PINAGTITINGINAN sila ng mga tao sa loob ng restaurant. Hindi dahil sa artista si Leonard kundi dahil sa paraan ng pagsubo ni Mia ng pagkain. Ngayon niya lang naramdaman ang gutom mula pa kasi kaninang umaga nang umalis sila ni William sa mansyon ay wala siyang almusal dahil sa pagmamadali. Ang pera niya na dala ay kulang pa sa presyo ng pagkain sa Japanese restaurant na pinuntahan nila kaninang tanghali ni William.
“Ano ba ‘yan, mukhang patay gutom.”
Pinunasan ni Mia ang bibig nang marinig niya ang pagpaparinig sa kabilang lamesa. Inabutan naman siya ni Leonard ng baso at agad niyang ininom ang tubig.
“Salamat, Sir.”
Tila nakahinga nang maluwag si Mia nang mapunan ang kumukulong sikmura. Hindi nakapagsalita si Leonard at pinagkakatitigan lamang siya.
“Bakit?” takang tanong niya.
“What are you doing at the club?” seryosong tanong ng binata.
“Ahm… ‘diba subrang sikat mo bakit hindi ka manlang nilalapitan ng mga tao para magpa-picture gano’n naman ang mga fans ‘diba?” sa halip ay tanong ni Mia dahil ayaw niyang pag-usapan si William.
“Well, in these kinds of places it is not new for people to see artists. There are still a few who want autographs but it just happens that people don't care anymore. May iilan pa rin na gustong magpa-autograph pero nagkataon lang na walang pakialam ang mga tao ngayon. Sila yung mga tao na masyadong busy at hindi kilala ang mga artist at kung kilala man nila ay normal lang sa kanila hindi sila diehard katulad ng ibang tao sa ibang lugar.”
Tumango-tango si Mia at naniniwala siya sa sinabi nito dahil maging siya ay hindi naman fanatic ng mga sikat na artista. Hindi lamang siya makapaniwala na sa lahat ng puwede niyang makita ay si Leonard pa. Pero hindi naman siya OA na yayakap o titili katulad ng iba.
“Ikaw, anong pangalan mo, dahil tiyak na alam mo na ang pangalan ko. Gusto ko rin malaman ang pangalan mo,” wika ng binata at hindi maiwasan ni Mia na mapangiti nang sumilay ang matamis nitong ngiti sa labi.
“Ako si Friday Madrigal,” pagpapakilala ni Mia at nilahad niya ang kamay sa ibabaw ng lamesa.
“Friday? Like a fri-day, a day isn’t it?”
“Hmm…yup. Parang gano’n na nga po,” saad ni Mia. Namangha ang binata at minabuti ni Mia na ito na lang ang gamitin na pangalan total wala naman nakakakilala sa kaniyang pagtao kundi si William at Mark lang naman.
“So Friday, I gotta go. Anyway, here is my calling card if by any chances you need someone to talk to, I’m in the first line.”
Hindi nakapagsalita si Mia nang biglang tumayo si Leonard at umalis. Nakatitig lamang siya sa iniwan nitong papel. Hindi na rin siya nagtagal at umalis na rin sa restaurant at umuwi na lamang siya mag-isa. Sumakay siya ng jeep at nagkataon na puno na sa loob at sa unahan katabi ng driver na lang siya naupo. Niyakap niya ang sarili nang mapatingin siya sa maliit na salamin sa harap niya. Biglang sumagi sa isip niya nang hinubad ni Leonard ang suot nitong makapal na coat at sinuot nito sa kaniya at dahil matangkad ang binata ay lagpas tuhod niya ang coat na nakatulong upang maikubli niya ang katawan. Pinasok niya ang kamay sa bulsa ng coat at nang ilabas niya ang kamay ay tumambad sa kaniya ang calling card ni Leonard. Napatingin si Mia sa kalsada at dahil hating gabi na ay kaunti na lang ang mga sasakyan. Napakalungkot ng ambiance ng kalsada na para bang sumasalamin sa kaniyang sarili. Hindi siya nagtagumpay sa plinano na humingi ng tulong kay Leonard nang makita niya ang cellphone ni Leonard kanina sa lamesa na tumunog ito at nabasa niya sa screen na “Babe” ang caller ID ay agad na nagmadali ang binata. Napabuntong hininga si Mia at pinunit niya ang papel at binitiwan niya ito sa kalsada na sumabay sa paglipad ng hangin. Hindi dahil sa ayaw niyang kausap o makitang muli si Leonard pero naisip niya na kung mapapalapit siya sa binata ay baka mahulog ang loob niya rito at sa huli ay masasaktan na naman siya. Kung hihingi rin siya ng tulong ay baka malubog na siya sa utang. Kahit na maganda ang trato sa kaniya ni Leonard ay hindi niya pa rin ito lubos na kilala. Okay na sa kaniya na pagtiisan na lang si William dahil kahit subrang sama ng ugali nito ay hindi naman siya nito kayang patayin.
Nang makababa si Mia sa jeep ay sumakay naman siya ng traysikel papasok sa village. Tiyak niyang nakauwi na rin siguro si William at hindi sila magkikita ng isang linggo.
Napabuga ng hangin si Mia nang matanaw niya ang mansyon. Sa harap lamang ang nakasindi ang ilaw. Hindi niya alam kung ano pa ang naghihintay sa kaniya sa dating tahanan. Kailangan niya lang tatagan ang sarili at ang isang paraan upang hindi siya mahirapan sa pagtatrato sa kaniya ni William ay acceptance.
Kailangan niyang tanggapin ng buong puso na wala na sila ni William. Kailangan niyang ibaon sa lupa ang pagmamahal niya sa dating asawa ng sa ganoon ay makapagpatuloy siya sa buhay.
Tanghali na nang magising si Mia dahil sabado naman ngayon at wala siyang gagawin sa mansyon. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis lang siya ng pambahay at lumabas ng kuwarto. Naabutan niya ang Mayordoma na naglilista ng mga bibilhin.
“Good morning po, nasaan po sila bakit ang tahimik ng mansyon?” tanong niya at lumapit sa lababo.
“Kapag weekend walang tao dito kundi ako lang at ang dalawang tauhan. Si Monday, Tuesday, Wednesday, at Thursday ay umuwi sa kanila. Sa lunes pa sila babalik. Ikaw wala kang pupuntahan, hindi ka ba uuwi?” tanong nito sa kaniya.
“Wala na ho akong uuwian. Wala na akong pamilya,” tugon ng dalaga at napatingin sa kaniya ang matanda. Umupo si Mia sa harap nito at nilapag sa lamesa ang tasa ng kape. Tinanggal naman ng matanda ang salamin nito sa mata at pinunasan nito ng laylayan ng damit.
“Alam ko, kilala kita.”
Naiwan sa ere ang tasa at hindi natuloy ni Mia ang paghihigop ng kape. “Ano po ang ibig n’yong sabihin?” nauutal na saad ni Mia.
“Ako ang kapatid ni Basyon. Ang yaya ni William at alam ko ang istorya ninyong dalawa dahil bago namatay si Ate ay naikuwento niya sa akin ang lahat.”
Nagimbal si Mia at hindi siya nakapagsalita lalo na nang tumulo ang mga luha ng kaharap niya.
“Namatay si Ate dala ng labis na kalungkutan noong maghiwalay kayo ni William. Hindi siya pinaalis kundi kusa siyang umalis nang lumuhod ang ate ko sa ex-husband mo na sundan ka, na huwag kang paalisin pero hindi nakinig si William at pinaalis ka pa rin. Noong araw na umalis ka ay umalis si Ate at isang linggo lang siya sa probinsya ng binawian siya ng buhay.”
Napakuyom ang kamao ni Mia. Nagsilaglagan ang kaniyang mga luha. Gusto niyang tumayo at yakapin ang matanda ngunit inunahan siyang huwag gagawin iyon sapagkat may mga hidden camera sa paligid.
“Naiinis ako saiyo noong unang pasok mo pa lang ay mainit na ang ulo ko sapagkat bumalik ka pa. Hindi mo na mababago ang lahat Mia, sana’y hindi ka na lang bumalik dahil mas pinahihirapan mo lang ang sarili mo.”
“Hindi ko gustong bumalik, pinilit kong kinalimutan si William sa tatlong taong nakalipas. Ngunit ang hindi ko maintindihan kung bakit ako pinaparusahan ng diyos at bakit niya hinahayaan na muling kong maramdaman ang masalimoot na kabanata ng buhay ko. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit narito rin kayo, hindi deserve ni William ang mga taong katulad ninyong dalawa ni Nanay Basyon. Bakit hindi kayo umalis dito?” litanya ni Mia at hindi nakasagot ang matanda. Tumayo si Mia at bumalik sa kuwarto. Nagbihis siya at umalis sa mansyon. Nagtungo siya sa hospital upang kumustahin si Grace ngunit hindi niya na naabutan ang bata dahil kinuha na umano ito ng nanay at tatay. Kahit papaano ay nabawasan ang sakit sa dibdib niya at kahit hindi niya na nakita si Grace ay masaya siya para sa bata. Siguro nakalaya na ang nanay ni Grace at nahanap rin ang tatay nito.
Naglalakad-lakad si Mia habang bitbit ang pastic folder na naglalaman ng kaniyang dukumento sa pag-aaply nang may humintong sasakyan sa tapat niya. Ang akala niya ay si William ito ngunit nang bumaba ang bintana ay si Leonard ang tumumbad sa kaniya na suot ang matamis na ngiti sa labi.
“Get in, Friday,” ani neto pero tumanggi ang dalaga.
“Pasensya na po Sir pero naghahanap ako ng trabaho kaya hindi ko kayo masasamahan—“
“Please… baka matulungan pa kita sa pag-aaply mo. I have connections, Friday.”
Napakagat sa ibabang labi ang dalaga at makailang beses pa siyang pinakiusapan ng binata. Hanggang sa nawindang siya nang sinigawan sila ng sasakyan sa likod at doon niya pa lang napansin na sila ang pinagmulan ng trapik kaya mabilis pa sa alas kuwatrong pumasok sa loob ng sasakyang ang dalaga.
Halos umiikot lang yata sila sa Makati upang mag-usap. Hindi kasi siya mayaya ni Leonard na mamasyal dahil tanghaling tapat at bukod pa roon ay wala itong kasamang body guard kaya hindi puwedeng magpakita sa mga tao.
“BEED po, Sir. Bachelor of elementary education ang natapos ko pero hindi pa ako nakapag-take ng exam kaya hindi pa ako puwedeng magturo. Puwede lang sa kindergarten at daycare mga ganoong level po,” saad ni Mia nang tanungin siya ni Leonard tungkol sa backround niya.
“Really? kung ganoon, puwede kitang kunin na tutor sa anak ko,” untag ni Leonard.
“Wow. May anak na ho pala kayo? wow naman talaga!” hangang-hanga si Mia kaya napailing sa kaniya si Leonard.
“You amazed me, akala ko madidisapointed ka,” wika ng binata.
“Po? Bakit naman po, hanga nga po ako sa mga may anak na. Ako kasi nawalan ako ng anak at hindi na siguro ako magkakaanak pa,” biglang sumeryoso ang mukha ni Mia at napalingon naman ang binata sa kaniya.
“Bakit naman, paano nawala ang baby mo?” tanong nito.
“Car accident. Ayoko ko nang balikan!” mapait na sambit ni Mia kaya napahinto ang sasakyan.
“Oh, f**k! I’m sorry for your loss. I didn’t meant it,” sinseridad na saad ni Leonard. Ngumiti nang mapait ang dalaga sabay ng pagbuntong hininga.
“Well, ako naman ay tinatago ko lang ang anak ko sa mga tao. Kahit ang girlfriend ko ay hindi alam ang tungkol sa anak ko. Pero pinapangako na isang araw ay ilalantad ko rin ang anak ko.”
“Tama ‘yan, iyan ang pinaka-the-best na gagawin mo sa buong buhay mo,” pagsasang-ayon ni Mia. Gusto niya sana tanungin kung nasaan ang nanay ng bata pero sa tantiya niya ay hindi niya dapat panghimasukan ang mga ganoong bagay.
Dinala siya ni Leonard sa mismong bahay nito sa Laguna. Siguro nang malaman niyang may anak si Leonard ay binigay niya agad ang 80% niyang tiwala sa lalaki kaya heto siya at manghang pinagmamasdan ang paligid ng limang palapag na bahay ni Leonard.
“Sigurado ka na sa trabahong ‘to?” paniniguro ni Leonard nang pumapayag siya na maging tutor at yaya na rin ng bata. Masayang tumango-tango si Mia. Total ay wala pa naman siyang trabaho at sayang isang linggo niyang paghihintay sa schedule niya kay William kaya susungaban niya ang inaalok na trabaho ni Leonard. Stay in siya at ang day off niya ay tuwing biyernes lamang.
Saka na lamang siya hihingi ng malaking pabor kay Leonard ang kailangan niya munang gawin ay malaman kung magkano ang perang nagastos ni William para makapangutang siya kay Leonard at dito na lang siya mag-e-stay kay Leonard at tiyak niyang magiging masaya siya dahil mahilig siya sa bata at baka sa pamamagitan ng batang aalagaan niya ay baka maka-move on siya sa nawala niyang anak at makalimutan niya na nang tuluyan si William.