Kabanata 11: Knight of Magissa

1567 Words
"Mayroong tagapagtanggol ang Magissa?" tanong ko. Ang mga nasa silid ang nabigla at tila nag-aabang sa sasabihin ng Punong babaylan "Isinaad siya sa propesiya bilang magiging tagapagtanggol ng dalagang magmumula sa kabilang mundo. Isinilang siya upang ialay ang kanyang buhay at katapatan sa hihiranging Magíssa, ang kanyang kabalyero," saad niya. Tumingin siya kay Alexeus. "Walang iba kundi ang lalaking isinilang na may mga matang 'sing bughaw ng langit, l" sambit niya. Lalaking..may mga matang 'sing bughaw ng langit? Iyon ay si... Napatingin naman kaming lahat sa prinsipe. "Alexeus?" sabay-sabay naming sambit ng mga magulang ni Alexeus. Napatingin naman si Alexeus sa Punong babaylan na mukhang nabigla sa nalaman niya. "Ako po? Tama ba, Punong babaylan?" tanong niya na halata ang pagkabigla. "Ang iyong mga bughaw na mata ang simbolo ng pagkakahirang sa iyo ni Panginoong Mulciber bilang tagapagtanggol ng Magíssa," nakangiting sambit ng babaylan habang nakatingin kay Alexeus. Tila hindi pa rin kami makapaniwala sa sinabi ng babaylan. Si Alexeus? Na prinsipe ng imperyong ito at siya ding tagapagmana ng trono ng kanyang ama? "Ngayon naintindihan ko na. Heto pala ang sinabi mo sa akin noon na may gagampanang espesyal ang batang isisilang ko, noong ipinagbubuntis ko pa lamang siya," manghang sambit ng Emperatris. Nagkatinginan kami ni Alexeus. Tinungo niya ang ulo niya at inilagay ang kanang kamao sa kanyang puso. "Ako si Prinsipe Alexeus, ay nangangako na gagawin ko ang lahat upang maprotektahan ang hinirang kahit buhay ko pa ang maging kapalit. Iniaalay ko rin ang aking buong katapatan bilang iyong magiting na tagapagtanggol, Magíssa." Tapos ay tumingin na ulit siya sa'kin at ngumiti. "Kung ang aking anak ang hinirang na kabalyero ng Magissa, ibig sabihi'y manganganib na rin ang kanyang buhay," sambit naman ng Emperador na mistulang nag-aalala. "Ama, huwag kayong masyadong mag-alala sa aking kaligtasan. Naniniwala akong ito ang aking tadhana. Kaya naman alam kong poprotektahan ako ng ating diyos na si Mulciber. Isa pa, para na rin naman ito sa ating imperyo, hindi ba?" sambit ni Alexeus sa kanyang ama. Kahit bakas pa rin ang pag-aalala ng Emperador sa prinsipe ay ngumiti na lamang ito sa kanyang anak sabay tapik nito sa balikat niya. "Siya nga pala, Punong babaylan," sambit ko. "Ano iyon?" tanong niya sa'kin. "Maaari ko po bang magamit ang kapangyarihan ng mga kosmima?" usisa ko. "Tungkol ba do'n?" sambit niya. "Kahit bilang proteksyon lamang sa aking sarili kapag nanganganib ang buhay ko. At para hindi naman ako gaanong umasa sa aking kabalyero," sambit ko. "Ang sagot ay oo, Charlotte. Subukan mo," nakangiti niyang sambit sa'kin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. "Paano?" tanong ko. "Ilahad mo ang iyong palad kung saan naroroon ang stefani na iyong suot." utos niya sa'kin. Kahit nag-aalinlangan ay ginawa ko ang iniutos niya. "Isipin mo ay apoy. Kailangan mong maglabas ng apoy sa iyong kamay," utos niya. Nakatitig ako sa aking palad at binlangko ko muna ang aking isipan upang makapag-isip ng mabuti at magawa ng ayos ang pinagagawa sa'kin ng babaylan. Ilang sandali lang ay naramdaman kong uminit ang palad ko. Mayamaya'y umusok ito. Nagulantang ako dahil dito at nawala bigla ang usok. "Alam kong nabibigla ka, Charlotte. Ngunit mag-isip ka muna ng mabuti upang makapagpalabas ka ng apoy," sambit nito. Itinuon kong muli ang atensyon ko sa palad ko at ang isip ko sa pagpapalabas ng apoy. Habang ginagawa ko ito ay bumibigat ang aking paghinga at lumalakas ang t***k ng puso ko. Apoy. Dapat may lumabas na apoy sa aking kamay. Tahimik na nag-aabang ang lahat sa mangyayari habang ako nama'y pinagpapawisan na ng butil-butil. Mayamaya lamang ay sa wakas! Labis akong namangha sa nagawa ko. "Apoy! Nagawa ko, Punong babaylan! Nagawa ko!" mangha kong sambit habang ipinababalik-balik ang tingin sa Punong babaylan at sa aking palad na may apoy. Namangha at sa kabilang banda ay natuwa ang lahat ng nandito sa nagawa ko. "Sanayin mo lamang ang iyong sarili na makapagpalabas ng apoy ng mabilisan. At marami ka pang magagawa sa kapangyarihan mong makapagpalabas ng apoy gamit ang kosmima nito," sambit ng babaylan. Nawala ang apoy nang sandaling isara ko ang aking palad. Natutuwa ako na namamangha sa kakayahang nakuha ko gamit ang kosmima ng apoy. Ang galing. May kapangyarihan ako! "Ngunit." Natigilan ako nang banggitin iyon ng babaylan kaya't natuon ang atensyon ko sa kanya. "Hinay-hinay lamang sa paggamit ng kapangyarihan nito. Dahil labis na lakas ang kailangan upang magamit mo ang kapangyarihan ng kosmima. Kapag nakararamdam ka na ng panghihina, huwag kang magdalawang-isip na huminto sa paggamit. Dahil maaari mo itong ikasawi," seryosong bilin sa akin ng babaylan.  Napalunok ako sa aking narinig. Ganoon pala. Maaari akong mamatay kapag nasobrahan ako sa paggamit. Nakakatakot din pala. "Ang iyong misyon ay may kaakibat na panganib, lalo na sa iyong buhay. Maraming nagkakaroon ng interes sa mga kosmima dahil lubos ang mga kapangyarihang taglay nito. Kapag napunta sa maling mga kamay ang mga ito, lubhang nakakatakot ang maaaring mangyari," dagdag pa niya. Ganoon pala. Kaya pala ang isang Magíssa ay dapat busilak ang kalooban. Para hindi magamit sa kasamaan ang kapangyarihan ng mga kosmima. "Huwag kang masyadong mag-alala, Charlotte. Pagkat narito ako bilang iyong kabalyero. Ako ang bahala sa'yo sa oras na panghinaan ka. Iyan marahil ang isa sa mga dahilan kaya't mayroong tagapagtanggol ang Magissa," sambit sa akin ni Alexeus.  "Punong babaylan, paano ko po mapoprotektahan ang Magíssa? Kung wala naman akong kakayahan o kahit anong magagamit na may kapangyarihan?" sambit naman niya sa babaylan. Tumawa ang babaylan. "Oo nga pala. Mahal na Prinsipe, marapat lamang na itapat mo ang iyong palad dito sa apoy na nasa gintong sulo," utos nito. Napakunot ang noo ni Alexeus sa sinabi ng babaylan.  Halata ang pangamba at alinlangan sa kanya.  "Huwag kang mag-alala, Kamahalan. Ligtas ang apoy na iyan. Magtiwala ka," nakangiti nitong sambit sa prinsipe. Tumingin muli si Alexeus sa apoy sa gintong sulo. Dahan-dahan siyang lumapit at itinapat ang kanyang kamay mula doon. Nakikita ko butil-butil na pawis ni Alexeus habang seryosong nakatitig sa apoy. Kami naman ay pigil-hiningang mga naghihintay sa susunod na mangyayari. Mayamaya'y, may nakita kaming lumabas mula sa apoy. Parang bakal na tubo? "Ano 'yan?" pagtataka ni Alexeus. "Hawakan mo at dahan-dahan mong hugutin, Kamahalan," utos sa kanya ng babaylan. Lumunok muna si Alexeus sabay dahan-dahang inabot ang bagay na 'yon. At unti-unti na niya iyong hinuhugot mula doon sa apoy. "Isang espada!" manghang sambit ni Alexeus habang nakatingin sa espadang hawak niya. Kahit kaming lahat ay labis na namangha sa aming nakita. May isang malaki at napakatulis na espada ang nahugot mula do'n sa apoy na pinanggalingan ng stefani. May kahabaan at kalakihan ito, makinang ang blade niya na halos kita mo na ang iyong repleksyon at mukha talagang napakatalas. Tapos ang hawakan naman nito ay gawa sa ginto na may detalye ng mga ukit at pulang bato. Sinusuri muna ni Alexeus mabuti ang espada. Bawat sulok at detalye nito at sinisipat niya. Halatang labis na namamangha dito si Alexeus.  "Tunay na napakaganda ng espada na ito. Halatang-halata sa hubog nito na masusi ang pagkakagawa nito na para bang isang napakahusay na panday ang may gawa," manghang sambit ni Alexeus habang nakatingin pa rin sa espada. Winasiwas ito ni Alexeus at habang nawasiwas ito ay may lumalabas na apoy mula dito. Para siyang sword of flame. Lahat kami'y nagulat at namangha. May apoy ang espada! "Ang galing nito. Naglalabas din ng apoy ang espadang ito. Tunay na kamangha-mangha!" namamangha niyang sambit. "Iyan ang iyong sandata sa pagtatanggol sa Magíssa. Kamahalan, maaari niyo po bang ihagis pataas ang espada?" sambit ng babaylan. "Ihagis?" pagtataka niya. Ngunit kahit nagtataka, ginawa pa rin ito ni Alexeus. At lahat kami'y napanganga sa mangha nang makita naming naglaho ang espada na parang bula. "Ha? Naglaho ang espada na parang bula! Anong nangyari? Saan ito napunta?" sambit ni Alexeus na may halong gulat at pagtataka. Tumawa ang babaylan. "Huwag kayong mag-alala, Kamahalan. Tawagin niyo lamang ang pangalan nito at ito'y muling lilitaw." "Tawagin? May pangalan ang espada?" pagtataka niya. "Oo, Kamahalan. Tawagin mo itong, Flágo," sagot ng babaylan. "Flágo!" sigaw ni Alexeus sa nasabing pangalan ng espada. At lumitaw nga bigla ang espada sa kamay ni Alexeus. Napangiti si Alexeus ng malapad dahil sa mangha. Ngayon, batid na namin ang panganib na dulot ng pagpayag ko bilang isang Magissa. Ngunit kailangan ko itong harapin ng buong tapang dahil nandito na rin naman ako at wala akong ibang makitang paraan upang makauwi sa'min. Matapos ng mga pangyayari kanina, iniutos ng Punong babaylan kay Heneral Balsicus na ipamalita sa buong imperyo ang pagkakahirang sa akin bilang Magissa at sa kanilang prinsipe bilang aking kabalyero. Dahil mabuting balita ito sa buong imperyo na kanilang malaman na mayroon na silang tagapagligtas. Tapos ay napagpasiyahan namin ni Alexeus na maglakad-lakad na muna sa hardin ng palasyo. "Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari sa atin," sambit ni Alexeus habang patuloy lang kami sa paglalakad na parang namamasyal lang. "Lalo naman ako. Kahit kailan 'di ko naisip na magiging tagapagligtas ako, 'no," sambit ko habang natatawa-tawa pa. Kahit pa kinakabahan dahil sa takot at pangamba dahil sa responsibilidad na kaakibat nito. "Bigla kong napagtanto, sa palagay ko'y nakatadhana ang ating pagtatagpo, Charlotte. Dahil isinilang ako upang ialay ang buhay ko para sa'yo," sambit niya sabay ngiti sa'kin. Napatitig na naman ako sa pares na 'yon ng kanyang mga bughaw na mga mata. Teka, ano 'to? Bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD