Kabanata 37: Royal Rivalry

2092 Words
Mahimbing pa akong natutulog nang bigla akong napabalikwas dahil nagulat ako sa biglang kumatok sa pintuan. "Sino ba 'yan?" tanong ko. "Buksan mo na lamang ang pinto," sagot ng kumatok. Napakunot ang noo ko at pamilyar ang boses na iyon. Kinusot ko muna ang mga mata ko at sinuklay ng kaunti ang aking buhok gamit ang mga daliri ko tapos ay tumayo na ako at tumungo sa pintuan. Tapos ay binuksan ko ito at bumungad sa akin si Alexeus. "Bakit ba--" Naputol ang sasabihin ko nang bigla na lamang pumasok si Alexeus at isinara ang pinto. Takang-taka akong nakatingin sa kanya. "Bakit ba? Anong meron? Bakit bigla ka na lang pumasok dito? Isa pa, ang aga-aga pa," sambit ko ng may pagkayamot. "Sshh. 'Wag kang maingay," bulong ni Alexeus sabay lapat ng hintuturo niya sa labi ko. Lalo akong naguluhan sa nangyayari. "Alexeus! Nasaan ka na ba?" Natigilan kami pareho nang marinig namin ang sigaw na iyon mula sa labas. "Si Adara ba 'yon?" tanong ko. Tumango lamang si Alexeus bilang sagot. "Teka, 'wag mong sabihing tinataguan mo siya?" usisa ko. Napangiwi si Alexeus sa naging tanong ko. Ako naman ay bahagyang natawa. "Alexeus! Nasaan ka na ba? Bakit bigla kang nawala?" sigaw pa ni Adara. "Bakit ba? Ano bang meron?" usisa ko. "Ang aga niya akong binulabog sa aking silid upang samahan siyang mamasyal sa Ceyx," sagot niya. "O, 'yon lang naman pala eh. Anong problema do'n? Ayaw mo ba?" tanong ko. Umiling si Alexeus. "Ayaw ko. Wala ako sa huwisyo ngayon upang maglibot sa siyudad. Isa pa..." sagot niya tapos ay tumingin siya sa mga mata ko. Nabigla kami nang may bigla na lamang kumatok. Sabay kaming napatingin sa pintuan. Nataranta bigla si Alexeus at agad na naghanap ng tataguan sa kuwarto ko. Nang makita naming umikot na ang busol ng pinto ay napatago na lang siya sa ilalim ng kama. Sakto namang bukas ng pintuan at gaya ng naisip namin, si Adara nga ang kumatok na iyon. "A-anong kailangan mo, Prinsesa?" tanong ko habang pilit na umaaktong normal. Nilibot muna niya ang kanyang paningin. "Nakita mo ba si Alexeus?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi ko pa siya nakikita. Isa pa, kita mo naman. Kagigising ko pa lamang," katwiran ko. Tiningnan lamang ako ni Adara na para bang nag-iisip pa siya kung maniniwala ba siya. Tapos ay inikutan niya lamang ako ng mata sabay singhal tapos ay lumabas na siya sabay balibag ng pinto. "Ayan. Wala na siya," malakas kong bulong. Mayamaya'y lumabas na rin si Alexeus mula sa pinagtaguan niya. Pinagpag niya ang kanyang sarili pagkatayo niya. "Salamat, Charlotte. Tutuloy na 'ko. Pupunta na lamang ako sa silid-aklatan," sambit niya. Sinamahan ko si Alexeus sa may pintuan. Pagbukas namin ng pinto ay nabigla kami nang bumungad sa'min si Calisto. Natigilan kami tapos ay nagtinginan sa isa't isa. "A-anong ginagawa mo rito, Prinsipe Calisto?" tanong ko. "Kakatok sana ako upang malaman kung gising ka na. Ngunit, hindi ko inaasahang ito ang bubungad sa akin," sambit niya. "Ahm...nagkakamali ka ng iniisip, Calisto," sambit ko. Naku, paano ba ito? "Hindi. Ayos lang," sambit niya. "O paano, kailangan ko nang tumuloy. Mawalang galang na, kaibigan," sambit ni Alexeus. Tapos ay tumingin siya sa'kin. "Magkita na lamang tayo mamaya, Charlotte," sambit niya. Tapos ay tinanguan niya kami pareho ni Calisto at agad na umalis. "Ah, Prinsipe Calisto. Mawalang-galang na. Kailangan ko na muna sigurong mag-ayos ng aking sarili. Hanggang sa muli," sambit ko. Ngumiti lamang siya sa'kin at tumango. Ngumiti lamang din ako tapos ay dahan-dahan ko nang isinara ang pintuan. --- Matapos naming magsalu-salo sa almusal, dumeresto ako sa silid ni Aristea para itanong sa kanya kung ano bang nagagawa ng kosmima ng lupa? Nang makarating ako sa tapat nito ay kumatok muna ako. "Sino 'yan?" tanong niya mula sa loob. "Si Charlotte ito," sagot ko. "Sige, tuloy ka," sambit niya. Agad ko naman itong ginawa. Pagpasok ko ay nadatnan ko siyang nakaupo lamang sa kanyang tanggapan habang nagbabasa ng mga scroll. "Anong maipaglilingkod ko sa iyo, Magissa?" tanong niya. "Nais ko lang sanang itanong kung anong nagagawa ng kosmima ng lupa," sagot ko. Tiningnan lamang niya 'ko tapos at inilapag niya ang scroll na kanyang hawak sa katapat lamang niya na mesa. "Ang kosmima ng lupa ay nagtataglay ng kakayahang bumuhay o magpausbong ng mga halaman," panimula niya. Napaawang ang bibig ko agad sa sinabi niya. "Kaya din nitong magpagalaw ng lupa. At higit sa lahat, kaya nitong magbigay ng kakaibang pisikal na lakas na higit pa sa pinakamalakas na nilalang sa mundo," dagdag pa niya. Nanlaki ang mga mata ko at napalaglag na ang panga ko sa huli niyang sinabi. "Lakas na higit pa sa kanino man?" usisa ko. Tumango siya. "Oo. Maaari mong subukan upang iyong malaman. Tutal, mukha namang alam mo na kung paano gamitin ng maayos ang kosmima," sambit niya. Matapos ng pag-uusap namin na iyon, umalis na ako at dumeretso sa hardin ng palasyo. Sinalubong agad ako ng banayad na sinag ng araw na namumukod-tangi ang liwanag sa buong kalangitan na may kakaunting mga ulap. Sabayan pa ng simoy ng kalmado at sariwang hangin. "Subukan, ha?" bulong ko sa sarili ko. Bumuhay o magpausbong ng halaman. Inilibot ko ang paningin ko hanggang huminto ito sa isang bahagi ng hardin na walang d**o o halaman. Agad akong pumunta doon. Umupo ako tapos ay inilapat ko ang palad ko sa lupang iyon. Lumuhod ako sa damuhan at dahan-dahan inilapat ang palad ko sa bakanteng lupa. Ipinikit ko ang mga mata ko at nag-isip ng malalim. Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagdaloy ng kakaibang lakas sa buong katawan ko. Tapos ay dumadaloy papunta ang lakas sa palad kong nakalapat sa lupa. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakita ko ang pagliwanag ng kamay ko. Sandali lang ay nawala na ang liwanag. Nanlaki ang mga mata ko sa mangha dahil sa nasaksihan ko. Nagkaroon ng mga d**o sa lupang hinawakan ko! Nagkaroon siya ng makakapal at maiiksing d**o na gaya lang ng nasa ibang parte ng hardin. Napatayo tuloy ako sabay manghang napatingin sa palad ko. Tapos ay napangiti ako. Ang galing. Nakakamangha. "Ibabalita ko 'to kay Alexeus. Siguradong matutuwa 'yon," sambit ko nang may pagkasabik. Tapos ay kaagad na akong naglakad upang hanapin si Alexeus. Alam ko naman kung saan siya namamalagi. Sa pangunahing silid-aklatan ng palasyo. Masaya akong naglalakad sa daanang papunta sa silid-aklatan. May kahabaan ang daan dahil nasa dulong bahagi ito ng ikalawang palapag ng palasyo. Isang malawak at paliku-likong pasilyo ang dadaanan tapos ay aakyat pa ako ng mahaba't paikot na hagdanang gawa sa ginto at marmol. Sa wakas ay narating ko rin. Nakatayo na ako ngayon sa tapat ng malaki at kulay puting pintuang gawa sa matigas at makapal na kahoy. Nang hawakan ko ang busol nito at dahan-dahan kong itinulak ang pinto at sumilip muna ng bahagya. Napangiti ako nang makitang naroon nga siya. Nakaupo siya sa harap ng isang mesa at nagbabasa. Hahakbang na sana ako para puntahan siya nang mapahinto ako nang makita kong may lumapit sa kanya. "Magkasama pala sila ni Adara," bulong ko sa sarili ko kasabay ng pagkawala ng ngiti ko. Hindi na ako tumuloy. Mukha kasing masaya naman sila sa ginagawa nila. Nagbabasa sila ng magkasama. Ayaw ko namang makaabala pa. Dahan-dahan akong umatras palabas ng pintuan. Tapos ay naglakad ako paalis. Ang saya at pagkasabik ko kanina ay pawang napalitan ng pagkadismaya. Nakatungo akong naglalakad nang dahan-dahan sa malawak na pasilyo ng palasyo. At wala akong ideya kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.  Napahinto naman ako nang mapansin kong may mga paang huminto sa harapan ko. "Charlotte?" Tumingala ako at nakita ko si Calisto.  "Ikaw pala, Kamahalan," malumanay kong sabi. "Tila malumbay yata ang magandang Magissa ng Stavron," magiliw niyang sambit. Ngumiti ako ng kaunti. "Hindi naman," sambit ko. "Medyo naiinip lamang ako ngayon," sambit ko pa. "Ganoon ba? Hmm..." sambit niya na aktong nag-iisip. "Kung gayon ay samahan mo na lamang muna ako," sambit niya. Napakunot-noo ako. "Saan naman, Kamahalan?" usisa ko. "Sumama ka sa akin sa sanayan ng mga kawal at mandirigma ng imperyo," sambit niya. Napakunot lalo ang noo ko dahil sa pagtataka sa sinabi niya. "Ano namang gagawin natin doon?" usisa ko pa. Ngumiti lang siya. "Basta. Magtiwala ka lang sa'kin," sambit niya. Hinawakan niya ako sa pulsuhan ko. "Halika na?" sambit niya nang nakangiti. Kahit wala pa akong ideya ay hinayaan ko na lamang ang sarili ko na sumama sa kanya. Nasa hilagang bahagi ng palasyo ang lugar na pinagsasanayan ng mga mandirigma ng imperyo. May malaki at bakanteng lupain dito. May naabutan pa nga kaming ilang kawal na nagsasanay. Mga nagsasanay sila sa paghawak ng espada. Yumuyuko ang mga taong nakakasalubong sa amin bilang paggalang. Sa paglalakad namin, nakarating kami sa isang bahagi ng lugar ng sanayan kung saan may mga nagsasanay na gumamit ng pana. "Narito na tayo," sambit ni Calisto. Tapos ay nakita kong kumuha siya ng pana at palaso sa isang sulok na pinaglalagyan ng mga ito at inabot sa akin. "Narinig kong magaling ka raw gumamit nito. Nais kong ikaw ang magturo sa akin kung paano iyan gamitin," sambit niya. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Ako? Magtuturo sa isang prinsipe? "Seryoso ka?" paninigurado ko. Ngumiti lang siya at tumango. Nahihirapan akong tumanggi dahil isa siyang maharlika at bukod do'n ay mabait din siya sa'kin. Kinuha ko na ang iniaabot niyang pana ay palaso sa'kin. Hindi naman ganoon karami ang tao dito sa sanayan ng pagpana. Pumuwesto na ako sa dapat puwestuhan. May mga katapat kaming mga target ranges na para tamaan ng pana na malayo-layo ang distansya mula sa amin. Ipinuwesto ko na ang isa akong paa paharap, dapat tuwid ang katawan. Itinapat ko na ang pana ko na may palaso at sinipat mabuti kung saan ko ito patatamain. Pantay ang pana sa aking katawan at kapantay naman ng mata ko ang palaso. Pinakiramdaman ko muna ang ihip ng hangin. Tapos ay pinakawalan ko rin ang palaso. Mabilis itong rumagasa papunta sa target range at tumama ito sa gitna ng bilog. Halos lahat ng naroroon at pawang namangha sa ginawa ko. "Sadyang napakahusay," manghang sambit ni Calisto. "Ikaw naman ngayon, Kamahalan," sambit ko sabay abot sa kanya ng pana at palaso. Ginaya niya ang puwesto ko kanina pagkaabot ko nito sa kanya. "Pakituwid ang katawan. Isang paa sa unahan. Pantay sa mata ang palaso. Huminahon ka at huwag manginginig," turo ko. "Ganito ba?" tanong niya. "Ganyan nga po," sagot ko. "Kung sa inyong palagay ay handa na kayo, maaari niyo nang pakawalan ang palaso," sambit ko. Tahimik niyang sinipat ang range. Mayamaya'y pinakawalan na niya ang palaso. Lahat kami'y nasa rumaragasang palaso nakatuon ang atensyon upang makita kung saan ito tatama. Ang palaso ay tumama sa paligid ng pinakasentrong bilog ng range.  "Ayos lang ba ang ginawa ko?" tanong niya. Ngumiti ako. "Oo naman. Mahusay ang iyong ginawa, Kamahalan," sagot ko. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. "Magaling kasi ang nagturo sa akin," sambit niya. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Salamat," sambit niya. "Prinsipe Alexeus!" sambit ng mga taong naroroon sabay yuko. Napatingin kami ni Calisto sa gawi kung saan sila nakatingin. Dumating nga si Alexeus. "Narito ka lang pala, Charlotte. Kanina pa kita hinahanap," sambit niya. "May kailangan ka ba?" tanong ko. "Hinihintay kita sa silid-aklatan ngunit hindi ka dumating," sambit niya nang may pagkadismaya. "Dumating ako. Ngunit nang makita kong kasama mo naman si Prinsesa Adara ay hindi na ako tumuloy pa," katwiran ko. Mistulan naman siyang nabigla sa sinabi ko. "Kahit na. Ikaw ang aking hinihintay kaya't dapat na tumuloy ka," maawtoridad niyang sambit. "Alexeus, huwag ka naman sanang magalit kay Charlotte. Sa palagay ko'y nahiya lamang siyang gambalain kayo ng aking kapatid," singit naman ni Calisto. Binigyan niya ng seryosong tingin si Calisto. "Hindi ako galit. Bahagya lamang akong nadismaya," sambit ni Alexeus. "Dahil naghintay ako sa kanya. Ngunit hindi siya dumating, tapos nalaman ko pang may kasama pala siyang iba," seryosong sambit pa niya. Kahit sa baba ako nakatingin ay ramdam kong nakatingin sa'kin si Alexeus nang sabihin niya 'yon. "Sandali lamang," sambit ni Calisto kaya't napatingin kaming dalawa sa kanya. "Bakit ka ba nagkakaganyan, Alexeus? Sabihin mo nga. Nagseselos ka ba?" usisa ni Calisto. Mistulan kaming nabigla ni Alexeus sa tinanong na iyon ni Calisto. Napatitig lamang si Alexeus kay Calisto. At mayamaya'y ibinaling naman niya sa akin ang tingin.  Nakatingin siya sa mga mata ko na para bang pinag-iisipan niya ang isasagot niya sa tanong ni Calisto. Bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko habang hinihintay ang magiging sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD