Patuloy na hinahalikan ang dalaga ni Leonard at nang gumapang ang kamay nito sa kaniyang dibdib ay napasinghap siya. Hindi niya mapigilan ang sarili at aaminin niyang nadadala siya ngunit nang gumanti na siya ng halik ay saka naman tumigil si Leonard. Habol hininga sila parehas habang nagkakatitigan hanggang sa niyakap na lamang siya ng binata at binaon nito ang mukha sa kaniyang dibdib. Rinig na naman niya ang malakas na t***k ng puso ng binata na dumantay rin sa kaniyang dibdib. “L-leonard?” sambit niya at bahagyang niyugyug ang binata ngunit hindi ito magising at tanging ungol lamang ang naririnig niya. “Leonard, ang bigat mo,” saad ni Mia at pilit na maalis ang binata sa ibabaw niya hanggang sa nakahiga na lamang ito sa kaniyang tabi at nang niyakap siya nito ay hinampas niya si Leo