Kabanata 6: Our Deal

1379 Words
Hindi pa 'ko tuluyang umaalis sa palasyo. Kahit magkasundo na kami ni Alexeus ay binabalak ko pa ring gawin 'yon. Suot ang aking dilaw na Victorian era ball gown na medyo halintulad kay Belle ng Beauty and the Beast, naglalakad-lakad ako ngayon dito sa isa sa mga hallway ng palasyo habang nakatingin sa bawat bintanang madadaanan ko. Mga bintanang naglalakihan na hugis arko. Pumapasok mula sa mga bintana ang banayad na sinag ng araw maging ang kalmado't sariwang hangin. "Charlotte." Napalingon ako sa tumawag sa'kin. "Alexeus." Tapos ay nilapitan niya ako. "Kanina pa kita hinahanap," sambit niya. "Bakit? May kailangan ka?" kunot-noo kong tanong. "Nais kitang dalhin sa bulwagan ng palasyo," sambit niya. Napakunot ang noo ko sa pagtataka. "Halika na," sambit niya sabay hablot sa pulso ko at madaling naglakad. Mayamaya'y nakarating na kami sa bulwagan ng palasyo. Nang igala ko ang aking paningin ay nagtaka ako sa nakita ko. "Narito na po ang lahat ng antigong salamin na nakalap namin sa buong Stavron gaya ng inyong kagustuhan, Kamahalan," bungad sa amin ni Heneral Balsicus pagpasok namin sa bulwagan ng palasyo. Tatlong araw din ang ginugol niya para lang diyan. "Ang dami namang mga salamin na ito. Aanhin mo ba ang lahat ng ito, Alexeus?" tanong ko. "Hindi ba't sinabi mong isang antigong salamin ang dahilan kung bakit ikaw ay napadpad dito? Tinutulungan lamang kita, Charlotte gaya ng iyong nais," sagot niya. So, seryoso pala si Alexeus na tulungan akong makauwi. Mabuti naman at naging mabait na siya sa'kin. Kahit may pag-aalinlangan ay isa-isa kong nilapitan ang mga salamin habang hinahaplos ito. Baka sakaling umilaw din ang isa sa mga 'to gaya noong nangyari sa'kin doon sa bodega ng library namin sa school. Bawat salamin na hinahaplos ko ay may kaba akong nadarama. Umaasa ako na sana isa na nga sa mga ito ang salamin na hinahanap ko. Ang salamin na maaaring makapagpauwi sa akin sa mundo ko.  Ngunit sa kasamaang palad, sa limampung antigong salamin na nandito, ni isa. Wala. "Wala sa mga ito ang salaming tinutukoy ko," dismayado kong sabi. "Paumanhin, Charlotte," sambit sa'kin ni Alexeus sa may halong simpatiya. Ngumiti ako. "Ayos lang. 'Wag kang humingi ng paumanhin. At salamat na rin dahil sa kagustuhan mong makatulong sa'kin," sambit ko. At dito, nasilayan kong ngumiti ang makisig na prinsipe na may mga bughaw na mga mata. Mas bagay sa kanya ang nakangiti. Nakakapagpagaan ng pakiramdam. Matapos nang nangyari, napagpasyahan kong pumunta muna sa hardin ng palasyo. Teka, hardin pa ba 'to? Eh parang park na 'to sa laki eh. Maganda dito dahil bukod sa iba't ibang halaman at bulaklak, meron din'g mga nagliliparang mga paruparo. Nakaka-relax dito. Sariwa ang simoy ng hangin, tapos maganda pa ang paligid. Kahit papano nabibigyan ako nito ng peace of mind. Lalo na't gulung-g**o na 'ko sa sitwasyon ko ngayon. "Narito ka lang pala." Nabigla ako sa pagsulpot ni Alexeus sa likod ko. "Maaari ko bang makita ang Emperador? Nais ko kasing magpaalam at magpasalamat sa kanya bago ako umalis," sambit ko. "Aalis ka? Bakit?" tanong niya. "Hahanap ako ng ibang paraan para makauwi. Baka sa paglalakbay ko, makahanap ako ng paraan," sagot ko naman. Umiling siya. "Hindi maaari. Delikado. Nag-iisa ka lang. Tapos isa ka pang babae at wala ka pang alam tungkol sa mundong 'to," sambit niya. May punto iyong sinabi ni Alexeus. Bigla ko tuloy naalala iyong nangyari sa'kin na muntik na 'kong ma-r**e isang gabi. Buti na lang at dumating si Alexeus ng gabing 'yon. "Sandali nga. Bakit bigla kang nagkainteres na tulungan ako. 'Di ba nga ayaw mo sa'kin dahil hindi ako katiwa-tiwala para sa'yo?" usisa ko sa kanya. "Charlotte, iyon ay dahil naging interesado ako sa mundong iyong pinagmulan. Matapos ang lahat ng mga sinabi mo sa akin tungkol sa iyong mundo? Pakiramdam ko'y nais ko iyong marating. Kung nakarating ka dito, bakit hindi ko maaaring marating ang iyong mundo? Kapag natulungan kita kung paano ka makakabalik sa iyong mundo, maaari ko rin madiskubre kung paano din ako makakapagbalik-balik dito at sa iyong mundo," paliwanag niya. Sa pagsasalita ni Alexeus, kitang-kita ko ang pagkainteresado niya. Siguro nga hilig talaga niya ang paglalakbay, at pagsasaliksik. Siguro nga'y mahilig ang prinsipeng ito sa pagtuklas ng mga kaalaman. "Sige, paano mo ba ako matutulungan? Isa pa, abala ang iyong Amang Emperador sa pagkumbinsi sayo sa pagpili ng mapapangasawa," sambit ko. Natigilan siya sa sinabi ko. Nakatitig siya ngayon sa mga mata ko. Iyong magagandang blue eyes niya. Nakakapagtaka lang. Wala namang blue eyes sa pamilya niya. Kamukha naman niya ang Emperador? Ano 'to? Genetic disorder? Bigla na lang siyang ngumiti ng malapad. Ang guwapo talaga niya. "Alam ko na," sambit niya. Ano? Anong alam na niya? Tapos ay bigla na lamang niya 'kong iniwan dito sa hardin. Ano naman kaya 'yon?  Mayamaya'y pumasok na rin ako at nagtungo sa aking silid upang makapagpahinga. Nakahiga ako ngayon sa aking kama dito sa kuwarto ko sa palasyo habang nakatitig sa kisame. Bigla namang sumagi sa isip ko 'yong magagandang blue eyes ni Alexeus. Hindi naman siya mukhang Western para magkaroon ng bughaw na mata. Sa totoo lang, mukha nga siyang Korean na artista eh. May kamukha nga siya kaso 'di ko maisip kung sino. 'Di naman kasi ako gaanong mahilig manood ng TV eh. Biglang may kumatok, "Prinsesa Charlotte, narito po si Prinsipe Alexeus," sambit ng isang dama. Napaangat ako sa pagkakahiga ko. Si Alexeus? "Tuloy," sambit ko. Pumasok na si Alexeus na may kasamang dalawang dama na nagtutulungang buhatin ang isang malaking kahon. "Paki patong na lamang 'yan sa kanyang kama," utos niya tapos ay iniwan na kami ng mga dama. Ni-lock ni Alexeus ang pintuan. Napakunot ang noo ko. Bakit naman kaya? Medyo kinabahan ako ah. "A-anong kailangan mo sa'kin?" tanong ko. Kinakabahan talaga ako. Ewan ko ba. "May naisip na akong paraan kung paano kita matutulungan," sambit niya ng may ngiti. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Buksan mo 'yang kahon," utos niya sa'kin. Sinunod ko ang sinabi niya. Namangha ako sa nakita kong laman nito. Isang napakagandang pamprinsesang Victorian era style gown na kulay puti at may pulang ribbon sa gitna. Off shoulder siya na longsleeve at lace-detailed. May pares din ng sapatos at mga alahas. "Ang ganda naman ng mga ito. Para saan ba ang mga 'to?" sambit ko habang namamangha pa sa mga binigay ni Alexeus. "Nais kong dumalo ka sa isang pagtitipon na gaganapin tatlong araw mula ngayon. At iyan ang mga isusuot mo," sagot niya. Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko pa rin maintindihan ang gustong iparating sa'kin ni Alexeus. "Pumayag na ako sa kagustuhan ni Ama na magkaroon ng pagtitipon dito sa palasyo para sa pagpili ko ng aking mapapangasawa. At nais kong dumalo ka roon bilang isang prinsesa. Pagkatapos, ikaw ang aking pipiliin, Charlotte," paliwanag niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Tama ba 'yong narinig ko? Ako ang pipiliin niyang mapangasawa? Sandali, 'di pa 'ko handa! Disesiyete lang ako, 'no. At kahit guwapong prinsipe pa siya, hindi ko siya puwedeng pakasalan. Agad-agad, Alexeus? Grabe naman. "Ano?! Teka lang, ha? Sandali, h-hindi pa rin kita lubos na maintindihan? Bakit mo 'ko pipiliin upang iyong maging asawa? Naguguluhan talaga ako, Alexeus," gulantang kong sambit. Ngumisi siya, "Ikaw ang pipiliin ko upang magkaroon ako ng dahilan na makalabas dito sa siyudad ng Ceyx. At sa gayon, matutulungan na kita, makakapaglakbay pa 'ko. Iyon nga lang, isang taon lang magiging palugit natin. Kailangan makauwi ka na sa inyo bago mag-isang taon. Kung hindi, wala kang magagawa kundi ang pakasalan ako upang maging aking asawa," paliwanag niya. Okay, unti-unti nang nagsi-sink in sa'kin ang lahat. Napabuntonghininga ako ng malalim do'n, ah. "O, ano? Papayag ka na ba? Isa pa, mas madali kang makakakilos dito kung may koneksyon ka sa isang maharlika na tulad ko," dagdag pa niya. So, ang ibig sabihin nito, wala nga akong choice kundi ang pumayag sa offer nitong si Alexeus. Isip, Charlotte. May point itong si Alexeus, eh. Give and take ang mangyayari, parang gano'n? Papayag ako, magiging fiance ko siya, makakapaglakbay siya habang tinutulungan akong humanap ng paraan para makauwi.  Aba, ayos din naman pala mag-isip 'tong si Prince, ah. Isang taon? Makakaya ko kaya? Tsk, haay! Bahala na siguro. Isa pa, may iba pa bang paraan? "Sige, pumapayag na 'ko," sambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD