Nakaupo sa pang-apat sa pinakaharap si Mia kasama si Lyra habang si Don Matthew ay may kausap na lalaki na tiyak ay ang nag-conduct ng racing. Nakasuot ng blue si Holland habang si Leonard ay kulay green naman at marami pa silang kasama. Taon-taon umano ang palarong ito dito sa bayan. Umulan o umaraw ay tuloy ang laban at umulan nga at lahat sila ay nababasa ngunit ni isa ay walang umatras. Ipinagsasalamat ni Mia na hindi gaano kalakas ang ulan. Ngunit hindi niya maiwasan na kabahan kahit na sinabi sa kaniya ni Matthew na sanay na ang dalawa sa mga racing sports at kahit sa ibang bansa ay sumasali ang mga ito sa malalaking festival na ginaganap. “I will win this game for you, Love,” ang nakangiting si Leonard at kinuha ang kamay niya at hinalikan ito. Nakangiti naman si Mia sa binata hab