Nang alam kong malapit na sila ay basta ko na lang pinagbabaril ang mga hita nila. Isa-isa naman silang bumagsak sa lupa. HANGGANG sa tumingin ako kay lolo. Agad kong binaril ang tali sa katawan nito at tuluyang naalis ‘yun. Bumaling naman ako sa lalaking binaril ko sa kamay. Bigla itong napaurong at ramdam ko ang takot nito. Lalo na nang itutok ko ulit dito ang aking baril na hawak. “Isang tanong, isang sagot lang, huh. Sinong nag-utos sa inyo na pagnakawan ang aking lolo?!” galit na tanong ko. Mabuti na lang pala at umuwi ako rito kaya nalaman ko ang nangyayari sa aking lolo. Kung hindi siguro ako umuwi rito baka isang malamig na bangkay na si lolo. Tiyak na galit na galit si tita Ana kung mangyari ‘yun. Humakbang ako papalapit sa lalaki na patuloy sa pag-urong. Kitang-kita ko rin na