Chapter Three

2604 Words
MAGANDA ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi ni Bern pagbangon niya nang umagang iyon. And she has all the reason to smile. First, she felt free. Second, she's excited. Gusto niyang simulan ang bagong buhay niya nang masaya. Ang una niyang gagawin pagkakain ng breakfast, ime-meet ang kaibigan niya na si Alex para malaman ang latest update sa paghahanap sa Mommy niya. Alex is her friend simula nang nasa Canada pa siya. Filipino din ito at magkapitbahay sila. Ito ang kauna-unahang naging kaibigan niya nang dumating siya noon sa Canada. At dahil kababayan, madali niyang nakagaan ito ng loob. "Good Morning, Lord!" masiglang bati niya sa Poong Maykapal. Agad siyang naligo at nagbihis, pagkatapos ay bumaba na siya para mag-almusal. Nadatnan niya na kumakain na ang Kuya Jared niya kasama ang Pamilya nito. "Good Morning, Tita Bern!" bati ng mga pamangkin niya. Si Jamila, ang panganay at seven years old at Keith ang bunso na six years old. Isang taon din ang agwat ng edad ng dalawa, ayon sa pinsan niya. Madalas daw mapagkamalan na kambal ang dalawa dahil magkamukha ang mga ito. "Hi Kids," ganting bati niya sa mga ito. "Oh, may lakad ka?" tanong ni Adelle. "Pupunta dito si Alex, 'yong friend ko na naghahanap kay Mommy," sagot niya. "Boyfriend mo?" tanong ni Jared. Umangat ang isang kilay niya. Umiral na naman ang pagiging tsismoso nito. "Kuya, kasasabi ko lang. Friend."  Tumawa ang asawa nito. "Naku pagpasensiyahan mo na itong Pinsan mo. Alam mo naman kahit guwapo 'yan, may pagka-tsismoso."  "Kuya, okay ba 'yong pagkain sa dalawang Restaurant diyan sa may labas?" tanong pa niya. "Oo naman!" mabilis na sagot ni Jared. "Tama, doon mo na lang siya dalhin," sang-ayon ni Adelle. "Puwede rin naman dito, patuluyin mo siya. Kaya lang, hindi pa yata nakakapag-grocery ang Ate Adelle mo." Sabi pa nito. "Ay Okay lang, doon na lang kami mamaya," aniya. Patapos na siyang kumain nang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Napangiti siya nang makitang galing kay Alex ang mensahe. Ayon dito, malapit na daw ito sa Tanangco. Mabilis siyang nagpaalam sa pinsan para lumabas at hintayin sa may gate ang kaibigan niya. Habang hinihintay niya si Alex. Nilibang muna niya ang sarili sa pagmasid sa paligid. Dahil Sabado iyon ng umaga. Karamihan sa mga kabataan ay halos nasa gitna ng kalye at masayang naglalaro. Habang ang mga butihing ilaw ng tahanan ay may sarili ding mga gawain. May mga nagwawalis sa tapat ng bahay. May mga nagdidilig ng halaman, ang iba naman ay naglalaba. Napangiti siya. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ayaw umalis doon ng Kuya Jared niya para tumira sa mamahaling Executive Village. Ayon sa pinsan, gaya ng ibang lugar. May iilan kaguluhan doon sa lugar nila, ngunit maganda naman daw ang seguridad ng Barangay Officials doon kaya safe na safe ang mga residente. Isa pang nakatawag pansin sa atensiyon niya ay ang kakaiba at nakakatuwang pangalan ng mga establisyimento doon. Gaya na lang ng Laundry Shop ng Ate Adelle niya. Kuskos-Piga Laundry Shop. Meron pa siyang nakita kahapon na Paraiso ni Olay Convenience Store, Hardin ni Panyang Flower Shop, Boutique ni Chacha, Ngipin ni Agapita Dental Clinic, Tindahan ni Ate Kim, Lolo Badong's Hugas-Kotse Gang at marami pang iba. Nawala ang ngiti niya nang maalala niya ang Antipatikong Carwash Boy na si Wesley. Kapag naalala niya ang ginawa nito kahapon, talagang umaahon ang inis niya. Masyadong malakas ang bilib nito sa sarili palibahasa ay guwapo ito. Uy, pinuri niya. Tudyo ng isang bahagi ng isip niya. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang bumusina ang isang kotseng paparating, para patabihin sa gilid ng daan ang mga batang naglalaro sa gitna ng kalye. Mayamaya huminto sa harap niya ang magarang Mercedes Benz Sports Car sa tapat niya. Sa kabilang lane naman, isang magarang motorsiklo. Nakasakay doon ang isang lalaking guwapo at nakasuot ng uniporme ng pulis. Napakunot noo siya. Nakita niya kahapon ito. Kasama ito sa mga Carwash Boys. Pero bakit naka-uniporme ito ng Pulis? "Bumaba ka kaya muna diyan," utos pa ng Pulis sa driver ng kotse. Nagsalubong ang dalawang kilay niya nang makita kung sino ang nagmamaneho ng Mercedes Benz. Si Wesley. "Ano ba 'yon?" tanong pa nito sa kausap. "Teka, itabi mo muna 'yang kotse at nakaharang tayo dito sa gitna. Importante 'to, loko mo!" sabi pa ng Pulis. Marahas na napabuntong hininga si Wesley, saka sinunod ang sinabi ng kausap. Napaatras pa siya nang iparada nito ang dala nitong sasakyan sa tapat niya. Saka bumaba ito. Hindi siya sigurado kung napapansin siya nito, pero sa ngayon abala ito sa pakikipag-usap. "Ano ba 'yon?" tanong ulit ni Wesley sa kausap. "Save this number to your cellphone. Then, gave it to Boss. Kailangan niya ito, it's an important buyer of Jaguar. And willing to pay cash." Sagot naman ng Pulis. Napaangat ang kilay niya. In fairness, may accent din si Mamang Pulis. Nakakapagtaka naman para sa isang ordinaryong Carwash Boy. Pero sabi nito Boss daw. Ah, baka pinag-aral din ito ng Amo nito kaya ito naging pulis. Muling natuon sa usapan ng dalawa ang atensiyon niya nang magsalita si Wesley. "Why don't you just text him that number? After lunch pa ako makakapunta doon. May kailangan akong gawin sa Computer Shop." Ani Wesley. "Wala akong oras para mag-text. May operation kami within an hour, kailangan makarating ako agad sa presinto." Napamulagat siya nang makita niya ang cellphone nito. Iphone5. Iyon ang pinakalatest na cellphone ngayon. At alam niyang napakamahal niyon. Paano kaya ito nagkaroon ng ganito kamahal na gamit? Pati ang dala nitong kotse. "O sige, aalis na ako." Paalam ng nakasakay sa motor, saka mabilis itong umalis. Nagulat pa siya nang pagpihit nito ay sa kanya agad lumipad ang tingin nito. Umangat ang isang sulok ng labi nito. "Did you enjoy listening to other people's conversation?" tanong pa nito. Tumikhim siya. Saka kunwa'y lumingon siya sa paligid. "Ako ba ang kinakausap mo?" pa-inosenteng tanong pa niya dito. Sa inis niya ay tumawa pa ito. "Bakit? May kasama ka ba diyan sa kinatatayuan mo?" tanong din nito. Naikuyom niya ang isang palad. "Anong sabi mo?!" mataray na tanong ulit niya. "Miss, eavesdropping is not a nice attitude." Sabi pa nito. Nilapitan niya ito. Kaya pareho na silang halos sa gitna ng kalye nakatayo at nag-uusap. Kung pag-uusap ngang matatawag iyon at hindi pagtatalo. Saka salubong ang dalawang kilay na tinitigan niya ito.  "I'm not eavesdropping!" depensa pa niya sa sarili. Tumawa ulit ito. "Huli ka na nagde-deny ka pa." sabi pa nito. "Sabi nang hindi nga eh!" giit niya. Tinaas pa nito ang dalawang kamay, tila tanda ng pagsuko. "Okay, fine. Hindi na kung hindi." Anito. Saka binuksan nito ang pinto ng kotse nito. "Sandali nga," pigil pa niya dito. Ayaw man niyang magtanong, pero talagang naku-curious siya. Sa kotse nito, at sa mamahalin nitong cellphone. Gusto lang talaga niyang malaman. Wala naman masama doon. "Bakit?" nagtatakang tanong nito. "Uhm, kanino itong kotseng dala mo? Saka bakit mamahalin ang cellphone mo? Umamin ka nga, gumagawa ka ba ng illegal?" walang preno niyang tanong. Nagsalubong ang kilay nito. Mayamaya, bigla itong bumulanghit ng tawa na siyang lalo niyang kinainis. Wala naman nakakatawa sa tanong niya. Samakatuwid, seryoso siyang nagtatanong. "Miss Bernadette, right? Ikaw ang umamin sa akin. Interesado ka ba sa akin?" diretsong tanong din nito. Gulat na napanganga siya, sa pagkakataon na iyon. Ang mga kilay naman niya ang nagsalubong. Magsasalita pa lang sana siya nang tila magkaroon ng bara sa kanyang lalamunan, at walang boses ang lumabas sa bibig niya. Lalong nadagdagan ang inis niya nang isara nito ang bibig niya. "Dahan dahan sa pagnganga, Miss. Baka pasukan ng langaw 'yan." Halos pabulong pang sabi nito. Nanggigigil na tinikom niya ang bibig sabay palis ng kamay nito na nasa baba niya. Muli itong nagsalita. "It's none of your business." Sabi pa nito. "A-ano?" tanong niya. "I said, it's none of your business." Anito. Napahakbang siya paatras nang humakbang din ito palapit sa kanya. Hindi niya namalayan na sa bawat paglapit nito sa kanya ay siyang paglayo niya, kaya napunta sila sa gitna ng kalye. Sinubukan niyang iiwas ang tingin dito, ngunit hindi niya magawa. Para siyang nahihipnotismo ng kulay brown na mga mata nito. "Kung ano man ang ginagawa ko sa buhay ko, Miss. I don't think that's none of your business. And for the record, I don't do illegal. Nakakalungkot naman, itong mukhang ito. Mukha ba akong manggagantso? Wala ba akong karapatan magkaroon ng mamahalin cellphone porke't Carwash Boy lang ako." Litanya pa nito, na may himig nang pagtatampo. Lihim siyang napahiya. Saka nakaramdam ng guiltness. Bakit ba kasi niya tinanong pa ito? Ang lakas yatang makahawa ng Kuya Jared niya. "Sa-sabi ko nga, sorry." halos pabulong na sagot niya. "And by the way, pakiusap lang. Huwag kang masyadong bilib sa sarili mo. Hindi ako interesado sa'yo!" singhal pa niya. "Oy, tabi kayo! Walang preno 'tong bike ko! Tabi! Tabi!" malakas na sigaw ng isang lalaking paparating na nakasakay sa bisikleta at mabilis ang pagpapatakbo nito. Kasunod nito ay may iba pa ring mga lalaking humahabol sa nakasakay sa bisikleta. Nanlaki ang mga mata niya, saka napapikit na lang. Nagulat pa siya nang biglang may humila sa kanya, hindi niya alam kung saan siya napasandal. Basta ang alam niya, masarap sa pakiramdam na naroon siya. "Are you okay?" pabulong na tanong ni Wesley. Sukat sa narinig, bigla siyang napadilat. Tumambad sa kanya ang ayos nila. Nakayakap ito sa kanya, na tila pinoproteksyunan siya nito bago sila nakasandal sa kotse. Mabilis na tumibok ang puso niya. Pakiramdam niya ay nanlamig ang buong katawan niya. Saka muling napako ang mga mata niya sa guwapong mukha nito. Bakit ganito na lang ang reaksiyon niya? "Mukhang mapapadalas ang pagkikita natin, Miss." Sabi pa nito. "Ano?" "One piece of advice, Miss Bernadette. Umiiwas ka sa daanan ko. Dahil baka kapag nagkasalubong tayo. You'll end up, falling in love with me. And if that happens, I might not let go of you. Or worst, you'll trap yourself under my spell. That is wanting to be inside my arms forever." Pabulong na salita niya. "Excuse me." Tulala pa rin nang alalayan siya nito sa gilid ng daan. Bago pa ito umalis, ay isang magandang ngiti ang iniwan nito sa kanya. Nang matauhan siya, wala na ito. Saka lang nag-sink in sa isip niya ang mga sinabi nito. "Ano daw?!" wala sa loob na hiyaw niya. "BERN, are you listening?" untag sa kanya ng kaibigan niyang si Alex. Napakurap siya. "H-ha?" aniya. "Okay ka lang ba?" tanong na naman nito. Napapikit siya, sabay hilot sa pagitan ng mga mata niya. "Yeah. I'm sorry." Sagot niya. "Kanina pa kita napapansin na parang wala ka sa sarili mo. May jetlag ka pa rin ba?" Umiling siya. "Wala. Okay lang ako. Uhm, medyo may iniisip lang. Pero wala iyon."  "Are you sure?" paninigurado pa nito. "Yes. Ah, ano nga ulit 'yong sinasabi mo?" sagot niya. Pinaliwanag nito ang mga nangyari sa paghahanap nito sa Mommy niya. Ngunit ayon dito, hanggang ngayon hirap pa rin ito at ang ilang imbestigador na hanapin ang eksaktong lokasyon ng Mommy niya. Ayon pa dito, kapag nalalaman na nila ang tinitirahan nito, sa pagbalik nila doon ng mga imbestigador. Wala na agad ito doon. Naghihinala na ang mga ito na sadyang lumalayo ito. "Sa tingin ko, sadyang umiiwas ang Mommy mo. Ayaw niyang magpahanap. Parang sinasadya niyang lumayo." Sabi pa ni Alex. Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Bern. Bakit ganoon? Parang ayaw siyang makita ng Mommy niya? Pilit niyang winaksi sa isipan niya ang sinabi noon ng Daddy niya. Na sumama ito sa ibang lalaki at hindi siya nito mahal kaya ito umalis. Nangilid ang luha sa mga mata niya. "Bern," ani Alex, sabay hawak sa isang kamay niya. "It's just a hunch. Hindi kompirmado. Aalamin pa natin." Sabi pa nito. "Eh paano kung ganoon nga?" tanong pa niya, kasunod nang pagpatak ng mga luha niya. "Huwag iyan ang isipin mo. Hindi mo malalaman ang totoo hangga't hindi mo nahahanap si Tita. I promised you, right? Hahanapin ko siya at hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nahahanap. You know that I'll do anything to make you happy." Sabi pa nito. Napangiti siya. Pinahid nito ang mga luha sa pisngi niya. "Thank you, Alex. You're such an angel." Sabi pa niya. Ngumiti lang ito. Nahinto sila sa pag-uusap nang biglang mag-ring ang cellphone nito. Agad itong nag-excuse para sagutin ang tawag. "Hi," bati ng isang babae na nakaupo sa kabilang table. Ngumiti siya dito, namumukhaan niya ito. Isa ito sa mga napagtanungan niya kahapon nang dumating siya. "Ikaw 'yong naghahanap kay Kuya Jared kahapon, di ba?" tanong pa nang isang babaeng mukhang Chinese. Tumango siya. "Oo." "Hindi yata kami nakapagpakilala kahapon. I'm Kamille." Anito. "Bernadette." Sagot niya. Hindi lang si Kamille ang nagpakilala sa kanya, maging ang iba pang mga kaibigan nito na kasama nito kahapon, naroon din ito sa Restaurant kung saan sila nag-uusap ni Alex at nagpakilala din sa kanya. Si Marisse at Razz na nakilala niya kahapon ay wala doon. Hanga siya sa mga tao sa kalyeng, kahit saan niya ipaling ang tingin niya. Ang mga binata at dalaga doon ay pawing mga guwapo at maganda. Walang itulak kabigin. "Nice to meet you," sabi niya sa mga ito. "Basta, kung may kailangan ka. Nandito lang kami." Anang mukhang Bombay na si Sumi. "I'll remember that." Sagot niya. "Kung hindi ka busy mamaya, puwede kang sumama sa amin. Madalas kaming tumambay dito sa Jefti's, o kaya doon sa second floor naglalaro kami ng billiards." Sabi pa ni Jhanine. "Sige, I play billiards." Aniya. "Wow! That's good!" excited na wika ni Sam. "Uy, in fairness! Bagay kayo ni Wesley!" biglang komento ni Laiza. Mabilis na tinakpan ng mga kasama nito ang bibig nito. "Ay! Huwag mong intindihin ang sinasabi nitong lokalokang babaeng 'to! Lasing sa Ice tea 'to eh." Sabi pa ni Kim. Pakiramdam ni Bern ay nag-init bigla ang magkabilang pisngi niya. Nang maalala niya ang naganap kanina sa kanila ni Wesley. Ang paglalapit ng mukha nilang dalawa at ang sinabi nito. Pilit man niyang itaboy iyon sa isipan niya. Ngunit parang sirang plaka iyon na kusang nagre-replay sa alaala niya. Bakit ba kasi niya kailangan maisip ito? Wala sa loob na napabuntong-hininga siya. Ang hambog na iyon, may sa mangkukulam pa yata at palagi nitong ginugulo ang isip niya. "Bern." Napapitlag siya, nang bahagya siyang tapikin ni Alex sa braso. "H-ha? O-okay ka na ba? I mean, tapos na kayong mag-usap ni...ah, sino nga ba ulit 'yung kausap mo?" naguguluhan niyang sagot. Napakunot noo ang kaharap niya. Napailing pa ito. "I don't know, what happened to you? Pero mukhang hindi ka okay. Sa tingin ko, babalik na lang ako." Seryosong wika nito. "I'm sorry, Alex." "That's okay." Agad itong nagpaalam. Nang maiwan siya doon, ang mga bagong kakilala na lang niya ang kinausap niya. Madaling napalagay ang loob niya sa mga ito. Masarap itong kasama at sadyang masayahin. Napahinto sila sa pagku-kwentuhan nang dumating doon ang lalaking kanina pa ayaw lubayan ang isip niya. Agad na bumilis ang pagpintig ng puso niya. "Hey, you're here!" masiglang sabi nito sa kanya. Sinimangutan niya ito. "Eh ano naman! Huwag mo akong kausapin!" pagsusuplada niya dito. "At huwag mo akong lalapitan!" pahabol pa niya. Dahil kapag nilalapitan mo ako. Hindi ko mapigil ang sarili kong hindi tumitig sa'yo na parang may magnetic powers ka. Dugtong pa niya sa isip. "Sure, sabi mo eh." Anito, saka nanatili sa may entrance door ng Jefti's. Ang restaurant na iyon. Bumaling siya sa mga bagong kaibigan. "Uuna na ako." Pagpaalam niya sa mga ito. "Sige, see you! Kapag may gala kami. Isasama ka namin ha?" pahabol pa ni Chaia. "Sure," pagpayag niya. "Thank you." Pagtayo niya, agad siyang naglakad palabas ng restaurant. Napahinto siya sa paglalakad ng marinig niyang magsalita si Wesley. "Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka umiyak kanina. But I want you to know that it doesn't suit you," mahina ang boses na sabi nito. Napalingon siya dito. "Ano?" naguguluhan niyang tanong dito. Nakatayo ito ngunit sa malayo nakatingin habang nakahalukipkip. "Crying. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. You look more beautiful when you smile." Sagot nito, sabay tingin sa kanya. "Something like radiant, tears doesn't fit that pretty face." Iyon lang ang sinabi nito, pagkatapos ay pumasok na ito doon sa loob. Naiwan siyang tulala habang malakas ang kabog ng puso niya. Wesley, who are you?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD