Ilang minutong hindi makakilos si Jenica dahil sa larawan. Napatingin siyang muli sa paanan dahil nakabukas pa rin ang libro. Napalunok siya at yumuko para damputin ito. Titig na titig pa rin siya sa larawan na parang totoo dahil sa mga kulay na ginamit at sa magandang pagkakaguhit. Hindi man nais na matakot ni Jenica, pero iyon ang nararamdaman niya nang mas lalong matitigan ang larawan. Lalo pa at nakita niya ang bracelet na nasa kaliwang kamay ng babaeng nasa litrato ay kapareho ng sakaniya. Binili niya iyon sa isang mall at kahit may kamahalan, binili niya pa rin. Sobrang nagagandahan kasi siya. Isa iyon sa mga gamit na pinakaiingatan niya kaya lagi niyang suot.
At ang hindi niya matanggap, puno ng sugat at pasa ang buong katawan ng nasa larawan na pang-itaas na lang ang suot. Hindi na maintindihan ang kulay nito gawa ng madumi nang masiyado. Bloated ang katawan na parang ilang araw na bago nakita. Ang legs at braso nito ay puno ng sugat at may mga ipis at daga na nakadikit pa rito. Isipin pa lang na didikitan siya ng mga iyon ay nandidiri na siya. At ang mas malala pa, mayroon ding ganoon sa mukha ng babaeng nakamulat pa habang may daga sa nakabukang bibig nito na parang doon kumakain ang pesteng hayop.
Natakpan ni Jenica ang bibig dahil parang masusuka siya sa nakita. Huminga siya nang malalim para makalma sa nakitang larawan. Masiyado siyang madiriin kaya nga hindi siya nanonood ng mga horror or gore movies. Pakiramdam kasi niya, mangyayari sa kaniya ang mga napapanood at nababasang mga ganoong bagay. Kaya sobrang ingat siya sa pagpili ng mga panonoorin at babasahin. Ultimong larawan lang ay ayaw niyang makakita tapos may ganoon sa harapan niya. Kaya nga lagi niyang binibilinan ang ina na huwag na huwag mag-uwi ng kahit na anong ebidensiya kahit pa larawan iyon ng mga biktima. Ayaw niyang makakita nang kahit anong nakakarimarim. Kahit nga ang bangkay ni Yam ay hindi niya sinilip sa kabaong nito. Pakiramdam niya kasi hindi siya makakatulog ng ilang araw.
Tapos nakita niya pa ito ngayon.
Halos magkasing-katawan lang sila at marahil ay magkasing edad siguro. Ang buhok ng babae sa larawan ay halos wala na. Parang ginupit bigla at sinadsad hanggang anit. Mapagkakamalan nga itong lalaki kung hindi lang sa umbok na dibdib nito at kita rin ang kasarian nitong sa pambabae.
May bag sa gilid ng babae at napatingin rin siya sa sariling bag na nasa kama. Parehong-pareho pati ang kulay lilang kulay nito. Marami namang gaya ng bag niya dahil sa mall lang din niya nabili iyon. Nagkataon lang marahil.
Inilibot ni Jenica ang paningin sa iba pang parte ng larawan at parang sa ilalim ng tulay iyon. Hindi niya lang mahinuha kung saan dahil walang pangalan na maaaring mabasa o pagkakakilanlan kaya kung saan iyon matatagpuan.
Binuklat-buklat niya ang ilang pahina nito, subalit wala ng iba pang larawan kung hindi iyon lang. Galit na ibinato niya ang nasabing libro, tumama iyon sa dingding at lumagpak sa ibabaw ng kaniyang kama.
Dumiretso si Jenica ng aparador at basta na lang tinanggal ang nakatapis na tuwalya bago hinablot ang damit na hindi niya napansin na siya ring parehong pang-itaas na suot ng babaing nasa larawan.
***
“Oo nga, pauwi na ako. Heto, naglalakad.” Walang-ganang saad ni Jenica sa kausap. Kanina nang umalis siya ng bahay, naglibot-libot lang siya sa mall at bandang hapon, tinext niya ang ibang kaibigan na hindi sakop ng grupo ni Mika. Naiinis pa rin siya sa mga kaibigan kaya hinayaan na muna niya ang mga ito. Sa eskuwelahan na lang niya kakausapin ang mga ito. Nakipagkita siya sa ibang kaibigan at lima silang nanood ng last full show sa sinehan ng isang sikat na mall. Nagsama ng pinsang lalaki ang isang kaibigan ni Jenica na irineto sa kaniya. Well, puwede nang pagtiyagaan. Kaso lang, heto nga, hindi man lang siya nagawang ihatid pauwi. Kung hindi sana binenta ng ina ang sasakyan na mayroon sila dati baka malapit na siya sa bahay at hindi iyong naiinis siya dahil pagod na siya sa kaka-commute.
Inis na pinatay ni Jenica ang cellphone kahit pa hindi nagsasalita pa ang kausap sa kabilang linya. Wala na rin naman siyang balak kausapin ang walang kuwentang lalaking iyon. Nag-aabang si Jenica nang masasakyan sa kanto. Pagkakaba ng bus ay kailangan niya pang mag-jeep kaya kandahaba na ang ulo niya sa pagtanaw ng masasakyan. Napapagod na siya sa maghapong paglalakad at paglalaboy. Nais man niyang mag-taxi, kulang na ang pera niya. Hanggang bus at jeep na lamang iyon.
Dagling napaigtad si Jenica ng biglang may humawak sa kaniyang braso. Agad niya iyon ipiniksi dahilan para mabitawan siya ng kung sino mang lapastangan na basta na lang siyang hinawakan.
“Pahinging pambiling pagkain.”
Isang gusgusing may edad na lalaki ang kaniyang nalingunan. Nangangamoy itong mabaho at kita sa itsura nito ang hindi paliligo ng ilang araw o buwan. Hubad-baro at tanging nanlilimahid na shorts na hindi na rin malaman ang kulay ang suot at wala man lang sapin ang maputik na paa. Balbas-sarado at halos purong puti na gaya ng buhok nito. Tantiya ay kaedad ito ng janitor nilang elementary palang siya ay naroon na.
Inis na binuksan ni Jenica ang bag at inilagay sa loob ang cellphone bago nakairap na lumayo sa pulubi. Kinuha ang panyo sa bulsa at walang patid na pinunasan ang hinawakan ng mabahong pulubi. Nainis pa siya sa isiping naiwan niya ang alcohol kanina sa kinainan nila. Walang waiting shed na malapit sa kaniyang puwesto at buti na lang at may lamp post sa kabilang kalsada kaya medyo maliwanag naman. Sinulyapan niya ang relo sa bisig at alas onse y media na pala ng gabi. Mangilan-ngilan na lang din ang taong kaniyang nakikita, medyo layo-layo pa sila sa isa’t isa.
“Kahit limang piso lang.”
Naiiritang nilingon niya muli ang pulubing sumunod pala sa puwesto niya.
“Manong, sa laki ng katawan mo, bakit hindi ka nagtatrabaho at ako ang piniperwisyo mo? Puwede ba, ayun o, may mga tao pa roon, sa kanila ka manghingi. Buwiset.” Nakaismid na muling lumayo ng bahagya si Jenica sa pulubing ngayon ay galit nang nakatingin sa kaniya.
Tinantiya ng pulubi ang mga tao sa paligid. May tatlong tao na ilang dipa rin ang layo sa kanila ang mga iyon. At pawang sa dulong bahagi ng kalsada na nakatingin at nasa bandang likuran sila kaya hindi nila mapapansin na kukunin niya na lang ang may masamang ugaling babaing ito. Inilabas ni Manong ang kutsilyong may kalawang na at walang sabi-sabing itinutok sa leeg ng babae habang ang kaliwang kamay ay mahigpit na ipinantakip sa bibig nito.
Napasinghap sabay nang panlalaki ng mga mata ni Jenica ay nanigas siya sa kaniyang puwesto. May kalakihan ito kumpara sa kaniya kaya kahit magpumiglas siya ay hindi niya magawa. Kinaladkad siya nito paatras habang mahigpit pa ring hawak ang kaniyang bibig. Hindi na siya makahinga sa higpit ng pagkakatakip nito, damay pati ang kaniyang ilong. Naramdaman niyang bumababa sila sa isang hagdan. Takot ang mababakas sa kaniyang mukha kasabay nang malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib.
Ilang sandali pa, pagbagsak siyang itinulak nito. Muntik nang sumadsad ang mukha niya sa maputik na baldosa. Huminga siya nang sunod-sunod dahil sa pakiramdam na hindi siya nakahinga ng ilang segundo. Madilim sa paligid at tanging liwanag lang sa kaliwang bahagi niya ang nagsisilbing tanglaw nila. Sobrang baho rin sa paligid na hindi niya maintindihan kung saan nanggaling.
“A-anong bang ginagawa mo?! He-heto, ayan na ang bag ko. Sige na, sa ‘yo na!” Nagtapang-tapangan si Jenica kahit pa nanginginig na ang kaniyang boses at dumadagundong sa kaba ang dibdib. Ibinato niya rito ang bag at mabilis na inilibot ang paligid para sa binabalak na pagtakas. Rinig niya ang mga dumaraang sasakyan. Nasa ilalim sila ng tulay!
“Kanina ‘yun. Pero ngayon, iba na ang gusto ko.” Hindi niya kita ang mukha ng lalaki dala ng karimlan sa gawi nito pero pakiramdam niya ay malawak itong ngumisi.
Binalak ni Jenica na tumayo at kumaripas nang takbo nang maramdamang lumalapit na ito sa kinaroroonan niya. Maamoy pa lamang niya ito ay nasusuka na siya! Mapadikit pa kaya ang katawan nito!
Subalit, ni hindi man lang siya nakatayo mula sa pagkakasalampak sa kinaroroonan. Agad siya nitong dinaluhong at pahigang kinubabawan. Nagsisigaw si Jenica sa pag-asang may makarinig nang paghingi niya ng tulong kahit pa sumasabay ang boses niya sa mga nagdaraang sasakyan.
“Parang awa n’yo na. Sa inyo na ang bag ko! Pakawalan mo lang ako!” Naiiyak na tinawag pa ni Jenica ang pangalan ng ina. Inilibot niya rin ang paningin sa paligid baka sakaling may puwede siyang ipanlaban dito. Dahil sa may kadiliman wala siyang makita na kahit ano. Pinilit na lang niya na kumapa-kapa ang kanang kamay habang hawak ng lalaki ang kaliwa at ang kanan nito ay nakahawak sa mukha niya. Isang matigas na bagay ang nahawakan niya na tantiya niya ay isang bato. Subalit, bago pa man niya iyon maingat, sinuntok na siya ng malakas ng lalaki sa tiyan. Napapaigik na sapo niya ang nasaktang bahagi ng katawan habang walang patid ang kaniyang pagluha.
Ngumisi ang lalaki at walang sabi-sabing hinubad ang pang-ibaba niyang palda. Nanghihinang pinilit ni Jenica na sipain ang lalaki para mapigilan ito sa nais nito, pero isa pang suntok sa tiyan ang ibinigay nito sa kawawang babae. Sinabunutan ng lalaki patingala ang nanghihinang si Jenica. Halos matanggal ang buhok niya sa anit gawa nang mahigpit na pagkakasabunot. Hindi na niya kinaya ang sakit kaya nawalan siya ng malay.
“Masiyado kang maarteng babae ka! Akin ka ngayon.”
At isinigawa nito ang kayahupan kay Jenica. Nang matapos ang lalaki ay nanigarilyo ito habang wala pa ring malay ang kaniyang biktima. Inilabas ang ipinagbabawal na gamot na nasa bulsa at humithit ng ilang ulit bago binalingan ang unti-unting nagkakamalay na si Jenica. Tinapatan niya ito ng maliit na flashlight na laging dala sa bandang mukha. Nasa bandang kanan niya ito. Napangisi siya habang salitang humithit ng sigarilyo at m*******a.
“Gising ka na pala, halika saluhan mo ako.” Nakasandal sa isang tipak ng bato ang lalaki habang pinagmamasdan ang unti-unting pagmulat ng mata ni Jenica at pu mikit-pikit pa ito. Nasilaw marahil sa nakatapat na liwanag sa mukha nito.
“Ha-hayop ka! Pagbabayaran mo ito!” Ramdam ni Jenica na wala na siyang pang-ibaba at hindi na maayos ang pang-itaas. Binalak niyang tumayo habang sapo ang tiyan. Kahit pakiramdam niya ay hinang-hina na siya at mamatay na anumang oras.
Nanlisik ang mata ng lalaki at narindi sa pinagsasabi ng babae. Umigting pang lalo ang galit at nakatira siya ng ipinagbabawal na gamot.
“Hayop pala, ha! Matitikman mo ang kahayupan ko pang lalo!” Biglaang tumayo ang lalaki at isang lanseta ang inilabas nito sa bulsa at walang sabi-sabing sinaksak nito ang leeg nang nagulat na si Jenica. Lalong idiniin ng lalaki ang pagkakasaksak sa mismong gitna ng kaniyang lalamunan habang sabunot ang hindi na nakaigik na dalaga. Sumirit pa ang napakaraming dugo ng pabiglang tinanggal ng lalaki ang patalim. Agad nitong binitiwan habang nakangising ang wala ng buhay na dalagita. Nakamulat ang matang bumagsak sa lupa si Jenica, nakatingala at nakabuka ang bibig, kita sa kakarampot na liwanag ng flashlight.
Dinuraan niya pa ng lalaki at wala sa sariling dinampot ang itinapong sigarilyo at humithit muli. Umupo sa gilid ng bangkay ng babae at parang naglalarong pinaso ang makinis na braso nito. Hithit at paso ang kaniyang ginagawa na parang siyang-siya sa bagong kaalaman. Nang magsawa ay ang buhok naman ni Jenica ang pinagtuunan. Pabiglang sinabunutan nito ang buhok ni Jenica at mahigpit na hinila. Parang nais niyang tanggalin ang buhok na hawak mula sa anit nito. Gumalaw-galaw lang ang ulo nito kaya ginamitan na niya nang hawak na lanseta. Parang baliw na kinakausap ang wala ng buhay na dalaga habang unti-unting tinatanggal ang pagkakadikit ng buhok nito mula sa anit.
Pagkatapos ay balewalang namumungay ang mga matang umalis sa lugar na iyon. Hindi siya natatakot na may makaalam sa bangkay nito. Bukod sa hindi naman dayuhin ang lugar, mabaho at puno ng basura ang paligid. Nangangamoy na ito kung sakaling makita man ng kung sino man.
Walang maaaring maging ebidensiya na siya ang may gawa ng karumal-dumal na krimen sa kawawang dalagita.
Shhh...
Don't tell your ending
jhavril