bc

Magissa: Elemental Sorceress

book_age12+
301
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
independent
bxg
serious
magical world
enimies to lovers
superpower
dragons
kingdom building
like
intro-logo
Blurb

Si Charlotte Revilla ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa isang pribadong high school.

Isa rin siya sa mga natatanging estudyante sa kanyang klase at kilala rin siya sa kanilang paaralan bilang Vice President ng Student Council.

Isa siyang huwarang mag-aaral na may maayos at simpleng pamumuhay.

Hanggang isang araw ay nagbago ang kayang buhay nang mapadpad siya sa silid-aklatan ng kanilang paaralan at kanyang natagpuan ang isang antigong salamin na nakatago sa bodega nito nang sundan niya ang isang misteryosong pulang paru-paro.

Lingid sa kanyang kaalaman, dahil sa antigong salamin ay nabuksan niya ang lagusan patungo sa mahiwaga at kakaibang mundo na tinatawag na Aglaea.

Samahan si Charlotte sa kanyang pakikipagsapalaran na harapin ang mga pagsubok sa mahiwagang mundo ng Aglaea bilang ang hinirang na Magíssa.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Butterfly
Nasa lugar ako kung saan wala akong kahit anong makikita sa paligid na parang isang madilim na kawalan. Naglalakad ako. Naglalakad na hindi ko alam kung saan ako patungo.  Nakakapagtaka. Ano bang ginagawa ko dito? Mayamaya'y may naaninag akong isang bagay na lumilipad sa 'di kalayuan. Napahinto ako upang titigan kung ano ito. Papalapit ito sa akin. At nang malapit na ito, nakita ko na nang malinaw kung ano ito. Isang paru-paro. Kulay pula ito at may kalakihan. Nakakaakit ang kagandahang taglay nito dulot na rin ng ipinapagpag nitong makinang na pulbos. Nakatitig lamang ako dito, hanggang sa unti-unti kong ilapit ang kamay ko dito upang abutin. Abot-kamay ko na sana ito nang... May naririnig akong maingay. Alarm clock ko pala. Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita kong umaga na. Pero inaantok pa rin ako kaya't tinatamad pa 'kong bumangon. Gusto ko pang matulog kahit five minutes lang. Nang bigla na lang may humila ng kumot ko. "Charie, wake up. You will be late," sambit ng taong humila sa kumot ko. "Five minutes na lang, Tita," katwiran ko sabay takip ng braso ko sa mga mata ko. "Charie..." Nag-iiba na 'yong tono ni Tita. "Opo. Eto na po," tinatamad kong sagot. Kahit napipilitan dahil sa antok, bumangon pa rin ako. Bumaba na 'ko sa sala para mag-almusal. Kahit kagagaling ko lang sa pagtulog, pakiramdam ko'y pagod pa rin ako. Kulang pa rin siguro ako sa tulog. Katatapos ko lang kasi mag-review para sa nalalapit naming prelims. Napaka-busy ko pa dahil sa pagiging Vice President ko ng Student Council.    Tapos ang weird pa ng panaginip ko kanina.  "Tita, I'm leaving!" paalam ko sa kanya. Bago ako umalis ay humalik muna ako sa pisngi niya. "Take care!" sabi niya sa'kin ng may ngiti. Ngumiti din ako at kumaway sa kanya bago ako lumabas ng pinto. Paglabas ko, sumakay na ako sa kotse na naghihintay sa'kin. Paglabas ng subdivision, traffic agad. "Ow, ang aga pa para sa traffic, my God!" angal ko. Napatingin na lamang sa'kin si Mang Bert sa rear-view mirror. "Okay lang po 'yan, Ma'am. Maaga pa naman," sambit niya. "Yeah, pero ayaw 'ko pa rin ng traffic," sambit ko sabay kunot-noo at cross-arms. Ang aga-aga mainit na ang ulo ko. Kailangan kong makarating sa school ng maaga dahil magre-report pa 'ko sa Student Council Office. Kaya para maibsan ang pagkabuwisit ko sa traffic, nagpasak muna ako ng earphones sa tenga ko para makinig ng music sa phone ko. "So love me like you do, la la love me like you do, what are you waiting for?" pabulong kong pagsabay sa kanta. After thirty five minutes, sa wakas, nasa school na rin ako. Ibinaba na lang ako ni Mang Bert sa gate ng school at nagmadali na akong pumunta ng Student Council. Pagdating ko, si President lang ang nadatnan ko. "Oh, good morning, Charie!" bati niya sa'kin ng may ngiti. Kinuha ko sa bag ko ang isang bungkos ng papel at ipinatong ko sa table. "Eto nga pala 'yong mga pinapirmahan mo sa'kin," sambit ko. Bigla na lang siyang lumapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "Charie, kailan mo ba ko sasagutin?" tanong niya sa'kin. Natigilan ako. Nakatingin lamang ako sa sahig. Isang buwan na niya akong nililigawan. William Salazar, President ng Student Council. Guwapo, matalino, gentleman, halos nasa kanya na ang lahat.  Pero, hindi ko pa rin siya magawang magustuhan. Hindi ko alam pero, siguro kasi alam kong may pagka-playboy siya. Nakailang girlfriend na siya bago niya ko ligawan. Tapos nakikita ko pa siya minsan na may kalandiang babae kahit nililigawan niya ko. Akala siguro niya hindi ko alam. "William, napag-usapan na natin 'to, 'di ba? Ayaw ko pang mag-boyfriend. Priority ko ang pag-aaral ko. Now, kung 'di ka willing maghintay, just give up," yamot kong sambit Tapos ay nag-walkout ako. Ang totoo niyan, natatakot din kasi ako. 'Di pa ko handa na masaktan dahil sa pag-ibig. Lalo na't nasaktan narin ako ng isang lalaki noon. Ang Papa ko. Iniwan niya kami ni Mama seven years ago.  Mula noon, lagi kong nakikita si Mama na malungkot, bukod doon, medyo nahirapan din siyang itaguyod ako nang mag-isa. Kaya naman noong nakatanggap siya ng opportunity na magtrabaho abroad, 'di na niya 'yon pinalampas pa. Nasa Italy siya nagtatrabaho bilang manager ng isang restaurant. Six years na siya do'n.  Nakabuti nga naman dahil nabigyan niya 'ko ng magandang buhay. Sarili at magandang bahay sa loob ng isang subdivision, sasakyan, sariling driver at tatlong kasambahay, at nag-aaral ako ngayon sa isang magandang private school. At mula noong nag-abroad siya, si Tita Yvonne na ang nag-aalaga sa'kin. Nakababatang kapatid siya ni Mama. Sobrang bait at maalaga niya. Para ko na talaga siyang pangalawang ina. Kahit kailan, 'di niya 'ko pinabayaan. Pero may times na nagi-guilty ako kasi nang dahil sa'kin, 'di niya magawang mag-boyfriend. Lagi niyang tinatanggihan ang mga manliligaw niya dahil sa'kin. Kahit pa madalas niyang sabihin na mas masaya siyang alagaan ako kaysa mag-asawa. Pero kahit na, gusto ko pa rin siyang maging masaya dahil may sarili siyang pamilya. 33 years old na siya at dapat na siyang mag-asawa. Ganito ang everyday routine ko, makikinig sa klase, then lunch break, pupunta akong cafeteria at doon kakain mag-isa. Well, I do have friends naman kaso nga lang, 'di sila 'yong mga kaibigan na for bad times. Andyan lang sila for gimmicks, at happy-happy.  Madalas nila akong yayain sumama sa kanilang gumimik pero mas gusto kong umuwi at matulog na lang. Tapos awasan, syempre bago umuwi, pupunta muna akong Student Council to attend meetings. At dahil president namin si William, I had no choice but to deal with him everyday. Kaya naman lagi siyang may chance na kulitin ako, but in the end, babaliwalain ko lang siya. 'Di ko rin naman siya maintindihan eh. Kung seryoso ba siya o trip niya lang ako. Naisipan kong pumunta ng library. The most peaceful place on school. Naglilibot ako sa mga bookshelves para magtingin-tingin ng magandang babasahin. Ano kaya? Pagdating ko sa pinakadulong shelf, biglang nag-init ang ulo ko. May couple na naglalampungan. Tumikhim ako. "Excuse me?"  Nakuha ko naman ang atensyon nila. Gulat na gulat sila nang dahil sa'kin. Para silang nakakita ng multo habang natataranta pa. "Si Vice president Revilla!" gulat na sambit nila ng sabay. "Library 'to at 'di motel. Gusto niyo bang i-report ko kayo?" taas-kilay kong sambit sa kanila. "Naku 'wag. Sorry. Alis na kami, 'di na mauulit!" sabi nila na natataranta pa. "Go get a room!" mataray kong sabi sa kanila.  Nagtatakbo naman sila palabas. Na-stress ako sa kanila. Tinamad na tuloy akong magbasa. Mayamaya na lang siguro. Umupo muna ako sa isang table na malapit sa bintana. Kita ko mula dito ang school park, at hallway ng ibang building. Natanaw ko bigla si William na naglalakad sa hallway. Tapos may sumalubong sa kanyang babae. At mukha siyang maganda.  Matapos nilang magbeso ay kinuha ni William 'yong bag no'ng babae at siya ang nagdala para sa kanya. Nakaakbay pa si William sa kanya at mukhang masaya sila. Then umalis na sila nang magkasama. Napabuntong hininga ako ng malalim. Kaya di ko magawang magustuhan si William. Ilang beses ko na rin naman siyang binasted eh. Pero napakakulit talaga niya. 'Di ko talaga siya maintindihan. Siguro mahal niya lang ako pagnakikita niya 'ko, 'di kaya? Habang nakatunganga pa rin ako sa bintana, may naaninag akong lumilipad na malapit sa'kin. Lumingon ako para makita kung ano 'yon. May paru-paro sa loob ng library? Saan naman kaya makakapasok ang isang 'to? E closed space ang library dahil airconditioned dito.  Patuloy lang sa paglipad no'ng magandang paru-paro. Nakakaakit talaga 'yong ganda niya. Malaki siya na kulay pula at itim ang pakpak. At tama ba 'yong nakikita ko? Nagpapagpag ang mga pakpak niya ng glitters, na lalong nakakapagpaganda sa kanya. Tumayo ako sa kinauupuan ko habang nakatitig lang dito. Nang dumapo ito sa isang sandalan ng upuan ay dahan-dahan akong lumalakad para lapitan ito. 'Di pa man ako nakakalapit ay lumipad na ito palayo. Sinundan ko ang paru-paro kung saan man ito papunta. May kalawakan ang library kaya naman kung saan-saan ko na ito nasundan kakalipad nito. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan. Basta ang alam ko lang, naaakit ako sa taglay nitong ganda at kusa na lamang gumagalaw ang mga paa ko. Hanggang makarating kami sa pinakadulong bahagi ng library. Meron pa pa lang silid dito? Mukhang bodega yata ito ng mga lumang gamit ng library. Bahagya lamang itong nakasara dahil hindi nakalapat ang pintuan. Pumasok ang paru-paro sa awang ng pinto. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita kong puro lumang gamit nga dito at madilim pa. Pumasok ako para hanapin 'yong paru-paro at curious din ako kung anong laman ng kuwartong ito. Habang naglilibot ako, nakita kong mga lumang libro lamang ang mga nandito. Kita ko dahil nagsisilbing liwanag ko ay nagmumula sa bukas na pintuan.  Nakita ko na 'yong paru-paro. Nakadapo siya sa isang bagay na nakabalot ng puting tela at mukhang malaki ito. Dahil curious ako kung ano 'yon, hinila ko 'yong puting tela para tanggalin. Isang body mirror pala. Mukhang antique dahil kulay tanso 'yong frame niya na may komplikadong design pa na parang nagmula sa sinaunang Europa. Malinaw pa ang salamin at makinis na walang kahit anong dumi o gasgas. Hindi ko alam kung bakit pero parang may nagtutulak sa'king hawakan ang salamin. Kaya naman hinawakan ko nga ito. Sa paglapat pa lang ng kamay ko ay may bigla na lamang nangyari na hindi ko talaga inaasahan. Nagtayuan ang mga balahibo ko't pakiramdam ko'y nanlaki at bumigat ang aking ulo. Bigla na lang kasi itong lumiwanag ng sobra. Puting liwanag na nakasisilaw sa mata kaya't napapikit na lamang ako.  Ano ba 'to? Anong ibig sabihin nito? Gulung-g**o na ang isip ko at mistulan na akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko. Napangungunahan ako ng labis na takot at kaba. Ano kayang hiwaga ang nakabalot sa salaming ito? Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang mapagtanto kong wala na 'yong nakakasilaw na puting liwanag. Ngunit sa pagmulat ng aking mga mata, labis na nagulantang ako sa aking nakita. Isang abandonadong lugar. Ruins at buhangin lang ang nandito. Walang tao. Walang kahit ano. Hindi pa rin ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Mistulan na akong nanigas. Nililibot ko lamang ang aking paningin sa paligid.  Nasaan ako? Anong lugar 'to? Anong ginagawa ko dito? Nananaginip ba 'ko? Sinampal at kinurot ko na ang sarili ko dahil nagbabaka-sakali akong panaginip lang ito at magising na 'ko. Ngunit wala. Walang nangyari! Dito na 'ko nakaramdam ng matinding takot at kaba. Na tipong halos lumabas na sa dibdib ko ang aking puso at pinagpapawisan na ako ng malamig. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naninikip ang dibdib ko sa sitwasyong kinalalagyan ko at nararamdaman kong umiinit na ang mga mata ko. Ngunit naisip kong kumalma dahil lalo akong hindi makakapag-isip ng maayos. Naisip kong maglakad-lakad kahit pa nanlalambot ang mga tuhod ko ngayon at windang pa ang isip ko dahil sa takot na dulot ng kababalaghang ito. Baka sakaling makakita ako ng tao at makapagtanong. Sa palagay ko, na-teleport nga ako sa ibang lugar. Tama ba?  Sa paglalakad ko ay nakarating din ako sa lugar na maraming tao. At talaga namang namangha ako sa aking nakikita. Mukha itong sinaunang siyudad dahil sa hitsura ng mga gusali dito. Mga kalesa ang mga sasakyan nila. Tapos ang suot ng mga tao ay magagarbo na parang sa sinaunang Europa. Baroque, Edwardian and Victorian ang estilo ng mga gusaling makikita dito na makikita mo lamang sa Europa. Iyong mga gusaling gawa sa bricks o kaya nama'y marmol. May kataasan ang mga gusali at mistulang patulis ang mga kisame ng mga ito Gawa rin sa bricks ang kalsada. Para tuloy akong nakapasok sa isang fairytale book.  Patuloy lang ako sa paglalakad habang namamangha sa mga nakikita ko ngayon. Totoo ba 'to? Panaginip lang? Pinagtitinginan ako ng bawat taong nasasalubong ko. Siguro nawi-weird-ohan sila sa hitsura ko. Naka-school uniform kasi ako. Ladies' longsleeve polo na puti, red necktie, black pleated skirt na above knee, knee socks na itim, at black shoes. May nakita akong matandang babae na nakaupo sa bench ng sidewalk. Mukha naman siyang mabait kaya sa kanya na lang ako magtatanong. Nakakahiya man, pero hayaan na. "Ahm, excuse me po?" sambit ko pagkalapit ko sa kanya. Tumingin naman siya sa'kin. "Puwede po bang magtanong?" lakas-loob kong sambit. Hindi ito ang panahon para makaramdam ng hiya, Charlotte. Tumango naman siya bilang sagot. "Puwede ko po bang malaman kung nasaan ako? Kung ano pong lugar ito?" tanong ko pa. "Binibini, ayon sa aking nakikita sa'yo, isa kang dayuhang naliligaw," sambit niya. Hindi ako umimik. Ngumiti lang ako ng pilit. Hindi ko kasi alam kung ano bang tamang isagot sa kanya. "Ito ay ang bansang Aglaea, Imperyo ng Stavron." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagulat at naguluhan ako sa sagot niya. Aglaea? Stavron? Sa palagay ko, napunta nga ako sa ibang lugar. Hindi ako makapaniwala. Pero, paano naman ako makakauwi nito? May daan pa ba pabalik sa'min? "Sige, maraming salamat po," sambit ko naman. Tapos ay iniwan ko na si ale at nagpatuloy sa paglalakad. May nakita akong bench sa tabi ng isang poste. Umupo muna ako doon. Habang nakaupo ako, tulala lang ako na parang lutang at wala sa sarili habang inoobserbahan ko ang paligid.  Halu-halo ang nararamdaman ko. Mangha, pagkalito, lungkot at takot. Sino ba namang hindi, 'di ba? Kahit sinong nasa sitwasyon ko ngayon, magkakaganito rin. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Makakauwi pa kaya ako?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
43.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.3K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
44.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook