Huwag Kang Tamad!

1825 Words
Magkakasunod akong napalunok at tila ba nanunuyo rin ang aking lalamunan habang nakatingin kay kuya Onyx. Hindi ko rin alam kung papaano magpaliwanag sa lalaki. Hanggang sa hawakan ako nito sa aking balikat at pilit akong inalis mula sa pagkakaharang ko sa kanya upang hindi nito makita ang nilalaman ng kaldero. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at naghintay ako ng sermon ni kuya Onyx. “Damn! Marunong ka bang magsaing, Farah?!” narinig kong bulalas ni kuya Onyx. Bigla tuloy akong napatungo ng wala sa oras. Hanggang hawakan nito ang aking panga at sapilitan na ini-angat. Nang tuluyang magtitigan ang mga mata namin ay kitang-kita ko ang galit na nakapaskil sa mukha nito. “Marunong ka bang magsaing, Farah?!” pasinghal na tanong ulit sa aking ni kuya Onyx. Hindi ka agad ako nakapagsalita. Ngunit panay ang lunok ko at hindi ko alam kung ano ang sa aking sasabihin. “Farah! Bingi ka ba?!” “Hindi po ako marunong magsaing kuya Onyx. Sorry po talaga. Uulitin ko lang pong magsaing ---” Nakita kong natatawa ito habang panay ang iling ng kanyang ulo. “Uulitin? Nagpapatawa ka ba? Hindi mo man lang ba naiisip na sayang ang kanin na ‘yun kapag tininapon mo lang? Naturingan kang babae hindi ko naman pala marunong maluto, Farah! Ilang taon ka na ba?!” mariing tanong nito sa akin. Lalo namang humigpit ang pagkakahawak ni kuya Onyx sa aking panga. Hindi ka agad ako nakapagsalita. Nakatingin lamang ako sa mukha ng kuya Onyx ko. “Ano hindi mo rin ba alam kung ilang taon ka na, Farah?!” gigil na gigil na tanong ni Kuya Onyx sa akin. “Hmmm! Labing pitong taong gulang na po ako, kuya Onyx. Bi-Bitawan mo po ako dahil nasasaktan po ako,” pakiusap ko sa lalaki. Kitang-kita ko namang nakatiimbaga ito at ramdam na ramdam ko ang galit ng lalaki sa akin. Hanggang sa bitawan ako nito. Agad itong tumalikod para harapin ang kaldero. Nakita kong naghahain na ito. Teka kakainin pa ba nito ang niluto kong kanin sunog at malambot ‘yun. Nakita ko ring dalawang plato ang inilagay nito sa ibabaw ng lamesa. “Maupo ka na nang makakakin na tayo Farah, kailangan nating kainin ang kanin na niluto mo. Hindi natin iyan puwedeng itapon na lang!” galit na sabi ni kuya Onyx. Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lamang ako sa kanin na ngayon ay nasa ibabaw ng lamesa. Napansin kong mas sunog na sunog ang napunta sa plato ni kuya Onyx kay sa aking plato. Ngunit amoy pa rin ang amoy sunog noon. Ang masama pa’y sobrang lambot din ang kanin at para bang walang ngipin ang kakain noon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Hindi ko naman akalain na mangyari ito sa akin. Bakit ba pati pagsaing ay hindi ko man lang pinag-aralan. Gosh! Nakakahiya naman talaga. Kung alam ko lang na pagsasaingin ako rito sa bahay nina ninang Teylyn noon pa sana ako nag-aral magsaing. “Maupo ka na Farah. Ano pang hinihintay mo pasko?!” pasinghal na sabi sa akin ni kuya Onyx. Nahihiyang naupo ako sa bakanteng silya. Napatingin din ako ulam na hinanda ni kuya Onyx. Ginisang repolyo na may sahog na atay ng manok. At ang katambal ay pritong isda na tilapya. “Kumain ka na Farah,” anas ng lalaki sa akin. Kumuha lang ako ng isdang prito dahil hindi naman ako kumakain ng gulay. Magsisimula na sana akong kumain nang muling magsalita si kuya Onyx. Wala rin itong kangiti-ngiti na tumingin ito sa akin. “Hindi ka kumakain ng gulay Farah?!” galit na tanong sa akin ni kuya Onyx. “H-Hindi po, kuya Onyx---” Sabay tungon ko. Dahil nahihiya talaga ako. Wala na akong narinig na salita mula s lalaki. Wala kaming imikan habang kumain. Pinilit ko lang kainin ang kanin kahit sunog at malambot. Hanggang sa matapos nang kumain si Kuya Onyx. Tumayo na ito at tuloy-tuloy na akong iniwan dito sa hapagkainan. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng mawala na rito si kuya. Kahit papaano ay nakakain ako ng maayos nang umalis ang lalaki. May ngiti sa aking labi nang tuluyan akong mabusog. Kahit na sabihin pang hindi maganda ang pagkakaluto ko ng kanin. Mabilis kong iniligpit ang mga pinagkainan namin at hinugasan ko na rin ang mga plato. Kasalukuyan akong nagpupunas ng mga plato nang biglang sumulpot sa aking harapan si kuya Onyx. Naghintay ako nang sasabihin nito sa akin. “Pumasok ka na sa kwarto mo, Farah. Huwag kang lalabas hangga’t hindi ko sinasabi sa ‘yo. Parating ang mga kaibigan ko. Hindi ka nila puwedeng makita!” masungit na anas ni kuya Onyx sa akin. Napahinto ako sa ginagawa ko. Tumingin din ako kay kuya Onyx. Ano na naman kaya ang nagawa kong pagkakamali kay kuya Onyx? Mukang high blood na naman ito sa akin. “Kuya Onyx, magpapaalam po sana ako sa ‘yo, balak ko po sanang pumunta sa bayan ngayon, huwag ka pong mag-alala dahil sa likod bahay ako dadaanan para hindi ako makita ng mga kaibigan ko---” Kitang-kita ko namang nagsalimbayan sa pagtaas ang kilay ng lalaki. Hindi yata nito nagustuhan ang aking sinabi. “Hindi ka puwedeng umalis ng bahay na ito, Farah. Alam mo namang wala pa si Mommy ‘di ba? Hindi ka ba nag-iisip, huh? Ako ang sisisihin ni Mom dahil hinayaan kitang umalis. Now, pumasok ka sa kwarto mo ngayon din at huwag na huwag kang lalabas hangga’t hindi ko sinasabi, Farah!” Agad itong tumalikod matapos sabi ang mga dapat sabihin sa akin. Napahinga na lamang ako ng malalim. Ngunit bago pumasok sa aking kwarto ay tinapos ko muna ang aking ginagawa. Nang lumabas ako ng kusina ay narinig kong may mga nagtatawanan sa sala. Gusto ko sanang alamin kung sino-sino ang mga dumating ngunit nag-aalala naman ako na baka makita ni kuya Onyx. Nagmamadali na lamang akong pumanhik sa hagdan at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng aking kwarto. Ngunit maingat akong sumilip sa bintana para alamin kung sino ang mga dumating. Grabe! Ang gwapo pala ng mga kaibigan ni kuya Onyx. Walang tulak kabigin. Marahas na lamang akong napahinga at umalis sa harap ng bintana. Nagdesisyon akong pumasok sa loob ng banyo para maligo. Ini-lock ko muna ang dalawang pinto at baka bigla na namang pumasok dito si kuya Onyx. Agad kong inalis ang lahat ng saplot ko sa aking katawan at tumapat ako sa ilalim ng shower. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang namnamin ang sarap ng tubig na lumalapat sa aking katawan. Agad ko na ring sinabon ang buong katawan ko. Nang matapos akong maligo ay nagmamadali akong lumabas ng banyo. Isang maong na palda ang aking suot at hanggang legs ko lang ang haba nito. Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok nang may kumatok sa pinto ng aking silid. “Ninang,” anas ko nang makita ko agad si Ninang ang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. “Ang ganda-ganda talaga ng aking inaanak. Teka bakit ka ba nagkukulong sa kwarto mo? Hindi ka man lang yata pinakilala ni Onyx sa mga kaibigan niya. Naku! Pasaway talaga ang kuya Onyx mo na iyan. Pagpasensiyahan mo sana ang kuya mo lalo at sobrang suplado nito. Bumaba na tayo may binili akong pagkain para sa ‘yo.” Agad nitong hinawakan ang aking kamay para isama. Gusto ko sanang umangal kay Ninang Teylyn, baka magalit sa akin si kuya Onyx lalo at nagbilin ito sa akin na huwag akong lalabas ng aking kwarto. Ngunit hindi naman ako makapagsumbong kay ninang Teylyn. Baka dahil sa akin ay mag-away ang mag-ina. Bahala na nga! Magpapalinawag na lamang ako kay kuya Onyx kapag pinuna ako nito. Nasa hagdan pa lang kami ni ninang Teylyn nang makita namin si kuya Onyx. Walang kangiti-ngiti ang mukha nito nang tumingin sa akin. “Anak Onyx, ipakilala mo naman si Farah sa mga kaibigan mo para naman may kaibigan din siya rito. Hindi ‘yung palagi siyang nakakulong sa kwarto niya,” anas ni ninang sa anak nito. “Puro mga lalaki ‘yun Mom. Hindi naman kailangan!” “Hay naku! Iwan ko sa ‘yong bata ka. Mas mabuti siguro kung isasama na lang kita sa aking pupuntahan ngayon.” Sabay baling sa akin ni ninang Teylyn. “Ninang Teylyn, puwede bang hindi na lang ako sumama? Hmmm! Ayos lang po ba kung pumunta ako sa bayan may bibilhin lang po kasi ako roon---” “Mas mabuti pa siguro kong mamasyal ka na lang, Farah. Basta mag-iingat ka, ha. Siya nga pala! Mauuna akong umalis sa ‘yo. Ngunit may mga pagkain akong binili para sa ‘yo.” Hindi na ako nakapagsalita pa nang hilahin ako ni Ninang Teylyn papunta sa hapagkainan. “May pizza at dunkin donuts din ako binili sa ‘yo. Mayroon pa rito na chocolate. Itabi mo itong chocolate para may kainin ka mamaya. Ikaw na ang bahala rito. Baka mamayang hapon pa ako makabalik. May meeting pa kasi ako ngayon. Basta mag-iingat ka kapag pupunta ka sa bayan.” Sabay kuha nito ng kamay ko. Nanlalaki ang mga mata ko dahil may inilagay na pera sa aking kamay si Ninang Teylyn. “Ninang Teylyn, may pera naman po ako. Binigyan ako ni Mama---” “Ayos lang! Sige na itabi mo na iyan. Baka may magustuhan ka sa bayan. May maliit na Mall doon. Baka pumasok ka roon.” Niyakap pa ako ni Ninang Teylyn bago ito umalis. Napangiti ako. Parang ngayon ko naramdaman na may nag-aasikaso sa akin may nag-aalaga rin at tinuturing ako na isang anak. Bigla tuloy gumanda ang mood ko. Kinuha ko ang chocolate na bigay ni Ninang Teylyn at agad kong inilagay sa loob ng refrigerator. Lumapit ako sa pizza. Balak ko na sanang kumuha nito. Nang magulat ako sa pagsulpot ni kuya Onyx. “Aalis ka ba ngayon, Farah?!” “Opo, kuya Onyx. May bibilhin lang po ako sa bayan---” “Okay! Ngunit bago ka umalis ay linisan mo muna ang aking kwarto. Hindi pa kasi dumarating ang kasambahay namin. Siguro naman ay marunong kang maglinis ng bahay o kwarto Farah?” “Marunong po ako kuya Onyx.” “Good! Sumunod ka sa akin at ituturo ko sa ‘yo ang mga gagawin mo!” At itong umalis sa aking harapan. Walang salita na sumunod ako kay kuya Onyx. Hanggang sa makarating sa kwarto nito. Ayosin mo ang kwarto ko. Magpalit ka rin ng punda ng unan ko. Pati bedsheet ay palitan mo rin. Ayaw kong may makikita akong alikabok! Babalik ako rito mamaya para tingnan kung maayos kang maglinis!” masungit na sabi ni kuya Onyx sa akin. “Sige po kuya Onyx.” “Bilisan mo ayaw ko nang tatamad-tamad, Farah!” pasinghal na utos sa akin ni kuya Onyx bago ito umalis ng kwarto niya. Nagkibit balikat na lamang ako at sinimulan ko na ang maglinis ng buong kwarto ni kuya Onyx.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD