Habang hindi pa ako napapansin ng mga pulis ay nagmamadali na akong tumakbo papalayo sa lugar. Narinig ko pa nga ang malakas na sigaw ng pulis dahil tinatawag niya ako. Pero hindi ako lumingon sa kanila at tuloy-tuloy na akong tumakbo.
Sa mabilis kong pagtakbo ay hindi ko namalayang nakatingin na pala ako sa harap ng gate namin. Hingal na hingal tuloy akong napasandal sa gate namin. Akala ko’y huhulihin na ako ng mga pulis.
Nang mahimas-masan ay maingat kong binuksan ang gate para pumasok sa loob. Ngunit bigla akong napahinto sa paghakbang nang makita ko si Papa. Galit na galit itong tumingin sa akin. May hawak din itong sinturon. Mukhang alam ko na kung ano ang mangyayari sa akin.
Kahit kabado ay pinilit kong makalapit kay Papa. Kahit hindi ito magsalita ay alam kong galit na galit ito sa akin. HANGGANG sa sabihin nitong sumunod ako sa kanya. Pagpasok namin sa aking kwarto ay agad niya akong pinadapa sa kama. Mayamaya pa’y naramdaman ko ang pagpalo nito sa akin ng sinturon.
“Hindi ko alam kung kanino ka nagmana, Farah. Dahil sa ‘yo muntik nang makaladkad sa kahihiyan ang aking pangalan!” galit na sabi ni Papa. Habang hinahagupit ako ng sinturon. Hindi ako umiyak. Tiniis ko ang sakit nang paghapyot ng sinturon na hawak ni Papa.
“KUNG sakaling mahuli ka ng mga pulis at dalhin sa kulungan, itatakwil talaga kita, Farah. Isang-isa na lang Farah. Dahil oras na bigyan mo pa ako ng kahihiyan. Hindi na kita ituturing na Anak!” At muling lumapat ang sinturon ni Papa sa aking puwet. Mariin ko na lang ipinikit ang aking mga mata.
Pinilit kong hindi umiyak. Hindi ko kailangang umiyak dahil matapang ako. Kahit masakit ang aking pwetan ay pinilit ko pa ring bumangon. Balak ko sanang humakbang papalapit sa pinto ng kwarto nang bumukas ‘yun at pumasok si Mama.
Tumalikod na lamang ako para maupo sa kama. Alam ko naman na sesermonan lamang ako ni Mama. Kaya hindi ko na kailangan magtanong pa kung bakit nandito ito sa aking kwarto.
“Farah, hindi ko alam kung ano’ng nangyayari sa ‘yo? Bakit ka ba nagkakaganiyan? Ano bang problema mo, anak. Dahil sa katigasan ng ulo mo kaya nasasaktan ka ng Papa mo,” anas ng aking Ina.
Tumingin ako kay Mama. Nakikita ko ang lungkot sa mukha ng aking Ina.
“Wala naman akong balak pumunta roon, Ma. Si ate Fatty lang ang makulit. Ang sabi niya minsan lang daw at siya na lang daw ang bahala! No choice ako Ma. Lalo na noong hinila niya ako papalabas ng gate,” malungkot na sabi ko.
Kitang-kita ko naman sa mukha ni Mama ang pagkagulat. Hindi ko alam kung maniniwala ito sa akin.
“Farah, totoo ba ‘yang sinabi mo? Tiyak na magagalit ang Papa mo sa ate Fatty mo.”
“Totoo po, Ma. Pagdating ko po roon ay hindi pa nagsisimula ang laban ngunit may mg dumating na ka agad na mga pulis. Kaya mabilis po akong tumakbo pabalik dito,” anas ko ulit sa aking Mama.
Hindi ito nagsalita. Ngunit may kinuha itong cellphone at may tinawagan. Nagpaalam din si Mama para lumabas. Nagkibit balikat na lamang ako.
Ngunit hindi pa nakakatagal si Mama nang lumabas nang muling bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok naman si ate Fatty. Hindi ako nagsalita, nakatingin lamang ako rito.
“Muntik ka nang mahuli ng pulis, Farah. Bakit kasi pumunta ka pa roon? Ayan tuloy napalo ka ni Papa. Ang tigas naman kasi ng ulo mo---”
Napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi ni ate Fatty. Bangag ba si ate Fatty nang makausap ko siya kanina? Nakakapagtaka naman na hindi nito alam ang mga pinagsasabi nito sa akin? Balak ko sanang ibuka ang aking bibig nang halos magkakasunod na pumasok sina papa at mama rito sa aking kwarto.
Wala akong mababakas na ngiti sa mukha ni Papa. Ganoon din kay Mama. Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari.
“Fatty, totoo ba ang sinasabi ni Farah na ikaw mismo ang nagtulak sa kanya na umalis para mag-boxing? Ikaw rin ba ang tumawag sa mga pulis kaya nalaman nila na may nangyayaring boxing sa tabing dagat! Sagot, Fatty!” galit na galit na sabi ni Papa. Nanlilisik din ang mga mata nito habang nakatingin sa aking kapatid.
“Pa, makinig ka muna sa akin. Huwag muna ninyo akong husgahan. Yes, ako talaga ang tumawag ng pulis upang bigyan ng aral ang aking kapatid. Dahil hindi siya nagpatinag sa pagpunta niya sa boxing. Ilang beses ko po siyang sinabihan, Ma, Pa. Ngunit ayaw niyang maniwala sa akin. Kaya napuno na po ako sa kakulitan niya. Kaya nasabi ko ang mga katagang--- sige pumunta na siya roon. Dahil ayaw niyang mapigil sa akin. Sorry po, Pa, Ma. Dahil sa aking muntik na nang makulong si Farah,” anas ng kapatid ko. At yumuko rin ito. Kitang-kita ko ring nagpahid ng luha ni ate Fatty.
Pasimple naman akong umismid dahil ang ibang mga sinabi nito ay hindi totoo. Ngayon ko lang nalaman na may pagkasinungaling pala ang aking ate Fatty. Nakakainis lamang.
“Okay, pagbibigyan kita ngayon Fatty. Sana’y huwag na itong maulit ang pinangunahan mo kami ng Mama mo. Lumabas ka na dahil kakausapin ko pa ang kapatid mo,” walang kangiti-ngiti na pagtataboy ni Papa sa aking kapatid.
Hanggang sa kaming tatlo na lang ang naiwan dito sa aking kwarto. Iiling-iling na tumingin sa akin si Papa.
“Hindi ko puwedeng hayaan na lang ang ginawa mo, Farah. Bukas na bukas din ay ipapahatid kita sa Ninang Teylyn mo. Habang hindi ka pa pumapasok sa school ay roon ka muna at baka sakaling magtino ka roon. Ngunit kapag gumawa pa ng kalokohan doon, ang magiging bagsak mo ay sa tita Ana mo!” mariing sabi ni Papa sa akin.
Marahan akong tumango kay Papa. Wala naman akong magagawa kundi sundin ang pinag-uutos nito. Hindi naman sila nagtagal dito sa loob ng aking kwarto. Nang lumabas sila ay nahiga na lamang ako sa kama. At tuloy-tuloy na akong nakatulog. Hindi na nga ako kumakain dahil wala akong gana.
Kinabukasan ay maaga akong ginigising ni Mama para kumain. Siya na raw ang bahala na mag-ayos ng mga gamit ko. Ngunit panay rin ang bilin nito sa akin na huwag daw akong magpapasaway sa poder ng Ninang Teylyn ko. Panay lang ang tango ko rito.
Pagbaba ko ng hagdan ay nasalubong ko si Ate Fatty. Nanlilisik ang mga mata nito na tumingin sa akin. Nakita ko rin na hirap itong maglakad. Ano kayang nangyari rito? Magtatanong sana ako rito. Ngunit nilampasan lamang ako nito. Pero ramdam ko ang galit ng kapatid ko sa akin.
Tuloy-tuloy na lamang akong pumunta sa kusina para kumain. Nasalubong ko si Yaya Bering. Agad akong nagtanong dito at baka alam nito ang nangyari kay ate Fatty. Hindi muna nagsalita si Yaya Bering. Ngunit hinila niya ako papunta sa labas ng kusina.
“Narinig ko kasing pinagagalitan siya ng Mama mo kagabi dahil may mali rin daw siya. Sa aking pagkakaalam ay napalo rin siya katulad ng ginawa sa ‘yo ng Papa mo. Ano ba talagang tunay na nangyari, ha?” tanong sa akin ni Yaya.
“Nagpunta po ako sa boxing kahapon sa tabing dagat. Tapos tumawag pala ng pulis si ate Fatty. Ang nakakainis lang po ay binaliktad niya ako. Samantalang siya ang nag-utos sa akin na pumunta ako roon dahil siya na raw ang bahala. Simpre, natuwa ako. Kaya pumunta talaga ako, Yaya. Tapos malalaman ko na gusto niya akong ipahuli sa pulis,” sumbong ko sa akinv Yaya.
“Naku! Pasaway ka talagang bata ka. Sana’y huwag na itong maulit, Farah. Tingnan mo ang mangyayari sa ‘yo. Ipapadala ka sa Ninang Teylyn mo. Magtino ka na roon, ha. Dahil oras na magpasaway ka pa roon. Tiyak na sa lunsod na ang bagsak mo!” sermon sa akin ni Yaya Bering.
Kakamot-kamot na lamang ako sa aking ulo. Hindi tuloy ako makapagsalita. Hanggang sa yayain na ako nito na pumunta sa hapagkainan para kumain. Nagmamadali akong lumapang dahil baka mainip na sina mama at papa. Ihahatid daw nila ako papunta kay Ninang Teylyn. Medyo kabado ako dahil medyo masungit ‘yun.
Pagkatapos kumain ay nagmamadali akong pumanhik sa aking kwarto. Nakita kong maayos na ang mga gamit ko at nakagalay na isang bag. Nang makapagbihis ay agad kong kinuha ang aking bag para lumabas ng aking kwarto. Ngunit nakita ko si Ate Fatty.
“Sana huwag ka nang bumalik, dahil salot ka sa pamilyang ito. Puro kahihiyan lang ang sinasapit nina mama at papa!” galit sa sabi sa akin ni ate Fatty.
“Babalik pa rin ako, ate Fatty. Dahil ako ang bunsong anak nila. Saka, kasalanan mo rin kasi dahil sinungalin ka---” Ngunit malakas nitong sinampal ang aking mukha. Pakiwari ko’y parang umikot ang paningin ko. Ngunit mabilis akong lumingon sa aking Ate.
“Kinahihiya kitang maging kapatid ko, ate Fatty!” Sabay hakbang ko at binangga ko pa talaga ito. Kamuntik na nga itong matumba. Ngunit wala akong pakialam. Bigla kasing nawala ang paggalang ko rito dahil sa ginawa niya sa akin.
Pagpasok sa loob ng kotse ay agad na pinatakbo ni Papa ang sasakyan. Halos tatlong oras din bago kami nakarating sa bahay ni Ninang Teylyn. Hindi pa nga kami nakakababa ng kotse ay sinalubong na agad kami ni Ninang Teylyn.
Naunang lumabas ng kotse sina papa at mama. Habang papalabas ako ng sasakyan ay bigla akong napatingala at nakita ko ang isang lalaking gwapo na nakadungaw sa bintana. Ito siguro ang anak ni Ninan Teylyn na ang sabi ni Mama ay graduating ng college.
Umiwas na lamang ako ng tingin dahil nakita kong nakatingin ito sa akin. Parang nakakatakot naman ang anak ni Ninang Teylyn.