Mabilis ulit akong lumangoy papunta sa ilalim ng tubig. Agad akong papunta sa loob ng cr. Bukas ang pinto kaya mabilis akong nakalangoy papasok sa loob. Punong-puno rin ng tubig dito. Wala ring madaanan. Kaya naman muli akong lumangoy papalabas ng banyo at lumapit sa pinto ng kwarto na ‘to. Kailangan kong makaalis dito bago pa ako maubusan ng hangin sa aking katawan. Hinawakan ko ang door knob para buksan ko ito. Ngunit kahit ano’ng hila ko ay hindi pa rin mabuksan-buksan. Hanggang sa umikot ang mga mata ko sa buong paligid ng silid na punong-puno ng tubig. Napansin kong malinaw ang tubig at may ilaw pa rin. Aba ang galing, ah? Hanggang sa muli akong napatingala sa kisame. Hindi pa masyadong lumalapat ang tubig sa kisame kaya naman dali-dali akong lumangoy papunta roon upang muling sumag