Kabanata 15: The Worried Knight

1668 Words
Nakakunot lang ang noo ko habang nakatitig sa lalaking ito na nasa harapan ko ngayon na nagngangalang Zelion. Kinilabutan ako sa aking narinig. Ano bang pinagsasasabi niya? "Ako? Bilang babae mo?" tanong sa kanya habang pinandidilatan siya ng mata. Nahihibang na nga ang isang 'to. "Oo. Gagawin ko ang iyong nais kung papayag ka," seryoso niyang sambit. Nanahimik muna kami tapos ay nilaliman ko ang aking tingin sa kanya.  "Seryoso ka ba?" inis kong tanong. Ningitian niya lang ako. Lalong nagpuyos ang aking damdamin. Hindi ako nakikipagbiruan! Isa pa, alam kong 'di maaari ang gusto ni Zelion dahil kailangan kong manatiling birhen habang ako ang Magíssa. At hindi ko rin siya asawa o anuman para ibigay ko ang sarili ko sa kanya! "Hindi maaari ang iyong nais, Zelion," seryoso kong sambit sabay tabig ng marahas sa kamay niyang nakahawak sa baba ko. Ngumiti siya ng masama, "Ganoon ba? Kung gayon, mapipilitan akong sugudin ang palasyo. At tuluyang pabagsakin ang Emperador." Inikom ko ang mga kamao ko habang tinitingnan ko siya ng matalim. Ganyan ba talaga ang lalaking 'yan? Naiinis na talaga ako sa kanya. Gusto ko siyang sunugin mula sa kinatatayuan niya. Konti na lang talaga at sasagadin na niya ang pasensya ko. "Siya nga pala. Bihag ko ngayon si Prinsipe Alexeus," sambit niya. Nagpanting ang mga tenga ko kaya't nanlaki ang mga mata ko. "S-si Alexeus? Narito siya?" usisa ko. "Oo. At hindi ako mag-aalinlangang patayin siya. Sa harapan mo pa mismo," sambit niya ng may madilim na ekspresyon. Hindi ako papayag. Hindi maaari! Isip, Charlotte. Pilitin mong gumawa ng paraan para matakasan ang sitwasyong ito. Nasa panganib ang buhay ni Alexeus at ng mga nasa palasyo. "Pag-isipan mong mabuti, Magissa. Ang sarili mo, kapalit ng kaligtasan ni Prinsipe Alexeus at ng palasyo," seryoso niyang sambit. Pinanginginig ng isang 'to ang buong kalamnan ko sa sobrang inis. Napagkuyom ko ang aking mga palad habang matalim na tinitingnan si Zelion na para bang pinapatay ko na siya sa isip ko. "Huwag ka namang ganyan sa'kin, Charlotte. Nababawasan ang iyong kagandahan dahil sa iyong pagsimangot," sambit niya na parang nanunuya. "Eh paano kung ayaw ko?" seryoso kong tanong. Tinitigan niya muna ako sabay nagsalita siya. "Tuloy ang rebelyon laban sa palasyo. At kayong dalawa ng prinsipe ay mamamatay sa aking mga kamay," seryoso niyang sagot. "Bakit mo ba ginagawa 'to? Bakit mo naisipang tulungan at pamunuan ang mga taga-Agua para mag-aklas laban sa palasyo?" pagalit kong usisa sa kanya. "Alam kong may iba pang dahilan, Zelion," seryoso kong sambit. Natigilan siya na parang napaisip sa sinabi ko. Tapos ay ngumiti siya ng parang nanunuya. "May katalinuhan din palang taglay ang hinirang na Magissa, ha?" sambit niya. "Tama ka. May iba pa akong nais bukod sa tulungan silang pabagsakin ang palasyo," dagdag pa niya. Lumapit siya sa'kin at inilapit niyang muli ang kanyang mukha sa akin. "Dahil sa aking matinding pagnanasa na maging emperador ng Stavron," sambit niya. Nagpanting ang mga tenga ko. Nanlaki ang mga mata ko't napalunok ako sa kanyang sinabi. Nais niyang kunin ang trono ni Emperador Acanthus?  "Kalokohan," inis kong sambit. Tapos ay tumawa siya ng malakas na parang sinaniban ng demonyo. "Hindi iyon kalokohan, Magissa. Seryoso ako sa aking nais" seryoso niyang sambit. "At kung sasama ka sa akin, ikaw ang gagawin kong aking Emperatris. Ano sa tingin mo?" nakangiti niyang alok. Lalong nag-alab ang inis na nararamdaman ko. Isa itong malaking kalokohan. Hindi ako makakapayag sa nais ng isang ito. Hinding-hindi. Kailangan may gawin ako bago mahuli ang lahat. Huminga ako ng malalim habang nakapikit. Pagdilat ko ay dineretso ko ang aking tingin sa mga mata ni Zelion. "Sige. Pumapayag na 'ko," mariin kong sagot. Kahit napipilitan ay ginawa ko na. Bahala na. Dahil may naisip akong plano. Ngumiti siya at lumapit sa'kin. "Sisiguraduhin ko na 'di ka magsisisi sa naging desisyon mo, Magíssa," sambit niya ng may nakakaasar na ngiti. Nilapitan niya ako at hinaplos ang aking buhok. Naiilang ako sa bawat haplos niya sa buhok ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nabigla ako nang hinila niya ako pahiga sa kama. Napalunok ako nang pumaibabaw siya sa'kin. Nanginginig ang buong katawan ko at nagsimula nang bumilis ang pintig ng puso ko. Naramdaman ko na rin ang panlalamig ng mga kamay ko dahil sa labis na nerbyos. Napapikit na lamang ako. Nangingilid ang luha ko habang hinahalikan niya ang leeg ko. Napakapit ako ng mahigpit sa kobre-kama sabay ng pagpatak ng luha ko na kanina ko pa pinipigil.  Pero, syempre 'di ako papayag na may mangyari sa'min. Kasama 'to sa plano ko. Dahan-dahan kong iginapang ang aking kamay papunta sa kanyang dibdib at itinapat ko ang palad ko dito. Matinding konsentrasyon. Sana kayanin ko kahit pa sobrang ninenerybos ako sa ginagawa sa'kin ngayon ng lalaking ito. Isip, isip! Lagot na. Ayaw gumana! Ano nang gaagwin ko ngayon? Hindi kasi ako makapag-isip ng maayos dahil sa labis na nerbyos. Nakakainis! Lalo nang umagos ang luha mula sa aking mga mata. Napahinto ngayon siya sa paghalik sa'kin. Tapos ay humarap siya. Nabigla ako nang bigla niyang hablutin ang magkabila kong pulso tapos ay itinaas niya ang mga 'to sa aking ulunan habang hawak ng mahigpit.  "Akin ka na ngayon, Charlotte," bulong niya sa tenga ko. Lalo akong napaluha. Wala na akong pag-asa. Ayaw gumana ng kosmima dahil hindi ako makapag-isip ng maayos. Ano nang gaagwin ko ngayon? Natataranta na ang isip ko sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. -- Alexeus "Ano na kayang ginagawa ni Pinuno at ng Magíssa?" tanong ng isang nagbabantay sa'kin dito. Sa kasalukuyan, dalawang lalaki ang mga nagbabantay sa'kin dito. "Hmm, ano pa ba? Baka sa mga oras na 'to, nasa langit na silang dalawa. Si Pinuno pa?" sagot naman ng isa. Tapos ay sabay nagtawanan silang dalawa. Nagpanting ang aking mga tainga sabay napagtiim ko ang aking bagang dahil sa labis na galit at pag-aalala matapos ng aking narinig. "Oy, Kamahalan. Ikaw? Ano na sa tingin mo ang ginagawa nila ng Magissa ngayon?" panunudyo nito sa akin. Lalong nag-alab ang galit sa akin. Tinitigan ko siya ng matalim na para bang nais ko siyang paslangin gamit ang sarili kong mga kamay. Hindi ko talaga nagustuhan ang aking naririnig. "Pakawalan ninyo ako dito ngayon din," may awtoridad at seryoso kong utos sa kanila. Ngunit pinagtawanan lamang nila ako kaya naman lalong lumala ang galit na aking nadarama ngayon. Hindi ako makapapayag na may mangyaring ganoon kay Charlotte. Biglang nablangko ang aking isipan at nagdilim ang aking paningin. Nanikip ang aking dibdib at bumilis ang aking paghinga. Inipon ko ang aking buong lakas sa aking mga kamay tapos ay pinilit kong kumawala mula sa magkakatali sa akin. Pilit kong pinaglalayo ang aking mga nakagapos na kamay upang subukang kumawala. Matapos ang ilang subok ay sa wakas at lumuwag din ang tali. Tapos ay pinilit kong gawin itong muli. At sa pagkakataong ito, tuluyan nang nalaglag ang tali na nakatali sa aking mga kamay. "Flágo," may awtoridad kong tawag sa pangalan ng aking espada at agad naman itong lumitaw sa aking kamay. Wala na 'kong pakialam. Ang mahalaga, mailigtas ko si Charlotte mula sa mga kamay ng lapastangan na iyon! Walang pag-aalinlangang iwinasiwas ko ng mabilis ang aking espada upang mahiwa ang mga rehas na ito. At hindi naman ako nabigo. Umalingawngaw pa sa paligid ang mga nagbagsakang mga putol-putol na bakal ng rehas habang umuusok pa.  Gulat na gulat ang mga hitsura ng mga nagbabantay sa akin. Halos matulala sila habang mga nakalaglag ang mga panga at mistulang napako na sa kanilang mga kinatatayuan. Kaya't wala na silang nagawa pa at nilampasan ko na lamang sila nang hindi sila iniintindi. Binabaybay ko ang madilim na daanang ito. Makipot ang daan at ang tanging ilaw na nagsisilbi kong liwanag ay ang apoy ng aking Flágo. Palinga-linga ako sa paligid. Gawa lamang sa mga guwang-bloke ang buong paligid. Halos ilang minuto din yata ang ginugol ko sa pagbaybay sa madilim at makipot na daanan na iyon bago ko marating ang dulo. Napansin kong mayroon pa palang paikot na hagdanan pataas, at may kahabaan ito. Tumakbo na agad ako paakyat nito. Kailangan kong magmadali. Kailangan ako ngayon ni Charlotte. Ako ang kanyang tagapagtanggol. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring kahit anong masama sa kanya. Nang makarating ako sa dulo ay hinihingal pa ako at nagpapawis na dahil sa pagtakbo pataas dahil sa pagmamadali. Isa pa, may kahabaan kasi ang hagdanang ito. May isang pintuan dito. Binuksan ko ito agad tapos ay sumalubong sa akin ang liwanag.  Mabilis akong lumabas mula sa pintuang ito na nasa dulo nitong hagdan. Bumungad sa akin ang malalawak at sali-saliwang mga daanan. Napaisip tuloy ako kung saan naman kaya sa mga daanan na ito ko matatagpuan ang kinalalagyan ni Charlotte? At dahil nga nagmamadali ako, walang anu-ano'y dineretso ko na lamang ang daang nasa harapan ko. Tumatakbo ako na parang walang patutunguhan dahil ang nasa isip ko lamang sa mga oras na ito ay kung saan ko matatagpuan si Charlotte at kung paano ko siya maililigtas.  Sa katatakbo ko ay may natanaw akong isang taong naglalakad at nakatalikod ito sa akin. "Ikaw!" sigaw ko sa kanya matapos kong makalapit pa ng kaunti. Napahinto naman siya at halatang nabigla nang lumingon siya sa aking gawi. Huminto ako sa kanyang harapan at itinutok ko sa kanyang leeg ang aking espada sabay binigyan ko siya ng isang matalim na tingin. "Sabihin mo sa akin kung nasaan ngayon ang inyong Pinuno," utos ko. Nakita ko ang panginginig ng taong ito sa takot habang pinaglilipat-lipat niya ang kanyang tingin sa akin at sa talim ng aking espada na nakatutok ngayon sa kanyang leeg. "Tinatanong kita ng maayos, rebelde. Sagutin mo ako," may awtoridad kong sambit sabay diin pa ng talim sa kanyang leeg. Lalong nabakas ang takot sa kanyang mukha.  Magsasalita na sana ang rebelde nang bigla naman kaming nakarinig ng pagsabog. Pareho kaming nabigla at nagtaka kaya't napatingin kami sa gawing pinagmulan ng aming narinig. Saan kaya nanggaling iyon? "Charlotte..." pabulong kong sambit sa kanyang pangalan na may halong labis na pag-aalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD