Kabanata 29: Temple of Maia

1329 Words
Wala akong tigil sa paglalakad nang pabalik-balik dito sa puwesto ko. Paano ba naman kasi, hapon na ngunit hindi pa dumarating si Alexeus. Kamusta na kaya siya? Ano na bang nangyari sa kanya? Natagpuan na kaya niya sina Abas at Chara? Tumingala ako sa langit at nakita kong kulay kahel na ang kalangitan hudyat na malapit nang lumubog ang araw. At kapag sumapit nang muli ang dilim, muli na namang aatake ang mga Fidian. Huminto muna ako sandali. Dinukot ko sa aking bulsa ang pito na binigay sa akin ni Aviar. Tatawagin ko na ba sila? Wala pa si Alexeus at ako lang mag-isa. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kayang lumaban nang mag-isa sa isang pulutong ng Fidian. Mayamaya'y may natanaw akong tumatakbo papalapit na nagmula sa direksyon kung saan naroon ang kagubatan. Tinititigan ko iyong mabuti para maaninag ko kung sino 'yon. Habang lumalapit ito ay lalong nagiging malinaw sa akin kung sino ito. "Binibini!" Si Chara. Agad ko siyang sinalubong. "Chara! Salamat naman at ligtas ka. Anong nangyari?" usisa ko agad sa kanya tapos ay umupo ako pantay sa kanya. Puno ng dungis ang kanyang hitsura at may mga ilan-ilan ring mga gasgas. Napansin ko ang panginginig ng kanyang katawan. "Ang dami po nila. Nakakatakot sila!" Mangiyak-ngiyak niyang sambit. "Bakit ikaw lang? Si Abas? Nasaan siya?" tanong ko. "Si Ginoong Abas, dinala niya 'ko sa templo. Pero pagdating namin, sinalubong agad kami ng pulutong ng mga Fidian. Tapos...tapos...p-pinaslang siya ng isa...tapos...k-kinain!" Halata sa kanya ang trauma dahil sa nangyari. Hinihimas-himas ko ang likod niya para kahit papaano'y huminahon siya. "Nang ako na ang aatakihin ng Fidian, biglang dumating si Ginoong Alexeus para iligtas ako. Kaya po ako nakatakas. Salamat po sa kanya," dagdag pa niya. "Nasaan na si Alexeus ngayon?" tanong ko. "Bago po ako tuluyang umalis, kinukuyog na siya ng mga Fidian. Tapos, hindi ko na alam. Hindi ko po alam, binibini." Mangiyak-ngiyak niyang sagot. Tapos ay dinala ko na si Chara sa kanyang pamilya at laking pasasalamat ng mga ito at ligtas ang kanilang anak. At kahit nainis sila sa ginawa ni Abas, nagpakita pa rin sila ng simpatya dahil sa nangyari dito. Gaya ng nakagawian, nasa loob na ng mga kabahayaan nila ang lahat bago pa tuluyang lumubog ang araw. Ako lang mag-isa. Hindi ko kasama si Alexeus. Nag-aalala na 'ko sa kanya ng sobra dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakakabalik. At dahil dito, napagdesisyunan kong tawagin na ang mga Poulian. Kinuha kong muli ang pito sa aking bulsa. Sa ngayon siguro, hihingi muna ako ng tulong mula sa mga Poulian. At hinipan ko nga ang pito na gawa sa kahoy at naglabas ito ng isang matinis na tunog ngunit hindi naman masakit sa tenga. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong paligid. Mayamaya lang, eksakto paglubog ng araw at pagkagat ng dilim sa kalangitan, may natanaw na akong mga lumilipad sa ere papalapit sa puwesto ko. At hindi nga ako nagkamali, ang mga Poulian nga. "Kamusta ka, Charlotte? Masaya akong makita kang muli," bati sa akin ni Kuro pagkababa nila ng kanyang mga kasamahan. "Anong maipaglilingkod namin sa iyo, Magissa?" tanong naman ng isa niyang kasama. "Hindi pa kayo nakakalayo gaano mula sa kagubatan. Anong ginagawa ninyo rito sa Goiteia?" usisa ni Kuro. "Ang baryong ito ay inaatake ng mga Fidian tuwing sasapit ang dilim. Kailangan nila ng tulong kaya narito muna kami," sagot ko. "Fidian? Mula sa tribo ng Fidi? 'Yong mga taong ahas?" tanong ni Kuro. Tumango ako. "Oo." "Nakapagtataka ito." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kuro.  "Bakit, Kuro? Anong nakakapagtaka?" tanong ko. "Mabubuting nilalang naman ang mga Fidian kahit pa hindi sila mahilig makihalubilo at makialam sa ibang mga nilalang. Ilag din sila sa mga tao. Teritoryal ang mga ito kaya't aatakihin ka lamang nila kapag ginambala mo ang kanilang tribo. Kaya bakit nila sinasalakay ang Goiteia?" paliwanag ni Kuro. Mistulan naman akong 'di makapaniwala sa aking narinig. Kung gano'n nga talaga ang mga Fidian, bakit nila 'to ginagawa sa Goiteia? "Si Alexeus nga pala? Parang 'di ko yata siya nakikita?" tanong ni Kuro. "Iyon na nga ang isa ko pang problema. Hindi pa siya bumabalik mula pa no'ng umaga. Nagtungo siya sa templo sa kagubatan. Nailigtas na niya ang bata ngunit wala pa rin siya. Nag-aalala ako sa kanya," sagot ko. Mayamaya'y nakarinig kami ng mga kaluskos. "Ang mga Fidian!" sambit namin habang nakikitang paparating na sila sa aming lugar. "Humanda sa pag-atake!" sigaw ni Kuro sabay lusob sa mga umatakeng Fidian. At iyon nga. Sinalakay na nila kami. Sa dami nila, bawat isa sa amin ay may kalaban. Karamihan pa'y higit sa isa ang kalaban. Sa gitna ng pakikipagtuos namin sa kanila, may biglang tumawag sa'kin.  "Charlotte." Tumingin ako kay Kuro dahil tinawag niya 'ko. "Napansin kong may kakaiba sa kanila," sambit niya. Napakunot naman ang aking noo. Pinaulanan ko muna ng palaso ang mga Fidian na papalapit sa amin. Kaya't tinutupok na sila ng apoy ngayon. "Ano namang napansin mo?" tanong ko sa kanya. "Mukhang wala sila sa katinuan. Kulay itim ang mga mata nila at hindi rin sila umiimik kapag kinakausap," sagot niya. Napaisip ako sa sinabi ni Kuro. "Sa palagay mo, may kumokontrol sa kanila?" tanong ko. "Marahil ganoon na nga, Charlotte," sagot niya. Bigla ko na lamang naalala si Alexeus kaya't naisip ko na tumakbo papalayo. "Sandali, Charlotte! Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Kuro. Huminto ako at humarap sa kanya. "Susundan ko lamang si Alexeus. Para na rin malaman ko kung ano talagang nagyayari dito. Pakiusap. Pangalagaan ninyo muna ang Goiteia habang wala kami. Makakaasa ba 'ko, Kuro?" Nakangiti kong sambit. "Pero, Charlotte. Sasamahan kita. Maaari kang mapahamak diyan sa nais mong gawin," pag-aalala niya. Umiling ako. "Mas kailangan ka dito, Kuro. Kaya ko ang sarili ko," sambit ko. "Kung gano'n, hayaan mo 'kong ihatid kita sa templo upang masiguro ko ang iyong kaligtasan," pakiusap naman niya. Pumayag na ako sa kagustuhan niya. Para na rin mas maging mabilis ang pagpunta ko roon. Binilinan niya ang mga kasama niya tapos ay inilipad na niya 'ko sa ere. Habang nasa ere kami ay napatingin ako sa ibaba. Sa taas namin ngayon, masasabi kong labis na matatakot ang sino mang may takot sa matataas. Kaya't mabuti na lamang at hindi ako gano'n. "Natatakot ka ba?" tanong bigla sa akin ni Kuro habang nasa alapaap kami. Hindi ako kaagad nakasagot dahil iniisip ko si Alexeus. "'Wag kang matakot. Nandito lang ako. Ipagtatanggol kita sa mga Fidian na aatake sa'yo pagdating natin sa templo," sambit niya. "Hindi ako natatakot sa mga Fidian. Dahil mas natatakot ako sa madadatnan kong nangyari kay Alexeus pagdating natin sa templo," sagot ko. 'Yon naman talaga ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Mga ilang sandali pa ang lumipas, may natanaw na rin kaming isang mala-kastilyong gusali sa gitna ng kakahuyan. "Iyon na ba ang Templo ni Maia?" tanong ko. "Oo. Iyon na nga," sagot naman niya. Tapos ay bumaba na kami sa harapan nito. Napakalaki nito at halatang sobrang tanda na ng gusaling ito. Mayamaya'y may mga Fidian na na dumating at pinalibutan na nila kami. Nang aatake na sila, binunot ni Kuro ang kanyang espada mula sa kanyang baywang at nakipagbuno na siya sa mga Fidian na kalaban namin. "Ako nang bahala dito, Charlotte. Pumasok ka na sa loob!" sambit niya habang nakikipagbuno sa Fidian. Habang papasok ako ng templo, may mangilan-ngilan pa ring mga Fidian na humaharang sa daan ko ngunit tinutumba ko lamang sila gamit ang aking palasong nagliliyab. Sa wakas ay narating ko na rin ang altar. Isa itong napakalawak na silid na puro puti lang ang makikitang kulay at ang tanging bagay lamang na naririto ay isang malaking rebulto ng isang magandang babae. Walang kahit sinong naririto. Nakabibingi ang katahimikan dito sa silid. Mayamaya'y naramdaman kong parang may patalim na nakatututok sa leeg ko. Sa takot at kaba ko, dahan-dahan akong lumingon para makita kung sino ito. Nanlaki ang mga mata ko kung sino ang nakita ko. "Alexeus?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD