Chapter Two

2714 Words
"WHAT?!" gulat na tanong ng pinsan niya. Napapikit siya dahil sa lakas ng boses nito. "Seryoso ka ba? Alam mo ba ang mangyayari kapag nalaman ng Daddy mo na nandito ka? Papabalikin ka rin no'n!" sabi pa nito. Napabuntong-hininga si Bernadette. Pagkatapos ay tiningnan ang Kuya Jared niya at ang asawa nitong si Adelle. "Alam ko. Pero nakapag-desisyon na ako, Kuya. Malaman man niya o hindi. I have no plans on coming back. Never." Mariin niyang sagot. Nagkatinginan ang mag-asawa. "Bakit ba kasi ganyan sa'yo si Tito Lucas? I mean, hindi ba't twenty six years old ka na? Daig mo pa ang Prinsesa kung paghigpitan ka ng Daddy mo." Anang Ate Adelle niya. Nanumbalik ang lungkot na dala niya bumihag sa kanya sa loob ng ilang taon, simula nang mawalay siya sa Mommy niya. "Dahil ayaw niya akong makipagkita kay Mommy. Alam niyang hahanap ako ng paraan para makaalis sa poder niya." Paliwanag niya. Hindi agad nakasagot ng dalawa. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "I love my Dad, and God knows that. But life with him is like hell. Oo, may maganda akong posisyon sa kompanya niya. Nabibili ko lahat ng gustuhin ko. Pero lahat ng mayroon ako. Hindi ko hiniling 'yon. All I want is a simple life to live together with my Mom. Doon sa Canada, tama ka Ate. Daig ko pa ang Prinsesa. De numero ang kilos ko. Lahat ng puwede niyang idikta sa akin. Dinidikta niya. Ang posisyon ko sa kompanya. Ang kursong kinuha ko. Lahat. Siya ang nagdedesisyon. Ni wala akong karapatan magdesisyon para sa sarili ko." Pagkuwento niya. "Eh paano ka nakatakas?" tanong pa ni Jared. "Nasa business trip si Daddy at dapat kasama ako doon. Nagkataon na masama ang pakiramdam ko kaya nagpumilit akong hindi sumama. Pero nag-iwan siya ng maraming magbabantay sa akin. Pero salamat sa mga kaibigan ko at kasambahay namin, kaya nakatakas ako. Ilang linggo bago ang araw na umalis ako. Nakaplano na ang lahat. Isang kaibigan ko ang umayos ng mga papeles ko para makalabas ako ng bansa. He will follow me here in a few days." Pagpapatuloy niya. "Bern, alam mo kung paano magalit ang Daddy mo." Pagpapaalala sa kanya ni Adelle. Tumango siya. "Yeah. How can I forget? Lahat ng mga empleyado sa kompanya ay takot sa kanya. At walang kahit na sino ang naglakas loob na kontrahin ang mga gusto niya." "Eh anong plano mo ngayon nandito ka na?" tanong ulit ni Adelle. "Uhm, I'll find a job. Then, I'll look for my own house and I'll look for Mom. Ang sabi sa akin ng kaibigan ko, ang huling balita niya. Nandito na daw sa Manila si Mommy. Pero habang wala pa akong nahahanap na trabaho at bahay, okay lang ba kung dumito muna ako?" Ngumiti ang pinsan niya. "Oo naman! Alam mo naman na Welcome ka dito eh. I'm sure matutuwa ang mga bata kapag nalaman nilang nandito ka." Anito. "Thanks, Kuya." Sabi pa niya sabay yakap dito. "Sa ngayon, samahan muna kita sa magiging kuwarto mo." Anang Ate Adelle niya. Ang Mommy nilang dalawa ni Jared ay magkapatid. Sa lahat ng kamag-anak niya, dito siya pinaka-close. Ito kasi ang tumayong parang tunay na Kuya niya sa loob ng mahabang panahon. Kaya nang mag-migrate silang buong pamilya sa Canada, labinlimang taon na ang nakakalipas. Labis siyang nalungkot. Pagdating niya sa silid na tutuluyan niya. Agad siyang iniwan ng Ate niya doon upang makapagpahinga. Nahiga siya sa kama. At doon, hindi niya napigilan ang pag-agos ng mga luha. Gaya ng sinabi niya kanina, mahal niya ang Daddy niya. But she left with no other choice. Gustuhin man niyang manatili sa tabi nito. Ngunit may sarili din siyang buhay, na sa loob ng sampung taon ay hindi niya alam kung paano siya nakatagal. Her Father, Don Lucas Ulpindo is a business tycoon. He's famous in Canada in terms of Real Estate. Halos karamihan ng mga kilalang business man doon ay kilalang kilala ito. Hindi lang sa bansang iyon, kung hindi maging sa America at United Kingdom. And because of that kind of living, she was trapped on a world that she doesn't even want to live with. Her Father is very strict. Lahat halos ng ginagawa niya ay mino-monitor nito. Lahat ng gagawin niya ay dapat niyang ipaalam dito. Mas masahol pa siya sa teenager. Kapag umaalis siya na hindi ito kasama, hindi puwede wala siyang bodyguards. He gave her the position of the Vice President in his company. Knowing that that will make her happy. Natatandaan pa niya. Noong kasama pa niya ang Mommy niya, may rason pa siya para maging masaya. She was only eleven years old that time. Ang Daddy niya ang tipo ng taong hindi marunong ngumiti. Ito ang tipo na akala lahat ay kayang mabili ng pera. Puno ito ng tiwala sa sarili, at dahil sobrang strikto nito. Walang kahit na sino sa kanila ang kayang sumalungat sa mga desisyon nito. At natatandaan pa niya kung paano naghirap ang Mommy niya sa piling nito. Noon, nakikita niya ito minsan na may mga pasa sa mukha o kaya sa braso. Sa tuwing tinatanong niya ito kung napaano ito, o kahit direkta niyang tinatanong ito kung gawa iyon ng Daddy niya. Madalas iyong itanggi nito. Kahit na minsan, sa gitna ng kanyang pagtulog ay magigising siya sa sigaw ng Mommy niya at pag-iyak nito. Hanggang sa isang araw ay hindi na nakatiis ang Mommy niya. Nag-plano itong tumakas sila. She's willing to come with her Mother. Pero sa hindi malamang dahilan, nagising na lang siya isang umaga na wala na ito. Iniwan na siya. Naiwan siya sa piling ng Daddy niya. Nang tanungin niya ang huli kung bakit umalis ang Mommy niya. Sinabi nitong sumama na daw ito sa ibang lalaki. Isang bagay na hindi niya mapaniwalaan hanggang sa mga sandaling iyon. Her Mom is very loyal ang faithful to her Father. She knows that, because she's the sole witness on how her Mom loves her Dad. Sa kabila nang p*******t nito. At sa paglipas ng mga taon, nakulong siya sa madilim na mundo na ginagalawan ng Daddy niya. Sa tuwing binabanggit niya ang Mommy niya, isang tumataginting na sampal ang natatanggap niya. She was forced to live and get by at her Father's shadow. Pero hindi na ngayon. Ngayon na malaya na siya. Hindi na siya babalik pa. Kahit na anong mangyari, hindi na siya babalik. Panahon na para mabuhay siya na walang ibang masusunod kung hindi ang tunay na plano ng Diyos sa buhay niya. Iyon ay ang maging masaya. Naputol ang pag-iisip niya nang biglang pumasok sa silid niya ang Ate Adelle niya. "Nga pala, matanong ko lang. Sino nga ulit ang naghatid sa'yo dito sa bahay? Sabi mo iyong isang Carwash Boy?" tanong pa nito. Umupo siya. Saka biglang napasimangot nang maalala niya ang mayabang na Wesley na iyon. "Wesley daw ang pangalan. Hmp! Napaka-hambog no'n! Siya na nga ang bigyan ko ng one hundred pesos na tip! Nag reklamo pa! Mahal daw ang talent fee niya! Gusto one thousand ang ibigay ko!" reklamo niya. "Ano? Si Wesley? Binigyan mo ng tip na one hundred pesos?! Seryoso ka?" gulat pang tanong nito. Nagtaka siya sa reaksiyon nito. "Oo, Ate. Bakit ba parang gulat na gulat ka? Aba, malaki na 'yong tip na binigay ko para sa isang ordinaryong Carwash Boy. Dinagdagan ko pa nga ng one hundred para tumigil na siya!" sabi pa niya. Lalo siyang nagtaka ng biglang tumawa ito. "O, Ate. Anong nakakatawa?" tanong pa niya. Umiling ito. "Wala," natatawa pa rin sagot nito. "O sige, iwan na kita muna. Mamaya, sama ka sa akin. Lalabas ako, nang maipakilala kita sa mga kaibigan ko dito." Nagtataka man. Hindi na siya nag-usisa pa kung bakit ito natawa sa sinabi niya. "O sige." Nang muli siyang mapag-isa. Hindi na nilisan pa ni Wesley ang utak niya. Kasunod niyon ay muling bumalik ang eksena nila kanina sa gate ng bahay ng Kuya niya. Biglang nag-init ang mga pisngi niya nang maalala kung paano siya napahiya sa harapan nito. Dumapa siya sa kama ay binaon ang mukha niya, saka doon tumili nang malakas. "Kung bakit ba naman kasi inisip mong hahalikan ka? Mind Reader pa yata ang lalaking 'yon! Naku, promise! Makakaganti din ako sa kanya! Kapag nagkaroon ako ng kotse dito, papa-carwash ko sa kanya. Tapos papahirapan ko talaga siya!" tungayaw niya sa sarili. Pinilig niya ang ulo nang unti-unting nagiging malinaw sa isip niya ang guwapong mukha nito. Hindi talaga ito mukhang Carwash Boy, kung paano ito magsalita ay parang propesyonal. Pero hindi rin naman siya tinama nito kanina. "Ay ewan! Bakit ko ba iniisip 'yon? Pakialam ko!" sabi pa niya. Huminga siya ng malalim saka pilit na pinayapa ang isip niya. Naroon siya para magsimula ng bagong buhay. Hindi para isipin ang kunsumihin ang sarili sa lalaking gaya ng Wesley na iyon. "HOY!" untag ni Jefti kay Wesley. Naroon silang magpipinsan ngayon sa Billiard Hall ng una na matatagpuan sa second floor ng Jefti's Restaurant, at nagpapalipas ng oras. Habang ang mga ito ay abala sa paglalaro ng bilyar, siya naman ay abala sa pagtitig sa hawak niyag dalawang daan piso. Hanggang sa mga sandaling iyon, kapag naaalala niya ang babaeng nagbigay sa kanya ng pera na iyon. Hindi pa rin niya maiwasan ang mapangiti. Iyon yata ang unang pagkakataon na naka-encounter siya ng ganoon klaseng babae. Hindi ito nagdalawang isip na ipakita dito na irritable ito sa kanya. Ang mas nakakatuwa sa ginawa nito, napagkamalan siya nitong isang ordinaryong Carwash Boy, at binigyan pa siya nito ng tip na two hundred pesos. Such an interesting lady. "Hoy!" untag ulit sa kanya ng pinsan. Sa pagkakataon na iyon, lumingon na siya dito na hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya sa labi. "Ano naman ibig sabihin ng mga ngiting 'yan?" tanong ni Glenn na kalalapit lang. Umiling siya. "Ah, nothing much." Natatawa pa rin sagot niya. "Baliw na 'yan," anang girlfriend nito na si Nicole. "Ay ako alam ko!" sabad naman sa usapan ni Jhanine. "Siguro dahil 'yan doon sa babaeng naghahanap kay Kuya Jared, no?" Pabirong kinunutan niya ito ng noo, sabay ngiti ulit. Pumapalatak na lumapit sa kanila si Marisse. "Don't tell me, Dude. Na-love at first sight ka sa kanya?" usisa pa nito. Bigla niya itong pinitik sa noo. "Loko! Anong love at first sight ang sinasabi mo diyan? Tigilan mo ako!" aniya sa pinsan. "Aray ha! That hurts!" daing nito. "Oh yeah, I know." Pang-aasar niya lalo dito. "Amina nga 'yang two hundred na 'yan! Ibili na natin ng meryenda!" sabi ni Kevin, sabay agaw sa perang hawak niya. "Hey! Give it back, Pengkum!" sabi niya, mabilis niyang binawi ang pera. "Bakit mo ba kanina pa tinititigan 'yan? Baka mamaya maging bato pa 'yan. Wala naman nagbabago sa mukha ni Diosdado Macapagal ah?" tanong naman ni Wayne. "You wouldn't believe it if I tell you." Sabi pa niya. "Go! Makikinig kami." Ani Laiza. Kinuwento niya dito ang naging pag-uusap niya at ni Bernadette. Maging ang pag-aakala nitong Carwash Boy at namamasukan siya doon at ang pagbibigay nito ng tip. Natawa ang mga ito pagkatapos ng kuwento niya. "Amazing," komento ni Sumi. "Kaya ba ayaw mong gastusin 'yan?" tanong pa ni Mark. "Oo naman! First time may nagbigay ng tip sa akin na ganitong kalaki!" sagot niya. "Hmm, 'yong tip ba talaga o iyong nagbigay?" makahulugang tanong ni Miguel. "Heh! Bawal mang-intriga!" aniya. "Tinik mo, Pinsan! Kaninang umaga lang nasampal ka ng ex mo. Ngayon naman ibang babae na naman ang pinag-uusapan natin dito. Ikaw na!" komento ni Marvin. "Do I have to thank her for putting that smile again on your face? Akala ko kanina tuluyan ka nang mababadtrip." Sabi pa ni Marisse. Tiningnan niya ito. "Yes, thanks to her." Simpleng sagot niya. "Wait, are you really that okay now?" tanong pa ni Karl sa kanya. Sasagot pa lang sana siya nang biglang dumating si Gogoy. "Wes, that man from Philippine Airforce called again. Sa tingin ko, kailangan mo na silang tawagan. Mukhang urgent eh." Sabi pa nito. Mabilis naglaho ang mga ngiti niya. Wala sa loob na nalamukos niya ang hawak niyang pera. Napapikit siya, at nahilot ang magkabilang sentido niya. Bakit ba ayaw siyang tigilan ng mga ito? Marami naman puwedeng magpalipad ng eroplano nila. "Now I'm not okay," sagot niya sa kaninang tanong ni Karl. Natahimik ang mga ito. Walang lingon-likod na bumaba at lumabas siya ng Jefti's. Dumiretso siya sa bahay nila, doon sa veranda siya nanatili. Saka nilabas ang cellphone niya at tinawagan ang kanina pa naghahanap sa kanya. "Stop calling me. Alam n'yo na ang magiging sagot ko diyan. Maraming magagaling na piloto ang Philippine Airforce. Bigyan n'yo sila ng pagkakataon." Agad niyang bungad nang sumagot ang dati niyang kasamahan. "Pare, we need an expert like you." Anito. Natahimik siya. Saka naikuyom ang isang palad niya. "Then, you came to the wrong person. Walang ekspertong pumapalpak." Seryosong sagot niya. "Pare." "I have to go. May gagawin pa ako. Pasensiya na, pero hindi ko talaga kayang gawin." Sabi pa niya. Hindi na niya hinintay pang sumagot ito. Basta na lang niya pinindot ang end call button. Ang tumawag na iyon ay dati niyang kasama sa Philippine Airforce. Wesley Cagaoan. He's a former Captain at the said agency. Pero tinalikuran niyang lahat iyon ng dahil sa isang malagim na aksidenteng kinasangkutan niya. Ngunit bago iyon, namamayagpag ang career niya bilang isang piloto. He graduated at US Airforce Academy at Colorado, USA. Bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging piloto ng isang fighter jet plane. Kaya nang magbinata at mag-migrate doon ang buong Pamilya niya. Agad niyang tinupad ang kanyang pangarap. Walang pasidlan siya ng ligaya nang matapos niya ang kurso niya doon, at agad na na-deploy. At dahil sa magandang records at academic grades. Siya ang isa sa mapalad na magpalipad ng F sixteen Falcon. Isang fighter jet plane. Limang taon siya nagsilbi sa US Airforce. Hanggang sa pauwiin siya ng Lolo Badong niya. Panahon na daw para magsilbi siya sa sariling bayan. Buong puso siyang pumayag at umuwi dito sa Pilipinas. Dahil sa maganda ang credentials niya, at background. Agad siyang natanggap doon. Sa pananatili niya sa Philippine Airforce, agad niyang nakagaanan ng loob ang mga kasamahan. Lalo na ang nagsilbing mentor niya, ang General nila. But things happened beyond his capacity. Nangyari ang hindi niya inaasahan, na siyang naging dahilan para talikuran siya ng babaeng labis niyang minahal. At siya rin dahilan kung bakit niya tinalikuran ang pagpipiloto na siyang mahal na mahal niya. Simula noon. Sinarado niya ang puso sa salitang 'pag-ibig'. Hindi na siya naniwala pa doon. He began living on his own. Jumping from one relationship to another. Hindi niya hinahayaan na maging malalim ang ugnayan nila ng babae. Alam niya, marami na siyang nasaktan at hindi niya gusto iyon. Ayaw niya nang may babaeng umiiyak ng dahil sa kanya. Pero hindi niya hawak ang puwedeng mangyayari. Matapos niyang talikuran ang pagiging piloto. Tinuon niya ang atensiyon sa pagne-negosyo. Isa sa mga hilig niya ang computers. Kaya tinayo niya ang Wesley Trading Company. They trade computer parts at mga latest gadgets sa iba't ibang malalaking kompanya dito sa bansa. Nagtayo din siya ng Computer Shops with Café sa malalaking malls. And then, came along Mondejar Cars Incorporated. Ang negosyo na siyang pinaghirapan nilang magpi-pinsan na itayo kasama ang Lolo Badong niya na kapwa hilig ang kotse. Where they sell cars from luxury to second hands. Siya ang head ng IT Department. Ngunit sa kabila ng kaliwa't kanan trabaho. Ang madilim na nakaraan na iyon ay paulit ulit pa rin nagre-replay sa utak niya. May mga gabi na hindi siya pinapatulog nito. Kung sana'y may lakas siya ng loob para muling harapin at balikan ang nakaraan. Sa edad niya na twenty nine. Marami na siyang naranasan na kung iisipin ay parang kay bigat dalhin. But he chooses to stand still despite of those nightmares. Dahil wala naman ibang tutulong sa kanya kung hindi ang sarili din niya. Tumingala siya sa langit nang may dumaan na eroplano. Sa kabila ng pagtalikod niya sa propesyon at sa madilim na nakaraan. Hindi kailan man nagreklamo. Sa halip, labis pa ang pasasalamat niya sa Diyos. Dahil pinatawad siya nito at binigyan ng pagkakataon na muling bumangon. Isa na lang ang tanging hinihiling niya. Ang mapatawad siya ng babaeng naging bahagi ng kanyang nakaraan. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang mapansin niyang dumaan sa tapat ng bahay nila si Bernadette. Kasama nito si Adelle. Nang tumingin ito sa gawi niya, napangiti siya dito. Saka kinawayan ito. Pero isang tumataginting na irap ang ginanti nito sa kanya. Tuluyan nang nawala ang bigat sa dibdib niya. How can this be? Paano na sa isang iglap ay nagawa nitong pawiin ang lungkot niya? Kasunod niyon ay bahagyang pagsikdo ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD