WALANG nagawa si Mia nang sabihin ni William na kailangan niyang sumama patungong opisina nito dahil siya ang magiging secretary nito sa loob ng isang araw. Halos hindi siya naabutan ng limang minuto sa banyo dahil sa pagmamadali niya na makapag-ayos lalo pa’t binigyan lamang siya ni William ng sampung minuto.
Nakasuot siya ng fitted dress na pinahiram sa kaniya ni Thursday dahil kailangan niyang maging presentable. Naglagay rin siya ng make-up at pulang lipstick.
“Yala, yala, Mia!”
Nabitawan niya ang lipstick at napakagat siya sa ibabang labi ng maputol pa ito. Tiyak na magagalit sa kaniya si Thursday dahil bago pa lang iyon. Sa subrang lakas kasi ng sigaw ng mayordoma ay halos yumanig ito sa buong mansyon.
“Ano ba kebagal-bagal!” pagsusuplada ng matandang babae at hinampas pa siya nito sa puwet. Lihim na sinamaan ng tingin ni Mia ang matanda at hindi niya sukat akalain na ganitong mga katiwala ang kinuha ni William. Nasaan na kaya si Manang Basyon, ‘yon ang yaya ni William simula pagkabata at iyon din ang naging mayordoma nila sa loob ng dalawang taon. Marahil kasabay nang paglisan niya ay pinaalis rin ang mga kasambahay nila noon.
“f**k, we’re late!” untag ni William ni hindi man lang nito pinansin ang hitsura niya.
Sa loob ng sasakyan ay hindi sila nagkikibuan. Magkatabi sila sa likod habang panay ang mura ni William sa driver dahil hindi nito magawang sumingit sa mga kasabayang sasakyan.
Nang huminto ang sasakyan sa garahe ay mabilis ang pagkilos ng driver at binuksan nito ang pinto ng kotse at agad na lumabas si William habang si Mia ay kusa nang lumabas sa kabilang pinto.
Nakayuko ang driver nang humarap si William sa lalaki.
“You’re fired!” turan ni William at namilog ang mga mata ni Mia. Mas lalong napayuko ang driver ni hindi nito magawang mag-rason.
“William, ‘wag naman ganoon—“ ngunit pati si Mia ay dinamay sa galit ni William.
“Shut the f**k up! You have no right to dictate anything I do, especially to call me by my name!”
Napapitlag si Mia nang sigawan siya nito. Yes, ito ang kauna-unahan na ginawa ni William sa kaniya at subrang sakit dahil parang hindi na siya nito nirerespito kahit manlang sana isaalang-alang ang kanilang pinagsamahan.
“A-ayos lang ho, ma’am.”
Nahabag ang damdamin ni Mia nang mag-angat ng tingin ang driver at bakas sa mga mata nito ang panunubig ngunit pinipigilan lamang nito.
“Ikaw si Manong Reo hindi ba?” pagkukumpirma ni Mia nang matandaan ang lalaki. Tumango-tango ang driver kaya tuluyan nang napaluha si Mia. Kahit papaano ang may naiwan pa rin sa tauhan nila noon.
“Masaya ako ma’am na muli kitang nakita ngunit malungkot ako dahil hindi ka na masaya katulad noong dati. Bakit ho ba kayo bumalik pa, mas lalo lang kayong mahihirapan.”
“Friday!”
Napalingon si Mia sa sigaw na naman ni William. Doon niya pa lang napansin na malayo na sa kanila si William at nagbabanta ang mga mata nito. Agad siyang tumakbo at hindi na nasagot ang katanungan ni Manong Reo.
Sa private elevator sila dumaan ni William at halos malula si Mia sa subrang ganda ng kumpanya nito. Ito din ang kauna-unahan niyang pagtungtong dito dahil noong mag-asawa pa sila ay halos ayaw siyang palabasin ni William sa bahay. Kahit nga subrang bored niya noon ay tiniis niya na lang alang-alang sa pagmamahal niya sa asawa. Maraming nakakaalam noon na asawa ni William ay si Mia ngunitt sa pangalan lamang siya kilala ni minsan ay hindi siya pinakita ni William sa mga tao kaya ngayon na magkasama sila ay normal lamang ang tingin ng mga empleyado sa kanilang dalawa.
“Good morning, Master!” sabay-sabay na pagbati ng mga ito nang lumabas sila elevator at hindi manlang magawang bumati pabalik ni William o kahit ang tumango manlang ay wala.
Pumasok si William sa loob ng opisina nito habang si Mia ay naiwan sa labas sapagkat hindi siya allowed na sumunod kay William. Nakaupo lang siya sa puwesto ng skretarya sa labas ng opisina ni William at hindi niya malaman ang gagawin. Ni hindi niya alam ang password ng computer. Paano ba naman wala manlang nag-orient sa kaniya at hindi rin siya pinapansin ng mga empleyado sa harap niya. Subrang nababagot si Mia kung ano-anong sinusulat niya sa papel at pakiramdam niya ay katumbas ng isang buwan ang paglipas ng oras.
Nang tumunog ang maliit na bell dito sa table niya ay napasinghap si Mia dahil tanghali na. Nagsitayuan na rin ang mga tao. Hinihintay niyang tawagin siya ni William upang sabihin ang gusto nitong kainin ngunit nagulat siya nang lumabas si William. Napa-upo siya nang maayos nang binalingan siya nito.
“Follow me!”
Maotoredad nitong utos sa kaniya at medyo nabubuhayan ang kaniyang loob. Marahil ay kakain sila sa labas.
Halos magwala na naman ang puso ni Mia nang tama nga ang hinala niya dahil dinala siya ni William sa isang mamahaling restaurant. Siguro dala ng karupukan niya o sadiyang pagmamahal ang tawag sa nararamdaman niya para kay William kaya heto at umaasa siyang may pagtingin pa rin sa kaniya ang dating asawa kahit na kaunti.
Subalit kung gaano kasiya ang puso ni Mia ay siya naming kabaliktaran ng katotohanan at para siyang sinampal nang biglang mag-init ang mukha niya sa sinabi ni William.
“Stay here. If you have money, buy your food otherwise you will die of hunger!”
Napakurap-kurap si Mia at hindi malaman ang mararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Wala siyang nagawa nang pinaupo siya ni William sa waiting area habang ito ay lumapit sa magandang babaeng naghihintay sa table.
Gusto niyang maiyak, gusto niyang sumigaw, hindi niya alam kung ano ba itong nararamdaman niya. Si William na halos ibigay sa kaniya ang mundo noon subalit ngayon ay ultimong pagkain ay pinagdadamotan siya. Halos ubusin ni William ang pagkain sa restaurant at tatlong lamesa ang pinagdikit-dikit upang malatag lamang ang maraming inorder nito para sa babaeng kasama nito.
Napakuyom sa kamao si Mia. Gusto niyang sugurin ang babae, sampalin si William o ‘di kaya ang magwala sa restaurant ngunit paano niya gagawin ‘yon. Ano ba ang karapatan niya.
Natapos ang pagmumukmok sa isang tabi ni Mia nang sa wakas ay natapos rin kumain si William at kasama nito ang sexy na babae. Ito rin ang babaeng kasama nito noon sa mansyon at tiyak na ito rin ang katalikan niya kagabi.
Nagmistulang alalay si Mia sa dalawang pares habang ang kamay ni William ay nasa beywang ng babae habang naglalakad sila patungo sa sasakyan.
Nasa likod si Mia at si William ang nagmamaneho at ang babae ay hawak sa kamay ni William at magkatabi sila sa front seat. Naisandal ni Mia ang ulo sa bintana ng kotse at nakatulalang nakatingin sa labas.
Para siyang naglalakad sa hangin pabalik sa opisina ni William. Maraming nakakapansin sa dalaga lalo na ang mga kalalakihan. May ibang napapangiti sa kaniya na hindi niya magawang suklian marahil sa subrang tamlay ng buong katawan niya pati utak at puso ay pagod na pagod na rin.
Nakatulala lamang si Mia sa maghapon at hindi naman siya inutusan ni William dahil busy naman ang binata sa kasama nitong babae dahil sumama ang babaeng iyon hanggang sa loob at tiyak na may milagrong ginagawa ang mga ito.
Eksaktong alas otso ng gabi nang lumabas si William at nakalingkis ang babae sa braso nito. Walang salita si William na parang wala itong ibang nakikita kundi ang babaeng kasama nito.
Akala ni Mia ay uuwi na sila sa mansyon at makapagpahinga na rin siya ngunit nagpunta si William sa isang bar at kasa-kasama na naman siya.
Maraming tao at bakas na may mga sinabi ang mga ito sa buhay basi na rin sa mga kasuotan nila.
“William, I never thought you’d come. Oh, who’s with you?” boses ng isang babae rin na halatang hindi Filipino.
“This is Kate, my girlfriend.”
Nakangiti pa si William sa babae.
“And who’s this beautiful lady in red?” nabaling sa kaniya ang tingin ng babae at ngumiti lamang siya ng simple.
“How’s the bar?” pag-iiba ni William na halatang ayaw pag-usapan si Mia.
Pinaupos sila ng babae sa mahabang couch at medyo akward ang posisyon nila sapagkat napapagitnaan nila si William. Kaunting galaw lang ay magdidikit na ang kanilang balat.
Nagpatuloy sa pag-uusap ang babae na kaharap nilang nakaupo ito sa single couch habang kay William nakatingin at pinag-uusapan nila ang tungkol sa sales ng bar. Nilibot ni Mia ang tingin at halos hati ang mga mata ng mga tao lalo na ang mga lalaki sa kaniya at sa babaeng kasama ni William. Paano kasi ay parehas silang nakasuot ng maiksing dress. Pula nga lang sa kaniya at kulay blue naman sa babae.
Ilang minuto pa ang dumaan nang nakakaramdam na ng ginaw si Mia at hindi niya na nakakayanan kaya nanginginig na siya hanggang sa napansin siya ni William.
“What are you doing?” tila galit pa ang boses ni William.
“Nanginginig na ako, hindi pa ba tayo uuwi?” tanong niya.
Hindi kumibo si William at tinanggal nito ang suot nitong blazer na agad na napansin ni Mia. Ngunit sa halip na sa kaniya ito ibibigay ay isinoot ito ni William sa kasama nitong babae.
Tumingin si Mia sa kaniyang gilid, pinipigilan niya ang sarili na huwag maawa ngunit hindi niya kayang pigilan ang sakit sa dibdib niya kaya agad siyang tumayo at sinabing pupunta lang siya ng CR. Tila walang narinig si William dahil concern pa ito sa hita ng babaeng iyon na pilit na tinatakpan dahil sa mga mata ng mga lalaki sa bar.
Hindi…huwag kang iiyak Mia, kaya mo ‘yan!
Sambit niya sa sarili subalit hindi niya kayang pigilan at kusang lumandas ang mga traydor niyang luha. Nang makapasok siya sa loob ng CR ay agad siyang napasandal sa wall at doon humagolhol ng iyak. Awang-awa siya sa sarili pakiramdam niya ay wala siyang silbi sa mundo.
“Hey, Miss. Are you okay?”
Walang naririnig si Mia kundi ang sarili niyang mga hikbi. Hanggang sa hinagod-hagod ang kaniyang likod at hindi niya na tiningnan kung sino man iyon.
“What the hell, bro?” muling boses sa loob ng CR
“Oh, don’t mind us. Just lovers quarrel, you know,” saad ng lalaki sa tabi niya. “It’s alright,” dagdag pa ng lalaki at hinarang ang katawan nito sa gilid upang hindi makita ni Mia ang pag-ihi ng lalaking kausap ng lalaking nasa tabi niya.
Ilang minuto pang umiiyak si Mia hanggang sa nahimasmasan niya at agad siyang binigyan ng panyo ng lalaki.
“Hey…”
Nang mapunusan ni Mia ang mga mata ay saka pa lang siya nag-angat ng tingin at hindi niya alam kung ano ang hitsura niya ngayon at itong lalaking nasa harap niya ay parang tuwang-tuwa nang makita siya.
“It’s you, again.”
Ngumiti ang binata at doon pa lang narealise ni Mia ang nagawa niya. Sa subrang hiya niya ay napaatras siya sa lalaki.
“P-pasensya na ho, ano—ahmm, lalabhan ko na lang itong panyo m—“
“Hey. Tha’ts okay. How are you feeling?”
“f**k!” napalingon sila sa dalawang lalaki na pumasok at halos pamulahan si Mia ng mukha nang mapansin na narito siya sa banyo ng panlalaki. Mali ang napasukan niya. Natawa naman ang binata sa reaksyon niya at agad siya nitong hinila palabas ng banyo. Kaagad na napatingin si Mia sa kinaroroonan ni William at nakangiti si William habang sinusuklay-suklay ng dalire nito ang buhok ng babae.
“Inom tayo?” biglang pag-anyaya niya sa lalaki.
“I can’t, but I am willing to accompany you.”
Hawak siya sa kamay ng binata palabas ng bar at dahil busy si William sa babae ay hindi nito napansin ang pagdaan niya sa gilid.
Nakayuko ang kasama niyang lalaki habang dumaan sila sa karamihan. Napakagat siya sa ibabang labi hindi niya akalain na pagtatagpuin silang muli ni Leonard. Gusto niyang bawiin ang kamay dahil nahihiya siya ngunit gusto niya rin makatakas sa sakit na dinulot ni William kahit panandalian lamang.