KUYA ONYX

1401 Words
Umiwas na lamang ako ng tingin sa lalaki. Itinuon ko ang aking pansin kina ninang Teylyn at mama. Seryoso silang nag-uusap. Hindi rin muna ako lumapit sa kanila. Mayamaya pa’y biglang lumingon sa akin si Ninang Teylyn. Dali-dali itong lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. “Dalaga ka na nga, Farah. Teka ilang taon ka na ba?” tanong ni Ninang sa akin. “Hmm! 17 years old po, Ninang Teylyn,” nakatungong sagot ko. “So, college ka na ba, Farah?” tanong ni Ninang sa akin. “No, dahil second year high school pa rin siya. Nakailang balik na iyan sa high school. Pangatlo na ngayon. Iwan ko ba riyan sa inaanak mo. Hindi naman ako ganiya noong nag-aaral pa ako. Puro boxing at bilyard ang inaatupag, daig pa ang lalaki!” tuloy-tuloy na litanya ni Papa. Habang panay rin ang iling nito. Tinablan naman ako ng hiya dahil ibinuko ako ni Papa. Lalo na at si Ninang Teylyn ang kaharap. Ngumiti naman si Ninang na humarap sa akin. Hinaplos din nito ang likod ko na para bang sinasabi na ayos lang ‘yun. Ngunit narinig kong sinabi ni Ninang Teylyn kina papa at mama na siya na raw ang bahala sa akin. Kaya wala raw dapat ipag-alala ang mga magulang ko. Bago umalis ay panay ang bilin sa akin ni Papa na magtino ako rito. Matuto raw akong mahiya dahil nasa ibang bahay ako. Panay lang ang ‘opo’ ko sa kanila. Hanggang sa tuloy-tuloy na silang umalis sa aking harapan. Ngunit habang papalayo ang sasakyan nila ay sinusundan ko pa rin sila ng tingin. “Farah hija, pumasok na tayo sa loob ng bahay. Itatahid na kita sa kwarto mo. Magpahinga ka muna. Mamaya na lang kita ipapakilala sa aking anak. Sasabihin ko na sa ‘yo ka agad, hija. Ayaw na ayaw ni Onyx ang maingay. May pagkasuplado kasi ang aking anak na ‘yun…” bulong ni Ninang sa akin. Marahan na lamang akong tumango. Hanggang sa makarating kami sa magiging kwarto ko. Malaki rin naman ang aking silid. Mukhang pinaghandaan ni Ninang ang pagpunta ko rito. Pabagsak na lang akong nahiga sa kama. Hindi nagtagal ay tuloy-tuloy akong nilamon ng karimlan. Ngunit nagising ako sa mga katok sa pinto ng silid na kinalalagyan ko. Marahan akong bumangon para buksan ang pinto ng kwarto na kinalalagyan ko. Agad na tumambad sa aking harapan si Ninang Teylyn. May ngiti sa labi nito nang makita ako. Sinabi rin ni Ninang Teylyn na bumaba na raw ako dahil kakain na raw kami ng haponan. Agad naman akong sumunod sa aking Ninang. Nagulat pa nga ako nang makita ko ang lalaking namataan kong nakadungaw sa bintana kanina lang. Ang masasabi ko lang ay mas gwapo ito sa lamapitan. “Mom, sabihin mo riyan sa bisita mo, hindi uso rito ang kailangan pang tawagin kapagkakain. Kung ganiyan ang gawain niya sa kanila, hindi puwede rito sa bahay natin!” masungit na sabi ng lalaki. Bigla tuloy akong napayuko ng ulo. “Onyx anak. Ako naman ang nagsabi sa kanya na magpahinga muna at tatawagin ko na lang siya kapag kakain na. Hayaan mo’t ako na ang bahala sa kanya. Kumain na tayo. At baka nagugutom na itong inaanak ko.” Agad akong hiyaya ni Ninang na maupo sa bakanteng silya. Medyo naiilang ako. Lalo na sa anak ni Ninang. Parang nakakatakot itong kasama sa loob ng bahay. Hindi tuloy ako nakakain ng maayos. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang umalis ang lalaki at kami na lang ni Ninang ang naiwan dito. Balak ko sana itong tulungan magligpit ng mga pinagkainan namin. Ngunit inawat ako nito. Umakyat na lang daw ako sa aking kwarto. Agad ko namang sinunod ang pinag-uutos nito. Aaminin kong pagdating sa paghuhugas ng plato ay maaasahan ako. Huwag lang ang pagluluto. Tiyak na walang kakain noon. Pagpasok sa loob ng kwartong nakalaan sa akin ay agad akong pumasok sa loob ng banyo para maligo. May nakita akong malaking salamin kaya matagal kong tinitigan ang aking sarili habang nakasuot ng panty at bra. Nasa edad 17 years old pa lang ako. Ngunit nakikita ko na agad ang hubog ng aking katawan. Kailangan ko na pa lang magpakatino dahil matanda na ako sa high school. Nahilot ko tuloy ang aking noo. Ngunit bigla akong napatingin sa kabilang pinto ng banyo. Nagulat pa nga ako nang bumukas ‘yun. Nanlalaki tuloy ang aking mga mata dahil may pinto pa pala roon. Hanggang sa tumambad sa aking harapan ang anak ni Ninang Teylyn. Parang hindi ako nito nakikita at tuloy-tuloy lang na pumasok sa loob ng banyo na kung saan ako naroon. Narinig kong nagto-toothbrush ang lalaki. Hindi ko tuloy alam kung tatakbo ba ako papalabas ng banyo. Ngunit pakiramdam ko’y parang dumikit na yata ang aking mga paa sa tiles. Nagdadasal tuloy ako na sana ay lumubog na lang ako sa kinatatayuan ko lalo at naka-panty at bra lamang ako. “Hindi ba sinabi sa ‘yo ni Mommy na iisang banyo lang ang ginagamit natin?!” masungit na tanong ng lalaki sa amin. “Hindi pa po sinasabi sa akin ni Ninang Teylyn,” anas ko habang nakayuko ang ulo. “Ngayon alam mo na. Ayaw na ayaw ko ang makalat ang loob ng banyo. At kung puwede. Parihas mong i-lock ang pinto kapag maliligo ka, babae!” Sabay talikod nito sa akin. Malakas pa nga nitong ibinagsak ang pinto ng banyo. Dali-dali naman akong lumapit sa pinto na nilabasan ni kuya Onyx para i-lock ito. Bigla rin akong napahawak sa aking dibdib dahil sobrang lakas ng kabog noon. Kaya ang ginawa ko na lang ay nagmamadali akong naligo. Baka kasi biglang kumatok ang lalaki. Dali-dali kong kinuha ang tuwalya para ilagay sa aking katawan. Bago lumabas ng banyo ay inalis ko muna ang pagka-lock ng kabilang pinto. Agad din akong naglagay ng damit sa aking katawan. Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok nang bumukas ang pinto ng banyo. “Di ba kasasabi ko lang sa ‘yo na ayaw ko ng makalat sa loob ng banyo!” galit na sabi ni kuya Onyx sa akin. Habang hawak-hawak nito ang bra at panty. Dali-dali tuloy akong lumapit dito at agad na kinuha ang aking bra at panty mula sa kamay nito. “Pasensya na po, kuya Onyx. Hindi na po mauulit,” anas ko habang nakayuko ang aking ulo. Wala naman akong narinig na salita sa lalaki. Bagkus ay muli itong pumasok sa loob ng banyo at malakas na ibinagsak ang pinto. Bigla ko tuloy natapik ang aking ulo. Inilagay ko na lang sa marumi ang aking bra at panty. Pagkatapos ay agad akong nahiga sa kama. Nakatulog naman ako ka agad. Pagdating ng kinabukasan ay maaga akong nagising. Agad din akong bumangon para pumunta sa kusina upang tulungan si Ninang sa gawaing bahay. Sabi nga pala ni Ninang ay hindi pa raw bumabalik ang kasambahay nila nagbakasyon sa Probinsya kaya si Ninang Teylyn muna ang gumagawa sa gawaing bahay. Saktong baba ko ng hagdan ay nakita ko si kuya Onyx. “You, siguro naman ay marunong kang magsaing, ‘di ba? Wala si Mommy. Kaya ikaw na muna ang magsaing dahil ikaw ang babae.” Sabay alis nito sa aking harapan. Napakagat labi tuloy ako. Hindi man lang ako hinintya sumagot. Bahala na nga! Kaya naman dali-dali akong pumasok sa kusina para magsaing. Kahit kabado ay ginawa ko pa rin ang inuutos sa akin ni kuya Onyx. Wala kasi akong makitang rice cooker. Kaya no choice ako kundi magluto sa apoy. ITO ang pinaka-hate ko sa lahat ang magluto. Kaya ko ito. Mayabang ako, eh. Habang naghihintay na maluto ang sinaing ko ay naupo muna ako. Malalim din akong nag-isip. Ngunit nagdaan ang mahabang oras nang bigla akong napatayo dahil nag-aamoy na ang aking sinaing. Dali-dali ko tuloy pinatay ang apoy. Natatakot din akong bukas ang kaldero. Gosh! Ano’ng gagawin ko? Kailangan ko bang magsaing ulit? “Nakapagluto ka na ba, Farah? Teka ano'ng amoy na 'yun?” Suminghot pa si kuya Onyx. Habang hindi maipinta ang mukha nito. Humakbang din ito papalapit sa kaldero. Labis tuloy akong nataranta sa balak gawin ni kuya Onyx. “Kuya Onyx, teka lang muna---” At mabilis na hinarang ko ang aking katawan sa kaldero na balak nitong buksan. Kitang-kita ko namang kumunot ang noo ni kuya Onyx. Sobrang dilim din ng mukha nito. ”What’s your problem, Farah?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD