Holy Yellow Lambhorgini!

3346 Words
Chapter Three Holy Yellow Lambhorgini!     (Lexine’s POV)               Sino bang nagpauso ng f*******:? Hayup na ‘yan oh. Ang lakas magpasabog ng notification nitong si Bryce. Hindi pa ba naiimbento ang dislike button at lahat na yata ng pinost kong status at wall posts ay nila-like niya? Wagas siyang makapindot, ah.                    “Ba’t ba kasi sobrang hot mo d’yan kay Bryce? Tingin ko naman okay siya, ah. Babaero nga lang daw.”                    “De magsama kayo.” -______-                    “Kung pwede nga lang, eh. Kaso ikaw ang gusto at hindi ako.”               Tsk. Bakit nga kaya bigla na lang naging gano’n ka-determinado ‘yon ngayon? Something smells fishy. Teka nga at malaman ang katotohanan. Kapag si Bryce, laging may kababalaghan. Kailangan kong malaman kung anong itinatagong baho nung walking one night stand na ‘yon.               Bryce Soriano                  Hi-ho Lex-babe! ^_^               Argh! Kainis! May inire-research pa ako, eh. Kita na. Nang dahil sa kanya kailangan ko nang isarado ang laptop ko. Ang lakas talaga niyang mambwisit. Nakakainis. Bakit kasi nag-exist ang mga ganyang nilalang? Dapat ‘yan ikinukulong na sa oven at tinutusta ng bonggang-bongga, eh.   xxxOxxx                    “Ang ganda talaga ng sasakyan niya. I wonder how much he pays for taxes and everything.” Sheena murmured habang nakatanga kami sa pumaradang lambhorgini sa harapan ng Wizardy Land.               I work as a part time controller ng rides at in the same time ay crew din kami ng kapatid ko sa Mickey Mouse club house sa loob ng amusement park na ‘yon. Daming work, noh? Ganyan talaga kapag masipag.               Pinagbuksan niya ng kotse ang babaeng kasama niya. Sa itsura palang eh mukhang mahihiya ang mga alipunga ng kapitbahay namin sa kakatihan nitong babaeng ‘to. Bakit ba laging ganyan ang mga kinukuha niya? Iwness to death. Tapos gusto niya akong ihilera sa mga ganyan?               Buni niya. -______-++                    “Saan na naman kaya niya napulot ‘yan?”               De saan pa? Sa Ayala. Ayala boy ‘yan, eh.                    “Huy! Ano na naman ba ‘yang binabasa mo d’yan at ayaw mong makinig at magsalita man lang?”               Kinuha niya sa akin ang magazine ko tapos tinignan niya. Ang bastos. Ba’t ba lumaki ‘tong walang manners? Ibalik ko kaya ‘to sa sinapupunan ni Inang Mahal at nang matuto namang tratuhin akong NAKATATANDANG kapatid?                     “Kaya naman pala. Pinagmamasdan ang pagmumukha ni Zone Ashton. Tsk, Ate, wala nang lunas sa kaadikan mo.”                    “Alam mo, kung sakit man ‘to, hindi ko gugustuhing gumaling ‘to, noh.”                    “Kaya nga kaadikan ang tawag, eh. Bakit, may adik bang gustong itigil ang pagda-drugs nila?”               Oo nga naman. -_____-                    “Miss, magkano sa big ferris?”               Resume ulit ako sa pagbabasa habang nakasandal sa booth ng big ferris na binabantayan ni Sheena. Malay namin kung nasaan si Manong ticket basta proxy si Sheena ngayon.                    “Tara na, honey.”                    “Wait a minute, hot stuff. Bumibili palang ako ng ticket.”               Sakit sa tenga. Ang landi, eh.                    “Uy, Sheena! Ikaw pala ‘yan.”                    “Hi-ho, Bryce! Ilang ticket?”                    “Dalawa.”               Naglabas si Sheena ng ticket sa maliit na butas ng glass window tapos kinuha ‘yon ni walking one night stand. Paano ko nakikita? Kunwari lang kasing nagbabasa ako pero ang totoo binabantayan ko lang ang kilos niya. I have to squeeze something out of this fooling machine.                    “Ito na, hot stuff. Let’s go.”               Anak ng mother fortress. Kitang-kita sa mata niya ang pagka-m******s niya. Ano daw ‘yon? Don’t tell me sa sakayan ng big ferris gagawin ang kababalaghan? Grabe. Ako pa naman din ang naglilinis ng seats d’yan. Kyaaaaaaah! Ayoko ng nai-imagine ko. O___O                    “S-Sheena, sinong nasa control?” O.O                    “Ewan. Bakit?”                    “Lex?”               Napatingin ako sa nagsalita. Siya. Siya as in si walking one night stand. As in si fooling machine. Basta siya. Yung pinanganak na mangma-manyak ng mga kamanyak-manyak na babae.                    “Alam mo hindi ko na talaga maintindihan ‘yang mga kalokohan n’yong magkapatid. Ano bang ginagawa n’yo dito at nagta-trabaho samantalang ang yaman-yaman n’yo?”               Snob. Papalapit sa kanya ang babae niyang hitad.                    “Sige na, hot stuff. Ikaw na muna ang sumakay. Sa horror house na lang tayo mamaya.” (~~,)               Nag-blush ang makiring babae at pumila na para sa next batch ng ikot sa ferris. Sumandal ulit ako at nagbasa, quite relieved na hindi ko na kailangang maglinis ng ano nila.                    “So…how’s your day, Lex-babe?” ^_________^                    “Kanina okay. Sumangsang ang hangin di na maganda.”                    “Really? Teka, sino bang pwedeng bayaran para maglinis ng hangin? Tsaka magkano ang bayad?” @____@??               Haist. Lord, bakit kayo gumawa ng ganitong nilalang? Gaano ba kalaki ang utak nitong lalaking ‘to? Palibhasa sa pangma-manyak lang kasi naka-focus ang buong atensyon kaya hindi na kaya ng utak niyang mag-process sa ibang bagay. Tsk tsk.                    “Bryce, wala ka bang balak na lubayan ako?” kung bakit ba naman kasi niya ako natunton, eh.                    “Well…you know…this past few days I feel alone. I just want somebody to talk to. Someone na maiintindihan ako.”               Bakit parang ang dating ng ‘somebody’ niyang ‘yon sa akin eh ibig sabihin somebody na matino? Nyah? Ang adik.                    “Si Ana? Anong ginagawa ng partner mo? Hindi ba siya somebody to talk to para sa’yo?”                    “Well she’s got biz with this…” bumuntong hininga siya. “She’s with Xander, her boyfriend.”               HUWAAAAAAAAAT? O_______O                    “A-As in for real? Di ba on and off ‘yon? Di ba hindi siya seryoso do’n? Di ba live in kayo?”               Tinakpan niya ang bibig ko. Si Sheena naman parang hindi rin narinig kasi nagbubukas siya ng mga tickets at nag-aayos sa drawer ng booth. Saka lang niya ako binitawan nang masigurong walang nakarinig sa sinabi ko.                    “Ang daldal mo.” He hissed. “Hindi lahat ang sagot sa tanong mo. Yung live in issue mo na noon mo pa pinipilit, ang tagal nang tapos no’n. Di ka ba marunong mag-move on?”                    “Sorry naman. Akala ko naman kasi hanggang ngayon it’s complicated pa rin ang status mo. Eh teka…siguro nagseselos ka, noh?”               Ganito reaksyon niya -> ??___??               Hindi ko masabi kung nagda-drama lang siya o totoong waley siya care. After all sabi naman niya mahal niya ang partner niyang ‘yon. Well noon ‘yon. Ano bang pinagkaiba ng noon at ngayon? If true love ‘yon, it’s forever. Di ba di ba? Tsaka si Miss Rayven lang yata ang kayang magpatino sa kanya. Kaya nga ba? Parang wala namang nangyari.                    “Ay wait, you want to go out on Sunday night, Lex? May tickets ako for the charity show ng Danger. Isama mo si Sheena.”                    “For real? Wah sure sure!” $______$               Ngumiti lang siya at umalis na. Hala. Nagpadala na naman ba ako? Nahulog ako sa trap? Tsk. Okay lang as long as wala siyang balak halayin ako dahil magkakamatayan kami bago niya magalaw ang aking precious white flag. Hindi siya ang babasag ng barrier n’yan, noh. Anyone, h’wag lang siya.               Pero h’wag naman anyone. May taste ako, noh. =_____=   xxxOxxx                    “Bakla, itigil mo na ‘yan.” pag-awat ni Fu sa akin sa kakakalkal ng mga gamit sa drawer ng information room.                    “Tsk manahimik ka na lang d’yan. Look out ka nga, di ba?”                    “Ows? Sure ka bang kaya mo ang napag-usapan n’yo ni Jc?”               Nyah? O__________O               On impulse ay agad na nagtago si Fu sa likod ng pintuan. Dahil maliit ako eh nagkasya ako doon sa likod ng drawer. Ang liit ng space na ‘yon kaya nasisiksik ako sa alikabok. Ang dumi namang ng kwartong ‘to. Sasapatusin ko ang kuya janitor na na-assign dito, eh. Hindi marunong maglinis. Ang dumi oh!                    “Psh. Kaya ko ‘yon. I can screw Lex on a date. Mabait ‘yon, papayag ‘yon. Sana…”               Tumawa si Finn. Oo. Sina Finn at Bryce ‘yon na sinususian ang mga drawers na naglalaman ng information papers na kailangan ko ngayon.                    “Eh ba’t may sana? Stop it, Bryce. Hindi maganda ‘yang usapan n’yo ni Jc. Bago ka pa mapahamak d’yan, itigil mo na.”               Eh? Ano bang usapan ‘yon? Bakit nadawit ang maganda kong pangalan?               Hindi na nagsalita pa si Bryce hanggang sa makalabas silang dalawa sa kwartong ‘yon. Kanda hirap ako sa paglabas sa sinuksukan ko. Bwiset na alikabok ‘yan. Si Fu naman nakasilip sa pintuan.                    “Bakla, narinig mo ‘yon?”                    “Oo, bakla, dinig ko. Di ako bingi. Ano bang usapan ‘yon?”               Umalis siya sa pintuan at lumabas ng kwartong ‘yon kasabay ko. Naglakad kami sa hallway habang pinapagpag ko ang mga alikabok sa damit ko.                    “Siguro kailangan nating sundan ang Jc na ‘yon. Whatya’ think, bakla?”               Weh? Baklang ‘to oh. -_____-                    “H’wag mo nga akong ini-etching, Fu. Gusto mo lang makita ang yumminess ni Jelo Cielle kaya mo gustong sundan ‘yon, eh. Pasalamat ka uma-adventure ako ngayon kung hindi sasapatusin ko ang ngalangala mo d’yan.”               Tawa ng makiri tapos nag-kangaroo steps siya ahead of me. Bakit ang lalandi ng mga bakla?               Namataan namin ni Fu ang target sa di kalayuan ng gym ng Firebirds. Palabas na siya ng shower room. Ito namang si bakla mukhang sarap na sarap sa nakikita. Grabe. Ang hirap magsama ng ganito. Wala bang lunas ang kalandian? Virus na kasi ‘yan, eh. =______=”                    “Oh Bryce! Balita? Sa Monday two weeks ka na. Mapapasaakin na ang yellow lambhorgini mo. Nailabas mo na ba si 7 Eleven girl?”               7 Eleven girl? Anak ng horse, iyon ang tawag nila sa akin? May pangalan kaya ako! Lex ang pangalan ko at hindi 7 Eleven girl! Mga walking one night stand! Argh! Kayamot!                    “Sa Sunday, sa concert. Makikita mo siya do’n.”                    “Okay, let’s see.”               Wala nang ingay. Narinig ko na lang na nagha-hum na si Bryce habang papasok at nagkalat ang mga damit niyang hinuhubad niya hanggang sa pumasok siya sa shower room nila.                    “Uy bakla.” Pabulong na tawag ni Fu sa akin habang pareho pa rin kaming nakasilip sa kung sino pang paparating doon. “Narinig mo ‘yon? Sounds like pinagpustahan ka. Tapos lambhorgini ang price mo. Wow. Mahal na rin infairness.”               Gaga ‘to, ah. Sasakalin ko ‘to. -_____-++                    “Hindi kayang tapatan ng isang wengyang lambhorgini ang worth ko as a girl and as a date, noh. Hayup na womanizer na ‘yan. Humanda siya sa akin. Malalagot siya.”   xxxOxxx               Gusto ko na sanang tumawa sa naging reaksyon niya kaso kasama ko siya kaya hindi pwede at baka mabisto ako.                    “What the? Who f*cking dared to do this to my car?”               Takot ang mga dumadaang estudyante pati teachers. Nakakatakot na kasi ang itsura niya ngayon. Para na siyang papatay any minute na makita man niya kung sinong pangahas ang nag-vandalize ng words na Womanizer! Jerk! p*****t! Gross! sa iba’t-ibang parts ng pinakamamahal niyang kotse. Grabe, noh? Ako lang ang may gawa n’yan. Bwahaha. ^O^                    “Psh. Sa dami ng mga babaeng pinaglaruan mo, tingin mo gano’n mo kadaling mate-trace ang may gawa n’yan?”                    “Or pwede ring mga lalaking may galit sa’yo.” Sabi naman ni Finn.               Inis siyang bumuntong hininga.                    “Kailangan bang idamay ang kotse ko?”                    “Yan kasi ang pangunahing kasabwat mo sa lahat ng mga kababalaghan mo kaya ‘yan ang unang binabanatan.”               Matalim ang tingin niyang bumaling sa akin na parang gusto akong patayin? Umarko ang kilay ko. Aba aba. Patalsikin kita sa Mediterranean Sea d’yan, eh. Nag-walk out siya. Nagkibit lang ako ng balikat at tinignan ang mga artworks ko sa kotse niya.               Nice one, Lex. So brilliant. ^O^                    “Galawin na ang lahat h’wag lang ang kotse.” I heard Finn mumbled.               Ipinamulsa ko ang dalawang kamay ko sa jeans ko. Nakatitig pa rin sa kotse pero ngayon may bahagya nang pakikiramay. Alam kong madali lang tanggalin ang mga ‘yan pero kahit na. Insulto pa rin sa kanya ang mga ‘yon. Totoo pero…as far as I know that man, tagos hanggang kaluluwa ang mga insultong ibinabato sa kanya.                    “Magkano lang ang paayos d’yan. Pero ang mga pusong sinira niya, hindi niya na kahit kailan maaayos ‘yon.” Then I walked away.   xxxOxxx   (Bryce’s POV)                      “Magkano lang ang paayos d’yan. Pero ang mga pusong sinira niya, hindi na niya kahit kailan maaayos ‘yon.”               Para na akong sirang plaka. When it was Lex, it was always true. Haist. Grabeng damage na ang nagawa ko sa utak niya. Sobrang panget na ng image ko sa kanya. What have I done?               Nalamukos ko ang mukha ko at binato ang napulot kong bato sa may ilog. Nag-create ‘yon ng sinking sound.                    “Emote emote, huh?”               Napalingon ako. It was Sheena na may dalang mga supot. Malamang napadaan siya dito. Come to think of it, hindi ko pa nga pala alam kung saan tumutuloy ang magkapatid na ‘yon.                    “You’re not with Lex?”                    “Hmm, busy siya, eh. Naghahanda siya para do’n sa project niya sa literature tapos nagsusulat pa siya ng kwento. Madaming pinagkakaabalahan ‘yon, eh. Don’t expect her to be free at pumunta lang sa wet and dry market para bumili ng isang kilong tilapya.”               Tilapya? o.O               Ano bang nangyayari kay Lex at sukdulan na ang pagtitipid? Sa palengke niya pinabibili ng tilapya si Sheena? Pwede naman sa supermarket, eh. Tsaka bakit tilapya lang? Ano kayang lasa no’n?                    “So…what are you doing here?” tanong ni Sheena.                    “Wala, nag-iisip, hinihintay ang kotse ko. Pinaayos ko, eh.”                    “Yeah, I heard. Condolence.”               Enk! Mukhang mas adik pa ‘to sa kapatid niya, eh. Condolence daw.               Honestly, may hinala akong si Lex ang may gawa no’n nung una. But then hindi niya gagawin ‘yon sa kotse ko at kung siya man ‘yon, may sarili siyang original na terms of endearment sa akin hindi yung mga common na jerk, womanizer, at p*****t. Pati yung gross na ‘yon. Quite alarming I know. May bigla na lang nagva-vandalize sa kotse ko. Pero anong magagawa ko? Haters makes me famous. (~~,)                    “Isa lang ang ipapayo ko sa’yo, Kuya Bryce. Lumayo ka kay Ate kung pina-plano mo siyang biktimahin ng ganyan. She doesn’t deserve it. H’wag siya. Remember, hindi ako nakikiusap, nagpapayo ako sa’yo. Hindi mo gugustuhing bumaliktad ang mundo mo kapag kinanti mo ang Ate ko.”               Iyon lang at umalis na siya.   xxxOxxx   (Lexine’s POV)                      “That word that I’ve been holding back till now, our skin’s almost touching. I’ll never dissapoint you girl I promise. You and I are alike, we have a different soul than others. Let’s carry this boring world on our backs and let’s rock and roll! Mm on—”                    “Ate! Tumahimik ka na! Ayan na naman ‘yang pamatay na chorus ng kantang ‘yan, eh! Sisigaw ka na naman!”               Di pa nga nakakasigaw, eh. -_____-               Bago pa man ako makasagot kay Sheena, nag-ring ang phone ko. Text message lang naman so simple ring lang siya. Sayang. Di nag-ring yung favorite song ko. Nyahaha. Patugtugin ko na lang mamaya.               From: +639246*******                  Lex-babe mamaya, ah. Wait mo ako sa park, malapit lang ‘yon do’n.               Huh? Ano daw?                    “Sheena, anong araw ngayon?” tanong kong pasigaw dahil nasa banyo siya habang nagluluto ako.                    “Sunday, bakit?”               Sabi na eh. Ngayon ang charity concert ng Danger. Sayang naman si ticket kung hindi magagamit. Pwede naman akong pumunta pero hindi malalaman ni Bryce. Tama. Tuturuan ko siya ng lesson. Yung lesson na hindi niya makakalimutan.                    “Oh yeah! I’m feelin’ like oh yeah! Oh oh oh na na na! Oh yeah!”                    “Ate naman, eh!”               Tahimik na nga. >.///            From: +639246*******                  Malapit na matapos. Abang ka na sa park.               Psh. Ano ka jackpot sa lotto? Swerte mo naman. Nag-off ako ng phone. Pagkatapos na pagkatapos din ng concert ay umuwi na ako. Gising pa si Sheena at nasa sala habang nakatuon ang atensyon niya sa libro.                    “Ang aga mo naman. Kumusta ang date?”               Date daw? Daming nalalaman ng bruha.                    “Wala namang date, noh. Asaness. Sabi na sa’yo di ba? Di ako napatol sa walking one night stand. Isa pa nagpunta ako do’n para sa concert at hindi para sa kanya.”               Nag-shrug lang siya. Dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog. Well actually, nagtangkang matulog. Pero alas onse na hindi pa rin nagha-hibernate ang diwa ko. Problema nito?               Si Bryce, naghintay kaya siya? Hindi naman siguro. Pero…hindi ako nakita nung Jc panigurado. So kumpiskado ang lambhorgini niya? Kawawa naman. Eh bakit ko siya iniisip? Argh! Ang gulo ko!               Tapos bakit ako nasa public park ngayon? -_____-                    “Oy.”             Lumingon ako. Grabeng balot niya sa sarili niya. Maginaw kasi na kahit nga ako eh naka-hoodie ding lumabas. Galit siya nang bumuntong hininga. Ewan ko kung bakit ako nagi-guilty. Basta. Hindi dapat ako pumunta dito.                    “Explain. Naka-off ang phone mo.”                    “Nawalan ng power. Di ko na-charge, inantok ako, eh.”                    “I saw you at the concert. Bakit hindi ka dumiretso dito?”               Sa liit kong ‘to nakita niya ako?                    “So really, Bryce, what are you mad about?”               Puzzled ang tingin niya sa akin na may kasamang galit. Oo galit siya. At hindi ko alam kung alin sa dalawang choices ang dahilan ng galit niya. Either galit siyang natalo siya sa pustahan o galit siyang pinaghintay ko siya na imposibleng mangyari dahil malamang kanina pa may kaharutan ‘yan dito hindi ko lang makita-kita kung saan nagtago.                    “You know I waited for you.”                    “So? Hindi ko sinabing maghintay ka.”                    “Why are you acting like that?”                    “Eh ikaw? Bakit mo ako kailangang gamitin para sa isang pustahang walang ka-kwenta-kwenta kumpara sa halaga ko? Tapos ikaw ang may ganang magalit ngayon? Tss. You know what I hate you. You only care for yourself and nothing else. You take women just to soothe your own earthly cravings!”               The light in his eyes changed by that sudden words na hindi ko rin malaman kung paano lumabas sa bibig ko. Oh no. Napagsalitaan ko siya ng hindi maganda.                    “Do you know that I was planning to say sorry when I first came here. Tapos hindi mo ako sinipot. Lex, you don’t know anything except for the impression I have remarked to you. So please stop judging me like you really know me cause you don’t.”               Nag-walk out siya. Ako, surprised na makitang nando’n pa ang kotse niya. Tsk. Ano daw? Di ko raw siya kilala? Tss. Umpisa pa lang ang intense na. Bahala na nga siya.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD