NAGISING si Mia dahil sa tunog ng alarm clock at agad siyang napahilot sa sentido at para siyang lalagnatin. Marahil dala rin ng takot at stress niya sa kaganapan kagabi at nang dinala siya ni William dito sa kuwarto ay agad siyang nakatulog. Kahit na masama ang pakiramdam niya ay pinilit niyang bumangon at maligo. Nanginig siya nang dumapo sa kaniyang hubad na katawan ang malamig na tubig kaya hindi niya kayang magtagal sa banyo. Paglabas niya ay may pumasok naman na tatlong babae at lahat ng mga ito ay nakasuot ng mga uniporme. Doon niya pa lang napansin na kuwarto pala ito ng mga katulong na pinadalhan sa kaniya ni William. Tila ba may kung anong kirot na gumuhit sa kaniyang puso.
“Bago ka?”
Hindi siya nakasagot sa tanong ng isang babae habang nagpupunas ito ng pawis sa noo. Hindi niya maiwasan na pasadahan ng tingin ang tatlong babae. Hindi niya ito kilala hindi na ito ang mga kasambahay nila noon ni William. Napatda siya nang maghubad ng suot ang tatlong babae at agad na sumalampak ng higa sa kama.
“Buti naman umalis na si Sir, wala talaga akong gana magtrabaho ngayon.”
Saad ng babaeng nagtanong sa kaniya kanina na hindi niya nasagot ang katanungan nito at hindi niya rin alam kung ano ang isasagot. Nagmistulang bagong salta ang dalaga sa mansyon habang pinagmamasdan niya ang paligid. Nang sabihin ng mayordoma na kailangan niyang labhan ang mga labahin ni William ay agad siyang lumabas sa kuwarto. Ngunit imbes na dumiretso siya sa laundry area ay dito siya dinala ng kaniyang mga paa sa koridor. May anim na kuwarto pa rin ang mansyon at hindi pa rin nag-iiba ang kulay at mga painting na nakapang-sabit sa wall. Naglakad-lakad pa siya hanggang sa huminto siya sa mismong tapat ng kuwarto ni William. Pinihit niya ang seradura at nakapasok siya sa loob. Walang tao nang mabuksan niya ang ilaw ay napasandal siya sa likod ng pinto at napatakip siya sa kaniyang bibig. Oh, God. I missed this room so much! Napapaluha siya dahil buong akala niya ay hindi na siya muling makakatungtong sa kuwarto nila ni William. Magmula nang maghiwalay sila ni isang beses sa loob ng tatlong taon ay wala siyang balita sa binata kaya subrang emosyonal niya ng sandaling iyon. Napabuga siya ng hangin nang madako ang mata niya sa itaas ng headboard ng kama. Wala na roon ang malaking litrato nila noong ikinasal sila. Parang nakikita niya ang sarili na masayang-masaya sila ni William habang dinidikit nila iyon sa wall ngunit sa pagkurap niya ay sinampal siya ng katotohanan sapagkat matagal nang tapos ang buhay niyang tila isang pantasya lamang na nangyayari sa mga libro ngunit kabaliktaran sa totoong buhay sapagkat walang happy ending ang istorya nilang dalawa.
Napaigtad si Mia nang marinig niya ang malakas na sigaw ng mayordoma kaya agad siyang lumabas ng kuwarto ni William at walang ingay siyang nagtungo sa laundry area. Naroon na ang mga labahin sa planggana at hindi niya maiwasan na kunin ang isang long sleeve ni William at inamoy niya iyon. Napaismid na naman siya dahil iba na ang amoy nito nagbago na rin si William ng pabango at hindi na iyong paborito niya.
“Saan ka nangaling at bakit—anong ginagawa mo?”
Napayuko ang dalaga nang sumulpot na naman ang matandang babae. Hindi niya na lamang ito pinansin dahil pinipilit siya nito kung paanong hindi raw umano siya nito nakita kanina. Hindi rin niya puwedeng sabihin na alam niya ang bawat sulok ng mansyon at mas lalong hindi niya puwedeng sabihin na minsan ay naging reyna siya nitong kinatatayuan nila.
Nainip rin ang matandang babae at tinalikuran siya nito matapos siyang magsabon dahil kaunti lamang ang nilabhan niya. Umiikot ang paningin ni Mia habang nagsasampay sa likod. Subrang sama talaga ng pakiramdam niya kaya hindi niya tinuloy ang ilang piraso ng damit at agad siyang umupo sa kahoy sa gilid at napahilot siya sa ulo.
“Hoy, ano’ng ginagawa mo? ki-bagobago mo pa lang tatamad-tamad ka na?”
Bulyaw sa kaniya ng isang babae nang makapasok siya sa kuwarto ng mga kasambahay. “Kailangan kong makausap si William!” mariin niyang turan kaya napakonot ang noo ng mga babae na busy sa kakapindot sa cellphone ng mga ito.
“William huh? pasalamat ka at hindi ko na-record ang sinabi mo. Wala kang respito kay Master tiyak na itatapon ka niya sa labas at ipalapa sa mga aso.”
Nagtawanan ang dalawang babae samantalang ang isa pang babae ay tahimik lang at hindi maalis ang titig sa kaniya.
“Paano ka naparito? ano daw ba ang trabaho mo dito?” muling usisa sa kaniya ng babae.
“Kung hindi si William ang makausap ko, kay Mark na lang. Kailangan kong makausap si Mark kaya kung maari ay makitawag ako sa cellphone n’yo. Importante lang.”
Litanya ni Mia na mas lalong ikinakonot noo ng mga ito. Nagkatinginan pa ang mga babae halatang nagulat na hindi lang si William kundi ang mismon matalik na kaibigan pa ng boss nila.
“Paano mo nakilala si Sir Mark?” sabay-sabay na tanong ng mga ito. Muli ay hindi sinagot ni Mia ang tanong.
“Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala. Kaya ipakausap n’yo sa akin si Mark!”
Nang hindi pa rin siya sinunod ng mga ito ay inis siyang lumabas ng kuwarto at nagtungo siya sa opisina na agad naman sumunod ang tatlong babae. Pagkarating niya sa opisina dito lamang sa katabi ng kuwarto ni William ay nabuksan niya ang pinto gamit ang duplicate na kinuha niya. Halos hindi makapaniwala ang tatlong babae. Sila na halos tatlong taon nang naninilbihan sa mansyon ay ni minsan hindi nila alam kung saan nakalagay ang mga susi pero si Mia na kagabi lang sa mansyon ay tila kabisado na nito ang lahat kahit ang kasuluk-sulukan.
Walang sinayang na oras si Mia at denial niya agad ang numero ni Mark at katakot-takot na sumbat at galit niya ang bumungad sa lalaki.
“Kailangan kong makaalis ngayon din Mark pero hinaharangan ako ng guwardya. Wala ito sa usapan natin kaya hindi n’yo ako puwedeng ikulong dito!” inis niyang turan.
“I’m on my way, Mia. Kailangan talaga natin mag-usap.”
Sagot lamang ni Mark at binabaan siya ng telepono. Napasabunot sa buhok si Mia dahil alalang-alala na siya kay Grace lalo pa’t naroon pa rin ito sa hospital.
Ilang minuto lang at may humintong sasakyan sa labas ng mansyon at agad siyang lumabas upang salubungin sana si Mark ngunit natulos siya sa kaniyang kinatatayuan nang si William ang bumaba sa kotse. Bigla siyang kinabahan, tila umatras ang tapang niya kanina at nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Naka-suot ng suit si William at naka-shades rin ang binata at subrang lakas ng appeal nito kahit pa sabog ang kilay ay nakakapanghina ang taglay nitong kagawapuhan.
Sa subrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib ay agad siyang umatras at tumakbo pabalik sa kuwarto ng mga kasambahay.
“Pinapatawag ka ni Master!” Parang nakikipag-karerahan ang kaniyang puso ng sinundan siya ng kasambahay. Ilang minuto pa siya sa kuwarto bago lumabas at kahit na subrang natatakot siya sapagkat malayong-malayo na ang dating William na nakilala niya, ay kailangan niyang magpakatatag at hindi siya puwedeng papatay-patay sa harap nito.
“Sit!”
Cold na turan ni William ngunit hindi ito sinunod ng dalaga kaya napa-angat ng tingin si William na bakas ang galit sa mukha nito.
“Hindi mo ako aso na puwede mong utus-utusan lang. Kailangan ko nang makaalis dito!” saad ni Mia kaya umigting ang panga ni William.
“You owe me, remember?” cold pa rin nitong sabi.
“Hindi ka tumupad sa usapan. Ang sabi ni Mark ay ikaw lang ang customer ko pero pinalapa mo ako sa mga hayop na ‘yon. Ayoko ko na makipagtalo pa sa ‘yo kaya puwede ba gawin na natin para makuha ko na ang pera at makaalis na ako!” litanya niya. Napatayo si William at lumapit sa kaniya. Hindi siya gumalaw, hindi siya dapat magpakita ng kahinaan sa lalaking ito.
“Bakit ako papatol sa ‘yo kung may mga babaeng higit na magaganda, sexy at mas bata pa kaysa sa katulad mong pinaglipasan ng panahon!”
Lihim na nanigas si Mia sa walang pakundangan na masasakit na salita ni William. Marahil pinaglipasan na siya ng panahon pero 28 years old lang siya at napapabayaan na rin niya ang sarili at kaunting ihip lang ay matatangay na siya ng hangin. Malayong-malayo na siya sa dating Mia sapagkat depress siya three years ago until now. Hindi pa siya nakaka-recover at hindi niya alam kung makakabangon pa ba siya.
“Mahal ang bawat segondong lumilipas. Hindi mo kayang bilhin ang oras ko kaya ang secretary ko ang kakausap saiyo.”
Blanko ang mukhang turan ni William sabay na tinalikuran siya. Tuluyan nakaupo si Mia at tatayo uli sana siya nang hindi siya makagalaw nang bumukas ang sasakyan ni William at bumaba roon ang isang magandang dalaga. Nakasuot ito ng pencil at fit na croptop sa itaas na pinatungan lang blazer at mataas rin ang higheels ng babae. Tila nanlumo si Mia nang makalapit ito sa kaniya.
“Ms. Friday!”
Napakunot ang noo ni Mia nang tinawag siya nito sa ibang pangalan. “Hindi Friday ang pangalan ko, Miss. Nagkakamali ka!” saad niya agad na ikinangiti lang ng babae.
“I know. You’re Mia Madrigal and I’m Hazel and you need to call me Monday.”
Bagamat naguguluhan ay nakuha pa niyang pasadahan ng tingin kausap at kahit na babae siya ay humanga siya sa magandang hubog ni Hazel. Makinis ang balat nito at maganda ang mukha. Nakakaakit ang karisma nito, kadalasan ay ganitong babae ang pantasya ng mga lalaki lalo na pagdating sa kama.
“I-ilang taon ka na Hazel?” bigla niyang naitanong.
“I’m sorry?” tila hindi makapaniwala ang babae sa tanong ni Mia. Nang hindi makasagot si Mia ay ngumiti lamang ang babae at maarte nitong hinawi ang buhok.
“Bytheway, I am the secretary of Mr. William Montenegro and I am 20 years old.”
Lumawak pa ang ngiti ng babae bago siya at talikuran. Hindi niya maiwasan na sundan ng tingin ang babae at halos nagbabangaan ang puwet nito sa tuwing ihahakbang ang mga paa.
Muling pinanghinaan ng loob si Mia. Iyon ba ang ibig iparating sa kaniya ni William na marami mga babaeng mas maganda pa sa kaniya at batang-bata. s**t napamura si Mia dahil kahit anong waglit niya sa isip na wala na sila ni William ay hindi nakikisabay ang kaniyang puso. Sigurado siyang hindi lamang secretary ni William ang babae at ayaw niyang maging iporkita dahil tiyak na may namamagitan sa dalawa at nasasaktan siya, naiingit siya, nagseselos siya sa batang secretary ng dati niyang asawa. Kailangan niyang makaalis rito sa mansyon dahil baka hindi niya makayanan at tuluyan na siyang mabaliw.