bc

Agent Series 15 : Officially Yours (SPG R-18)

book_age18+
8.8K
FOLLOW
135.2K
READ
one-night stand
HE
age gap
fated
gangster
serious
like
intro-logo
Blurb

Spoiled brat, happy-go-lucky iyan ang tingin ng mga taong nakapalibot kay Farah Sammy, lalo na ang mga magulang niya, hindi naman niya maitatangi ang bagay na iyon. Hindi katulad ng ate Fatty niya na may ginintuang puso. Siguro nang magsabog ang Diyos ng katalinuhan at kabaitan ay nasalong lahat ng Ate niya.

Dahil sa kunsumisyon sa kaniya ng mga magulang ay pinadala siya sa Maynila sa kapatid ng kaniyang Ama. Walang pagtututol na tinanggap niya ang gusto ng mga magulang niya.

Walang pagdadalawang isip na tinanggap siya ng Tita Ana niya lalo at mag-isa lang ito sa buhay o mas tamanng sabihin na matandang dalaga. Dito niya naranasan pagmamahal at tanggap siya kung ano lang ang kakayahan niya bilang tao. Yes, aaminin niyang hindi siya kasing talino ng kapatid niya, eh, ano’ng magagawa niya kung kasing liit lang ng monggo ang utak niya.

Bumilang ng maraming taon na hindi sila nagkita ng mga magulang, kahit simpleng pangangamusta ay wala siyang narinig mula sa mga ito. Ngunit tanggap na niya iyon.

Hanggang isang araw ay ipatawag siya ng kaniyang boss na si Zach Fuentebella, dahil sa misyon niya sa Sta. Luz. Ito rin ang lugar ng mga magulang niya. Wala naman siyang magawa kundi tanggapin ang trabaho.

Sa muli niyang pagtungtong sa Sta. Luz, mag-iba na kaya ang tingin sa kaniya ng mga magulang? At sa lugar rin kayang iyon ay mahanap niya ang kaniyang Mr. Right?

ABANGAN!

chap-preview
Free preview
ASIN
Hindi maipinta ang mukha ko habang naglalakad papauwi sa aming bahay. Panay rin ang hilot ko sa aking noo dahil sobra akong stress sa aking grades. Nakakainis naman kasi. Paano ba naman na hindi ako mag-aalala, eh, puro palakol ang aking grado. Ang pinakamataas lang ay 75 na grades ko, ang iba ay puro 72, 71 at 70. Tiyak na balik na naman ko nito sa second year high school, sigurado akong galit na galit na naman sa akin si Papa. Baka itali na ako sa puno ng bayabas na puro langgam. “Farah, bakit malungkot ka?” Napalingon ako sa tumawag sa akin, walang iba kundi ang kaibigan kong si Lisy, hawak-hawak nito ang card niya. “Bagsak na naman ako at nakakatiyak akong muli na naman akong babalik sa second year high school. Lagot na talaga ako nito kay mama at papa. Dalawang taon na ako sa second year at mukhang magtatatlong taon pa yata!” surang-sura na kwento ko sa aking kaibigan. “Ano ba naman ang pinaggagawa mo? Bakit bagsak ka na naman? Alam mo Farah, hindi ka naman bobo, tamad ka lang talaga maga-aral. Lagi kang laman ng boxing ring, kung hindi naman ay nandoon ka sa bilyaran, halos hindi ka na pumapasok sa school!” sermon sa akin ni Lisy. Napahilamos na naman ako sa aking mukha. Sino ba kasing nag-imbento na mag-aaral pa ang isang tao. Puwede naman kapag marunong magbasa o pagsulat ay okay na ‘yun. Hirap na hirap tuloy akong maka-graduate. Nakakainis naman! “Farah, tingnan mo ang Ate Fatty mo, sikat na sikat sa campus nila, dahil na rin sa sobrang talino niya. . . Ngunit hindi mo naman kailangan pantayan ang Ate mo. Ang kailangan mo lang ay mag-aral at huwag puro barkada,” anas ni Lisy, habang panay ang iling ng ulo. Isang marahas na buntonghininga ang pinakawalan ko. Wala kasi akong masabi sa mga tinuran ni Lisy. Gusto ko namang mag-aral, ngunit kapag nasa loob na ako ng classroom ay inaantok ako. Kaya ayon, lumalabas talaga ako ng classroom at pumunta sa bilyaran. Sa bakod ako dumadaan para walang makakita sa akin. Hindi rin kasi puwedeng dumaan sa gate lalo at may security guard na nakabantay roon. “Farah, makinig ka sa akin dahil para sa ‘yo rin naman ang sinasabi ko. Baka ang labas niyan ay tumanda ka na riyan sa second year high school.” Tinapik pa niya ang aking balikat bago ito umalis. Muli na naman akong napag-isa. Saka parang ayaw ko nang umuwi dahil katakot-takot ako sa sermon na aking maririnig mula sa mga magulang ko. Ngunit no choice naman ako kundi harap ang mala-tiger na galit nina mama at papa. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa harap ng gate ng bahay namin. Parang nagdadalawang isip pa akong bukas ito. Ngunit biglang kumunot ang aking noo dahil narinig ko ang boses nina mama at papa na nagkakasiyahan at kasama rin nila si ate Fatty. Kahit nag-aalangan akong pumasok ay wala rin naman akong magagawa kundi harapin sila. “Naku, kailangan natin magdiwang anak, ngayon pa lang ay binabati na kita,” narinig ko ang boses ni Mama at tila tuwang-tuwa ito. Nakayuko na lamang akong pumasok sa kabahayan sana lang ay hindi nila ako mapansin. “Farah, mabuti naman at dumating ka na, teka, kamusta naman ang mga grades mo? Siguro naman ay hindi ka na babalik sa second year high school?” tanong sa akin ni Mama nang mapansin ako. Hindi ako nagsalita, ngunit agad kong kinuha ang aking card para ipakita kina mama at papa. Minasdan ko ang mukha nila at kitang-kita kong sabay na dumilim iyon. Kabadong napakagat labi tuloy ako. “Diyos ko naman, Farah? Anong klaseng grado ito? Ganiyan ka ba talaga ka bobo, ha?!” galit na sigaw ni Mama sa akin at nanlilisik din ang mga mata ito. Napatingin naman ako kay Papa na nagmamadaling umalis sa harap namin para pumunta sa kusina. Hindi naman ito nagtagal doon at muli ring bumalik. Nanlalaki naman ang mga mata ko nang makita kong may dala-dala itong asin. Pagkatapos ay agad na ibinuhos sa aking harap. “Dapat noon ko pa ito ginawa, Farah. Upang magtino ka. Sige lumuhod ka sa asin! Huwag na huwag kang aalis diyan hangga’t hindi ko sinasabi!” “Pa. . . Masakit po ang lumuhod sa asin, paluin na lang po ninyo ako---” nakikiusap na sabi ko sa aking Ama. Ngunit tila bingi ito. Dahil agad akong hinawakan sa aking braso at sapilitan na pinaluhod sa asin. Mangiyak-ngiyak ako nang lumapat ang aking tuhod sa maraming asin. Ramdam ko ang sakit noon. Ngunit kailangan kong tiiisin dahil ako rin ang may kasalanan. “Huwag na huwag kang aalis diyan, Farah. Hindi ko alam kung saan ka nagmana sa kabobohan mo. Walang-wala ka talaga sa Ate mo!” biglang singit ni Mama. Hindi na lamang ako nagsalita, hanggang sa mapunta ang mga mata ko kay Ate Fatty, napansin kong umiling-iling ito sa akin. Kaya umiwas na lamang ako ng tingin dito. Nasundan ko na lang ng tingin ang pamilya ko habang papalabas ng kabahayan dahil balak nilang ipagdiwang ang mataas ng marka ni ate Fatty. Hindi katulad ko na hindi man lang nila puwedeng ipagmalaki sa mga tao o sa mga kaibigan nila. Marahas tuloy akong napahinga at tiniis ang sakit ng aking tuhod habang nakaluhod ako sa asin. Nahilot ko rin ang aking noo. Kailangan ko na yatang magpakatino at baka tuluyan nang magalit sa akin sina mama at papa. Napansin kong mukha kinahihiya nila ako. Lalo na kapag nagpapatawag ng meeting sa school namin, ngunit kahit isang beses ay hindi man lang si Mama pumupunta, palaging si Yaya Bering ang pinapupunta nila. Hindi katulad kapag sa school ni ate Fatty, palaging active si Mama. Katwiran nito sa akin, sino raw ang gaganahan na pumunta sa mga meeting sa school ko kung hindi man lang niya maipagmamalaki ang aking grades. Siguro’y kailangan ko nang ipakita sa kanila na kaya ko rin naman. Huwag lang akong antokin sa classroom. Humugot ulit ako ng malalim na hininga upang kahit papaano ay maibsan ang sakit ng tuhod ko. Hanggang sa lumapas ang mahabang sandali, ngunit nandito pa rin ako nakaluhod sa asin. Narinig ko na rin ang ugong ng sasakyan na huminto sa tapat ng bahay namin. Alam kong dumating na sina mama, papa at ate Fatty. Mayamaya nga’y nakita ko ang bulto ni Papa. Seryoso itong tumingin sa akin. Umiwas na lamang ako ng tingin dito. Tumayo si Papa sa aking harapan. Seryoso itong tumingin sa akin. "Siguro naman ay magtatanda ka na, Farah? Nakakahiya ka? Hindi man lang kita maipagmalaki. Ang layo-layo mo sa ate mo. Walang-wala ka sa kanyang kalingkinan!" Hindi ako nagsalita. Ngunit para sa aking puso ay sobrang sakit ni Papa na magsalita. Sabagay, may punto naman ito. Nakakahiya talaga ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Man of Vengeance [Roxanne Montereal Series19]

read
11.3K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
78.7K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.3K
bc

BS05: Carrying My Husband's Child[COMPLETED]

read
50.2K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

Dangerous Spy

read
311.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook