Season 1

3543 Words
Episode 1 Nagmistulang paraiso sa harden ng bahay ampunan dahil sa napakagandang kulay kahel ng kalangitan at napapaligiran pa ng matittingkad at iba’t ibang kulay ng bulaklak. Mapapansin agad ang isang dalaga na nakaupo sa duyan habang sinasayaw ng hangin ang tuwid at mahaba nitong buhok. Hindi na bago sa mga bata ang inosente nitong mukha dahil umaraw at umulan ay makikita ito roon sa tuwing sasapit ang dapit hapon. Nakatingala habang pinagmamasdan niya ang papalubog na araw ay bakas sa mga mata nito ang hirap at lungkot sa pag-iisa sa buhay. “Ate, flowers for you.” Pag-yuko niya ay tumambad sa kaniya ang batang lalaki at masaya itong lumapit sa kaniya at inabot ang tangkay ng bulaklak. “Salamat,” maikli niyang wika at inamoy ang bulaklak ng ilang-ilang. Napakabango napangiti siya sa sarili ngunit ang ngiting iyon ay unti-unting naglalaho nang bumalik ang bangungot ng kahapon. Hindi magkamayaw ang mga ngiti at kislap ng bagong kasal habang papalabas ng simabahan ay sinasabuyan sila ng mga bulaklak ng mga tao. “Mabuhay ang bagong kasal, mabuhay!” Mga katagang kaysarap pakinggan at para siyang nakalutang sa kalawakan habang sinusungkit ng kaniyang asawa ang buwan at bituin. “I love you, wife. I love you so much.” “Miss, ayos ka lang?” Kaagad niyang pinunasan ang mukha dahil hindi na niya napigilan at muli na naman siyang napaluha. “O-opo. Ayos lang po ako, salamat,” nahihiyang sambit at nakayuko siyang umalis sa lugar na iyon. Napabuntong hininga siya nang makababa sa traysikel. Binaktas niya ang makipot at maingay na daan papasok sa kanila at malayo pa lang ay tanaw na niya ang tiyahin na kunot ang noo at pinapalo ang apo nito kaya tumakbo siya at basta niya na lang binitawan ang dalawang plastik ng kaniyang pinamili at inawat ang tiyahin. “Tama na ho, Tiya. Maawa naman kayo sa bata!” inis niyang saad ngunit pati siya ay binatukan nito ng hawak na hanger. “Tarantado kasi ang batang iyan eh, ginawang pangkulay ang lipstick ko pati ang pambo ko sa mukha ay pudpud!” sigaw ni Tiya Carlota. “Tiyang, bata po iyan wala pang kamuwang-muwang kung ano ang ginagawa niya. Dapat ho kasi tinatago ninyo nang hindi maabot—array!” Hindi natapos ng dalaga ang sasabihin dahil sinabunutan nito ang buhok niya. “Ikaw, putang ina ka rin eh, kung makapagmando ka akala mo kung sino ka eh, sarili mo ngang anak—“ “Anong nangyayari dito?” sumingit ang boses ni Mang Jose kaya hindi natuloy ni Tiya Carlota ang sasabihin. “Ito kasing si Mia, bida-bida na naman! Pagsabihan mo iyan pamangkin mo Jose dahil ako napupuno na diyan at baka sabay ko kayong palayasin sa pamamahay ko!” Sigaw muli ni Carlota at basta na lamang hinatak ang bata na nagpipigil sa pag-iyak. Babawiin sana ni Mia ang bata nang pinigilan siya ni Mang Jose kaya napayuko na lang siya. “Hija, mas mabuti pang huwag mo na lang kontrahin ang Tiya mo lalo na pagdating kay Grace,” paki-usap ni Mang Jose. “Pero Tiyong, hindi ko kayang panoorin na lang ang pagmamaltrato ni Tiya sa bata. Palagi na lang niyang sinasaktan si Grace kahit maliit na bagay ay pinapalaki ni Tiya. Isa pa, galing akong ampunan at ulila rin ako sa mga magulang kaya nararamdaman ko ang damdamin ng bata. Naghahanap lang siya ng kalinga!” Mariin niyang paliwanag sa Tiyohin ngunit ngumiti lang nang mapait ang lalaki. Inakay siya nitong maupo sa pahabang bangko at muling pinaintindi sa dalaga ang sitwasyon ngunit kahit anong gawin ng mga ito ay hindi pa rin kumbinsido ang dalaga sa dahilan ng Tiyohin. Habang nagluluto ay naglalaba rin siya at pagkatapos ay tinawag na niya si Grace na katulad ng dati ay nakatulog na naman sa sulok dala ng pagtangis nito dahil muli na naman itong pinalo ng tiyahin. Ginising niya ito at pinakain at pagkatapos ay pinaliguan niya ito. Napangiti si Mia nang bigla siyang yakapin ng bata at pinugpog ng halik sa mukha. Si Grace ang dahilan kung bakit nanatili siya sa puder ng tiyohin dahil hindi niya kayang makita na palaging minamaltrato si Grace ng asawa ng Tiyo niya. Bukod pa roon ay utang niya sa Tiyo ang buhay niya noong sinubukan niyang magpakamatay. Sa totoo lang ay hindi niya kamag-anak si Tiyo Jose at hindi niya talaga ito kilala. Noong mga panahon kasing lugmok siya at halos ayaw nang mabuhay ay natagpuan siya ni Mang Jose sa tulay at dinala dito sa probinsya. Isang driver sa bus si Tiyo at nagkataon na nakita siya nito no’ng gabing iyon at dinala siya nito dito sa probinsya ng Makiling kung saan ay magkababayan sila. Pinalabas lang ni Mang Jose na pamangkin niya si Mia para hindi paalisin ng asawa nito. Marahil ay narito talaga ang kaniyang kapalaran at isa na siguro ay ang tagapag-tanggol ng batang si Grace. Malapit siya sa mga bata kaya kapag may nakita siyang batang umiiyak ay nadudurog rin ang kaniyang puso. Si Grace ay apo ni Mang Jose at ang ina ni Grace ay nakakulong at hindi rin nila kilala ang ama ng bata kaya ganoon na lamang ang pagkamuhi ni Carlota sa bata dahil sa pabayang mga magulang nito. Ngunit paulit-ulit na pinapaliwanag ni Mia na hindi dapat sisihin ang bata dahil wala itong alam sa nangyari at kung mayroon man dapat sisihin iyon ay ang mga magulang ng nito. “Talamat, Tita,” sambit ng bata nang mapolbohan niya ang likod nito. Hinalikan niya sa pisngi si Grace at pinatulog ito. Nang makatulog ito ay nag-ayos na rin ng sarili ang dalaga dahil may pasok pa siya mamayang alas dyes ng gabi. Hinatid siya ni Tiyo Jose palabasan hanggang sa nakasakay siya sa traysikel patungo sa opisina. BPO siya sa kilalang customer services at kahit papaano ay nakakatulong siya sa mga gastusin at ito rin ang dahilan kung bakit natitiis siya ni Tiya Carlota dahil halos kalahati ng sahod niya ay binibigay niya sa Tiyahin at ang kalahati ay hinahati niya pa. Napupunta sa savings niya at ang kalahati pa ay sa mga personal hygiene niya at kung may over time man siya ay binibili niya ng mga damit at laruan ni Grace. “Good evening, Ma’am!” Magalang na pagbati ng guwardya at ngiti naman ang isinukli ng dalaga sabay na ipinakita ang kaniyang ID at pinapasok na siya. Kaagad na sumalubong sa kaniya ang iba’t ibang amoy ng pabango at mas lalo pa siyang napakunot noo dahil parang mga kiti-kiti ang mga katrabaho niya habang hindi magkanda-ugaga sa pag-apply ng kolororete sa mukha. Ngayon lang ito nangyari sa tatlong taon niya dito sa office. “Ano’ng mayroon?” agad niyang kinalabit si Melai na hindi rin patatalo sa mga kasama. “Birthday ngayon ni boss at dito niya gusto e-celebrate ang kaniyang kaarawan. Ang balita pa ay dadalo rin daw ang mga barkada niya at alam mo ba, matalik na kaibigan ni boss si President William Montenegro, imagine—“ “Excuse me, CR lang ako,” pinutol agad ng dalaga ang sasabihin ni Melai at agad siyang nagmadali patungo sa CR. Napa-upo siya agad sa bowl at napahawak sa kaniyang dibdib nang malakas ang pagkabog no’n. Ilang minuto pa siyang nakaupo hanggang may narinig siyang tsismisan sa labas at totoo nga ang sinabi ni Melai na isa sa mga dadalo ay si William. Katatapos lang ng leave vacation niya kaya hindi siya updated sa mga ganap sa opisina. Walang sinayang na oras si Mia at agad siyang lumabas ng building. “Mia, saan ka pupunta darating na si boss.” Napalingon siya sa likod nang hinabol siya ni Melai nab akas ang pagtataka sa mukha nito. “Uuwi na lang ako, Lai. Bukas na lang ako papasok close pala tayo ngayon,” wika niya “Oo nga dahil birthday ni boss at mas lalong hindi ka puwedeng umalis, baka sabihin ni boss wala kang respito at baka matanggal ka pa—“ hindi natuloy si Melai nang malakas na humiyaw ang mga nag-aabang sa labas na may mga pa banner pa. “Oh my God, narito na sila!” Biglang kumabog ang dibdib ni Mia nang makita ang tatlong sasakyan na paparating at mas lalong pagkakagulo ng mga tao. Huminto ang sasakyan at binuksan ng guwardya ang pinto ng kotse at naunang lumabas roon ang boss niya na nakangiti sa mga taong nakaabang at nauna itong naglakad at muling lumabas ang isang lalaki sa isa pang sasakyan. Tila may kung anong dumaan dahil sa biglang pagtahimik ng mga tao nang tuluyan makalabas ang binata. Bumilis ang t***k ng puso niya nang muling masilayan ang binata pagkatapos ng maraming taon. Mukhang masaya na ito sa buhay dahil hindi nito napapabayaan ang sarili. Naka-shades ang binata at dire-diretso lamang ang tingin nito kaya hindi nito napansin ang dalaga sa isang tabi hanggang sa nakapasok ito sa loob. “Teka, Mia!” Sigaw ni Melai nang tumakbo ang dalaga papalayo. Ayaw niyang makita ni Melai ang pagtutubig ng kaniyang mata. Hindi niya kasi mapigilan ang sarili dahil aminado siyang hindi pa rin siya nakakalimot—si William Montenegro pa rin ang sinisigaw ng kaniyang puso ngunit kailangan na niyang makalimutan ang lalaki dahil matagal na silang hiwalay ng dating asawa. ~~~ Papungak pungak na nagising ang dalaga halos malunod na siya sa isang baldeng binuhos sa mukha niya ni Tiya Carlota. Hindi pa ito nakuntento at tinapon pa sa kaniya ang balde. “Anong oras na nakahilata ka pa rin?” masungit na bungad nito sa kaniya. “Maaga pa naman ho, Tiya,” nakayuko niyang wika pero tila mas lalo pang umusbo ang kulisap sa sa buhok ng matanda at pinangigilan nitong sampalin at guyudin ang dalaga palabas ng kusina at halos masubsub pa siya sa abo. “Sumasabat ka pa talagang putangina ka!” Sigaw ni Carlota at kumuha ito ng kahoy at pinaghahampas sa maliit na katawan ng dalaga na hindi nagawang umilag at hinayaan ang matandang magsawa sa kakapanakit sa kaniya. Pagkatapos ng lahat ng gawain ay saka pa lang siya maliligo at kaparehas ng mga nagdaang araw ay impit na naman na umiiyak ang dalaga dahil sa hapdi ng mga galos na natamo niya sa tiyahin. Ni hindi niya magawang patagalin ang sabon sa balat niya dahil mas lalong mahapdi iyon. Kinagabihan ay gumawa siya ng resignation letter at maging sulat para kay Mang Jose. Kahapon kasi pag-uwi niya ay hindi na niya naabutan si Mang Jose dahil biglaan daw ang pagluwas nito ng Maynila. Halos isang buwan rin kasing tambay si Mang Jose at naghihintay lamang ito ng tawag sa dating kakilala na tumulong sa kaniya upang makapasok na personal driver kaya kahit hindi sila nagpang-abot ay masaya siya dahil natanggap ang Tiyohin. Wala na rin kasing saysay kung mananatili pa siya sa bahay na ito. Pagpatak ng alas tress ng madaling araw ay saka siya naghanda at kaunting gamit lamang ang mayroon siya kaya agad siyang naka-empake. Bukod pa roon ay ayaw niyang ipaalam kay Carlota ang kaniyang pag-alis dahil ito naman ang may gusto na lumayas siya kahit noon pa man at ngayon ay gagawin niya na. Hinalikan niya sa noo ang batang si Grace at hindi niya maiwasan ang mapaluha dahil batid niyang hahanapin siya nito at kahit na gusto niyang isama ang batang babae ay hindi niya puwedeng gawin dahil hindi naman niya kaano-ano ang bata at baka sa huli ay makasuhan pa siya ng kidnapping dahil alam niyang hindi malabong gagawin ito ni Carlota para perahan siya. Bumalik siya sa ampunan at masaya siyang sinalubong ng mga madre dahil noon pa man ay gusto ng mga ito na doon na lamang siya nang malaman ng mga ito ang sinapit ng kaniyang buhay. Bukod pa doon ay umaasa siyang isang araw ay bibisita doon ang kakambal na si Maya at muli silang magkikita at magkakasama. Isang linggo na siya sa ampunan at masaya siyang alagaan ang mga batang inabandona ng mga magulang at ang iba ay ulila na rin. Kahit papaano ay napupunan ang kalungkutan niya dahil sa mga kakulitan ng mga ito. Kasalukuyan siyang nag-tutor sa mga bata nang humahangos na lumapit ang isang madre at kinausap siya sa labas. Nabitawan niya ang hawak na librong pambata at agad siyang lumabas at ganoon na lamang ang sakit sa kaniyang dibdib nang tumatakbo ang batang babae papunta sa kaniya ngunit hindi pa ito nakalapit nang bigla itong matumba at namihatay. Kulang ang salitang awa na nararamdaman ni Mia habang pinagmamasdan niya ang batang si Grace na maraming aparato sa katawan. Puno rin ng sugat ang ulo ng bata maging ang mga katawa nito ay puno ng latay. Hindi niya alam kung paano siya natunton ni Grace. Sa mura nitong edad ay natikman na nito ang pait ng buhay—ang pagmamaltrato ng sarili nitong kadugo. Lumabas siya ng hospital dahil kailngan niyang magpahangin dahil nanghihina siya sa paninikip ng dibdib at muling bumabalik sa kaniya ang araw na halos isumpa niya ang mundo—rason kung bakit sila humantong sa hiwalayan ng dating asawa. NAKATAYO si Mia sa labas ng opisina ng dating kakilala habang nanginginig ang mga tuhod. Panay ang buga niya ng usok upang mailihis ang kabang nararamdaman. Lumuwas siya ng Maynila upang mapuntahan lamang ang iisang taong alam niyang nirerespito pa rin siya sa kabila ng lahat. “Mia Madrigal?” Kaagad na hinulog ng dalaga ang sigarilyo at inapakan ng doll shoes nito. Hindi naman iyon nakaligtas sa binata at napailing-iling lamang ito. “Kailan ka pa natutong manigarilyo?” tanong nito. “Kailangan ko ng pera, Mark. Malaking pera,” diretso niyang turan at tumango naman ang binata at pinapasok siya sa loob ng kotse nito at pinaharorot iyon. Sa isang starbucks sila nagpunta at doon ay sinabi ng dalaga ang kaniyang malalim na dahilan. Bagama’t hindi kumbinsido ang binata pero wala itong nagawa dahil mapilit ang dalaga. “Look, gusto kitang tulungan Mia. Pero nag-aalangan ako dahil kapag nalaman ni William ang tungkol dito malalagot ako at baka malagay sa alanganin ang negosyo ko,” pagtanggi ng binata at naiintindihan ito ng dalaga. Si William kasi ang mayroon malaking share sa kumpanya ni Mark at iyon ang inaalala ng lalaki. Hangga’t maari kasi ay ayaw ni William na mayroon pang koneksyon si Mia sa lahat ng mga kakilala nito. Ganoon kagustong mawala sa landas ng binata ang ala-ala mayroon sila. “Eh, ‘di ako na lang ang ibigay mo sa kaniya,” saad ni Mia dahilan para biglang mapalingon ang binata at mas lalong umiling-iling ito dahil mas malabong mangyari ang kagustuhan ng dalaga. Hinatid siya ni Mark sa hospital kung saan ay sumama pa ang lalaki patungo sa kuwarto kung saan ay nakaratay ang batang si Grace at kailangan nitong maoperahan sa lalong madaling panahon dahil may nakitang tumor sa tiyan ng bata at ito ang pinapangambahan ng dalaga dahil kapag hindi naagapan ay palaki nang palaki ito hanggang sa kumalat sa katawan at maging cancerous pa ito. Nangako naman si Mark na tutulungan niya si Mia sa kagustuhan nito at baka magkaroon pa ng isang pagkakataon at maayos ng dalawa ang dating pagsasama. Nang gabing iyon ay hinanda ng dalaga ang sarili sa muli nilang pagtatagpo ni William at sisiguraduhin niyang hindi siya iiyak o magmamakaawa. Dinala siya ni Mark sa isang Casa Bar at sinalubong sila ng guwardya at may binulong si Mark sa lalaki. Agad na tumango ang lalaki at inakay siya papasok sa loob habang si Mark ay nakatayo lang sa labas at hinahatid na lang siya ng tanaw. Piniringan siya ng panyo ng lalaki at hinawakan siya sa pulsuhan at nagpatianod na lamang din siya. Hanggang naramdaman niyang pumasok sila sa isang silid at basta na lamang pinunit ang kaniyang saplot at nawindang siya dahil sa malamig na aircon na dumampi sa kaniyang katawan. Wala siyang naririnig na tinig kaya siya na mismo ang nagtanggal sa kaniyang piring at agad na tumambad ang lalaking blanko ang mukha habang naka-cross arms ito sa harap niya. “What the hell are you doing here?” malamig sa malamig ang tinig nito. “Deal it or leave it,” paghahamon niya at hindi nakapagsalita ang lalaki at bumaba ang mga mata nito sa kaniyang katawan. "Name your price.” Ito ang sinabi ng lalaki matapos siyang pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Mabilis naman niyang kinuha ang puting roba at itinapis ito sa hubad niyang katawan. “Tatlong milyon ho, Sir,” diretsa niysng sagot. Magpapakaputa na rin lang ako isasagad ko na. Sambit niya sa sarili. “You can get the money at the end of the month and when your service is good you will have your bonus,” malamig pa rin nitong saad kaya napa-angat siya nang tingin. “Kailangan ko ho ng pera ngayon,” Paki-usap ng dalaga. Hindi naman kumibo ang lalaki at sa halip ay may tinawagan sa telepono. “I need a million right now,” Maotoredad nitong utos sa kabilang linya at ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng opisina at niluwa no’n ang isang lalaking naka-suot ng black suit at may salamin sa mata at may bitbit na attaché case at gumilid nang nakatayo ang lalaki. “Inabot sa kaniya ng lalaki ang hawak nitong attaché case at nang buksan ko ito ni Mia ay tumambad sa kaniya ang lilibuhing pera. Napalingon ang dalaga sa binata at naka-upo ito sa swivail chair habang kinukuyom ang kapirasong papel sa dalawa nitong dalire at igting ang mga panga na parang may malalim na iniisip. Hindi nakakibo si Mia dahil biglang lumakas ang t***k ng kaniyang puso. “Your Job starts now, follow me,” Baling sa kaniya ng lalaking may salamin at kinuha sa kamay niya ang attaché case at lumabas sila ng room. Pinaringan muli ng lalaki ng panyo ang mata niya at giniya siya papasok sa elevator at pasikot sikot sila roon. “Good evening, Attorney,” Narinig ni Mia ang pagbati ng boses lalaki sa kasama niya hanggang sa tinanggal nito ang piring sa mata niya at kaagad na binaling ni Mia ng tingin ang paligid at para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kaniyang nakita. Napalingon siya sa kaniyang likod nang bigla niyang marinig ang pagsara ng pinto kaya lumapit siya roon at pinokpok ito nang malakas. “Tulong, buksan ninyo ang pinto, palabasin ninyo ako rito,” umiiyak siyang sumisigaw pero hindi ito bumukas hanggang sa hinatak ng isang lalaki ang kaniyang buhok at itinulak siya sa malaking sofa. Napasubsub pa si Mia sa likod ng isang babae habang pinapaligaya nito ang isang lalaki rin. Hindi niya sukat akalain na ganitong trabaho ang susu-ungin niya. Ang buong akala niya ay si President lamang ang pagbebentahan niya ng katawan ngunit nagkamali siya dahil isang grupo ito ng mga kalalakihan habang may kaniya-kaniyang babae sa mga kandungan ng mga ito. “You’re so f*****g hot, darling,” nangigil ang boses ng matandang lalakiat hinila ang aking kaniyang paa dahilan para maumpog ang ulo ni Mia sa semento at sa isang iglap ay natanggal ng matanda ang saplot niya sa katawan. Sinipa-sipa ni Mia ang matanda hanggang sa may lalaking sumulpot at hinawakan sa batok ang matandang lalaking humila sa kaniya at itinulak ito sa gilid. Ang buong akala ni ay ito na ang tutulong sa kaniya pero katulad rin pala ng nauna ay rapist din ang lalaki at pinaglalaruan pa nito ang p*********i habang nandidilat ang mga matang nakatitig sa dalaga. Muling bumangon ang lalaking itinulak nito at nagsugapaan sila kaya kaagad na tumayo si Mia at pilit na ikinubli ang kaniyang katawan sa manipis na tela na kaniyang nadampot at tumakbo siya pabalik sa pintuan at muli niya itong pinokpok ngunit katulad kanina ay walang nagbukas at napapalingon siya sa kaniyang likod at tatlong lalaki na ang dahan-dahan na lumalapit sa dalaga. Para siyang hihimatayin sa subrang takot niya sa kanila lalo na ang kanilang mga hitsura ay parang mga asong nau-ulol na hayok na hayok sa laman. “Please, bumukas ka!” pagsusumamo niya hanggang sa bumukas iyon at tumambad si Master at hinawakan siya nang mahigpit sa leeg. Nasasaktan siya pero ininda niya lamang dahil sa subrang higpit ng pag-hawak nito. “Congressman Wu, I have a gift for you,” nakangiting saad ng binata sa matandang lalaking nasa gitna kasabay nang pagpunit ni Master sa telang nakatabon sa katawan ng dalaga. “The best w***e you’re going to f**k for the rest of your life,” dagdag pa ng binata at itinulak siya nang malakas kaya napasubsub siya sa tatlong lalaki na labis ang tuwa at naglalaway ang mga ito. Nagmistula siyang isang pulutan na hinagis sa mga gutom na lion. Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha nang dalaga at nilingon niya ang binata na agad nagtagpo ang kanilang paningin—walang kakulay kulay ang mukha ng binata at subrang lamig pa ng kaniyang mga mata. Napakagat nang mariin sa labi ang dalaga dahil subrang sakit ng kaniyang puso. Ni sa panaginip niya hindi niya sukat akalain na mangyayari ito, na hahantong sila sa ganito. He’s my ex-husband and we were so happy back then but now in his eyes, I am a f*****g w***e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD