Shhh... 4

1628 Words
Pagkapasok sa silid, agad na hinagilap ni Jess ang switch ng ilaw na nasa bandang kanan niya. Patamad na naglakad at parang nais na niyang takbuhin ang kama dala ng sobrang pagod. Napahinto pa siya ng biglang mamatay at biglang sumindi rin naman ang ilaw nasa uluhan niya. Napatingin pa siya rito at sinipat na maigi. Mukhang kailangan na ata niya iyong palitan at malapit ng mapundi. Unang hinagis ang bag sa kama bago pasalampak na nahiga patihaya si Jess sa kaniyang kama. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya sa maghapong pag-aaral. Alas-siyete na ng gabi at hindi na niya nais na magpalit pa ng damit kahit pa sobrang basa na iyon ng pawis at alikabok dala ng pag-commute. Wala siyang sariling sasakyan dahil hindi nila kayang bumili niyon kaya nagtitiis na lang siya sa arawang pagsakay-sakay sa halos may kalayuan din niyang paaralan.   Inihahanda na niya ang sarili para matulog dahil kahit gutom ay mas uunahin niyang matulog na lang. papikit na siya nang maramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone na nasa kaniyang bulsa. Hindi niya sana iyon papansinin dahil sa akala niya ay titigil din naman kung sino man iyon. Subalit, nang ikalawang pag-vibrate nito ay dinukot na niya ang nasabing aparato at patamad na sinagot ang tawag niyon. Nasilip niya ang pangalan ng kapatid na si Vin. Hindi bumabangong sinagot niya ang tawag. "Hmmm... Vin, bakit?" Nakapikit ang dalawang mata habang kausap sa kanang tainga ang kapatid. "Kuya, ahmmm... pasensiya.... narito... bar and parang kulang... pera ko kaya... puwede… kaya…" Dahil inaantok pa, hindi binigyang pansin ni Jess ang putol-putol na pagsasalita ng kapatid. Narindi lang siya dahil may paputol-putol rin na background music. Nagmulat na ng mata si Jess at kahit napipilitan ay bumangon na. Panay hello na siya subalit chappy pa rin ang kapatid kaya hindi klaro sa kaniya ang mga sinasabi nito. Pero parang naintindihan naman niya ang ilang sinabi nito gaya ng kulang na naman  ang pera nito. Na naman dahil ilang beses na nitong ginagawa iyon. "Hello, Vin?" Ang lakas ng background music nito at sinasabayan pa nang sigawan ng mga nakapaligid dito. Tumayo siya at lumabas ng terasa para makasagap nang magandang signal, pero maaaring sa kapatid din ang mahina ang signal. Busy tone na ang sunod niyang narinig. Wala na rin sa kabilang linya si Vin. Dinayal niya ang numero ng kapatid at makailang ulit na niyang ginagawa, ganoon pa rin ang resulta; hindi na iyon nagriring. Naiinis na pinatay niya ang cellphone. Hindi naman siya nag-aalala na baka may masamang nangyari dito kaya hindi na bukas ang cellphone nito. Maaaring na-lowbatt ito dahil sa pagkakaalam niya ay nagloloko na ang sarili nitong cellphone. Kahit kailan talaga itong kapatid niya, oo. Ilang beses na niya itong pinagsabihan na huwag masiyadong mag-aalis lalo na sa gabi, pero napakatigas pa rin talaga ng ulo. Naiinis pa ring bumalik siya sa loob ng kuwarto. Isang bar lang naman ang palagian nitong pinupuntahan. At sa madalas nga nitong paglabas-labas ay rito ito madalas pumunta. Hinubad niya lang ang T-shirt na pinamasok pa kanina at pinunasan ang harapang katawan bago binuksan ang drawer na kinalagyan ng itinagong isusuot. Naalala niya ang bagong biling T-shirt sa online noong isang araw. Magbubuhos lang siya saglit dahil sobrang init at magbibihis na rin. Nakalimutan niyang buksan ang electricfan dahil sa pagod kanina. Napakunot- noo siya nang mapansing wala sa pinaglagyan niya ang damit na balak isuot. Iniangat niya pa ang librong naroon baka napailalim lang, subalit ni anino niyon ay wala. Galit na ibinagsak niyang pabalik ang libro sa drawer, malamang kasi ginamit na naman ng kapatid iyon. Ang palagian nitong ginagawa kahit noon pa. Biglang may nahulog na pulang papel galing sa loob ng libro. Maliit lang iyon at mabagal ang pagkakabagsak sa sahig. Hindi na sana niya ito papansinin subalit may napansin siyang nakasulat dito. Pinakatitigan niya pa iyon bago pinulot sa bandang paanan na niya. Don't tell your ending? Basa niya sa itim na tintang nakasulat dito. Kinuha niya ang librong nasa drawer at binuklat, basta na lang niya sanang iipit ito sa loob nang makitang may naka-drawing sa pagitan niyon. Pinakatitigan niyang maigi at medyo kinilabutan siya dahil isang pugot na lalaki, base na rin sa pangangatawan nito, ang nakadipa at puno ng dugo ang paligid nito. Napakaganda sana nang pagkakaguhit niyon at pati ang kulay ay buhay na buhay, subalit kahit sinong makakakita ay kikilabutan. Matapos na iipit ang papel ay pabiglang isinara niya iyon at ibinalik sa drawer. Ibang damit na lang ang gagamitin niya. *** Kanina pa pabalik-balik si Vin sa labas ng bar na palagian niyang pinupuntahan. At kahit anong tanaw niya sa kaliwa’t kanan ay hindi niya matanaw ang kapatid. Hindi pa rin kasi dumarating si Jess. Natalo siya sa pustahan at kailangan niyang bayaran ang inumin ng barkada na siyang parusa sa matatalo. Kanina pa rin niya ito kinokontak pero walang sumasagot. Na-lowbat siya kanina. Buti na lang at may powerbank siyang dala pero yun nga matagal bago ma-open. Kailangan na kasi nitong magmadali dahil kilala niya ang ugali ni Paul kapag nagalit. Wala itong sinasanto kahit sino. Hindi niya ito barkada pero nakiki-barkada sa kanila dahil bukod sa nauuto sila nito ay takot sila rito. "Ano, pre? Tatakbuhan mo na lang ba kami?" Muntik nang masubsob si Vin sa lakas nang pagkakahampas ni Paul sa balikat niya. Mahigpit din nitong hinawakan iyon na halos mapaigik na siya sa sakit. "Hindi! Ano… ‘yung kuya ko papunta na. Kasi…nasa kaniya ‘yung pera… ko. Papunta na, may dala iyong pera..." nahihintakutang saad niya sa lalaki. Pilit na ngiti rin na sinasabayan ng malakas na kabog ng kaniyang dibdib habang mahigpit na hawak ang cellphone. Malaki ang katawan nito at puro tattoo. Nakangisi naman ang dalawang alipores nito sa likuran. Matagal na silang ginaganito ng mga ito at hindi naman nila maisumbong sa pulisya dahil tito nito ay isang pulis. "Pasalamat ka at nakakapasok ka kahit menor-de-edad ka lang sa mga ganitong bar. Pero sa lahat ng ayoko e, iyong tinatraydor ako, ha, bata?" Nakangisi ito si Paul kay Vin, subalit nagngangalit naman ang mga mata nito. Paulit-ulit pang tinatapik nito ang balikat ni Vin na may kabigatan kaya napapangiwi sa sakit ang huli. "Ano ka ba, Paul? Kilala mo ako, lagi naman tayong ganito. Darating si kuya. Dating gawi." Sinabayan niya pa iyon ng pilit na tawa. Pilit niya ring iniaalis ang kamay nitong mahigpit pa ring nakahawak sa kaniyang balikat. Subalit hindi nito binitawan iyon, bagkus ay lalo pang hinigpitan. "Siguraduhin mo lang. Dahil sa lahat ng ayaw ko e, iyong mapapahiya ako. Kilala mo rin ako." At tinapik pa muli nang malakas ang balikat niya, bago tuluyang pumasok ang mga ito sa loob ng bar. Kinakabahang tumingin si Vin sa kaliwa't kanan at pilit na tinatanaw sa dumaraang mga tao at sasakyan ang kapatid. Muli niyang dinayal ang numero ng kaniyang kuya at muli hindi ito sumasagot. *** Sa kamamadali ni Jess na umalis ng bahay, nakalimutan niyang dalhin ang cellphone. Tanging wallet lang ang kaniyang nadala. Marahil dahil medyo inaantok pa siya at nakatatak sa isip niya na kailangan ni Vin ng pera. Naulinigan niya rin kasing dumating na ang mga magulang. At kapag nakita siya nito ay tiyak na magtatanong ang mga ito kung saan siya pupunta. At malalaman ng mga ito na nasa bar na naman si Vin. Pilit niya kasing pinagtatakpan ang kalokohan ng kapatid. At malamang ay madamay siya kapag napagalitan ito. Mas kinakampihan ng mga ito si Vin kaysa sa kaniya kahit pa pinapagalitan din ito. Sa likod sa may kusina siya dumaan at sumampa sa may kababaan nilang bakod. Hassle na kapag bumalik pa siya para sa cellphone. Tutal, alam naman niya ang bar na kinaroroonan ng kapatid. At bago pa siya magbihis kanina, idinayal niya ang number nito pero out of coverage pa rin. Paglabas nang subdivision ay pumara siya agad ng taxi para mas mabilis. Kahit pa hating-gabi na medyo ma-traffic pa rin. Kung tutuusin, medyo malapit lang naman ang bar na iyon sa kanilang bahay. Kampante siyang sumandal habang nakatingin sa bintanang nasa kanan nang biglang tumigil ang taxi. Tunog ng ambulansiya at sasakyan ng mga pulisya ang nakapagpabaling ng tingin niya sa unahan. May kung anong pinagkakaguluhan sa may kabilang kanto dahil maraming tao siyang natatanaw. Hindi maintindihan ni Jess kung bakit nang banggitin ng driver ang pangalan ng bar ay binundol nang malakas ang kaniyang dibdib. Sobrang kinakabahan siya para sa kapatid. Kahit pa ilang beses nang ginagawa iyon ng kapatid, ngayon lang parang sobrang bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi na niya kinakaya ang pangit na imaheng tumatakbo sa isip niya kaya ipinasya niyang bumaba na lang matapos bayaran ang taxi. Tinakbo niya ang lugar kung saan marami ng tao, ambulansiya at mga pulis. Parang hindi na sumasayad ang sapatos niya sa semento sa pagnanais na mapabilis ang pagpunta niya roon. Hinawi niya ang maraming taong nakikiusyo at dumaan sa pagitan ng mga ito. Pilit siyang nakikipagsiksikan dahil iba ang kutob niya kahit pa pinapanalangin niya n asana mali siya. At nang sa wakas makarating siya, gayon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata sa nakita! Isang lalaki ang nakadipa at naliligo sa sariling dugo! Pugot ang ulo nito at may hawak pang cellphone sa kanan. Ilang dipa lang ang inabot ng ulo nito at nakamulat pa ang mga mata. Kahit pa duguan ang mukha niyon kilalang-kilala niya kung sino iyon. Si Vin na suot pa ang damit na hinahanap niya kanina. Isang malakas na palahaw at pagtawag sa pangalan ng kapatid habang napaluhod siya palapit sa kinaroroonan nito. Hinarang siya ng mga pulis kahit pa nagpupumiglas siya. Sinisisi niya ang sarili dahil hindi siya nakarating sa tamang oras. Marahil buhay pa ito. Shhh... Don't tell your ending jhavril  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD