Chapter Four

2506 Words

EKSAKTONG isang linggo na ang nakakalipas simula nang dumating si Bernadette sa Tanangco. So far, so good. Hanggang sa mga sandaling iyon. Wala pa naman tumatawag sa kanya o dumating na mga tauhan ng Daddy niya. Kagabi, nakatanggap siya ng e-mail galing sa pinagkakatiwalaan niyang tao doon sa bahay nila. Ayon dito, extended daw ang Business Trip ng Daddy niya, at pagkatapos niyon ay diretso na ito sa Europe para din sa Business matters. Napabuntong-hininga siya. Alam niya na sa mga sandaling iyon, maaaring alam na ng Daddy niya ang kanyang pag-alis. At pihadong galit na galit na ito. Dangan lamang at nasa importanteng lakad ito kaya hindi makakilos. Huwag lang na may utusan itong mga tao, dahil kapag ganoon ang ginawa nito. Tiyak matutunton siya ng mga ito. "Ang lalim na naman ng iniisip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD