Nakaupo sila sa hapag kainan matapos na mahatiran at mapakain ni Don Matthew ang asawa nito sa kuwarto ay bumalik sa lamesa ang Don. Tanging tunog ng kubyertos ang maririnig sa kanila hanggang sa hindi na nakatiis ang Don at pinagmamasdan ang dalawang anak, pamangkin na si Leonard at si Mia at Francine. “What are we doing right now?” tanong ni Matthew. “We’re having our dinner,” sagot ni Holland kaya naman ay napasandal sa upuan si Matthew. “You haven’t change Holland, sa tagal mo sa America hanggang ngayon pilosopo ka pa rin.” Turan ng ama at magrarason pa sana si Holland nang siniko agad ito ni Mia kaya tumahimik ito at dinantay ang kamay sa hita ng dalaga. Lihim na naiinis si Mia dahil kahit anong alis niya sa kamay ng binata ay mas lalo lang nitong hinigpitan ang paghawak sa kaniy