Shhh... 16

1327 Words
Napasimangot si Kit nang makitang halos wala pa pala silang lahat at siya lang ang naroon sa gym na iyon. Sinilip niya ang oras sa hawak na cellphone; 4:30am. Dapat mga ganitong oras, nagwawarm-up na sila. Medyo late na nga siya pero mukhang siya pa ang nauna. Mabilis na pinindot niya ang switch ng ilaw. Kumalat ang liwanag sa paligid ng sunod-sunod na nabuksan ang fluorescent lamp mula sa napaakataas na ceiling. Napakatahimik ng paligid, kaya ultimong paglalakad niya ay rinig na rinig. Habang paupo sa isang bench, nagtipa siya ng mensahe sa group chat nila. Inilapag niya ang gym bag at backpack sa isang bench at nakatayong nagta-type. Subalit, nang isesend na niya, biglang namatay ang kaniyang cellphone. Lowbat? Nagtatakang tsinek niya ito at biniling-baligtad. Sa pagkakaalam niya ay full charge ito, bago umalis ng bahay ay sinisigurado niya iyon. Inis na hinagilap niya ang power bank na nasa dalang back pack, subalit wala ito roon. Charger ang kaniyang nakuha. Inilibot niya ang paningin upang maghanap ng maaring pagsaksakan. Subalit kahit anong silip niya sa bawat sulok ng gym ay wala siyang makitang outlet. Naalala niyang mayroon nga pala sa locker room nila. Bitbit ang mga bag na tumayo na si Kit. Pahakbang na siya palabas ng biglang paisa-isang namatay ang mga ilaw. Hanggang ang nag-iisang liwanag na nasa kinapupuwestuhan niya na lang ang natira. Saglit na natulala si Kit, pero hindi siya nagpadaig sa takot. Napaismid siya kasabay nang pag-iling. Pinagtitripan na naman siya ng kaniyang mga ka-team mates. Madalas gawain nila iyon lalo na kung sino ang late. “Hoy! Labas na nga kayo riyan! Magsimula na tayo ng maka… Putang***!” Hindi inasahan ni Kit ang tumamang bola sa kaniyang mukha. Dahil biglaan, sumadsad siyang paupo, nabitawan niya ang lahat ng kaniyang hawak. Ramdam niya ang tumulong dugo sa kaniyang ilong sa lakas ng pagtama doon. Subalit, hindi na niya pinagkaabalahang punasan. Muntik pa siyang tumama sa isang bench dahil sa pagsadsad niyang paupo. Dagling tumayo si Kit at malalakas na mura na may kasamang paghahamon sa kung sino man ang gumawa niyon. Pasugod na sana siya sa kung saan lumabas ang bola ay isa pa muling bola ang tumama sa kaniya. Sa likod naman galing at sa mismong likod ng kaniyang ulo tumama iyon. Padapang natumba si Kit sa sahig. Malakas na tumama ang noo niya sa matigas na semento kaya nagdugo na rin iyon. Hilo na si Kit at hindi naman niya maaninag ang may gawa niyon dahil sa may kadiliman ang paligid at tanging siya lang ang may liwanag. Kahit nahihilo, pinilit ni Kit na tumayo. Magsasalita pa lang siya ng isa pa muling bola ang tumama naman sa kaniyang tagiliran. Nasapo niya ito at napaupo sa sobrang sakit. At sunud-sunod na bola ang kung saan-saan ang tumatama na sa kaniya. Gustuhin man niyang tumayo para makalayo sa lugar na iyon, hindi na niya kaya. Masiyadong malakas ang impact ng bola na parang bato ang tumatama sa kaniya. Tanging pagsalag gamit ang mga braso ang tangi niyang nagagawa. Kasabay ng pagsasabing tama na. Halos gumagapang na siya para lang makaabot sa pinto para sana makahingi ng tulong. Subalit, halos lahat na ng parte ng katawan niya ay tinamaan ng bola at sobrang sakit lalo na kapag pinipilit niyang gumalaw. Akala ni Kit ay wala ng katapusan ang nangyayaring iyon. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya. Nang biglang tumahimik ang paligid na kanina ay puro tunog ng bola ang maririnig at ang pagmamakaawa niya. Natigilan si Kit. Marahang nakiramdam sa paligid. Nang masigurong wala ng bolang tumatama sa kaniya, agad na inalis ang mga brasong nasa tapat ng mukha at inilibot ang paningin. Nagkalat ang napakaraming bola sa paligid niya. Huminga muna siya ng ilang ulit at kinalma ang sarili. Pumikit-dumilat siya at pinakiramdaman ang sarili kung kaya niyang tumayo. Marahan ang bawat kilos niya. Itinukod niya ang magkabilaang siko bago marahang bumangon. Kita sa mukha ni Kit ang iniindang sakit subalit, kailangan niyang makatakas. Nang kahit paano ay makabawi ng lakas, natatarantang dinampot niya ang mga gamit at kahit masakit ang buong katawan ay pinili niyang tumayo at maglakad paunti-unti.  Hindi pa siya gaanong nakakahakbang nang biglang mamatay ang natitirang ilaw sa kinatatayuan niya. Walang liwanag na pumapasok sa gym dahil bukod sa madilim pa sa labas, ang mga bintana ay saradong-sarado. Kaya sobrang dilim na ngayon sa kinalalagyan niya. Wala siyang makita! Pero dahil sa takot sa maaari pang mangyari sa kaniya, kahit masakit pa ang buong katawan ay pinilit niyang tawirin ang daan patungong pinto. Paika-ikang pinipilit niyang makalakad nang mabilis. Hindi maaaring hindi ko malaman kung sino ang nasa likod nito! Magbabayad siya sa… Hindi na umabot si Kit sa pintuan palabas ng gym. Isang matigas na bagay ang tumama sa kaniyang mukha. Isang matigas na tubo na pahalang ang ginawang pagpalo sa kaniya. Sargo ang ilong niyang napipi sa sobrang lakas nang impact nang pagkakapalo. Para siyang bola ng baseball na humagis pabalik at bumagsak nang pahiga. Hindi niya inasahan kaya unang tumama ang kaniyang ulo sa sementadong sahig ng gym. Ramdam niya ang sakit sa harapan ng mukha at umaagos na dugo sa likurang bahagi nito. Sobrang sakit na parang nais na lang niyang mawalan ng buhay. Nanghihinang umubo-ubo si Kit at halos mabilaukan na rin siya sa mga dugong lumalabas sa kaniyang ilong at bibig. Pinipilit pa rin niyang igalaw kahit mga daliri niya sa kamay at paa, subalit alam niyang mamatay na rin siya anumang oras. Hindi nga niya alam kung bakit buhay pa siya sa natatamong sakit ng buong katawan, mukha at ulo. Sa nanlalabong paningin, biglang lumiwanag ang paligid. Bumukas ang lahat ng ilaw. Isang bulto ang palapit sa kinaroroonan niya. Patuloy ang pagdaloy ng dugo sa kaniyang bibig at ilong hanggang tumapat sa kinaroroonan niya ang taong may gawa niyon. Pilit na inaaninag ni Kit ang bulto na hawak-hawak pa ang tubong may bahid ng dugo. Nakasampay iyon sa kanang balikat ng salarin. Subalit, dahil sa liwanag na nakatapat sa kanila hindi niya makilala kung sino iyon. “Hu-hu-wag…” pilit pa ring nagsasalita si Kit. Dahil nakita niyang lumayo ng bahagya ang bulto at alam na niya ang susunod na gagawin nito. Umakma itong hahampasin siyang muli. At sa paggalaw nito, medyo nasino niya kung sino ang taong iyon. At bago pa man niya masambit ang pangalan nito, malakas siyang hinampas nang hinampas nito sa kaniyang mukha. Durug-durog na ang mukha ni Kit, subalit hindi pa rin tinitigilan ng salarin. At kahit ang buong katawan nito ay kaniya ring hinampas nang hinampas. Para itong manikang yuping-yupi. Naglabasan na ang mga lamang-loob nito at kalamnan. Natalsikan na rin siya nang napakaraming dugo, subalit wala siyang pakialam. Ang galit sa taong ito ay kitang-kita sa kaniyang mukha. Nang mapagod ay ipinagpatuloy na niya ang plano. Hindi siya natatakot na may makakilala sa kaniya. Ginawan na niya ng paraan ang cctv sa lugar na iyon. At kahit ang nag-iisang guard sa oras na iyon ay kaniyang pinatay. Wala dapat humarang sa kanilang plano. Dahil malapit nang matapos ang lahat. *** Tutop ng ka-team ni Kit ang sariling bibig nang pagkabukas ng ilaw ay nakita niya ang katawan nito na nakasabit sa ring ng basketball. Gamit ang barbed wire na nakatali sa leeg nito mismo upang hindi ito mahulog. Halos natutulala rin ang iba pang dumating nang makita nila ang sinapit ng kawawang si Kit. Halos takbuhin na nila ito dahil umaasa silang baka buhay pa ang kanilang ka-team, kahit pa sa itsura nito na mukhang hindi na humihinga. Agad na tumawag ng tulong ang kanilang coach at ang iba ay hindi makapaniwala at halos masuka sa kanilang nasaksihang kalagayan nito. Yuping-yupi ang katawan ni Kit. Basag ang mukhang mapuputol na sa hugpungan nito at halos nagkalat na ang lamang-loob sa sahig. Itsurang gaya nang nakita niya sa libro. At hindi niya lang napagtuunan ng pansin ang logo ng eskuwelahan nila na nakalagay sa ibabaw ng ring.   Shhh... Don't tell your ending jhavril
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD