Three years ago…
“Kuya, tabi po, paraan ako.”
Nagtagis ang bagang ng binata nang basta na lang siyang itinulak ng babae sa likod niya. Naging alerto naman ang kaniyang mga tauhan papunta sa kinaroroonan niya at nang makita niya ang dalagang nakapikit at kumikibot-kibot ang bibig ay itinaas niya ang palad hudyat na dapat umatras ang kaniyang mga tauhan.
“What are you doing?” kunot noong tanong ng binata at nang nakapikit pa rin ang dalaga ay mabilis niyang hinawakan ang laylayan ng suot nitong t-shirt kaya galit siyang binulyawan ng dalaga.
“Aba’t—gago ka ba?”
Nagsalubong ang kilay ng binata dahil sa bastos na bibig ng babae. Wala itong galang sa kaniya. Hindi ba nito alam na siya ang may-ari ng kinatatayuan nito. Siya ang may-ari ng mall kung saan nagtatrabaho bilang kahera ang dalaga dahil sa suot nitong uniporme na kulay blue.
“I am asking you a question, woman. What the hell are you doing with that f*****g coin?” halos pabulong na tanong ng binata ngunit bakas pa rin ang pangigil sa boses nito.
“Ano pa nga ba ‘edi nagwi-wish abvious ba?” supalpal na sagot ng dalaga kaya nakuyom na ng binata ang kamao dahil sa pinapakita nitong pag-uugali.
“Tsss. Saan ka nagmula at parang ngayon mo lang nalaman na puwedeng mag-wish sa rebolto. Ang sabi ng lola ko kapag nag-wish ka sa isang patay na ginawang rebolto ay matutupad.”
“f**k!” mahinang napamura ang binata dahil ginawang patay ng dalaga ang kaniyang grandmother na bagamat uliyanin ay malakas pa naman.
“What’s your name and which department are you assigned to?” maotoredad na tanong ng binata sabay na kinuha niya ang ID na nakasabit pa sa leeg ng dalaga at binasa iyon.
“Ano ba, bitawan mo nga ako mamaya snatcher ka ipapa-pulis kita!” agad na hinablot ng dalaga ng ID saka tumakbo palabas. Tiningnan siya ng mga tauhan kung ano ang dapat na gawin ngunit nanatili lamang blanko ang mukha ng binata at inayos ang kuwelyo ng polo niya.
“Who’s that girl?” ngisi ng kaibigan niyang si Mark na kakadarating lang at natatawa ito sa eksenang naabutan.
“I don’t know, do I?” balik na tanong ng binata sa kabigan.
“So what was she doing and how did she get here. Well, she amazed me, she’s a quiet beautiful though.”
Hindi pinansin ng binata ang sinabi ng kaibigan at tumalikod ito at naglakad at agad naman sumunod ang mga tauhan na porong naka-itim ang kasuotan.
Makalipas ang isang buwan magmula nang magkrus ang landas nina Mia at William ay muli silang pinagtagpo sa isang exclusive bar. Kaarawan noon ni Mia kaya kahit ayaw niyang sumama sa mga katrabaho niya dahil hindi naman siya mahilig sa nightlife ay wala siyang nagawa dahil birthday naman niya at bukod pa roon ay magtatapos na ang anim na buwan niyang kontrata bilang kahera sa grocery store.
“Oi, Mia. Tagay na, poro ka lang kuwento wala naman kuwenta,” puna ni Alma ang isa sa mga katrabaho niya.
“Hindi ah, totoo ‘yung kuwento ko. Salbahe talaga ang mokong na iyon kaya hindi ko natapos ang sampung araw na pag-wish ko. Gusto ko kasi makahanap agad ng trabaho dahil wala akong naihuhulog sa ipon ko. Paano ko mahahanap si Maya kung wala akong pera—“
“Oo na, oo na. Tagay na at hahanapin natin si Maya, mamaya!” sabi pa ng isang babae at umiling-iling na lang si Mia at walang nagawa siyang nagawa kundi lunukin ang alak sa maliit na baso.
“Wala bang tubig diyan, subrang pait naman neto,” reklamo ng dalaga pero tila walang narinig ang mga kasama niya at pinagduduldulan sa kaniya ang bote ng alak hanggang sa nawala sa katinuan si Mia at sinusunod niya lang ang pinapaggawa sa kaniya ng mga kasamahan.
“Happy Birthday, Mia Madrigal! to the birthday girl, cheers… cheers!” masayang pagbati ng mga katrabaho niya. Pinatayo pa nila si Mia sa mismong lamesa at doon ay pinasayaw.
“Sayaw pa Mia, sayaw!”
Masiglabong palakpakan at hiyawan ng mga kababaihan ang maririnig sa bar na iyon kung kaya’t nakaagaw sila ng atensyon ng iba pang naroon. Naging sunud-sunuran si Mia sa mga nais ng kaibigan at nag-e-enjoy na rin siya sa pinagagawa niya.
Samantala, naniningkit naman ang mga mata ng isang lalaki sa ‘di-kalayuan habang bumubuga ng usok ng sigarilyo ay nakatitig siya sa dalaga na akala mo’y ibon na nakawala sa hawla.
Natapos ang pag-iinuman ng mga grupo at inaakay nila ang dalagang si Mia na pasuray-suray na naglalakad at nag-aabang ng masasakyan. Mahigpit ang kapit nito sa nakaparadang sasakyan sa gilid dahil pilit itong nagpupumiglas sa isang lalaking pilit siyang kinakaladkad papasok sa sasakyan nito.
“Leave her alone.”
Maotoredad na boses ng binata mula sa likod at nang nilingon ito ng lalaki ay bigla na lang binitawan nito ang dalaga at kumaripas nang takbo.
“Hey!” inis niyang sambit sa dalaga. Hinanap ng mga mata niya ang kasama nito pero hindi na niya makita at basta na lang iniwan ang babae sa gilid.
“Tabi!” pagsusuplada ng dalaga at pinilit na tatagan ang sarili.
“You’re drunk—s**t!” inis na napamura ang binata nang hinarangan niya ang dalaga at napasuka ito sa damit niya at ang iba ay napunta sa braso niya. Kinuha niya ang panyo sa pantalon at pinunas sa parteng nasukahan ng dalaga.
“Opps, sarreh!” sambit ng dalaga at lumayo sa mga bisig ng binata.
“I don’t accept an apology Miss. You will pay for what you did!” maotoredad na turan ng binata ngunit ang hindi niya akalain na susunod na gagawin ng dalaga ay dumukot ito ng pera sa suot nitong palda at kinuha nito ang kamay ng binata at nilapag niya ang pera sa palad nito at tumingkayad upang maabot niya ang tenga ng binata kasabay nang pagbulong.
“Ito sengkwenta, ibili mo sa ukay kapalit diyan sa damit mo. Sa susunod ‘wag tatanga-tanga huh? Okay, keep the change.”
Mas lalong nagalit ang binata sa inasta ng babae kaya naman ay sapilitan niyang kinarga ito at dinala sa kaniyang sasakyan. Habang nagmamaneho siya ay hindi niya mapigilan na tapunan ng tingin ang dalaga. Napangiti siya sa sarili dahil kakaiba ang babae sa lahat ng babaeng nakakasalamuha niya. Hindi niya sukat akalain na may babae pang katulad sa babaeng ito. Alam niyang mabagsik siya pagdating sa babae at halos siya ang nililigawan ng mga babae pero ang babaeng ito—damn! Ano ang mayroon sa babaeng ito at gano’n na lang ang epekto niya sa akin. Well, mas lalo siyang nasasabik na mas makilala pa ang dalaga at pasasaan ba’t bibigay din ito sa kaniya—“
“Boss, she’s already there!”
Mia Madrigal, hindi sisikat ang araw na hindi kita nakukuha. Sinisiguro niyang mamatay sa sarap ang babaeng it—.
“Mia is already in there!”
Tinabig niya ang ibang hibla ng buhok ng babae kaya mas lalo niyang nasilayan ang napaka-inosenteng mukha ng dalaga at aaminin niyang napakaganda nito.
“William!”
Napakurap ang binata nang malakas siyang hinampas sa balikat ng kaniyang matalik na kaibigan na si Mark at bigla siyang bumalik sa kasalukuyan kasabay nang pagkabuhay sa matinding galit niya sa babaeng iyon—kay Mia.
“Save her, I’m begging you,” mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Mark.
“Why would I do that?” cold na saad ng binata.
“Because you once married her and even if you don't admit it I know you still love her.”
“So you are?” balik tanong ng binata.
Hindi nakakibo si Mark at umiwas lang ng tingin. Kinuha ni William ang baril na nakapatong sa lamesa niya at siniksik sa kaniyang bewang.
“Stay here!” maotoredad na utos ni William kay Mark nang sumunod ito sa kaniya pero dahil sa sinabi niya ay sumunod agad ito.
Pumasok siya sa sekretong hideout niya kung saan ay naroon ang mga maimpluwensyang tao upang magpakasarap sa buhay. Magpa-pulitika man o negosyo ay madalas ang mga ito tumambay sa bar niya at makahanap ng babaeng puwedeng maikama kapalit ng limpak na limpak nap era at isa na nga doon ay si Mia.
Nang mabuksan niya ang pinto ay agad na nagtagpo ang kanilang mga mata at hindi niya mahanap ang awa para sa dating asawa kundi galit ang namumuo sa kaniyang dibdib.
“f**k her like there’s no tomorrow!” turan niya kasabay nang pagtulak niya sa babae at naglakad siya patungo sa kaniyang trono.
“Narinig mo? sa amin ka na raw kaya huwag ka nang papalapag at sumabay ka na lang para pare-pareho tayong mag-e-enjoy!” humalakhak si Cong. Wu at hinila ang buhok niya at malakas siyang pinasampa sa lamesa patalikod sa mga ito kaya mula rito ay tanaw niya si William na naka-de-kuwatro ng upo at blanko ang mukha.
“Baby, tulungan mo ako please… tulungan mo ako.”
Mga katagang hindi niya masambit kundi ito lang ang sinisigaw ng kaniyang puso na kahit suntok sa buwan ang kaniyang hiling pero umaasa siya na sa kabilang ng lahat na kahit katiting ay may pagmamahal pa rin sa kaniya ang dating asawa.
Nang inangat ni Cong. Wu ang kaniyang binti upang mapaghiwalay ang kaniyang mga hita ay tiningnan niya si William na nakatitig rin sa kaniya. Lumuluha siyang nagmamakaawa sa harap nito. Ibinuka niya ang mga labi kasabay nang kaniyang pagsambit.
“Baby…” pagsusumamo niya at bigla siyang nayanig sa mga sumunod na nangyari.
Tatlong putok na bala ng baril ang narinig ni Mia at pagtalsik ng mga dugo sa kaniyang katawan at sunod-sunod na pagkatumba ng mga lalaki sa kaniyang likod. Dahil sa matindi niyang takot at pagkabigla ay natumba rin siya at nilapitan siya ni William at isinoot nito sa kaniya ang makapal na jacket at binuhat siya ng binata at hinaplos ang kaniyang mukha. Nagkatitigan sila at sunod-sunod ang pag-agos ng mga luha ni Mia na para bagang ilog walang tigil sa pag-agos.