Inis na inis akong tumingin sa mga lalaking papalapit sa akin. Halos gusto kong magmura dahil sobrang bilis nilang lumapit para silang mga ipo-ipo sa bilis ng galaw nila. Teka nga muna paano ba makipaglaban, noong nandoon ako kay lolo ay palagi ako nito na tinuturuan kung papaano makipaglaban. Ngunit matagal na ‘yun! Wala na akong maalala. Ah! Bahala na nga! Saka masakit ang hawak nilang arnis kaya hindi ako basta magpapatama sa kanila. Kaya naman mabilis kong inangat ang hawak kong arnis upang saluhin ang pagtama ng isang arni sa aking katawan. Tumingin ako sa mata ng tao na balak akong hampasin ng arnis. Alam kong bihasa ito sa training. Siraulo yata ang Zach Fuentabella na ‘yun? Isasabak ka agad ako sa training, eh, hindi pa nga ako sanay makipaglaban. Nakakaloka naman! Bahala na n