman ang kaniyang puso, hindi niya maiwasan manghinayang sa dalawang taon nilang pagsasama. Abot kamay niya muli si William ngunit pakiramdam niya ay napakalayo nito; na para bagang bumalik sila sa nakaraan kung saan hindi pa sila magkakilala.
“Marry me now, and I will give you my life,” saad ng lalaki nang magmulat siya ng mata at agad siyang napatingin sa kaniyang sarili at doon niya pa lang napansin na wala siyang saplot sa katawan at tanging kumot lamang ang nakatabon sa kaniyang kahubdan.
“Ano? gago ka ba? anong—hindi! ginahasa mo ako?” napabalikwas ng bangon ang dalagang si Mia at agad na sumakit ang kaniyang balakang lalo na ang kaniyang gitna kaya agad siyang napaupo at agad rin lumapit ang binata sa kaniya.
“Lumayo ka!” sigaw niya at agad naman umatras ang binatang si William. Sabay silang napatingin sa kobre-kama na bakas ang mantsa ng dugo.
“You’re virgin, I’m sorry!” umamo na parang tupa ang mukha ng binata at nakonsenysa ito sa pagiging wild kagabi. Wala kasi sa bokubularyo niya ang pagiging romantic lalo na pagdating sa kama at hindi niya rin akalain na birhen pa pala ang babae. Isinagad niya kasi agad ang kaniyang alaga at siguro dala ng kalasingan ng babae ay hindi nito napansin ang sakit dahil maging ito ay subrang wild at palaban sa bawat halik at haplos niya. Sa subrang sikip ng dalaga ay hindi niya nakayanan na magdahan-dahan dahil subrang sarap nito at ay ilang beses niya itong inangkin.
“Papanagutan kita, pakakasalan kita Mia!”
“Are you listening, woman?!”
Napaigtad si Mia sa malakas na boses ng kaharap. Ang babaeng katabi nito ay hawak ang kaliwang kamay ni William at pinaglalaruan nito ang mga dalire.
“Babe, calm down!” pabebe nitong sabi kaya bumuntong hininga naman ang binata. Gusto niyang mag-iwas ng tingin o ‘di kaya tumakbo kaso magmumukha lamang siyang talunan.
“Gusto kong makausap si Mark!” pag-iiba niya sa usapan at ngumisi naman si William sa sinabi niya.
“Bakit? magbebenta ka rin ng aliw sa kaniya?” pang-iinsulto ni William at imbes na mapikon ang dalaga ay ngumiti lamang siya ng sarkastik.
“Puwede rin, magandang suggestion mo ‘yan, ah?” palaban niyang sagot na ikinangisi pa ni William ngunit bakas ang pagkadismaya.
“Hey, Listen to me!” sumingit ang babae at hindi ito pinansin ni Mia at tumayo siya upang umalis sana nang mabilis siyang nahawakan sa laylayan ng suot niyang damit at itinulak siya ni William kaya napabalik siya sa pagkaka-upo. Nadismaya siya sa pinakitang pag-uugali ni William. Hindi na talaga ito nagbago magmula nang mawala ang anak nila noon ay hindi na ito caring sa kaniya hanggang ngayon ba sinisisi pa rin siya nito?
“Listen.To.Her!”
Napalunok si Mia nang magtagis ang bagang ni William at mariin pa ang bawat katagang sinabi nito sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita dahil para siyang kakainin ng buhay nito.
“Ms. Mia Madrigal—“ natigil ang sasabihin ng babae nang tumayo si William at umalis. Pinigilan niya ang sarili na huwag itong sundan ng tingin hanggang sa nagpatuloy ang babae.
“Miss, makinig ka, seryosong usapan ‘to!” saad ng babae dahil pinapakita niyang hindi siya interasado sa anumang sasabihin sana ng babae ngunit nang mabanggit nito ang panagalan ng batang si Grace ay napatingin siya dito nang bigla.
“K-kumusta si Grace? okay na ba siya?” tanong niya agad na ikinatango ng babae kaya nakahinga siya nang maluwag at hinayaan ang babaeng magsalita.
“Yung lola ng bata ay namatay kahapon at ‘yung lolo niya ay malala ang lagay sa ospital.”
Napasinghap si Mia sa sinabi ng babae. Napakurap-kurap siya dahil sa awa sa mga ito lalo na sa tiyo niya na malaki ang naitulong sa kaniya.
“Pinalipat ni Master sa private hospital ang matanda habang si Grace ay nagpapagaling pa sa hospital at baka Wednesday puwede na siyang maiuwi.”
“Kung ganoon, mas kailangan kong umalis. Pakiki-usapan ko ang mga madre na doon na lang si Grace sa—“
“Nasunog ang ampunan kagabi.”
“Ano?” napatayo na si Mia at tinutukan ng masamang tingin ang babae. Baka gumagawa lamang ito ng kuwento ngunit nang may inilabas ang babae na mga larawan ay isa-isa niya iyon tiningnan at doon ay napahagolhol na siya nang iyak.
“Wala naman nasaktan sa insedente pero hindi na muling itatayo pa ang ampunan. Ang mga bata ay nalipat sa DSWD at ang mga madre ay piniling umuwi na sa kani-kanilang pamilya dahil matatanda na rin sila at hindi na kayang pangalagaan pa ang mga bata.”
Paano na si Maya? paano ko pa siya mahahanap… ang ampunan na lang ang pag-asa ko pero pati iyon wala na. Paano kung bumalik si Maya paano pa kami magkikita? sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ni Mia sa balitang gumimbal sa kaniya.
“Malaki rin ang nagastos ni Master sa pagpapagamot sa bata at sa lolo niya. Bukod pa roon ay pinaasikaso niya an gang kaso ng Nanay ni grace at pinapahanap ang tatay ng bata.”
“Bakit niya ito ginagawa ano ang gusto niyang mangyari?” tanong agad ni Mia at pinunasan ang kaniyang mukha.
“Hindi natuloy ang sana’y trabaho mo dahil nagmakaawa ka raw!” saad pa ng babae at lihim na naman nainis si Mia dahil lahat na lang yata ay alam nito. Alam niyang sekretarya ito ni William pero pati ba naman personal na—oo nga pala, may relasyon ang dalawang hinayupak na ito.
“Babayaran ko si William pagmakahanap ako ng trabaho!” turan niya.
“Ayaw ni Master na pinapahintay siya kung kalian babayaran. Nandito ka dahil magbabayad ka.”
“Ano? ano’ng ibig mong sabihin?” kunot noo niyang tanong.
Bumontong hininga ang babae at sumandal sa sofa bago nagsalita at naiirita si Mia pero hindi na lamang niya isinatinig.
“Kailangan mong manilbihan dito sa mansyon hanggang sa mabayaran mo na si Master. Baka daw kasi tumakas ka. Huwag kang mag-alala hindi kayo madalas na magkikita ni William. Every Friday ka lang magpapakita sa kaniya. Ikaw mag-aasikaso magmula umaga hanggang gabi. Pag weekends wala siya rito kaya—“
“Kaya ba tinawag mo ako kanina na Friday dahil iyon ang magiging schedule ko? so ikaw Monday kaya si Monday ka?” tanong niya agad na siya naman ikinatunog ng dalire ng babae.
“Nakuha mo rin,” ani nito.
“Magkano ang sahod ko sa isang buwan tsaka—“ pinutol naman ng babae ang sasabihin niya.
“Every Saturday ang sahod mo. Isang araw ka lang magtatrabaho kaya huwag kang mag-expect ng malaking sahod.”
Pagtataray ni Monday. “Kung ganoon, puwede akong magtrabaho sa labas?” tanong uli ni Mia at tumango ang babae.
“Since, Tuesday ngayon Malaya kang makakaalis hanggat gusto mo pero dapat nasa bahay ka na pagpatak ng alas diyes ng gabi.”
Kahit papaano ay medyo nakahinga nang maluwag si Mia. Total graduate naman siya sa kursong Education siguro ay mag-aaply na lang siya upang makaturo sa malapit na eskwelahan.
Umalis rin agad si Monday kahit marami pa siyang gustong itanong sa babae. Gusto niyang malaman kung bakit maninilbihan ito sa Monday gayong secretary naman ito ni William. Dumiretso na lang siya sa kuwarto ng mga katulong at nakihiram siya ng cellphone kay Tuesday at tinawagan niya si Mark. Gusto niyang humingi ng tulong sa lalaki mangungutang siya para may pang-gastos siya sa araw-araw dahil binawi ni William ang pera gawa nga ng hindi natuloy ang pagbebenta niya ng aliw. Magpapatulong na rin siya kay Mark upang makapasok sa paaralan. Simula rin ngayon ay babaguhin niya na ang sarili. Tama na ang tatlong taon niyang paghihirap at pag-iisa. Panahon na rin upang buksan niya muli ang puso sa ibang tao. Kung gusto pa siya ni Mark katulad noong dati ay sasagutin niya ito total matagal na niyang kilala si Mark at masasabi niyang mabuting tao ito.
Panahon na upang umibig muli.