MUKHA KA NAMANG KUHOL

1951 Words
Halos inabot ako ng isang oras bago ko natapos ang paglilinis ko sa kwarto ni kuya Onyx. Pati ang cr na ginagamit namin ay nilinis ko rin upang walang itong masabi sa akin. May ngiti tuloy sa aking labi nang lumapit sa pinto ng kwarto ni kuya Onyx para lumabas na ako. Saktong bukas ko ng pinto ay bumungad naman sa aking harapan si kuya Onyx. Wala man lang akong nakita na magandang ngiti sa mga labi ng lalaki. Para bang surang-sura ito sa akin. Ano pa kayang problema ni kuya Onyx at parang naiinis na naman sa akin. “Kuya Onyx, tapos na po akong maglinis ng kwarto mo---” “Okay, sige na lumabas ka na!” pagtataboy sa akin ng lalaki. Agad akong yumuko at nagmamadali na lumabas ng kwarto ng lalaki. Nagulat pa nga ako nang masagi ang aking balikat sa balikat ni kuya Onyx. Balak ko na sanang humingi ng sorry kay kuya ngunit tuloy-tuloy na itong pumasok sa kwarto niya. Nagbuntonghininga na lamang ako at nagtuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Muli akong naligo dahil pawis na pawis ako nang maglinis ng kwarto ni kuya Onyx. Hindi naman ako nagtagal sa loob ng banyo. Nang makapaglagay ng damit ay agad akong lumapit sa harap ng salamin. Kinuha ko ang dala-dala kong lip balm at naglagay kahit kaunti sa labi ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking buhok. Kinuha ko ang maliit kong bag na palagi kong dinadala kapag-aalis ako. Ngumiti pa ako ng matamis sa harap ng salamin at kumindat pa nga ako. At nang alam kong sobrang ganda ko na ay nagmamadali na akong umalis sa kwarto na ‘to. Tuloy-tuloy akong bumaba ng hagdan. Saktong baba ko ng hagdan ay nakita ko naman ang mga kaibigan ni kuya Onyx. Napahinto rin sila sa pag-uusap at tumingin sa akin. Napayuko na lamang ako ay tuloy-tuloy na dumaan sa gilid nila. “Who is that girl? Mayroon pa bang kapatid si Onyx na babae? Bakit hindi ko alam?” narinig ko pang tanong ng isang lalaki. Napangiti na lamang ako. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na akong lumabas ng gate. Nang may dumaang tricycle ay agad akong sumakay at nagpahatid sa bayan. Pagdating sa bayan ay nakita ko agad ang Mall na sinasabi ni ninang Teylyn. Bagong tayo lang pala ang mall na ito. Hindi ako nagdalawang isip na pumasok sa loob ng Mall. Baka kasi may magustuhan ako na bilhin. Sa patuloy kong pag-iikot sa Mall ay may nahagip ang mga mata ko. Teka si ate Fatty ba ‘yun? Para makatiyak ako kung si ate Fatty ‘yun ay nagmamadali akong lumapit sa likod nito. Kumunot din ang aking noo dahil may kasama itong lalaki. “Teka, bakit nakakaabot si ate Fatty rito, eh, dulong bahagi na ito ng Sta. Luz? Medyo malayo-layo na ito sa school na kung saan nag-aaral ang aking kapatid. Kumunot din ang aking noo dahil parang namumukhaan ko ang lalaking kasama nito. Hanggang sa tuluyan kong makilala ang lalaking kasama nito. At ito lang naman ang anak ng kaibigan ni Papa. Boyfriend ba ni ate Fatty ang lalaking ‘yun? Sa aking pagkakaalam ay may nobya ang lalaking ‘yun, ah? At malapit na rin yatang magpakasal. Teka bakit sila magkasama? Tapos ang sweet pa nila sa isa’t isa kaya hindi ako naniniwala na wala silang relasyon. Nang humakbang sila papalabas ng Mall ay nagmamadali ko rin silang sinundan. Ngunit maingat ang mga hakbang ko upang hindi ako mahalata. Dali-dali ko ring kinuha ang aking cellphone upang kunahan sila ng video. Mabilis akong nagtago sa likod ng sasakyan dahil lumingon si Ate Fatty. Kitang-kita tuloy sa video ang mukha nito. Mas na-shock ako nang makita kong pumasok sila sa loob ng hotel. Gosh! Ano’ng gagawin nila sa loob ng hotel? Kailangan ko bang isumbong si ate Fatty kina Papa at Mama? Ngunit kapag ginawa ko ‘yun, magagalit sila kay ate Fatty? Ano’ng gagawin ko. Hanggang sa lumipas ang mahabang oras. Sa wakas lumabas na rin ng hotel si ate Fatty kasama ang lalaking ‘yun. Napansin kong parihas basa ang mga buhok nila. Anong ginawa nila sa loob ng hotel? Naglaro ba ng tagu-taguan? Ngunit mas nagulat ako nang may isang babae ang nagmamadaling lumapit kay ate Fatty at ubod lakas nitong sinampal ang mukha ng aking kapatid. “Hayop ka! Ang landi-landi mo! Ano masarap ba ang nobyo ko---!” Ngunit hindi nagpatalo ang aking kapatid at magkakasunod din nitong sinampal ang babaeng basta lang lumapit sa kanila. Hanggang sa bigla silang gumulong sa lupa at nagsabunutan. s**t! Ano’ng gagawin ko? Balak ko sanang lumapit para awatin sila ngunit nakita ko si Papa. Dali-daling bumaba ng kotse at kasama ang mga tauhan nito. Agad nilang inawat ang dalawang babaeng nag-aaway. Mas nagulat ako nang bigla nitong suntukin ang lalaking kasama ni Ate Fatty. Naku lagot nagkakagulo na sila! Nagmamadali tuloy akong umalis sa aking pwesto at baka makita pa ako ni Papa. Agad akong sumakay ng tricycle at nagpahatid sa bahay ni Ninang Teylyn. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib habang wala pa ako sa bahay ng Ninang ko. Nang huminto ang tricycle ay agad akong nagbayad sa driver. Hanggang sa para akong ipo-ipo na pumasok sa loob ng gate. Ngunit halos tumilapon ako nang may bumangga ang aking katawan. Mariing kong ipinikit ang aking mga mata upang hintayin ang pagbagsak ko sa lupa. Ngunit sa tagal kong nakapikit ang mga mata ay hindi ko naramdamang lumapat ang aking katawan sa lupa. “Masyado ka namang nasarapan sa posisyon natin, Farah…” bulong sa punong tainga ko ng taong kilalang-kilala ko ang boses. Mabilis ko tuloy iminulat ang aking mga mata at doon ko nakita ang mukha ni kuya Onyx. Halos maglapat na ang mga labi namin dahil sa sobrang lapit namin sa isa-isa. “Mabilis tuloy akong kumawala mula sa pagkakahawak niya sa akin. Ngunit sobrang higpit ng kapit niya sa aking beywang at mukang ayaw pa akong bitawan. Agad kong ibinaling sa kaliwa ang aking mukha. Baka kasi magkamali nang galaw si kuya Onyx at mahalikan ako. Ang sabi ni Yaya Bering ay huwag daw muna akong magpaligaw o magpahalik lalo at bata pa raw ako. Baka raw mabuntis ako. At iyon ang kabilin-bilinan sa akin ni Yaya Bering. “Bitawan mo na po ako kuya Onyx---” kabadong anas ko sa lalaki. Ngunit mas lalo akong kinabahan nang lumapit ang labi nito sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko tuloy ang mainit na hininga ng lalaki. “Pasalamat ka’t hindi ako basta pumapatol sa bata!” mariing sabi ni kuya Onyx. Nakaramdam kong binitawan na ako ng lalaki. Nakita ko na lang ang likod ni kuya Onyx at tuloy-tuloy na itong pumasok sa loob ng kabahayan. Mabilis ko tuloy hinawakan ang aking dibdib dahil sobrang lakas ng kabog. “Hindi puwede ‘to!” bulaslas ko at nagtatakbo na ako papasok sa loob ng bahay. Dali-dali akong pumanhik sa hagdan at nagtuloy-tuloy na pumasok sa loob ng aking kwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama. Agad ko ring isinubsob ang aking mukha sa una. Bigla kasi akong tinubuan ng hiya sa aking katawan. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ako puwedeng magka-crush kay kuya Onyx lalo at para ko na lang itong kuya ko. “Ahhh! Nakakainis naman!” sigaw ko. At mabilis akong tumihaya ng higa. Ngunit nanlalaki ang aking mga mata nang makita ko ang mukha ni kuya Onyx at nandito ito sa aking kwarto. Teka bakit nakasuot lang siya ng boxer? Ano’ng gagawin niya sa akin. Kitang-kita ko ring ngumisi si kuya Onyx. Hanggang sa dahan-dahan itong lumapit sa akin. “Huwag kang lalapit sa akin! Isusumbong kita kay Ninang Teylyn. Sinabi nang huwag kang lalapit sa akin, eh!” Malakas kong sigaw. Kinuha ko rin ang mga unan ko at pinagbabato ang lalaki. Ngunit panay ang ilag lang ng lalaki habang panay rin ang ngisi sa akin. “Ahhh! Huwag ka sabing lalapit, eh! Ninang Teylyn!” Sigaw ko. Sabay kuha ko ng kumot at agad kong ibinalot ang buong katawan ko. Ngunit narinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Mabilis kong inalis ang kumot sa aking katawan. Ngunit wala na ang bulto ni kuya Onyx dito sa aking kwarto. Dali-dali tuloy akong umalis sa ibabaw ng kama at nagtatakbo papalapit sa pinto ng silid ko para buksan ‘yun. Ngunit nanlalaki ang mga mata ko nang si kuya Onyx na naman ang aking nakita. “You’re making noise Farah. Huwag mong hintayinf lagyan ko ng busal ang bibig mo!” Sabay talikod ni kuya Onyx. Nasundan ko na lang ng tingin ang likod nito habang papasok ito sa loob ng kwarto niya. NANG mawala ito sa aking paningin ay dali-dali kong ini-lock ang pinto. Magkakasunod ko rin tinapik ang aking noo. Ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na yata ako. Magkakasunod din akong napabuga ng hangin. Hanggang sa lumapit ako sa cabinet para magpalit ng damit. Hanggang sa lumabas ulit ako ng kwarto ko at pumunta sa likod bahay. May nakita kasi akong duyan doon. Mas mabuti pa siguro na roon muna ako para kahit papaano ay mahimas-masan ang utak ko. Dahil kung ano-ano kasing nakikita ko na hindi naman dapat makita. Natuwa ako dahil puwedeng mahiga sa duyan. Agad akong sumakay sa duyan at umayos talaga ako ng higa. Naglagay rin ako ng headset sa aking dalawang tainga. Tanging music na lang ang aking narinig na nang-gagaling sa aking cellphone. Mayamaya pa’y dahan-dahan ko nang ipinipikit ang aking mga mata dahil unti-unti na akong tinatangay sa dako pa roon. Ngunit bigla akong napabalikwas nang bangon nang maramdaman kong may lumapat sa aking labi. Mabilis ko tuloy inilibot ang mga mata ko sa buong paligid. Ngunit wala namang ibang tao ang nandito kundi ako lamang. Hinawakan ko rin ang aking labi at ramdam kong parang basa ito. Napatingala tuloy ako at baka pumatak ang ulan. Ngunit ang ganda ng sikat ng araw. Baka naglaway lamang ako. Agad ko na lamang pinahid ang basa ko sa aking labi. At muli akong nahiga sa duyan. Dahan-dahan ko ulit pinikit ang aking mga mata. “Farah, hija, na saan ka ba?” Muli kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Ninang Teylyn. Dali-dali akong umalis sa duyan at agad kong sinalubong ang ninang ko. “Ninang Teylyn.” “Kamusta ka rito aking inaanak? Hindi ka ba sinungitan ng kuya Onyx mo?” “Ayos lang po ako, Ninang Teylyn. Wala naman pong problema kay kuya Onyx palagi naman siyang nandoon sa kwarto niya.” “Naku! Ganoon talaga ang kuya Onyx mo. Palaging nagkukulong sa kwarto niya. . . Pasuyo naman ako, Farah anak. Pakidala ng paper bag na ito sa kuya Onyx mo. Napapagod akong umakyat sa hagdan.” Dali-dali naman akong lumapit kay Ninang Teylyn para kunahin dito ang paper bag. Kahit kabado ay sinunod ko ang pinag-uutos nito sa akin. Agad akong umakyat sa hagdan at tuloy-tuloy na akong lumapit sa harap ng kwarto ni kuya Onyx. Maingat akong kumatok sa pinto. Mayamaya pa’y bumukas ang pinto ng silid ni kuya Onyx. “Kuya Onyx--- Galing kay Ninang T---” Ngunit mabilis nitong kinuha sa aking kamay ang paper bag na dala-dala ko. Pagkatapos ay basta na lang isinara ng malakas ang pinto ng kwarto nito. Mariin kong naikuyom ang mga kamao ko. “Ang sungit mo talaga! Mukha ka namang kuhol!” At magkakasunod ko pang pinagsisipa ang pinto ng kwarto ng lalaki. Isang sipa pa ang aking ginawa ngunit biglang bumukas ang pinto. Nagulat na lang ako nang hawak-hawak ni kuya Onyx ang isang paa ko. “What did you say again, Farah?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD