Shhh... 10

2228 Words
Mapaklang tumawa si Jess. “Ano ka ba, nagpapaniwala ka naman sa mga ganiyan? Akala ko ba, hindi ka mahilig sa mga nakakatakot na palabas at babasahin? Halika, ihahatid na kita sa inyo.” Balewalang inakbayan ni Jess ang nalilito pa ring si Princess. Kahit pa, kinabog na rin ng pangamba ang kaniyang dibdib, hindi siya dapat na pangunahan ng takot. Mas kailangan siya ngayon ng kaibigan. “Pero Jess, alam mo kung ano…” Umiling si Jess na parang sinasabi niyang huwag na nitong ituloy kung ano man ang kaniyang sasabihin. Napapikit si Princess at marahang tumango. “Sige, alis na ko. Huwag mo na akong ihatid.” Buti na lang at may extrang tsinelas ang ina kaya iyon ang ipinagamit niya sa dalaga. Kahit anong pilit niya na ihatid si Princess, umayaw ito. Hinayaan na lang ng binata at baka mas lalong sumama ang loob nito sa kaniya kapag pinilit niya ang gusto. Mukhang okay naman na ang lihim na iniibig na kaibigan. *** Kanina pa tinititigan ni Princess ang libro. Walang pamagat at nababalot lang iyon ng itim na pabalat. Mayamaya pa, kinuha niya iyon at iniangat, binuklat ang unang pahina, walang nakasulat. Purong puti lang iyon at kahit kaunting dumi ay wala. Napabuntong-hininga si Princess, muli, binuklat ang sunod na pahina, nanatiling puting papel ang tumambad sa kaniya. Bubuklatin na sana niya muli ang pangatlong pahina, pero nagbago ang isip niya. Agad niyang isinara at binaligtad. Sa likuran ng libro siya nagbukas ng pahina, at para lang mapatda sa nakita! Naroon ang larawan ni Jenny ang kaklase nila noong high school, nagpakamatay raw ito sa pamamagitan nang pagtalon sa ikalimang palapag ng kinaroroonan ng kanilang silid. Absent siya ng mga panahon na iyon at tanging video na kumalat sa social media ang napanood niya. Paano niya nakilala, gayong nakatalikod ang naturang babae? May pangalan sa kaliwang dulo ng ibabang larawan, pirma mismo nang nasawing si Jenny. Hindi siya makapaniwala, lalo nang makita si Kaye sa pangalawang pahina, pagkabuklat niya. Nakasabit ito sa sariling kuwarto, habang suot ang paborito niyang pajama. Nakamulat at laylay pa ang dila. Tandang-tanda niya na ganito ito natagpuan. Naibalita pa nga ito sa telebisyon, radio at sa lahat din ng social media. May pirma rin ito sa ibabaw ng sarili nitong pangalan. Dala ng depresiyon kaya raw ito nagkitil ng sariling buhay. Napailing-iling si Princess. Parang hindi na niya nais na makita ang susunod na larawan, dahil kinukutuban na siya. Pikit-matang binuklat niya ang sunod na pahina at napahagulgol na siya sa nakita. Ang kapatid na si Elvie ‘yun. Malinaw na malinaw na ang larawan at kitang-kita ang ulo nito ay wasak, gawa nang pagkakabagok sa semento. At kahit hilam sa luha, nakita niya ring mayroon itong pirma gaya ng mga nauna. Niyakap ni Princess ang naturang aklat at impit na napaiyak. Ramdam niya ang lamig nang paligid at ang mabining paghampas ng hangin dahil sa galaw ng kurtina sa nag-iisang bintana sa kaniyang silid. Ate… Natigilan si Princess at agad na inilibot ang mata sa paligid. Hindi na gumagalaw ang kurtina at wala na rin ang malamig na dampi ng hangin. “Elvie… patawad.” At napayuko siya habang patuloy na umiiyak sa sinapit ng kapatid. Pakiramdam niya ay nadamay lang ang kapatid sa nangyari. *** “Naniniwala ka na ba?” Nasa garden sila ng bahay nila Jess. Nag-skip sila sa last subject dahil hindi na makapaghintay si Princess na ipakita kay Jess ang natuklasan. Larawan ng kapatid niyang si Vin ang kasalukuyan nilang tinitingnan. Hindi man nais ni Princess na ibalik ang lungkot na dala nang pagkawala ng kapatid nito, kailangan niya kasing ipakita rito ang mga larawan. Bumuntong-hininga si Jess at matamang tumingin sa meryendang katabi ng libro, na halos hindi man lang nila nagalaw, bago iniangat sa mukha nang naghihintay ng sagot na si Princess. “It’s just a drawing. Nagkataon lang sigurong…” “Jess naman! Nagkataon lang ang anim na namatay na parehong-pareho ang itsura ng kanilang kamatayan sa totoong naganap? Ang isa o dalawa, puwede pa. Pero ang anim, hindi nagkataon lang ang lahat!” Kita sa mukha ni Princess ang pagkadismaya ng hindi maniwala si Jess sa kaniya. Nagkibit-balikat lang naman si Jess kahit pa inis na inis na ang mukha ng kaibigan. “Princess, may mga salarin. Wala man kay Jenny at Kaye dahil suicide ang dahilan, si Elvie, nasagasaan. Sumuko naman ang truck driver, ‘di ba? At ‘yung kay Vin, hindi man nakulong pero may salarin. Nahuli rin ang pumatay kay Yam at nitong huli kay Jenica. May mga dahilan ang lahat. So…?” “Paano mo ipapaliwanag ang nakasulat sa dingding namin? Nagkataon din ba ‘yun, Jess?” makahulugang saad ni Princess. Napatayo na siya mula sa pagkakaupo sa harapan ni Jess. “May nakita ka nga ba? O, hallucination mo lang ‘yun? Wala ngang nakita ang mama mo, ‘di ba?” malumanay pa ring saad ni Jess. Nanatili siyang nakaupo habang mataman pa rin pinapaintindi kay Princess ang nangyayari. “Ewan ko, pero litong-lito na ako. Ayoko ring maniwala, pero, heto ang ebidensiya. Gusto ko na talagang kalimutan ang lahat.” Nagsimula na namang humikbi si Princess. Napabuntong-hiningang tumayo na si Jess at nilapitan ang dalaga. Agad na hinawakan ang magkabilang luhaang mukha ng dalaga. “Huwag mo na kasing isipin pa. Basta, hindi ito totoo. Hmmm…” tipid na ngiting saad ni Jess, bago tinanggal ang salamin nito at pinunasan ang luha sa pisngi. Agad na pinalis naman ni Princess ang kamay ni Jess sa kaniyang mukha. Iniabot din ang salamin at ibinalik sa mata. Bahagyang tumango, pero nakatatak sa isip na kung hindi ito naniniwala, siya na lang ang tutuklas kung tama ang hinala niya sa itim na librong nasa harapan. *** Masayang nagtatawanan sina Hazel at Mika habang nakatingin sa social media ng huli. Isang babaeng hindi kagandahan ang kasalukuyan nilang pinagkakatuwaan. Hapon ng mga sandaling iyon at wala na silang balak pumasok sa huling subject. Pare-parehong business management ang kinuha nila para sama-sama pa rin sila. Kasalukuyan silang naglalakad sa hallway ng second floor. Mas maganda kung maglalaboy na lang sila dahil masiyadong bore ang last subject nila. Sa parking na lang nila hihintayin si Kit. May basketball practice pa kasi ito. Mika… Natigilan bigla si Mika. Nilingon si Hazel sa kanan niya na biglang dinukot ang cellphone sa bulsa dahil may tumatawag. Nagkibit-balikat na lang si Mika at ibinalik ang atensiyon sa cellphone at nagsimulang sumali sa mga basher ng babaeng pinagtatawanan nila. Mika… Natigil ang tangka niyang pagtipa sa hawak at muli, napasulyap kay Hazel na nauuna na sa kaniya sa paglalakad habang may kausap sa sarili nitong aparato. Sa likuran naman siya bumaling. Medyo may kalakasan na kasi ang tumawag sa kaniya, bagamat parang hangin lang iyong sumasabay sa paligid, rinig niya na isang tinig iyon ng babae. Pero, tahimik ang pasilyong iyon sa second floor. Nagtataka nga siya dahil kapag ganitong oras ay may mga klase pa dapat sa mga silid na kanilang dinaraanan. Mag-a-alas singko palang halos at bakante na ang ibang silid kaya masiyadong tahimik. Sa bandang kaliwa naman napatingin si Mika habang patuloy sa marahang paglalakad. Tahimik ang silid habang sa siwang ng mga bintana siya nakasilip. Patay rin ang mga ilaw at aircon. Aakalain mong nag-uwian na ang lahat kung hindi lang sa mga gamit na nakikita niya sa mga upuang naroon. Hanggang makarating siya sa bukas na pinto. Iniangat niya ang paningin at napagtantong silid iyon ni Princess. Mika… Inis na ibinalik niya ang paningin sa silid. Sigurado siyang si Princess ang may gawa niyon. Mabilis siyang pumasok sa loob at agad na hinagilap sa paligid ang kinaiinisang dalaga. Subalit, halos naikot na niya ang hindi kalakihang silid, at kahit anong tawag niya sa pangalan nito ay nanatiling tahimik lang ang paligid. Walang Princess na nagpakita. Hanggang mapadako ang paningin niya sa bag nito. Tanda niya iyon sapagkat lagi nilang pinagkakatuwaan ng barkada ang kulay at ka-cheap-pan ng bag nito. Dadamputin sana niya iyon at itatapon sa labas bilang ganti sa hindi magandang biro nito, pero napasulyap siya sa desk nito. Isang itim na librong walang pamagat iyon. “Yuck, nagda-diary ang baliw?” Nagpalinga-linga pa si Mika, bago dinampot ang libro. Bubuklatin na sana niya ito nang biglang may humawak sa kaniyang kaliwang balikat. “Ano ‘yan?”  “Letse ka talaga, Hazel! Bakit ka ba nanggugulat?!” Inis na muntik niya pang pukpukin nang hawak na libro ang nakangising dalaga. “Ano ka ba? Bakit ba nagiging magugulatin ka na?” nakaismid na saad ni Hazel. “Tigilan mo kasi ang kakakape…” Halos sabay pa silang napasulyap sa pinto nang makarinig ng mga yabag na papalapit. Agad na hinila ni Mika si Hazel para makaalis na sa lugar na iyon, bitbit ang inakalang diary ni Princess. *** Naibuhos na ni Princess ang lahat ng laman ng kaniyang bag, pero hindi pa rin niya makita ang hinahanap. Inis na ibinagsak sa kama ang bag at nilapitan ang mga librong nasa kabinet. Inisa-isa niya ang mga iyon, pero wala ang librong itim. “Saan napunta ‘yun?” Napapakamot na siya sa ulo habang nag-iisip kung saan niya ba iyon nailapag o dinala. Tutunguhin na sana niya ang pinto nang mapasinghap ng biglang may dumaan sa kaniyang harapan. Napatigalgal siya at halos nakaawang na lang ang labi habang nakatingin sa likuran ng babaeng umuusok ang kabuuan at yakap ang sarili. Nanginginig ito at impit na umiiyak. Amoy rin niya sa paligid ang sunog na bagay na hindi niya maintindihan kung ano. Parang tuod sa kinatatayuan si Princess. Ni hindi niya magawang ihakbang paharap o paatras ang sariling mga paa sa sobrang takot. Umiiling siya habang pilit na umaatras subalit nakapagkit pa rin ang paningin sa babaeng hindi niya maintindihan ang damit kung madumi o parang sunog ang kulay. Mayamaya, tumigil ito sa pag-iyak at halos panawan siya nang ulirat nang unti-unti itong umikot ito paharap sa kaniya. Tinitigan siya, ngumiti nang malawak at itinapat ang kanang hintuturo sa gitnang labi. Shhh… rinig ni Princess na saad nito. May tumulo pang dugo mula sa bibig nito na dumaloy sa gitnang hintuturo tungo sa ibabaw ng kamay nito. Natulala at halos manlaki ang ulo at mata ni Princess nang makilala kung sino ang nasa harapan! *** “Princess, princess… nanaginip ka.” At mahinang tinapik ng nanay ni Princess ang mukha nito. Nang dumating siya mula sa trabaho ay nadatnan nitong nakahiga ito sa kama. Isasara na sana niyang muli ang pinto ng mapansing umuungol ito. Agad niya itong nilapitan at pawisan na rin ang mukha ng anak. Tinapik-tapik niya ang mukha nito parang tuliro ang itsura. Napamulat namang bigla si Princess na takot pa ring napatingin sa ina. Nang makilala ito ay agad na bumalikwas ng bangon at niyakap ang ina. “Ano bang napanigipan mo at mukhang hindi ata maganda.” Hinagod-hagod nito ang likurang bahagi ng katawan ng anak. Umiling-iling lang si Princess at nahihintakutan pa ring bumitaw sa ina. “Isang… isang kakilala lang, ma.” Tipid na ngumiti si Princess sa ina. “E, bakit parang takot na takot ka?” Pilit pa ring inaaninag ng ina ni Princess sa mukha nito kung nagsasabi ba siya ng totoo. “Dahil… dahil matagal na pong patay ang nagpakita sa panaginip ko.” Mahinang tugon ni Princess na tinanguhan lang ng ina. “Ipagtirik mo ng kandila, anak. Para matahimik ang kaluluwa.” Nakangiting hinawakan siya ng ina sa balikat bago nagpaalam na lalabas na. Pilit na tumango si Princess kahit na alam niyang hindi na madadaan sa kandila ang kakilalang sinasabi niya. Dahil matagal na itong hindi natatahimik. ***  “Ano naman mapapala mo riyan at kinuha-kuha mo pa kay Princess ‘yan?” habang humihithit ng sigarilyong saad ni Hazel. Nakatingin din ito sa librong itim na binuklat na ni Mika ang pabalat ng libro. “Diary ata ito ng gaga. Malay mo, may mabasa tayo rito na puwedeng gamitin laban sa kaniya. What do you think?” nakangising saad nito bago binuklat ang unang pahina. Inis pa nitong hinawi ang usok na ibinuga ng tatawa-tawang si Hazel. Nasa kuwarto sila ni Hazel at habang nakadapa sa kama si Mika ay binubuklat-buklat nito ang wala man lang sulat na libro. “O, may nakita ka ba?” nang-aasar na saad ni Hazel. Tumayo ito at kinuha ang cellphone na naka-charge sa sariling tokador. Inis namang nagbuklat-buklat ng pahina si Mika at isang pulang papel ang biglang nahulog mula rito. Dadamputin sana niya iyon nang maunahan siya ni Hazel. “Don’t tell your ending?” basa nito habang naupo muli sa dulo ng kama at iniabot kay Mika ang pulang papel. “Anong ibig sabihin niyan?” Bumangon naman si Mika at tuluyang naupo sa gitna ng kama. “Aba, malay ko! Baka, nabaliw na nang tuluyan si Princess kaya kung ano-ano ang sinusulat. Letse, wala namang kuwenta!” Pabagsak niyang ibinaba ang libro sa kama at bumaba, kanina pa siya nababanyo. Nang makapasok sa banyo si Mika, inilapag naman ni Hazel ang sigarilyo sa ashtray, bago sumampa sa kama at sumandal sa headboard. Mag-oopen na sana siya ng f*******: nang mapasulyap sa libro. Napakunot-noo siya at lalo pang inilapit ang paningin, pinakatitigang maigi, para lang mapaatras muli at mapatuwid nang upo. Isang makapanindig-balahibong larawan ang kaniyang nakita!   Shhh... Don't tell your ending jhavril
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD