Kabanata 19: The Alpha of Pouli's Tribe

1687 Words
Tumatakbo ako ngayon kung saan sinusundan ko ang direksyon ng mga Poulian na nakikita kong lumilipad ngayon sa kalangitan. Hindi ko alam pero parang hindi na rin ako makapag-isip pa ng maayos. Basta tumatakbo na lamang ako. Mayamaya'y narating ko din ang lokasyon kung saan may nagaganap na kaguluhan. Napahinto ako habang hinihingal pa. At nanlaki ang mga mata ko sa aking nasasaksihan ngayon. Mukha itong isang pagtutuuos sa pagitan ng mga taong ibon at... mga taong lobo! Labanan gamit ang pisikal na lakas dito, espadahan at batuhan ng sibat doon, mayamaya'y may sumabog pa! Medyo malapit lang ako sa kinaroroonan ng pagsabog kaya't napatakip ako ng mukha gamit ang aking mga braso dahil sa mga tumalsik na usok at gabok. Pagkatapos ay may nakita akong isang Poulian sa tabi ko. Lilipad na sana siya nang bigla ko siyang pigilan. "Sandali lang!" sabi ko bilang pagpigil ko sa kanya. Huminto naman siya at lumingon naman siya sa'kin. "Teka, ikaw 'yong...paanong-" pagtataka niya. Pinutol ko ang sasabihin niya. "Mamaya na 'yan. Hindi na 'yan mahalaga sa ngayon. Ano bang nangyayari dito?" usisa ko. "Sinasalakay na naman kami ng mga Lykosian," sagot niya. "Lykosian?" tanong ko. "Oo. Mula sila sa Tribo ng Lykos, ang tribo ng mga taong lobo. Matagal na naming kaalitan ang tribong ito," sagot niya. Sa aming pag-uusap ay bigla na lamang may paparating na bumubulusok na mga sibat sa aming puwesto. Walang anu-ano'y bigla ko na lamang naitaas ang mga palad ko. At hindi ko sinasadyang makabuo ng harang na kulay pula. Kaya't 'di kami tinamaan, naging abo pa ang mga sibat. "Paano mo...nagawa iyon?" tanong niya sa'kin na bakas ang mangha at pagtataka. Ngunit maging ako ay nagtaka at namangha sa aking nagawa. Tiningnan ko lamang siya dahil 'di ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag. "Umuurong na ang mga kalaban!" pag-alingawngaw ng isang boses na nagmula sa isang Poulían. Nang marining ng mga Poulian ang sigaw na iyon ay agad na rin silang mga nagsiatrasan kasabay ng pag-atras din ng mga kalaban nilang taong lobo na tinatawag nilang mga Lykosian. Unti-unti nang nagsibalikan ang lahat sa kanilang tribo. Ang ilan sa kanilang mga nakaligtas ay may mga buhat na sugatan. At ang nakapanlulumo sa lahat, ay ang makakita ng mga Poulian na wala nang buhay. Wala akong magawa kundi ang manood lamang sa kanila habang nakatayo sa aking kinalalagyan. -- Matapos ang kaguluhan, narito ako ngayon kasama ang mga mandirigmang Poulían sa ilalim ng isang malaki at malagong puno. Nakahiga naman sa damuhan ang mga sugatang Poulían. Nalulungkot akong isipin na wala akong magawa gayong meron akong tinataglay na kapangyarihan. Naawa ako sa tuwing pagmamasdan ko ang mga Poulian na naghihirap dahil sa sakit na kanilang nararamdaman dulot ng kanilang mga sugat dahil sa naganap na engkuwentro. "Charlotte." Napatingin ako sa tumawag sa'kin. "Ikaw pala, Kuro," sambit ko. "Mukhang ikaw ay balisa. May problema ba?" usisa niya. Bumuntonghininga ako. "Nais ko sanang makatulong. Ngunit mukhang wala akong magagawa," sambit ko. Hinawakan niya ang balikat ko. "Ayos lang 'yan. Huwag ka nang mag-alala. Sapat na ang malaman kong nais mong makatulong sa amin," sambit niya ng may ngiti. Napangiti ako kahit kaunti lang. Mayamaya'y napansin ko ang kamay ni Kuro. "Kuro, may sugat ka," pag-aalala ko sabay hablot sa kamay niyang may sugat. "Ah, oo. Tinamaan ako ng sibat kanina. Pero ayos lang 'yan. Hindi naman gaanong masakit," sambit niya. Inilapat ko ang kamay ko sa kanyang sugat ng dahan-dahan. Ilang saglit ay nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla nang lumiwanag ito ng kulay berde. Sa gulat ko ay nakaramdam ako ng kaba. Ano na naman kayang hiwaga ito? Nang nawala ang berdeng liwanag ay dahan-dahan ko namang inialis ang kamay ko sa ibabaw ng sugat. Lalong nanlaki ang mga mata ko maging ang bibig ko'y napaawang nang makitang nawala ang sugat ni Kuro! Nawala ito nang walang iniwang kahit anong bakas o marka na nagkasugat ito. Sinipat naman agad ni Kuro ang kanyang kamay ng bakas sa kanyang mukha ang pagkamangha. "Anong ginawa mo? Paanong..." pagtataka niya. Tiningan ko ang mga palad ko. Paano ko nagawa 'yon?  "May kakayahan kang manggamot, Charlotte," sambit niya. Tama siya. May kakayahan nga ako. At wala pa akong ideya kung bakit. Pero sa tingin ko, saka ko na lamang 'yon iisipin. Dahil ang mahalaga, may maitutulong na ako sa Pouli. Kaya naman una kong nilapitan ang isang may sugat sa pakpak. Hinawakan ko ito at sandali lang ay magaling na ito na parang walang nangyari. "Paano mo...nagawa iyan?" tanong bigla sa'kin ng Poulian na aking ginamot. Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay ningitian ko na lamang siya at nagpatuloy akong pagalingin ang mga sugatang Poulían. "Maraming salamat sa iyo, Charlotte. Napakalaking bagay itong naitulong mo sa amin," sambit sa'kin ng isang Poulían na pinagaling ko. "Maraming salamat!" pahabol na sambit pa ng iba. "Naku, walang anuman 'yon," sambit ko naman sa kanila ng may ngiti. Nagtaka ako nang biglang nagbago ang ekspresyon ng mga mukha nila. Para bang natakot sila. Kaya't lumingon ako sa aking likuran. "Mahal na pinuno," sambit nila sabay yuko bilang paggalang. Mukha na siyang mga nasa edad 50's, bakas ang pagiging matipuno ng kanyang pangangatawan mula sa suot na baluti, kayumanggi ang balat, matangkad at hanggang balikat ang itim nitong buhok na kakulay din ng malalaki niyang pakpak. Seryoso lang ang kanyang mukha at dating palang niya masisindak ka na. Nang magkasalubong ang mga tingin namin, agad naman akong umiwas dahil nasindak talaga ako.  "Anong ginagawa ng mortal na iyan dito? Hindi ba't ipinakulong ko na siya sa inyo?" seryoso't may awtoridad niyang sambit. At ang lagong pa ng kanyang boses kaya't mas lalong nakakasindak. Lalo tuloy akong natakot. "Ikulong ninyo ulit ang nilalang na iyan. O 'di kaya naman ay ipatapon siya sa labas ng ating tribo. Ayaw kong makakita ng isang tulad niya dito sa aking tribo," utos niya. Lalo akong nakaramdam ng pagkasindak ng dahil dito. "'Wag naman po kayong ganyan. Mukhang hindi naman isang masamang mortal si Charlotte. Sa katunayan, malaki ang naitulong niya sa amin. May kakayahan siyang manggamot," pagtatanggol sa'kin ni Kuro. Sumang-ayon naman sa kanya ang iba. "Magsitahimik kayo. Wala akong pakialam kung may kakayahan pa siyang bumuhay. Basta't ayaw ko nang makita pa ang mortal na iyan na nananatili sa aking teritoryo. Kung hindi, pare-pareho kayong mananagot sa akin," nakakasindak niyang sambit pagkatapos ay umalis na siya. Ano kayang problema ng isang 'yon sa mga mortal? Mukhang ang laki yata ng galit niya. -- "Pagpasensyahan mo na ang inasal ng aking ama, Charlotte," sambit sa akin ni Kuro. Magkasama kami ngayon ni Kuro, dito ulit sa matayog na puno. "Wala 'yon. Teka...anong sinabi mo? Ama mo siya?" gulat kong sambit. Napatawa siya sabay tango. "Oo. Ama ko ang pinuno ng tribong ito. Siya si Aviar," sagot niya. Nakakabigla at hindi talaga ako makapaniwala. Paano ba naman kasi, mabait at maamo ang mukha nitong si Kuro, samantalang ang tatay niya...ewan. "Bakit ba galit ang iyong ama sa mga mortal?" usisa ko. Napansin ko ang biglang pagkawala ng ngiti ni Kuro at nakita ko sa mga mata niya ang bakas ng kalungkutan. "Ahm, pasensya na. Ayos lang sa'kin kahit 'wag mo nang sagutin," sambit ko. Nahabag naman kasi ako. "Hindi, ayos lang. Naranasan na kasi niyang mapagtaksilan ng mga mortal noon. Kaya nagkaganyan siya," sagot niya.  At wala lang akong nasabi't nagawa kundi ang pakinggan ang kanyang kuwento tungkol sa kung bakit nagalit ang kanyang ama sa mga mortal. At mistulan akong napakapit sa aking kinauupuan sa mga naririnig ko sa kanya. Sadyang mahirap paniwalaan. "Kuro, salamat at nagsasabi ka sa akin ng mga ganyang klaseng bagay. Mukhang pinagkakatiwalaan mo 'ko kahit pa ngayon lamang tayo nagkakilala," sambit ko. "Sapagkat magaan ang aking kalooban sa iyo sa hindi ko malamang dahilan. Kaya't madali kitang napagkatiwalaan, Charlotte," sambit niya ng may ngiti. -- Mabuti't binigyan ako ni Kuro ng pansamantalang matutuluyan dito sa kanilang tribo. Sinlaki lamang ito ng isang karaniwang kuwarto.  Nakahiga ako ngayon sa isang kumot na nakasapin sa sahig. Mayamaya'y naramadaman kong parang may mainit sa bulsa ko. Kaya't  dinukot ko ang bulsa ko at kinapa kung ano ba 'yong mainit dito? Pagkakuha ko nito sa aking bulsa, nakita ko na ang salamin pala na ibinigay sa akin ni Aristea. Umiilaw pala ito kaya pala mainit. "Magissa!" sigaw sa akin ng nasa salamin. "A-Aristea?!" sambit ko nang may pagkabigla. Muntikan ko nang maibato 'yong salamin sa gulat nang tumambad sa'kin ang mukha niya sa salamin. "Kamusta naman ang inyong paglalakbay?" bungad na tanong niya sa'kin. "Heto. Ayos naman. Nakuha ko na ang kosmima ng tubig!" masaya ko'ng balita sa kanya. "Talaga? Mabuti naman kung ganoon," sambit niya sabay ngiti. "Siya nga pala, hindi ko sinasadyang matuklasan na may kakayahan akong manggamot. Hindi ko alam kung bakit. May ideya ka ba kung bakit gano'n?" usisa ko. Tumawa siya. "Sapagkat nasa iyo ang kosmima ng tubig. Isa 'yan sa mga kapangyarihan niyan, ang makapanggamot," sagot niya. Napatingin ako sa aking stefani nang may labis na pagkamangha. Gano'n pala 'yon. Ngayon alam ko na. "Nasaan naman kayo ngayon?" tanong naman niya. "Ah, nandito kami ngayon sa Kagubatan ng Hagnos." sagot ko. "Talaga? Alam mo ba na maraming haka-haka tungkol sa Hagnos? Na mahiwaga raw ang lugar na iyan kaya't walang nangangahas na pumunta. Marami daw kasing kakaibang nilalang ang naninirahan diyan," sambit niya. "Totoo. Sa katunayan, nandito ako ngayon sa tribo ng mga taong ibon na tinatawag nilang Pouli," sambit ko. Bakas ang pinaghalong gulat at mangha sa mukha ni Aristea dahil sa sinabi ko. "Siya nga pala, kamusta naman si Prinsipe Alexeus?" tanong niya. Bigla naman akong nataranta sa tanong niya. "Alam mo kasi...hindi kami magkasama ni Alexeus ngayon eh," naiilang kong sagot. "Ano? Pero...bakit?" pagtataka niya nang may halo ding pag-aalala. "Nagkahiwalay kasi kami nang mapadpad kami rito. Wala akong ideya kung saan siya naroroon," sagot ko naman. Bumuntonghininga ako. "Sana ayos lang si Alexeus kung nasaan man siya ngayon. Nag-aalala talaga ako sa kanya," sambit ko. "Siguradong mas inaalala ka niya. Dahil kapag napahamak ka, kabiguan iyon para sa tagapagtanggol," sambit naman niya. "Sana'y magkita kayo sa lalong madaling panahon," sambit pa niya. Alexeus...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD