Lumingon lamang ako sa lalaki. At alam kong tauhan ito ni kuya Onyx. Hanggang sa walang kahirap-hirap akong tumalon papunta sa lupa. Balak ko sanang tumalon papunta sa pader ng aking bahay ngunit mahahalata nito na roon ako nakatira. Nang lumapat ang aking paa sa lupa dali-dali akong nagtago. Ngunit maingat akong gumapang papalapit sa kabilang pader. May nakita akong malaking bato. Agad akong umapak dito at walang kahirap-hirap akong sumampa sa ibabaw ng pader sabay talon papunta sa aking lupain. Walang katunog-tunog na lumapat ang aking paa sa lupa. Wala na akong sinayang na oras. Nagmamadali na akong pumasok sa loob ng bahay ko. May magandang ngiti ang nakapaskil sa aking labi nang tuluyan akong makapasok sa loob ng aking silid. Isa- isa kong inalis ang lahat ng mga saplot ko sa aking