Chapter One
MARIIN napapikit si Wesley saka unti-unting namanhid ang isang pisngi niya. Napahawak siya sa bahagi na malakas na sinampal ni Diane, kasunod ng pagsalubong ng dalawang kilay niya. Kung hindi lang babae itong nasa harap niya, malamang kanina pa niya pinatulan ito.
Pigil ang galit na humakbang siya paatras ng isang beses.
"Bakit mo ako sinampal?" naggigiritan ang mga ngipin na tanong niya dito.
"Because you're a jerk! How can you do this to me, Wesley? Paano mo ako nagagawang tiisin? How dare you broke up with me!" tungayaw pa nito.
Humugot siya ng malalim na hininga, sabay lingon sa paligid. Nagkakaroon na ng mga usisero't usisera. Sabagay, sino nga ba ang hindi mapapahinto at mapapatingin sa kanila? Malakas ang boses nito at halos naghi-histerikal habang umiiyak ito. Napailing siya. Baka sabihin ng mga kapitbahay nila ay kinakawawa niya ito.
"Will you stop it?" nanggigigil sa inis na singhal niya dito.
"Iyan! That's exactly the reason why I broke up with you! Iyang ugaling mong 'yan! You love to create scenes, para masabing ikaw ang kawawa. Ipapaalala ko lang sa'yo, maayos kita kinausap kagabi. Maayos akong nakipaghiwalay sa'yo. Ipinaliwanag ko sa'yo ang reason ko. That's why you don't have the right to call me a jerk! Because we both know the truth who is the real jerk here. And don't make me say it. Dahil hindi ako ang mapapahiya dito." Mahabang litanya niya.
Natahimik ito. Sa isang iglap ay naging mailap ang mga mata nitong kanina ay nanlilisik sa galit.
"Wesley, please. I beg you. Come back to me! Promise, magbabago ako. Sabihin mo lang kung anong ayaw mo sa akin. I'll change. Just come back!" pagmamakaawa pa nito.
Napapikit siya saka malalim na napabuntong-hininga. Muli siyang humakbang dito palapit, saka hinawakan ito sa magkabilang balikat nito. Kahit na may pagka-spoiled brat ito. Babae pa rin ito. Kahit na maldita, kailangan niyang irespeto. Iyon ang turo sa kanya ng Lolo at Lola niyang kinalakihan niya maging ng mismong mga magulang niya.
"Diane, please. Don't do this to yourself. I'm sorry. But it's really over. And you cannot change my mind." Mahinahon niyang paliwanag dito.
Malungkot at lumuluha pa rin na tumungo ito, saka dahan-dahan tumango. Sa pag-angat ng ulo nito. Pinilit nitong ngumiti sa kanya.
"So, I guess you've already decided."
Tumango siya.
"Okay. I'll leave then. Goodbye, Wesley." Paalam pa nito.
Bago pa ito umalis ay yumakap pa sa kanya ito ng mahigpit. Saka dumiretso sa kotse nito at mabilis na pinasibad iyon.
Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan na itong makaalis. Pagharap niya sa mga pinsan niya, ay pawang mga nakangiwi ito habang hawak ang isang pisngi nito. Ang iba pa ay pumapalatak habang at napapailing.
Maging siya ay napahawak sa kanyang pisngi habang naglalakad pabalik sa kotseng hinuhugasan niya. Napalingon siya ng sabayan siya sa paglalakad ng pinsan niyang si Daryl.
Nakangiwi ito at umiiling. "Does it hurts, cous'?" tanong pa nito.
"Ikaw kaya ang sampalin ko, tapos tanungin kita kung masakit." Pabirong angil niya dito, sabay angat ng isang palad niya.
Mabilis naman itong umiwas sa kanya. "Joke lang!" biglang bawi nito, sabay tawa.
Napapalatak si Miguel, pagkatapos ay tiningnan siya. "Isa na naman babae ang umuwing luhaan. Tinik mo, pare!" pang-aasar din nito.
"I just did what's the best for us. Ayokong dayain ang sarili ko. Kaya mas mabuting ganito na lang." paliwanag pa niya.
Nagulat siya ng bigla siyang batuhin ng sponge na puro sabon ni Marvin. Tumatawa pa ito, na tila balewala dito kung nadtrip siya. Sabagay, kailan ba naging uso sa kanila ang pikon? Talo ka kapag nainis ka. Iyon silang mga Mondejar. Kanino pa ba sila magmamana, kung hindi sa Lolo Badong nila.
"Weh? Mukha naman hindi ka apektado! Malamang, konti. Nasaktan ang pride mo dahil nasampal ka." Sabi pa ni Marvin.
Napangiti siya. "Pengkum! Ano naman ang palagay mo sa akin? I liked Diane. But not enough to love her. Aminado ako doon. But God knows I tried. Pero sinayang niya iyon, noong malaman kong isang Trophy Boyfriend lang pala ako sa kanya." Kuwento pa niya sa mga ito.
"So, what does that mean? Maghahanap ka na lang ng bagong girlfriend?" tanong pa ni Kevin.
Bumuntong hininga siya, pagkatapos ay umiling. "Nah! I think I have to stop from here. Pakiramdam ko kasi, sa tuwing may umiiyak na babae ng dahil sa akin. Napakasamang tao ko. Maybe, I will never find the right woman for me. I'm no longer entitled for that. I found her once, but I ruined her." Seryosong wika niya.
"Dude," usal ni Jester, sabay akbay sa kanya. "You'll never know. One thing is for sure. Hindi siya ang nakalaan para sa'yo. Don't close your door. Don't dwell in the past. May dahilan ang Diyos kung bakit nangyari ang mga nangyari." Payo pa nito sa kanya.
Nagulat siya nang bigla siyang lundagin ni Marisse mula sa likuran. Nakasampay ang mga braso nito paikot sa leeg niya.
"Pinsan, huwag kang masyadong seryoso. Hindi bagay sa'yo! Sanay akong isang dakilang Baliw ka!" sabi pa nito, pagkatapos ay naglakad ito sa harap niya saka siya niyakap. "Cheer up, okay?"
Napangiti siya. Parang bata na ginulo niya ang buhok ito. "Thanks, Marisse!" nakangiting sabi niya dito.
"Saka hello, mukha naman hindi ka mahal ng babaeng iyon eh. Kaya iyon nagalit kasi hindi niya akalain na kaya mo siyang iwan!" dagdag pa nito na ang tinutukoy ay si Diane pa rin.
"Heh! Mga tinamaan kayo ng magaling na mga bata kayo!"
Napapitlag sila sa sigaw na iyon ng Lola Dadang nila. "Tigilan n'yo na nga ang usapan tungkol sa babaeng iyon. Hindi magandang asal 'yan, pinag-uusapan n'yo ang wala dito. Hindi ba't sinabihan ko na kayo tungkol diyan?" saway pa nito sa kanila.
Natutop ni Marisse ang labi nito. Samantala, sila naman ay napakamot sa ulo at napatungo.
"Sorry po," hinging paumanhin nila.
Lumapit sa kanya ang Lolo niya at ininspeksiyon ang pisngi niyang nasaktan.
"I-cold compress mo iyang pisngi mo, at namumula pa." Anito.
"I'm okay, Lolo. Don't worry, mawawala din po ito mayamaya." Sagot niya.
"Naku 'Lo, okay lang 'yan. Sanay naman masampal 'yan eh!" tumatawang pang-aasar ni Jefti.
Pabirong tiningnan niya ito ng masama, saka dahan-dahan lumapit dito. Pagkatapos ay biglang niyang inangat ang hawak niyang hose at binasa ito. Mabilis itong tumakbo palayo, kaya hinabol niya ito.
Para silang mga bata na naghabulan, maging ng iba pa nilang mga pinsan. Yes. This is his life with his family. Kung mayroon man siyang labis na nais ipagpasalamat sa Diyos. Iyon ay ang pagbibigay Nito sa kanya ng Pamilya niya. Ang Parents niya. Ang tatlong kapatid niya. Ang Lolo at Lola niya. Maging ang mga pinsan niya. Sa kanila lang, sapat na sa buhay niya.
Ngunit paminsan minsan, hindi pa rin niya maiwasan isipin ang isang madilim na bahagi ng buhay niya. Na pilit niyang tinatalikuran, at tinatago sa likod ng mga ngiti at halakhak.
Napahinto si Wesley sa pakikipagharutan sa mga Pinsan niya nang sawayin sila ni Lola Dadang.
"Ku eh tigilan nga ninyo iyan! Para kayong mga batang paslit! Sayang ang tubig!" tungayaw pa nito.
"Hala, tapusin na ninyo iyang pagka-carwash! Mayamaya, darating na 'yong may-ari n'yang dalawang kotse na iyan. At pagpasensiyahan n'yo na ang Lola n'yo kung masungit. May buwanan dalaw ito ngayon eh. Wala sa mood." Anang Lolo niya, sabay kabig ng biro sa esposa nito.
Natawa sila, lalo na nang pingutin ng Lola nila ang tenga nito. "Balubas kang damuho ka! Hindi ka na nahiya sa mga apo mo!" kunwa'y singhal nito sa asawa nito.
"Aray, Mahal! Biro lang." biglang bawi ni Lolo Badong.
"Ikaw naman Wesley, ang trabaho mo ang atupagin mo. Ala kang balu kundi magpakyak ka keng babae!" sermon ulit nito sa kanya.
"Hindi na nga po," sagot niya. Ang ibig sabihin ng Lola niya ay "Hindi iyon wala kang inatupag kung hindi magpaiyak ng babae."
Kahit wala pa rin tigil sa pag-aasaran silang magpi-pinsan. Pinagpatuloy nila ang paka-carwash ng dalawang kotse. Nang biglang dumating si Inday.
"Wesley, telepono!" tawag nito sa kanya.
"Sino daw?"
"Iyong, ano...Chief...Chief...Ay, ano ba 'yon? Nakalimutan ko na 'yung sinabi niya. Basta, Boss mo yata sa Philippine Airforce!" sagot nito.
Napahinto siya sa ginagawa, saka mabilis nawala ang mga ngiti sa labi. Ang mga pinsan naman niya ay napalingon sa kanya at seryoso siyang pinagmasdan.
"Aren't you going to take the call?" tanong ni Gogoy.
Sumulyap lamang siya dito. Pagkatapos ay muling binalingan si Inday.
"Sabihin mo, marami akong ginagawa. Tatawagan ko na lang siya kapag hindi na ako busy." Seryosong sagot niya, saka agad na bumalik sa ginagawa. Hindi na siya nagsalita pa. Matagal bago tuminag si Inday. "Sige na, Inday. Pakisabi na lang."
Tumango ito. "O sige, sabi mo eh." Anito.
Sa isang iglap, nawala siya sa mood makipagkulitan sa mga pinsan. Nawala na rin siya sa mood mag-carwash. Kailan kaya sila titigil sa kakatawag sa kanya? Ano ba ang hindi maintindihan ng mga ito sa salitang 'hindi na siya babalik'? Naiinis at padabog na binagsak niya ang hawak niyang sponge saka mabilis na lumabas ng bakuran nila.
"Yo Dude! Saan ka pupunta?!" pasigaw na tanong ni Glenn.
Tinaas lamang niya isang kamay saka tinuro ang labas, pagkatapos ay hindi na siya sumagot
All he wants is a peaceful life. Isang buhay na walang bahid ng marumi at madilim na nakaraan. Pagdating niya sa tindahan ni Kim. Naupo siya agad sa isang bakanteng wooden bench na nasa harap niyon. Hinubad niya ang suot niyang itim na t-shirt, pagkatapos ay pinunasan niya ang basang katawan niya. Napahinto siya nang biglang marinig niya ang tila pagbubulungan ng ilang kababaihan sa harap ng Convenience Store ni Olay sa hindi kalayuan.
"Grabe, ang ganda ng katawan niya." Anang isa.
"Kapag pinansin n'ya ako! I swear, magpapameryenda ako mamaya!" sabi naman ng isa.
"Wesley, my love." Tila nangangarap pang sabi ng isa pa.
Napabuntong hininga siya. Huwag sanang marinig ni Lola Dadang ang mga ito dahil sigurado siyang masisigawan ang mga ito. Hindi niya pinansin ang mga ito, bagkus ay binalingan niya si Kim na nasa loob ng tindahan. Mayamaya, nagsidatingan ang ilang kababaihan na kaibigan niya at girlfriends ng mga pinsan niya.
"Oh? Bakit may exhibitionist dito?" tanong ni Jhanine.
Kinunutan lang niya ito ng noo.
"Wala ka na naman magawa, no? Kaya dini-display mo iyang mala-machete mong katawan." Sabi naman ni Sumi.
"Actually, may ginagawa ako. It's just that, nawala ako sa mood." Seryoso pa rin sagot niya, habang nakapatong ang dalawang siko niya sa ibabaw ng mga tuhod niya at magkasalikop ang dalawang palad niya." Aniya niya.
"Ah, in short, nabadtrip ka!" hula naman ni Razz.
Napapalatak si Kamille. "Really? Is it about that girl?" tanong nito.
"Hep! Don't ask! Baka pati dito mag-walk out 'to!" agap na sagot ni Marisse.
"Ang mabuti pa, Wes. Pumasok ka na muna sa bahay. Doon ka magpalamig ng ulo. Kapag dumito ka, mga manhid ang mga babaeng 'to, hindi ka titigilan ng pang-aasar nito." Ani Marisse sa kanya.
Napangiti siya sa sinabi ng pinsan. "Thanks, Marisse. Teka, bakit ang bait mo yata ngayon?" biro pa niya dito pagtayo. Nabaling ang atensyon nilang lahat ng mula sa isang taxi na pumarada sa harapan nila. Bumaba doon ang isang babae.
Nang lumingon ito sa gawi nila. Agad itong nagpaskil ng magandang ngiti. Just beautiful enough to made his heart skip a bit. How could this be possible? How could an angel sent here on earth? Wala sa loob na napangiti siya.
AGAD na ngumiti si Bernadette pagbaba niya ng sinakyang taxi. Hindi niya napigilan ang huminga ng malalim. She always dreamt of being this free. Kung alam lang niya na ganoon kasarap ang maging malaya. Noon pa sana siya naglakas loob gawin iyon.
Paglingon niya. Isang grupo ng kababaihan ang nakita niyang nakatayo sa harap ng isang tindahan. Nilapitan niya ito.
"Hi, Good Morning!" bati niya sa mga ito.
Ang babaeng mukhang Koreana ang agad na kumausap sa kanya.
"Good Morning din! What can we do for you?" tanong pa nito.
"Uhm, Is this Barangay Buting?" tanong din niya.
Tumango ang mga ito. "Oo," sagot ng isa pang babae.
"Tanangco Street, Barangay Buting Pasig City." Sabad ng isang lalaking nasa bandang likuran niya.
Paglingon niya. Agad na napako ang mga mata niya sa mga mata nito. Napakaguwapo nito. Pakiramdam niya ay bahagyang sumikdo ang puso niya.
Ngunit agad siyang napalingon sa ibang direksiyon ng mapansin niyang walang t-shirt ito. Lalo siyang nailang nang tila tumulo ang pawis nito pababa ng dibdib at sa mala-pandesal nitong abs. Pakiramdam niya ay namula ang magkabilang pisngi niya. Nakaramdam siya ng pagkailang nang punasan nito iyon ng hawak nitong t-shirt.
"Hoy! Pengkum ka talaga! Mag-t-shirt ka kaya! Naiilang sa'yo si Ate!" saway ng isang medyo maliit na babae na maganda rin.
"Ay sorry naman," hinging paumanhin ng lalaki, pagkatapos ay nagsuot ito ng t-shirt.
Pero tila wala pa rin nagbago dito. May suot man itong t-shirt o wala, guwapo pa rin ito at malakas pa rin ang dating nito sa kanya. Tumikhim siya.
"Doon ka na nga muna sa loob! Magtrabaho ka! Mag-carwash ka na lang!" pagtataboy naman ng babaeng maliit.
"Go Carwash Boy!" pagtataboy din ng ibang mga babae dito.
"Teka nga! Unang una, nauna ako dito bago kayo dumating." Pakikipagtalo nito.
"Oh whatever!" sabi pa ng isa.
Napangiti siya habang pinapanood ang mga itong magtalo. Mataman niyang pinagmasdan ang kahabaan ng kalyeng iyon. Magaan ang dating ng lugar na iyon, nang pumasok kanina ang sinakyan niyang taxi. Isa agad ang napansin niya. Parang wala yata siyang nakikitang nakasimangot doon. Karamihan ay pawang mga nakangiti. Sana lang ay tama ang address niya. Sana doon pa rin nakatira ang pinsan niya.
Natuon ang paningin niya sa malaking bakuran na nasa harap niya ngayon. Bukas ang malaking gate niyon at sa loob ay tila isang Carwash Shop. Nang basahin niya ang sinage. Lolo Badong's Hugas Kotse Gang ang nakasulat doon. And in fairness, lahat ng nakikita niyang Carwash Boys na nagtatrabaho doon ay mga guwapo. Mas mukha itong mga modelo at mga milyonaryo kaysa mga ordinaryong Carwash Boys. At marahil, doon nagta-trabaho ang lalaking nasa tabi niya.
"Miss, excuse me. Bago ka lang dito no? Sino ba hinahanap mo?" untag sa kanya ng isa mga babae sa grupong iyon.
"Ah, oo nga pala. Uhm, kilala n'yo ba si Jared Bandonillo?" tanong niya sa mga ito.
"Ah! Si Maestro J! Oo naman!" mabilis na sagot ng mga ito.
Napangiti siya uli. "Puwede ko bang malaman kung saan ang bahay niya?" tanong ulit niya.
"Oo naman! Pasamahan na kita para sigurado!" anang babaeng mukhang Koreana. Kanina pa niya napapansin na nakasuot ito ng kulay puti na coat. Mukha itong doctor. "By the way, I'm Razz. Sa akin 'yung Dental Clinic diyan sa tapat ng Candy's Corner. Kaya kung may problem sa ngipin mo, puwede mo akong puntahan diyan anytime." Walang prenong sabi nito.
"Ayos ah! Maka-segway lang talaga ng pagpo-promote!" sabi naman ng babaeng maliit. "I'm Marisse. Wedding Planner ako, kung sakaling magpapakasal ka. Here's my calling card, just give me a call." Anito sabay abot ng isang calling card sa kanya.
Inambaan ng batok ito ng lalaki. "Kunyari ka pa, eh mas malala ka pa pala." anito.
"I'll go with her." Sabi ulit nito.
Carwash Boy pero kung makapa-english? May accent pa! Sosyal naman.
"O siya, sige." Pagpayag nito.
Nahihiyang tumingin siya dito. "Uh wait lang, may luggage pa ako," sabi niya. Pumunta siya agad sa may likod ng taxi para kunin ang luggage niya sa compartment. Bubuhatin pa lang niya ito, nang may pumigil sa kanya.
"Ako na," anang lalaking guwapo.
"Thank you," usal niya.
"By the way, I'm Wesley. Sa nakikita ko mukhang magiging bagong kapitbahay kita." pagpapakilala nito.
"Bernadette," sagot niya.
"Ah, nice to meet you. Let's go." Yaya nito sa kanya.
Mabilis siyang nagpaalam at nagpasalamat sa mga babaeng nakausap niya. Habang naglalakad sila, ito ang may hila ng maleta niya. Ngunit isang bagay ang hindi niya maintindihan sa sarili niya. Bakit parang hindi yata mapakali ang puso niya. Naputol bigla ang pag-iisip niya nang biglang magsalita ito.
"Kaano-ano mo si Jared?" tanong pa nito.
Base sa pagsasalita nito, mukhang kilalang kilala nito ang pinsan niya.
"Cousin," nahihiyang sagot niya.
Limang bahay pa ang dinaanan nila bago sila huminto sa paglalakad, sa tapat ng isang malaking itim na gate.
"Jared's house." Sabi pa nito.
Tumingala siya. "Ang ganda pala ng bahay ni Kuya Jared." Puri pa niya.
"So, paano? Pindutin mo na 'yung doorbell. Kailangan ko na rin kasing bumalik sa trabaho ko." Anito.
"Ah oo nga pala, baka pagalitan ka ng Amo mo." Sabi pa niya. Saka agad na pinindot nito ang doorbell. Nang lumingon siya dito, kita niya na parang nagulat nito.
"Iwan ko na itong maleta dito, ha?" sabi pa nito. Akmang tatalikod na ito nang pigilan niya ito.
"Wait lang, Wesley. Right?" pigil niya dito. Muli niya itong nilapitan, pagkatapos ay kumuha siya ng isang daan piso at binigay niya dito.
"Ano ito?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.
"Pera," sagot naman niya.
Umangat ang isang sulok ng labi nito, pagkatapos ay umiling. "I know its money. But what is this for?" ngayon naman ay kunot ang noo na tanong na naman nito.
"Tip. Ayaw mo? Tip ko 'yan sa'yo dahil hinatid mo ako dito. Pasasalamat dahil nag-abala kang ihatid ako dito, kahit may trabaho ka." Paliwanag niya. "Hindi ba Carwash Boy ka? Hindi naman siguro magagalit ang Amo mo, eh dito lang naman sa malapit mo ako hinatid eh." Sabi pa niya.
Saglit itong nawalan ng kibo, bago biglang tumawa. Ngayon pagkakataon na niya para kumunot ang noo. Nakaramdam siya ng inis. Hindi yata maganda na tawanan siya nito. Wala naman nakakatawa sa sinabi niya.
"Excuse me, pero, anong nakakatawa?" nakasimangot na tanong niya.
Hindi pa rin ito humihinto sa pagtawa ng humarap ito sa kanya. "So, you're saying that this is my tip? Now, I get it!" Sabi pa nito, sabay angat ng pera.
Sa lahat naman ng Carwash Boys, ito ang ingliserong may accent! Siguro pinag-aral 'to ng Amo niya. Sabi pa niya sa sarili.
"Yes. Bakit? Kulang ba?"
"Miss, kung one hundred din lang ang ibibigay mo sa akin. Huwag na lang. Mataas ang standard ko." Sabi pa nito.
Biglang natunaw ang paghanga niya dito. Hambog naman pala ang isang ito. Ito na nga ang binibigyan ng Tip nagmamalaki pa. Sayang, guwapo pa naman ito.
"Aba't! Bakit? Magkano ba gusto mo?" naiinis na tanong pa niya.
"One Thousand Pesos, you have?"
Doon na kumulo ng husto ang dugo niya. "Abusado ka pala! Kung alam ko lang na ganito ka, hindi na lang ako nagpahatid!" sabi pa niya. "Oo nga pala, wala naman ako sinabing ihatid mo ako! Nagkusa ka! Bakit kita babayaran ng one thousand?" tungayaw pa niya.
Sa inis niya. Imbes na sumagot ito. Ngumiti lang ito sa kanya. At ang ngiting iyon nito ang nagpabalik ng kakaibang kaba sa dibdib niya. Para tumigil ito, naglabas ulit siya ng isa pang one hundred pesos at binigay niya iyon dito.
"O ayan, hanggang diyan lang!" sabi pa niya.
Lalong lumapad ang pagkakangiti nito sa kanya habang mataman itong nakatitig sa kanya.
"Amazing." Anito.
"Ha?"
"Pagkatapos ng mga hindi magandang nangyari nitong umagang ito. I must've done something good to God. Thank you, you made me happy." Sabi pa nito.
Lalo siyang naguluhan sa sinabi nito. Pero agad nawala sa sinabi nito ang isip niya nang bigla itong lumapit sa kanya. Napaatras siya hanggang mapasandal siya sa gate. Nahigit niya ang hininga nang ilapit nito ng husto ang mukha nito sa kanya. Dahilan upang mabigyan siya ng pagkakataon para matitigan ng mabuti ang mga mata nito.
Wonderful...
Napapikit siya ng ilapit pa nito ang mukha sa kanya. Hahalikan pa yata siya nito. Kapag ginawa nito iyon. Sisigaw talaga siya ng malakas. Ngunit makalipas ang ilang sandali, hindi pa rin lumalapat ang labi nito sa kanya.
"There, I press the doorbell for you." Pabulong pang sabi nito.
Agad siyang napadilat. Ganoon na lang ang gulat niya nang bumungad pa rin sa kanya ang guwapong mukha nito at titig na titig ito sa kanya.
"What's with the closing of your eyes?" pa-inosente pang tanong nito.
Mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi niya. Pagkatapos ay bahagya niya itong tinulak. "H-ha? A-ano..."
"Are you thinking of something else?" tanong nito na halatang nang-aasar.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Sa pagkakataon na iyon, pakiramdam niya ay magliliyab ang buong mukha niya sa init. Bakit ba niya naisip na hahalikan siya nito? Anong iniisip nito? Bago pa siya makapagsalita ay humakbang na ito ng paatras, at mabilis na nagpaalam sa kanya.
"Bye Ma'am, I'll spend this wisely," sabi pa nito, sabay angat ng perang hawak nito.
Impit siyang napatili at napapadyak pag-alis nito. "Hambog!" sigaw niya.
"Bernadette?"
Napalingon siya sa likuran niya. Nawala ang inis niya sa Carwash Boy na iyon nang makitang bukas na ang maliit na gate, at nakatayo doon ang Kuya Jared niya na bakas sa mukha ang pagkagulat.
"Hi Kuya!" masayang bati niya dito.